Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

Nagkaroon ng konting excitement sa opisina nang mag-anunsyo si Daniel ng isang bagong contest para sa lahat ng designers sa company. "Best in designing contest!" sabi ni Daniel habang nakatayo sa harap ng mga empleyado. "Magkakaroon ng reward ang mananalo, at ito ay hindi basta-basta. All expenses paid trip, kasama ang cash prize. Kaya gawin niyo ang best niyo!"

Napalitan ng kilig at excitement ang paligid. Lahat ng empleyado ay agad-agad nagplano ng kani-kanilang mga ideya. Si Amora, kahit medyo kinakabahan, ay nakangiti rin. Matagal na niyang gustong ipakita ang galing niya sa design, at ito na ang pagkakataon niya.

Habang naglalakad si Amora palabas ng meeting room, napansin niya si Sir Jem at si President K na mukhang seryoso ang pag-uusap. Nagtataas na ng boses si K. "Bakit palagi kang wala, Jem? Lagi na lang ako ang gumagawa ng trabaho mo!"

Naiiling lang si Sir Jem, halatang hindi naaapektuhan sa galit ni K. "Alam mo, K, hindi mo kailangang maging ganito. I'm doing my best."

Tumayo si Daniel para pumagitna sa dalawa. "Tama na, K, Jem, ayusin natin ito nang maayos. We're family, okay? Wala dapat nag-aaway."

Pero hindi nagpapigil si K. "Family? Paano magiging okay 'to kung hindi ka naman nagpapakita sa opisina, Jem? I can't trust you with the work!"

"Alam ko, I'm trying to—" Naputol ang sasabihin ni Jem nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Astrid, ang ex ni President K, at tila biglang nagliwanag ang buong opisina. Hindi mapigilan ng mga empleyado na magbulungan. "Siya 'yun, diba? Ex ni Pres K?"

Halatang napatigil si K, pero pilit niyang kinokontrol ang sarili. "Astrid, what are you doing here?" tanong niya, medyo malamig ang boses. Nakatitig siya sa kanya pero bakas ang tension sa kaniyang mukha.

Si Astrid naman ay naglakad ng diretso kay K, ngumingiti ng kaunti. "K, I just wanted to talk. Can we?"

Nakita ni Amora kung paano nag-iba ang ekspresyon ni K. Bagama't galit ito kay Jem kanina, parang naging awkward at tahimik siya sa harap ni Astrid. Si Jem naman, napailing lang at umalis ng opisina, mukhang hindi interesado sa drama. Si Daniel naman ay mukhang nahihirapan kung ano magiging reaksyon ni K mula sa sitwasyon. 

Kinagabihan, naglakad-lakad si Daniel at Amora matapos ang trabaho. Hinatid siya ni Daniel pauwi, at habang nasa labas na sila ng bahay ni Amora, nagsalita si Amora, "Sir Daniel, gusto mo bang mag-dinner muna bago ka umuwi?" Nakangiti ito, at halatang gusto niyang makasama pa si Daniel ng konti.

Nag-isip si Daniel saglit pero ngumiti rin. "Sure, Amora. Hindi pa ako gutom, pero may bibilhin muna ako ."

Sa loob ng bahay, habang kumakain sila, napag-usapan nila ang mga simpleng bagay — tungkol sa work, sa contest na ini-announce kanina, at iba pa. Pero pagkatapos ng ilang minuto, naging seryoso ang tingin ni Amora, at mukhang may gustong sabihin.

"Alam mo, Sir Daniel," biglang sabi ni Amora. "May isang bagay ako na hindi ko madalas ikuwento sa iba."

Napatingin si Daniel sa kanya, seryoso na rin ang mukha. "Ano yun, Amora?"

Napabuntong-hininga si Amora bago magsalita muli. "Simula nung bata pa ako, hindi ko talaga kilala ang totoong magulang ko. Iniwan lang ako sa isang bahay ng mga malalayong kamag-anak na tumulong sa akin habang lumalaki. Wala akong alam tungkol sa kanila, except sa isang sulat na iniwan nila nung baby pa ako."

Napatigil si Daniel sa pagkain. "I didn't know, Amora. That must've been hard."

Tumango si Amora, pilit na ngumingiti pero bakas ang lungkot sa mata niya. "Oo, mahirap. Pero natuto akong mag-isa. Masaya naman ako ngayon dahil sa trabaho sa JEWS Company. Ang dami kong natutunan, pero... minsan, hinahanap ko pa rin ang mga sagot."

Si Daniel, na nasa harap lang niya, ay ngumiti nang banayad. "I understand, Amora. I really do. Alam mo, minsan, hindi natin makokontrol kung ano ang simula natin, pero pwede natin kontrolin ang future natin."

Napangiti si Amora, pero hindi maiwasang mapaluha nang konti. "Salamat, Sir Daniel. Iba ka talagang makipag-usap, parang laging may sense."

Ngumiti rin si Daniel at nagbiro, "Baka naman na-inspire lang ako dahil sa presence mo."

Napatawa si Amora, kahit medyo nahihiya. "Grabe ka. Hindi bagay sayo yung ganyan!"

Pero bago pa matapos ang kanilang tawanan, biglang may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, si Manang Ester pala ang nandoon, tila naghihintay ng pagkakataong makausap si Daniel.

"Sir Daniel," sabi ni Manang Ester, medyo seryoso ang mukha. "Pwede ba kitang makausap saglit?"

Nagulat si Daniel pero sumunod ito palabas. Habang naglalakad sila palayo ng kaunti, naramdaman ni Daniel ang bigat ng seryosong usapan. Huminto si Manang Ester sa tabi ng pader at nagsimulang magsalita.

"Alam mo, Sir Daniel," sabi ni Manang Ester, "matagal ko nang tinuturing na anak si Amora. Kaya kapag may nangyari sa kanya, o may nanakit sa kanya, hindi ako magdadalawang-isip na protektahan siya."

Nanlaki ang mata ni Daniel at mabilis siyang nag-react, "Manang, hindi ko naman sinasaktan si Amora. Maalaga ako sa kanya."

Pero mukhang hindi pa tapos si Manang Ester. "Alam ko. Pero gusto ko lang malaman mo, kung may nararamdaman ka para kay Amora, siguraduhin mong hindi mo siya lolokohin. Baka masaktan siya."

Hindi agad nakasagot si Daniel. Tumingin siya kay Manang Ester at naramdaman niyang seryoso ito. Napatingin siya sa sahig, bago nagsalita ulit. "Manang... gusto ko si Amora. Simula pa lang."

Tahimik lang si Manang Ester, tila hinihintay pa ang sasabihin ni Daniel.

"Simula noong unang beses ko siyang makita," patuloy ni Daniel, "alam kong iba siya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kasi ayokong madaliin, pero gusto ko talaga siya, Manang."

Tumango si Manang Ester, tila nasiyahan sa narinig. "Tandaan mo yan, Sir Daniel. Kung may mangyayari sa kanya, ikaw ang una kong hahabulin." Nagtawanan sila ng kaunti, pero halata sa tono ni Manang Ester na hindi ito biro.

Sa huli, huminga nang malalim si Daniel at ngumiti. "Salamat, Manang. Hindi ko papabayaan si Amora."

Pagbalik ni Daniel sa bahay ni Amora, nagpaalam na ito na uuwi na. "Amora, alis na ako. See you tomorrow sa office?" Nakangiti ito nang magaan, pero may kakaibang init sa mga mata niya, isang bagay na hindi agad napansin ni Amora noon.

"Okay, Sir Daniel. Ingat ka," sagot ni Amora habang nakatayo sa pintuan, halos hindi maintindihan ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Ngumiti siya, pilit na tinatago ang bigat ng kanyang damdamin. Habang papalayo si Daniel, sumulyap ito muli sa kanya bago sumakay sa sasakyan, at bahagyang tumango. Si Amora naman, nagpaalam din at kumaway habang nakatayo pa rin sa pintuan.

Pagkaalis ni Daniel, napasandal si Amora sa pintuan, hinawakan ang dibdib na tila nagpapakalma sa biglang kaba na hindi niya maintindihan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? tanong niya sa sarili. Parang lumalim ang kanilang usapan kanina. Hindi naman siya madalas mag-open up sa kahit kanino, pero kay Daniel, parang natural na lang na magkwento siya tungkol sa mga bagay na matagal na niyang tinatago.

Hindi maiwasang bumalik sa isip niya ang bawat sandali ng kanilang usapan kanina, ang mga ngiti ni Daniel, ang kanyang malambing na tono, at ang pag-aalala nito para sa kanya. Parang iba na ang nararamdaman niya kay Sir Daniel, hindi na ito katulad ng dati na simpleng respeto lang bilang boss at empleyado. May halong pagkabighani at kagustuhang makilala pa ito ng mas malalim.

Teka... bakit ko naiisip 'to? Napailing si Amora sa sarili, pilit na itinataboy ang ideyang may iba na siyang nararamdaman. Siguro pagod lang ako, dahil na rin sa dami ng nangyari. Pinilit niyang iwaksi ang iniisip at nagpatuloy sa mga gawain sa loob ng bahay. Pero kahit anong gawin niya, patuloy na bumabalik si Daniel sa kanyang isip—ang mga titig nito, ang lambing ng kanyang mga salita, at ang pag-aalaga nito sa kanya.

Samantala, habang nagmamaneho pauwi si Daniel, hindi niya rin maiwasang mag-isip. Parang nag-iba ang mundo simula nang makausap niya si Amora nang mas malalim. Hindi ito ang unang beses na nakipag-usap siya sa mga empleyado tungkol sa kanilang buhay, pero bakit iba si Amora? Parang may kung anong damdamin na nagpapatibok ng puso niya tuwing kasama niya ito.

Amora... tahimik niyang banggit sa sarili habang nakatingin sa daan. What is it about you? Bigla siyang ngumiti, na parang hindi niya kayang iwasan ang pakiramdam na gusto niyang makita muli si Amora. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol dito, bawat sikreto, bawat ngiti, bawat lungkot.

Inisip niya ang gabing iyon, kung saan nagsimula ang kanilang usapan tungkol sa magulang ni Amora. Hindi lang siya natuwa sa tapang ni Amora na ibahagi ang kanyang kwento, kundi ramdam niya ang bigat ng mga salita nito. Gusto niyang ipakita kay Amora na narito siya para sa kanya hindi lang bilang isang boss, kundi bilang isang tao na handang makinig at tumulong.

Kinabukasan, sa opisina ng JEWS Company, balik sa normal ang lahat. Busy ang lahat sa mga project at mga bagong contest na inanunsyo ni Daniel. Pero habang nasa loob ng kanyang opisina si Amora, hindi niya maiwasang mapansin ang bigat sa kanyang isipan. Si Sir Daniel... si Daniel... paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang mga alaala ng kanilang pag-uusap.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng kanyang opisina, at pumasok si Diana. "Amora! Uy, nakita kita kahapon kasama si Sir Daniel ha! Anong meron?" tanong nito, sabay kindat.

Napatigil si Amora, biglang nag-init ang mukha. "Wala yun, nagka-dinner lang kami after work. Hinatid lang ako ni Sir Daniel, as usual."

"Aba, grabe ha! Huwag mong sabihing wala kang nararamdaman?" biro ni Diana, pero halata ang kasabikan sa kanyang boses. "Eh bakit parang ang sweet-sweet nyo kahapon? Teka, may something na ba kayong dalawa?"

Biglang natameme si Amora. Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi naman totoo na may relasyon sila ni Daniel, pero bakit parang nahihiya siya na itanggi? "Nako, wala, Diana. Wala talaga," pilit niyang tanggi, pero hindi niya rin maitago ang kilig sa tono ng kanyang boses.

"Ha! Eh bakit parang kinikilig ka?" Tumawa si Diana, tila natutukso lalo si Amora. "Kung ako sayo, Amora, go for it! Ang bait kaya ni Sir Daniel, tsaka, alam mo naman... gwapo din siya."

Natatawa si Amora pero hindi na rin maitago ang kaba. Bakit parang ganito na rin ang iniisip ko? tanong niya sa sarili. Sa gitna ng tawanan nila ni Diana, napansin niyang parang mas lumalim nga ang nararamdaman niya para kay Daniel. Maya maya ay pinatawag si Amora sa opisina ni Pres. K para may ipagawa na bagong design at kamustahin ang new marketing head na si Diana ngunit habang patuloy ang trabaho sa JEWS Company. Tulad ng inaasahan, pinagkaguluhan si Astrid nang bumalik nanaman ito sa opisina. Lahat ay nagtatanong kung bakit bumalik ang ex ni President K. Pero wala ring nakakaalam ng buong kwento, at tila tahimik lang si President K tungkol dito. Halata ang tensyon tuwing nasa opisina si Astrid, lalo na kapag nasa paligid si K.

Ngunit mas mainit ang ulo ni K tuwing nasa opisina si Jem. "Ano ba, Jem? Bakit wala ka na naman kahapon?" sigaw ni K habang nasa loob ng conference room. "Palagi ka na lang hindi nagpapakita! Anong klaseng pagtatrabaho 'yan?"

Si Jem naman, tulad ng dati, ay hindi gaanong pinapansin ang galit ng kanyang kapatid. "K, chill ka lang. Alam kong ginagawa ko ang trabaho ko. Hindi ko kailangan mag-report sayo sa bawat oras."

"Hindi ito tungkol sa pagre-report, Jem! It's about responsibility!" halos mag-init na si K sa galit. "Tayo ang nagpapatakbo ng kompanyang 'to, pero ikaw, wala kang ginagawa kundi maglakwatsa!"

Bago pa lumala ang away, pumasok si Daniel para umawat. "K, tama na. Jem, hindi ito makakatulong sa atin. Kailangan natin ng teamwork, hindi away. Iayos natin ito nang mahinahon."

Huminga nang malalim si K, pilit na pinakalma ang sarili. "Fine. But Jem, you better step up, okay? Hindi puwede ang palaging ganito." Tumalikod siya at umalis ng conference room, halatang masama ang loob.

Samantala, nasa loob ng kanyang opisina si President K.

"Kian, we really need to talk," simula ni Astrid, diretso at matalim ang tono.

Tumaas ang kilay ni President K at tumigil sa ginagawa. "What do you want, Astrid? Akala ko ba tapos na tayo sa usapang ito?"

Astrid, na pilit na pinipigilan ang luha, nagpakumbaba. "Kian... I know I've made mistakes. Pero mahal pa rin kita. Please, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. We can start over. Alam kong busy ka sa trabaho, pero hindi ako pumunta dito para makipag-usap tungkol sa business—pumunta ako para sa atin."

Nagpatuloy si Astrid, pero hindi na ito pinakinggan ni President K. Nakahinga siya ng malalim, halatang inis na sa sitwasyon. Nagsimula nang mapuno ang tensyon sa silid. Nang marinig ng mga empleyado ang sigawan, lalong dumami ang mga nagkokomento at nagchichismisan. Isa sa mga nakikinig mula sa labas ng opisina ay si Sir Jem, kasama si Sir Daniel at si Amora. Nagkatinginan ang dalawa, nagtataka kung ano na naman ang problema sa loob.

Sa loob ng opisina, hindi na napigilan ni Astrid ang kanyang emosyon. Bigla itong lumuhod sa harap ni President K, umiiyak at nagmamakaawa. "Please, Kian! Balikan mo ako! Hindi ko kayang mawala ka!"

Napatulala si Amora, si Sir Jem, at si Sir Daniel sa nakita. Hindi nila inasahan ang ganoong eksena. Lahat ng empleyado na nasa malapit ay napahinto rin, nagnanais malaman ang susunod na mangyayari.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si President K, tila pinipigilan ang pagputok ng kanyang galit. "Astrid, tumayo ka. Ano ba? Stop this nonsense. Two years na, Astrid. Two years. I've moved on. Kung ako sa'yo, gawin mo na rin."

Pero mas lumakas pa ang pag-iyak ni Astrid. "Bakit?! May iba na ba?! Sabihin mo sa akin, Kian! Bakit hindi mo ako kayang balikan?!" paulit-ulit niyang tanong, tila wala nang ibang bukambibig.

Nawalan na ng pasensya si President K. Habang patuloy na nangungulit si Astrid, bigla na lang niyang hinatak si Amora, na hindi naman inaasahan ang mangyayari. Nakatingin si Amora kay President K, naguguluhan at kinakabahan, pero hindi na siya binitiwan ni K.

"Wag ka nang magtanong, Astrid," boses ni President K ay malakas at determinadong puno ng emosyon. "Oo! Siya ang girlfriend ko, Astrid!" Itinaas niya ang kamay ni Amora at tiningnan nang diretso sa mata si Astrid. "Si Amora Rosselle Rodriguez! Siya ang nag-iisang babaeng mahal ko!"

Napatigil si Astrid sa pag-iyak. Gulat at sakit ang makikita sa kanyang mukha, habang ang mga empleyado naman ay nagulat sa kanilang narinig. Ang bulong-bulungan ay lalo pang lumakas. Si Sir Jem at si Sir Daniel, hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Si Amora naman, tila natulala. Nakatingin siya kay President K, hindi alam ang gagawin. Ano 'to? Bakit ako? Bakit sinabi niya 'yon?

Napalunok si Amora, nakaramdam ng magkahalong kaba at galit. Pero si President K, buo ang loob, at patuloy na hinawakan ang kanyang kamay. "Amora, let's go." Sabi niya habang walang tigil na pinagtitinginan sila ng mga tao.

Tahimik si Amora, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pero sa likod ng kanyang isip, naramdaman niya ang tensyon at pagkapit ni President K sa kanya—hindi lang dahil sa inis kay Astrid, kundi parang may kakaibang dahilan. Habang papalayo sila, naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya, parang may gustong iparating na hindi niya pa lubusang naiintindihan.

Naiwan si Astrid na nakatayo, tuluyang nawalan ng lakas. Naramdaman niya ang bigat ng desisyong ito, pero hindi na siya makapagsalita. Sa bawat salita na binanggit ni President K, para bang nawalan na siya ng pag-asa.

Sa opisina ng JEWS Company, patuloy pa rin ang bulungan ng mga empleyado. "Si Amora? Girlfriend siya ni Pres. K? Totoo ba 'yun?" tanong ng isang empleyado. "Hindi ko akalain! Pero parang bagay naman sila, di ba?" sagot ng isa pa.

Habang papalayo sina President K at Amora, nakatingin si Amora sa sahig, sinusubukang intindihin ang lahat ng nangyari. Pero ang isang bagay na hindi niya matanggal sa isip niya ay ang sinabi ni President K. Siya ang nag-iisang babaeng mahal ko—ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na tumutunog sa kanyang utak. Mahal? Mahal niya ako?

"Sir..." mahinang sambit ni Amora, pero bago pa siya makapagtanong, huminto si President K at tumingin sa kanya. "Pasensya na sa nangyari kanina, Amora. Kailangan ko lang siyang pigilan. Alam kong gulat ka, pero trust me... I had to do it."

Hindi agad nakapagsalita si Amora. Gusto niyang itanong kung totoo ba ang mga sinabi ni K, pero sa kabila ng lahat ng nangyari, natameme siya. Tumango na lang siya at piniling huwag nang magsalita pa. Ngunit sa kanyang puso, naramdaman niya ang kakaibang pagkilos ng kanyang damdamin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro