Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10


AMORA

Nagising na'ko sobrang laki pala talaga ng bahay niya

Nakakamangha naman talaga at may isang malaking garden sa likuran at isang malawak na sala.

"Gising kana pala iha," banggit ng isang matandang babae galing sa may kusina.

"Opo magandang umaga po." sabi ko.

"Eh halikat kumain kana ng almusal." niyaya niya ako sa isang mahabang mesa.

"Si President K po?" tanong ko.

Huminga ng malalim ang matandang babae. "Umalis na siya kanina pa."

Umalis na siya? Napaka aga naman.

"Gano'n ho ba, linggo naman ho ngayon diba?" pag tatanong ko.

"Oo iha, babalik din 'yun maya maya." sabi nito sabay ngiti.

"Nga pala iha kung hindi nakakahiya ano ka ho ba ni Sir Kian? Girlfriend?" mariin niyang tanong.

Muntikan akong mabilaukan. "Ahhh! Hindi po saka hinding hindi po mang yayari." alinlangang sagot ko sabay inom ng kape.

"Ah gano'n? Eh? Bakit dito ka natutulog? Saka ngayon pa lang siya nag dala ng babae dito sa pamamahay nila." sabi ng matandang babae.

"Ah ano po P.A po ako ni President K." sabi ko.

Natapos akong kumain tumawag muna ako sa manang ester at nag paalam na isang buwan ako hindi makakauwi samin dahil madami akong ginagawa sa trabaho dalawa dalawa na ang trabaho ko dahil sa mokong na President K nayon.

Wala naman akong magawa mataas din ang sahod ng company ko at kailangan ko ito dahil nag iipon ang ng pera para mahanap ko ang tunay kong mga magulang kung buhay paba sila.

Maya maya lamang ay narinig kong bumukas ang gate. Alam kong dumating na si President K, dali dali ko ng inayos ang mga kalat na nakikita ko hinanda ko nadin ang mga portfolio na pinagawa niya.

May gusto kasi siyang design ng isang kwintas naka ilang ulit na'ko sa pag drawing dahil may hinahanap siya na kung ano sa design at hindi ko pa 'yun makuha kuha.

Nakakastress talaga 'tong lalaking to.

"Magandang umaga Sir Kian". bati ng matandang babae na nakausap ko kanina.

Ngumiti si President K.

"Himala?" pabulong kong nasabi.

"May sinasabi ka?" tanong niya sa'kin habang naka taas ng ka onti ang isa niyang kilay.

"Wa wala po President K." sabi ko habang napa yuko.

Nag lakad siya at umupo sa sala kumuha ito ng chichirya at ngumuya. Ako naman ay naka tayo lamang sa gilid at pinag mamasdan ang kaniyang ginagawa.

"What?" tanong niya.

Sungit talaga ng hinayupak na'to!

"Tingin ka ng tingin sa'kin Amora! It irritates me!" sambit nya.

"O edi sige po isasara ko po ang mata ko kapag kausap ka." sabi ko sabay pikit na tila ba inaasar siya.

"Amora, stop being stupid. By the way where is the portfolio? I want to see."

Binigay ko naman sakaniya dali dali.

Binuksan niya ito. Tinitigan at nilipat lipat ang mga pahina naka limang gawa kasi ako iba't ibang design.

"This one will work paki palitan nalang siguro yung kulay soft light green."

Napa tango nalang ako at akmang aalis na pero bigla siyang nag salita.

"Mag bihis ka, aalis tayo." tanging nabanggit niya.

"Po aalis po tayo?" pag tatakang tanong ko.

"Narinig mo naman diba? Hindi ka naman siguro bingi?" masungit niyang sabi.

"Ah sige po bihis na'ko." nag mamadaling punta ko sa kwarto.

Noong matapos na'ko nakita ko naman pababa na ng hagdan si President K, naka polo navy blue ito at kitang kita ang tikas ng katawan. Pogi sana siya suplado nga lang. Parang daig pa ang babaeng may dalaw!

"Bring this." sabi niya sabay hagis sa'kin ng parang spray.

Hindi ko alam para saan 'yun iniisip ko tulot kung mabaho ba'ko? Napaamoy tuloy ako sa kili kili ko tas buhok ko.

Parang hindi naman kakaligo ko lang. Para saan 'tong spray? Sa kotse?

"What? You don't know where to use that thing?" sabi niya habang naka tingin sa'kin at naka tayo sa isang poste ng bahay niya.

Umiling lang ako.

"Grabe no? May mga tao papalang sobrang inosente sa panahon ngayon?" pang aasar niya pang sabi. "Amora, babae ka protection 'yan." sabi niya sabay alis.

Sinundan ko naman siya.

Protection para saan? Hala? Baka proctection para sa alam mo na sa s*x???!
Bakit niya ako binigyan nito? Kakaloka ito na ata 'yung kwenekwento ni manong driver sa'kin noon.

'Ang mga lalaki sa syudad iha ay kakaiba lalo na kapag mayayaman nakikipag s*x sila sa mga kababaihan na walang kaalam alam'

"Hala! Ah President K, hindi na po ako sasama." sambit ko.

Natigilan naman siya pababa ng hagdan nila na papuntang kotse niya na nag aantay sa may ibaba.

"Ano nanaman Amora? Dahil ba hindi ka sanay sa kotse?" iritadong tanong niya.

"Ah hindi po, ayoko ko po kasing makipag---". hindi natuloy sinasabi ko.

Tumingin siya ng masama. "C'mon? Tuloy mo sinasabi mo?"

"AYOKO KO PONG MAKIPAG S*X!!!" lakas loob kong sinabi sa harap niya.

Tumahimik saglit ang paligid napansin kong na binatawan ni ate na katulong din don ang hawak niyang baso na may lamang juice.

"Goodness Amora! S*x with whom? Me? No way! Sana ayos ka lang!" kitang kita ang pandidiri sa mukha ni President K.

"Eh para saan po itong protection? Hindi ba para don?" tanong ko.

Napa kunot siya ng noo niya. Kinuha niya ang cellphone niya na touch screen.

"See." sabay harap ng cellphone niya sa'kin.

"Protection for---." hindi ko na naituloy ang binabasa ko sa phone niya.

Nakakahiya! Protection pala kapag ka may mga masasamang mangyayari iispray mo pala sa mukha ng tao. Nakakahiya!!!

Sumakay na kami sa kotse. Nanaig ang katahimikan namin sa buong kotse sobrang hiyang hiya talaga ako ba't ko kasi naisip na para sa gano'n 'yun hays!

"Ummm President K, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi siya agad nag salita.

"President K, pwde po bang malaman saan po tayo papunta---?" naputol tanong ko.

"Mall, will buy you a new dress saka learning some etiquettes." he said.

"Etiquettes? Wala po ako 'nun?" nag tatakang tanong ko.

"Do you think you have?" sambit niya.

Aba kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to!

"Ah maybe po." tanging nasagot ko nalang baka kasi mag away nanaman kami.

Pumunta na kami sa mall at may isa pang building kaming pinuntahan. Doon ay tinuruan ako ng mga bagay bagay na hindi ko pa nalalaman gaya nalang ng pag gamit ng table napkin sa fine dining restuarant, pag pili ng tamang susuotin sa office, tamang posture at kung ano ano pa.

Noong pauwi na kami napaka dami kong bitbit na mga bagong pinamiling damit.

"President K, thank you po ha."

"Don't thank me, thank Daniel."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Si sir Daniel po?"

"Oo he's the master mind of all of this. Do you think ibibigay ko sa'yo yung ganto? No way!"

"Ah ang bait naman po talaga ni Sir Daniel at ang pogi pa." bulalas ko habang naka tingin sa side mirror ng kotse.

"So you think I'm not handsome?" tanong ni President K na siya namang kinagulat ko.

"Pogi ka po Pres kaso suplado nga lang."

Nag smirk lang siya sa'kin. Hanggang sa buong byahe tahimik ang namamagitan saming dalawa.

Naka tulog na'ko hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami.

Ang bilis mag lakad ni President K papuntang garden nila ako naman nilagay ko ang mga gamit ko sa kwarto ko at inayos ito.

"Ito sobrang ganda nito!" habang hawak hawak ang isang kulay pulang dress na tinitingnan ko kung bagay ba sa'kin.

"Perfect na perfect!" pahabol ko pa habang naka harap sa salamin.

Nung natapos ko na mga gagawin ko humiga ako saglit sa kama at nag pahinga. Madaming tanong pumapasok sa isipan ko. Tulad nung kay Sir Daniel sobrang bait niya para bilhan ako ng mga damit at mga kailangan ko.

Saka kung bakit mag kaiba ng ugali si President K at Sir Daniel eh parang sa iisang bahay lang naman sila pinalaki.

Maya maya pa nakaramdam na'ko ng bored. Lumabas muna ako para mag pa hangin hangin gabi nadin naman at kitang kita ko ang ganda ng buwan.

Habang nag lalakad lakad may mga pumapasok sa isipan ko. Ang ganda din naman pala manirahan sa syudad kapag mayaman ka. Hindi ko nga kasi naranasan 'to sa kinalakihan ko.

Habang patuloy sa pag lalakad may napansin akong mga alagang aso sa garden nila. Sinilip ko naman ito at na cucute-tan ako sa mga ito.

"Ang cute nila diba?" sambit ng isang babae mula sa likuran ko.

"Opo, kaninong alaga po itong mga ito?" tanong ko.

"Ah kay Sir Kian."

Gulat akong sa sinabi niya.

"Inaalagaan niya po itong mga ito?" tanong ko muli.

"Oo naman iha, siya nag papaligo diyan nag papakain, pinapa vet niya pa yan minsan nga tinatabihan niya yan kapag may sakit."

Nanlaki mga mata ko. May bait palang tinatago tong si Mr. President Kian ha!

"Iha, simula bata pa sila si Kian talaga ang pinaka maalaga sa mga hayop." sabi niya.

Napa tango nalang ako. Pwde pala 'yun no? Yung trato niya sa mga tao hayup pero kapag sa hayop kakaiba turing niya.
Sa isang banda parang 60% sa'kin hindi maka paniwala eh.

Madalas ko kasi siyang nakikitang naka busangot, naka taas kilay, naka sigaw at palaging galit. Nakakatakot in short. Parang yung matandang babae na nakatulong lang nila dun ko lang narinig na may kabaitan siya eh.

Nakaramdam na'ko ng lamig sa may labas.
Gusto ko ng matulog kaya naman pumasok na'ko ng bahay. Habang papalakad papuntang kwarto ko may naririnig akong umuungol sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto ni President K.

Binuksan ko ng bahagya yung pintuan niya. Sinilip siya ng kaunti.

Napansin kong naka higa siya at para siyang sinasakal. Kaya naman nag dalawang isip ako pumasok.

Baka may ginagawa siyang kababalaghan? Hay ako kaba naman Amora kung ano ano nanaman iniisip mo baka mapahiya ka nanaman!

Sinubukan ko ng pumasok sa silid niya. Nakita ko nga siyang parang init na init sa pag kakahiga niya. Naka pikit ang mga mata. Mahinang nag pupumiglas na umiiyak?

Oo umiiyak siya!

Sinubukan kong lumapit sa kama niya para matingnan siya.

Tinawag ko pa siya sa mahinang boses.

"President K? Okay ka lang ba?"

Hindi siya sumasagot. Mukhang binabangungot siya.

Sinubukan kong mas lumapit sa sa higaan niya at sakaniya.

Tiningnan ko din kung may lagnat siya.

Oo meron nga. Ang init init ng noo niya.

Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig at basang tuwalya. Pero napigilan ako.

Kinuha niya kamay ko.

"Don't leave me, please." sabi niya sa mahinang boses.

Akmang aalisin ko kamay ko sa pag kakahawak niya. Pero mas lakas siya kaysa sa'kin kaya naman nahatak ako papunta sakaniya at napahiga ako sa dibdib niya.

"Shet." mahinang sambit ko habang napa higa sa dibdib niya.

"Please, please don't leave me." sabi ng mahina niyang boses habang naka pikit.

Halatang nanaginip 'tong mokong na'to.

Maya maya pa ay dahan dahan umabot kamay niya sa bewang ko---

Shet shet! Paano ako makakaalis nito malilintikan ka talaga sa'kin bukas!!! Kundi ka lang may sakit sa suntok kita argh!!!

Hanggang sa naramdaman ko na niyayakap na niya ako.

"Mom please don't leave me." tanging narinig ko mula sa mga labi niya.

Nanlambot ang puso ko.

Pag usapang mga magulang talaga kahit mabangit lang hindi ko kinakaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro