2
AMORA
"Yess! Yess!" Nag tatalon ako palabas ng pintuan ng building.
"Tanggap agad ako sa work yessss!" Masayang sabi ko.
Bago ako lumabas nag taka lang ako sa sinabi nung gruad. Parang gulat na gulat siya na tanggap ako ng HR na si Ms. Sandra. Hmmm? Bayaan na nga.
Nag lakad lakad ako sa gilid, ng building, sobrang ganda!
Napa hanga talaga ako ng sobra, ang ganda naman kasi talaga dito sa syudad!
Habang nag lalakad nakaisip ako na, tumikim ng mga pag kain kaya nag lakad lakad pa akoooo.
Tumingin muna ako sa suot kong relo hmmm mag lulunch na. Saan kaya ako kakain ?
Tumingin tingin ako sa paligid, at ayun! Sakto may nakita akong parang parke, may upuan at maganda ang simoy ng hangin.
Pumunta ako don,umupo at kinuha ang lunch box sa bag ko para kumain.
"Wowww! Ang ganda naman ng upuan na to" sabi ko, habang hinahawak hawakan ang upuan.
Nilabas ko na ang lunch box ko at kumain sa may tabi ng maliit na puno. Maiinit kasi pag hindi sa tabi ng puno.
"Grabe sobrang saya ko talaga!" Pasigaw kong sabi.
Nakatingin sa akin ang mga tao habang nag lalakad sila sa gilid.
"Huh? Ano kayang tinitingin tingin nila?" Mga salita sa isip ko habang kumakain.
Maya maya pa ng malapit na akong matapos kumain may kumalabit mula sa likod ko.
"Miss? Bawal po tumambay at kumain dito," sabi ng pulis.
"Ha? Bawal bakit? Eh ang ganda ganda ng lugar, perfect para kainan!" sabi ko.
"Miss? Pulis kami gusto mo bang arestuhin ka namin?" tanong ng isang pulis.
"Poooooo?Huwag po eto na po aalis na pasensya na po ah. Hehe, ligpit ko lang po itong kainan ko at aalis na ako," sabi ko.
"Paki bilisan miss," sabi nung isang pulis.
"Opo mga kuya ito na po," sabi ko,sabay alis.
Umalis na ako nag lakad ako at inayos ko ang buhok ko ang hangin naman dito sa syudad pero hindi ganon ka presko ang hangin.
Hmmm? Tumingin ulit ako sa orasan ko. 1pm palang naman, saan kaya ako pwdeng gumala gala?
At ayun!Naka kita ako mga aso ang cucute naman nila.
Pinuntahan ko.
"Miss bili ka aso?" tanong ng may ari ng aso.
"Ah benebenta po ba ito?" tanong ko.
"Oo miss. Hindi mo ba nakita sa labas nakasulat "Pet Shop," sabi niya.
"Ahh petshop," sabi ko.
Umikot ikot ako at may isang aso don ang cute sobra.
"Kuya? Ang cute naman ng aso nato? Naka wig pa hahahaha!" Natatawang sabi ko.
"Ha?Anong wig?" pag tatalang tanong niya.
"Ayan oh kuya hindi mo ba nakikita? Wig yan ahahaha ang cute talaga!" Masayang sabi ko.
"Miss hello? Hindi po wig yan,natural na buhok niya yan kasi nasa lahi niya," sabi niya.
"Ha? Buhok niya to?" pag tatakang tanong ko.
"Oo miss, alam mo miss kung hindi ka naman bibili lumabas ka nalang istorbo ka eh," naiinis na sabi niya.
"Ay grabe sige po lalabas na," sabi ko, sabay labas sa pet shop niya.
Lumabas na ako ng pet shop. Sungit naman non. Ganon ba talaga tao dito sa syudad! Maiinitin ang ulo jusko.
Nilabas ko ang cp ko at tinext si manong driver kung anong oras niya ang susunduin at saan kami mag kikita.
Ako: manong, saan tayo mag kikita mamaya? Saka anong oras?
Nag antay ako ng limang minuto pero wala pa siyang reply, hays ano bayan maka pag lakad lakad na nga lang ulit.
Sa kakalakad ko naka punta ako sa may bentahan ng damit pumasok ako don at tumingin ng mga damit.
"Woaaahh! Ang ganganda naman ng damit dito!" Manghang sabi ko.
"Miss? Ayan ba gusto mo?" tanong ng isang sales lady.
Nagulat ako nag salita yung sales lady, naka hawak kasi ang sa isang polo shirt na pink ang ganda kasi talaga.
"Ah? Mag kano po ba ito?" tanong ko.
"1,200 pesos maam, sale na po yan last month po 3,000 pesos po yan," sabi niya.
"Po? 1,200?" Gulat na sabi ko.
"Yes po maam, ano po bibilhin ninyo?" magalang na tanong ng sales lady.
"Ahh hindi po hindi po!" Nag mamadaling sabi ko, sabay labas sa store nila.
Ang ganda nga sobrang ganda den ng presyo.
Nag lakad lakad nalang muli ako, sa pag lalakad ko biglang tumunog yung cellphone ko.
Nag text na pala si manong driver.
Manong: Sa BoboKaTea tayo mag kita. Mga 5pm sa hapon
Ako: Po manong?
"Huh? Ano daw sabi ni Manong? Hindi ko naintindihan," sabi ko, habang nag lalakad.
Habang hawak ko ang cellphone ko may dalawang babaeng teenager ang nag lalakad at naka tingin dito sa cellphone ko.
"Yaks, de keypad ang phone," sabi ng isang teenager na babae.
"Oo nga panahon pa ni kopong kopong yan," sabi ng kasama nito.
Narinig ko ang pag uusap nila. Bakit naman kaya nila pinag iinteresan itong cellphone ko.
"Hoy?! Kayo?" sabi ko.
"Yes?" sabi ng isang teenager na babae, sabay lingon.
"Bakit niyo pinag uusapan cellphone ko?May balak kayong nakawin noh?" tanong ko.
"Hahahahahahaha! girl, cellphone mo?" Natatawang sabi niya.
"Hahahaha narinig mo ba yung sinabi niya girl?" tanong ng kasama niya.
"Oo hahahaha nakakatawa!" sagot naman nung isa.
"Hahahaha walang mag kakainteres sa cellphone mo," sabi nung isang kasama niyan babae din.
"Oo nga tara na nga hahahaha!" sabi nung isa, sabay akay papalayo.
At umalis sila na nga sila at tawa sila ng tawa habang umaalis. Ako naman itong tinitignan cellphone ko kung may deperensya ba?
"Hmmm wala naman," sabi ko sa sarili ko pero mahina lang.
"Ano bang nakakatawa dito wala naman?" tanong ko, habang tinitingnan ang cellphone ko.
Umalis nalang ako nag lakad ako at maya maya pa nag ring ang cellphone ko tumawag pala si manong.
"Hello Amora? Oh maaga tayo makaka balik sa inyo ngayon na 4 pm," sabi ni manong mula sa kabilang linya ng telepono.
"Ah okay po manong, saan nga po ulit tayo mag kikita?" tanong ko.
"Sa BoboKaTea antayin kita doon," sabi niya.
"Ano Ho? Manong Bobo ako?" pag tatakang tanong ko.
"Ha?Hello hello?" sabi ni manong mula sa kabilang linya.
"Hellooo manong hello?" sabi ko.
Toooot!
Hays mahina siguro signal don sa lugar ni manong.
Nung tatalikod na ako, may isang babae bigla akong kinausap.
"Papunta ka din ba ng BoboKatea?" tanong ng babae.
"Ah miss? Hindi po ako bobo," seryosong sabi ko.
Natawa siya. "Hahaha, hindi pangalan ng tea yun BoboKaTea," malinaw na pag kaka sabi niya.
"Ahhh? Okay pangalan pala yun," sabi ko,sabay kamot ng ulo.
"Oo tara na," sabi niya.
Nag lakad kami ng mga 5 minuto lang naman. At ayun nakita ko ang isang lugar kung saan naka sulat sa taas ay "BoboKaTea"
"Dito na tayo, gusto mo bang mag milktea muna?" tanong niya.
"Ah? Milktea? Ano po yun?" pag tatakang tanong ko.
Lumaki ang mata niya, "Huh? Milktea, specialty to ng BoboKatea," sabi niya.
"Ah hindi na po salamat ah may inaantay po kasi ako," sabi ko, sabay tingin sa orasan ko.
"Boyfriend?" tanong niya.
"Ah nako hindi po," sabi ko.
"Ah okay, upo muna tayo dito habang inaantay mo," sabi niya.
"Sige po," sabi ko.
"Miss? Isang large na Machota Cholate paki damihan naman yun milk kamo saka less tea and pakidamihan ang ice," sabi niya sa waiter.
"Okay po maam," sagot ng waiter.
"Ariza,ikaw?" sabi niya, sabay abot ng kamay niya sa akin.
"Ha? Ay, Amora," magalang kong sabi,at inabot ko din ang kamay ko sa kanya.
"Ah nice to meet you sana next time matikman mo tong specialty nila," sabi niya.
"Ah sige po," sabi ko, sabay ngiti.
Beep! Beep!
"Ah miss Ariza? Mauna na ako salamat ah bye," sabi ko sa kanya, sabay lakad papunta kay manong.
"Sure no problem, Welcome!" sabi niya, sabay kaway sa akin hudyat ng paalam.
Sumakay na ako kay manong driver sakto lang pala ang pag aantay ko don sa BoboKaTea, na akala ko tinatawag akong bobo.
To be continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro