1
AMORA
Tringggggggg! tunong ng alarm clock.
Binuksan ang bintana
"Magandang umaga sa inyong lahattttt!" bati ko mula sa terrece.
"Magandang umaga din sayo Amora!" pabalik na bati ng mga ilan sa mga taga pangalaga dito sa bahay ampunan.
"Amora gising kana pala kain na," sabi ni manang Ester.
"Salamat po manang ester," magalang na sabi ko.
"Goodluck sa pag hahanap mo ng work ah," sabi niya
"Salamat po! Manang Ester," masayang sabi ko sa kanya.
Beep! Beep!
"Hala andyan na pala yung sasakyan maliligo lang po ako sandali," sambit ko at mabilis ako tumakbo papuntang cr para maligo.
After 10 minutes na tapos din sa paliligo. Nag palit na ng damit.
"Amora? Tara na mag iikot ikot kapa bilisan mo para maaga ka," sabi ni manong driver.
"Opo manong sandali nalang po," paalam ko kay manong driver.
"Manang ester? Alis na po ako ah," sabi ko.
"Sige mag iingat ka ah," aniya habang kumakaway.
Umalis na ang sasakyan papuntang Syudad ng Eastwood doon ako papunta dahil nag hahanap ako ng trabaho. Fresh graduate nga din pala ako kaya naman nag susumikap akong maka hanap ng trabaho.
"Dito nalang Amora," sambit ni manong driver, sabay tingin sa may repleksyon ng sasakyan.
"Sige po manong ingat po sa pag byahe," sabi ko habang kumakaway hudyat na nag papaalam ako.
Naka tayo ako sa isang lugar kung saan ako binaba ni Manong, isang lugar na puno ng building hindi katulad sa nakasanayan ko malalaki ito at matataas at may iba't ibang klaseng desenyo.
Ang mga tao dito ay mga tila nag mamadali sa pag lalakad at ang gaganda ng mga suot nila.
Ang mga ka babaihan ay naka suot ng mga fit at sexy na palda at naka heels.
Habang tinitingnan ko sila nanliliit tuloy ako sa sarili ko hays, ang suot ko lng naman kasi isang simpleng polo shirt na white at palda na fit pero hindi ka sexysihan
Wala din naman akong kung anong kolorete na nilagay sa aking mukha.
Nag lakad na ako at naka hinto ako sa tapat ng pedestrial lane, ng mag kulay pula ito ay sumabay na ako sa lakad ng mga tao upang maka tawid sa kabilang kalsada.
Ng makatawid na ako, may nakita akong grupo ng kababaihan na nakatingin sa akin at nag bubulugan. Hindi ko naman marinig ang pinag bubulungan nila basta't pumasok nalang sila sa isang automatic na pinto ng isang malaking building.
Naisipan kong pumasok din dito. Pag pasok ko ng pinto may humarang sa akin.
"Ah? Miss sino pong hanap nila?" tanong ng gruad.
"Uh? Ako po," Tinuro ko ang sarili ko.
"Oo miss ikaw," sagot niya.
"Uhmm, ano po mag aaply ako ng work." Nag stand straight ako at with overflowing confidence.
Tumingin siya sa akin ng taas baba
"Ah okay, lika dito mag sign ka ng form at sasabihan nalang kita anong floor ka dapat," sabi niya
May binigay na isang puting papel isang fill up form.
Sinagutan ko ang mga tanong na nakapaloob doon, at binigay ulit sa gruad.
"Oh! graduate ka pala sa kursong artist/designer,"medyo shocked ang mukha niya habang nakatingin sa papel.
"Ah opo!" sagot ko
"Hmmm okay, floor 5 at kumatok ka nalang sa HR," sabi ng gruad.
"Ah okay po salamat," sagot ko
Lalakad na dapat ako kaso wala akong nakitang hagdan.
"Ah? Excuse me po gruad?," istorbong sabi ko.
"Oh bakit?" tanong niya.
"Wala pong hagdan," tumungin tingin ako sa gilid nag hahanap kung may hagdan ba.
'Medyo natawa siya sinabi ko pero tinago lang pero halata parin namang natawa'
"Ahh? Hagdan ba kamo? Walang hagdan dito. Ayan elevator para makapunta ka sa floor na pupuntahan mo," sagot niya
"Elevator po? Paano po?" tanong ko.
"Tara samahan na kita," pag kusa niyang sabi sa akin.
"Okay po," sagot ko
Pumasok na kami sa "elevator" daw hindi ko naman alam paano gamitin yun, grabe talaga ang syudad sobrang hytec ng mga kagamitan.
"Okay tataas na tayo," sabi niya.
"Po--?" naputol yung sasabihin ko ng biglang umandar ang elevator pa taas.
Napahawak ako sa may hawakan sa gilid
Napatingin si Gruad sa akin.
"Miss okay lang hindi po lumilindol ganon talaga," Sabay hawi ng kamay kong naka hawak sa hawakan.
"Oh okay po, pasensya na," sabi ko
Ting!
Bumukas ang pinto naka sulat sa isang parang tv bayun? Sa elevator "Welcome to 35th floor".
"Miss dito na po yung pangatlong pinto yun yung room ng HR," sabi ng gruad.
"Ah salamat po!" Sabi ko
Nag lakad ako at nakita ko naman agad yung pangatlong pinto.
Huminto muna ako sa harapan ng pinto para amuyin yung hininga ko baka kasi mabaho na.
Snff! Snfff!
'Okay hindi naman pala'
Kumatok ako sa pinto.
"Pasok," sambit ng babaeng nasa loob.
Binuksan ko ang pinto at tila may isang magandang babae ang naka upo don at tumingin sa akin nung pag bukas ko ng pinto.
"Uy? Anong tinatayo tayo mo diyan pasok!" Sabi niya.
"Ayyy-- sorry po," sabi ko
Pumunta na ako sa harapan niya
"Umupo ka,patingin ng application form," sabi niya
Inabot ko naman sa kanya yung puting papel na sinagutan ko kanina sa baba.
Sinisiyasat niyang maiigi yung papel
"Hmmm, maganda ang sulat MS. Rodriguez," pag bati niya sa pangalan ko.
"Pangalan ko pala ay Sandra Dela Cruz at ako ang HR sa company na ito. Pwde mo ng pakilala sarili mo," sabay baba ng puting papel na hawak niya.
"Goodmorning Maam, Sandra Dela Cruz, My name is Amora Rosselle Rodriguez fresh graduate po ako sa school ng POL Univesity, scholar po ako at government po ang nag sustento at nag paaral sa akin ng college.
Ang course ko po ay, artist/designer. Kung matataggap man po ako gagawin ko ang best ko at ipapakita ko ang talent and skills ko. Pwde rin po pag na tanggap ako tiga timpla nyo po ako ng kape niyo salamat," Sabi ko
"Oh wowww! Siguro sa lahat ng ininterview ko ikaw na pinaka madaming nasabi," sabi niya
"Ganon po ba," ngumiting sagot ko
"Alam mo kasi need namin ang artist/designer eh, kaylangan namin kasi mga alahas ang binebenta nitong company," sabi ni Ms.Sandra
"If ever na matanggap ka gaano kalaking sahod gusto mo?" deretchong tingin at tanung sa akin.
"Basta po gagawin ko ang best ko at pasahudin lang po ako ng tama wala pong problema," sagot ko sa tanong niya.
"Hmmm, okay MS. Rodriguez, tingin ko..." sabi ni Ms.Sandra
'Nag eexpect na tingin ko sa kanya'
"Okay tanggap kana! Iwan mo nayan mga form mo at kung ano ano pa at bukas start kana sa work," masayang pag kakasabi niya.
"Talaga po ma'am?," gulat at masaya kong reaksyon.
"Yes! Base sa kakayahan mo kaylangan ka sa company na ito. Btw, this is my number call me or text me if my problema or may kaylangan ka. See you tomorrow Ms. Rodriguez," pamamaalam niya sa akin.
"Okay po maam maraming salamat po," Kinuha ko yung card na nag lalaman ng number ni maam.
Lumabas na ako ng pinto ng sobrang saya at hindi ko mapigilan ngumiti!
With matching talon talon pa.
Habang nag lalakad papalayo may nakita akong dalawang babae tinanong ko sila kung saan ba at paano paganahin yung elevator.
"Hi? Miss Excuse me po paano po paganahin yung elevator?" tanong ko.
"The elevator it functions by the electronic machine that you can see in operating area, they operate it by turning on the button of the----", mabilis na sagot ng isang babae, hindi pa natatapos mag salita yung babae nag salita yun isa niya pang kasamang babae din.
"Hays, sorry miss!May pag ka weirdo sya, Uhmm? Hindi kaba marunong gumamit ng elevator?" nag tatakang tanong niya sa akin.
"Uhmm yes po pwde po ba? Sa pinaka 1st floor po ako uuwi na po kasi ako," tanong ko.
"Okay tara," sagot niya.
Sumakay sya sa elevator at pinindot ang 1st floor na button.
Maya maya pa ay, naka baba na kami ng 1st floot nag pasalamat naman ako sa kanila, bumalik naman sila sa taas siguro kasi dito sila nag wowork.
"Kamusta interview? Ang bilis mukhang ekis ah?" tanong ni Gruad.
"Po ekis?" nag tatakang tanong ko.
"Ah wala wala kamusta interview?" tanong niya.
"Natanggap po!" sabi ko ng sobrang saya
'Nagulat ang reaksyon ni gruad at kitang kita sa mukha niya ang pag tataka'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro