Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

UNO✞


I

You'll Love Her Too: A Documentary

BALITA SA RADYO: Pasado alas-diyes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa isang tapsihan. Ang buong akala ng mga napapadaan sa naturang lugar ay nakatulog lamang ito dala ng kalasingan. Pero nang lapitan ito ng isa sa mga waiter ng nasabing kainan, doon napag-alamang wala na itong buhay.



Ara's P.O.V.


It's Monday at tinanghali ako ng gising. Pagmulat ko ng aking mga mata, doon ko lang napagtanto na naka-unifom pa pala ako nang makatulog ako kagabi. Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari. Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na hinanap ang aking red doll shoes na iniregalo sa akin ni Nana, ang aking ina.


Ayoko nang ma-late today sa subject ni Mrs. Ocampo, ito ang prof ko sa first subject, Community Health Nursing. Second year ako this year. Nataon pang si Mrs. Ocampo ay mother ng best friend kong si Janice, at kakilala rin ng parents ko.


Anyway, I'll focus on finding my red shoes first. Okay lang naman siguro na iyon ang suutin ko today sa university. Sasalisi na lang ako sa guard. Oh, I forgot to mention that last Friday was my birthday. My 18th birthday. It had been three days since I received those red shoes from Nana as a gift. Palagi talagang kulay pula ang natatanggap kong regalo galing sa kanya.


Hindi ko makita so I quit. Next time ko na lang hahanapin dahil baka ma-late pa ako knowing that I don't even have any idea what time is it already. Basta, alam ko lang ay Lunes ngayon.


Nagmadali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ngunit pinilit kong maging marahan. Plano kong dumiretso na sa school since naka-uniform naman na ako. Wala naman akong naaamoy na kakaiba sa sarili ko at malinis pa rin naman ang suot ko, so okay lang na dumiretso na nang hindi naliligo at nagpapalit ng damit. Hindi naman halatang hindi ako naligo at ipinantulog ko pa ang suot kong uniform.


I packed my things and checked my wallet and I'm ready to go. Subalit bago pa man ako tuluyang makarating sa may pintuan ay bumungad na agad sa akin ang isangstamp note sa aming refrigerator. 'ARA, you're grounded!'


Three days nga pala akong hindi umuwi since I left after my birthday party last Friday. Sumama ako kay Roli—'Uncle Roli', my mother's younger adopted brother.


Roli Villaverde. He was not legally adopted but was given the surname Villaverde as he did not have one when my late maternal grandfather, Emilio Villaverde, took him in. Siguro ay pinalabas na lang na malayo siyang kamaganak at maari ding ginamitan ng pera at koneksyon, dahil isa raw sa pinakamayaman at makapangyarihang tao sa probinsiya nila noon ang lolo ko. And that old man was very fond of him because he did not have a son. 


Oh, speaking of Roli... I miss him.


Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon? Baka tulala na naman. Ganoon kasi si Roli, mahilig tumulala. Madalas kasing tahimik at tila may malalim na iniisip. Ganoong klase siya ng tao. Kahit bata pa ay masyado nang seryoso at malalim.


Ilang sandali bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahagip na ng paningin ko si Nana habang tahimik na naghuhugas ng mga plato. Seryoso ang kanyang mukha at walang kakurap-kurap ang maganda niyang mga mata. Tumikhim ako upang ipahiwatid sa kanya ang aking presensya habang unti-unting inaalis ang bag na nakasukbit sa aking balikat. Pansamantala naman siyang huminto sa kanyang ginagawa at bahagyang yumukod. Humakbang ako nang kaunti upang lumapit sa kanyang kinatatayuan. Kahit nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang galit niya.


"N-Nana, I'm sorry." Nakayuko ako habang sinasabi iyon. Hindi ko na sigurado kung para saan ang sorry ko. Kung para ba sa pagtakas ko after ng aking birthday party, o para sa sitwasyon namin ng younger adopted-brother niya.


Hindi siya umimik, kahit singhal ay wala. Wala akong anumang reakyon o tugon na natanggap mula sa kanya. Muli siyang bumalik sa kanyang ginagawa at tanging tunog lang ng mga plato ang aking narinig. Kilala ko si Nana, kapag galit siya sa akin, hindi niya ako pinapansin. Kung mayroon man siyang gustong sabihin sa akin, isusulat lang niya iyon sa isang papel at ididikit sa refrigerator upang mabasa ko. And as what I've read─I'm grounded.


Pumili ako ng jeep na kaunti lamang ang sakay. Nang makasakay ay pumwesto ako sa bandang dulo malapit sa exit ng jeep. Hindi pa man ako nakakaupo, napansin ko na agad ang kakaibang amoy. Ang baho! Doon ko na napansin na lahat pala ng pasahero ay nakatakip sa ilong nila.Nang mapagawi sa bandang unahan ang tingin ko, napansin ko ang isang pasaherong may bitbit na bilaong puno ng sa tingin ko'y bilasang isda. Kaya naman pala ang sangsang ng amoy.


Kaunti lamang ang mga pasaherong nakasakay sa jeep. Medyo may kabagalan ang pag-usad nito dahil nasa bandang palengke na kami. Siksikan ang mga tao at animo'y nagmamadali ang lahat kaya naman hindi magkamayaw ang mga sasakyan. Habang nasa byahe, hindi pa rin mawala sa isip ko si Nana. Alam kong nagtampo siya sa akin. Aminado naman ako na kasalanan ko rin ang lahat.Paano'y after ng birthday celebration ko sa bahay ay umalis din ako kinagabihan at kung hindi ako nagkakamali,kaninang madaling araw lang ako nakauwi.


Makalipas ang ilang minutong pag-iisip kay Nana, ibinaling ko na ang aking atensyon sa ibang bagay. Napagpasyahan kong pagmasdan ang mga pasahero.


Sa unahan ng jeep malapit sa driver ay may isang babae na sa tingin ko'y nasa trenta'y singko na ang edad. Chubby ito at naka-duster lang. Sa katapat naman niyang upuan ay may isang lalaki at babae. Nakasandal 'yong babae sa lalaki at sa wari ko'y tulog na tulog ito kahit na bahagya ko lamang makita ang mukha nito. Sweet!


Ganito ang ilan sa mga bagay na gusto kong maranasan ngayong nasa legal age na ako. Gusto kong maranasang magkaroon ng legal din na relasyon, iyong malayang masasandalan ko sa public ang taong mahal ko. Wala naman akong balak na magpabaya sa pag-aaral at sarili, ang gusto ko lang naman ay iyong makapagmahal nang malaya... katulad nila...


Muling kong tinanaw ang lalaking sinasandalan ng tila tulog na tulog pa ring babae. Malaking lalaki siya, matangkad, moreno at makinis ang balat, parang may lahi. Kung susuriin siguro mga nasa 30's ang age. Nakasuot siya ng puting sombrero at tila nag-uunahang makadungaw mula sa kanyang cap ang kulot na kulot niyang buhok. At kahit na hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, sigurado akong gwapo siya.


Ngunit mas napukaw ng babaeng nakasandal sa kanya ang aking pansin.Nakayuko ito at nakasubsob sa kanyang dibdib. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng babae dahil nakatalukbong ito ng malaking tuwalya na sumasakop sa kanyang mukha. Dahil hindi naman natatakpan ng tuwalya ang likurang bahagi ng kanyang ulo, makikita ang may kahabaan niyang buhok na kasing haba lang din ng sa akin.


Siniyasat kong mabuti ang babaeng tila antok na antok at ni hindi man lang gumagalaw. Nakaakbay pala rito ang lalaki na kulang na lang ay yakapin na ito. Naka-skinny jeans na maong ito at napapatungan ng jacket na itim ang katawan. Ngunit ang nakapagtataka lang, wala itonganumang sapin sa paa. Marungis ang mga paa nito at naninilaw na medyo nangingitim ang mga kuko.


Napaharap sa gawi ko ang lalaki. Natutop ko ang aking bibig nang masilayan ang mukha nito. Hindi ako maaaring magkamali, he's  Roli, Nana's younger adopted brother! May babae siya?


Yeah, I know I'm only 18 years old at mahigit sampung taon ang tanda sa akin ni Roli, pero para sa akin, hindi hadlang ang more than ten-year gap naming dalawa.


I was fifteen years old when I first saw Roli. Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist siya dahil never siyang nabanggit sa bahay namin. Ang akala ko ay wala nang ibang kamag-anak o kakilala man lang si Nana, iyon pala ay meron pala — a young boy whom my maternal grandfather brought home from the streets. Roli was not adopted as Nana's brother but was fostered as though he were.


Kung ang pagbabasehan din ang agwat ng edad at pag-uusap nina Nana at Roli, masasabi agad na hindi sila close na dalawa. Kaya rin siguro umabot ako sa edad na fifteen na hindi man lang nabanggit o nagawi ni minsan sa amin ang lalaki.


Ang sabi ni Nana noon ay mas gusto raw ni Roli na tumira sa probinsiya nila kaya bumalik ito roon after magdrop sa course na Engineering sa UP. Matalino naman si Roli iyon nga lang ay hindi talaga niya gusto ang mag-aral o mag-stay sa Manila. At kahit nasa Manila na siya ulit, bihira pa rin siyang magpunta sa amin para bisitahin si Nana. Pansin ko rin na iwas siya sa mga tao, kaya I am happy na eversince ay hindi ko naramdaman na umiwas siya sa akin.


He's almost perfect. Matangos ang kanyang ilong, malalantik ang mga pilik-mata at natural na mapula ang manipis niyang mga labi. Maganda rin ang kanyang pangangatawan. Artistahin siya sa sa totoo lang. At hindi siya gaya ng mga lalaki kong classmates at school mates na mga papansin, madaldal at OA magpapogi, dahil si Roli ay simple lang, tahimik, misteryoso pero malakas ang dating. Responsible din siya at good businessman. Apat na nga ang branches ng itinayo niyang hardware.


May ilang kamag-anak ako sa father's side na nagsasabing may sakit daw sa pag-iisip si Roli pero hindi ako naniniwala kanila. Alam ko at naniniwala akong nasa normal na kondisyon siya at nakakapag-isip nang tama. Siguro nami-misinterpret lang siya ng mga tao dahil hindi talaga siya palakibo at hindi mahilig humalubilo.


Makailang beses na nagkikita kami, napapansin ko na madalas siyang tumitig sa akin. May mga times pa na talagang hinahabol niya ako ng tingin. Palagi ko na siyang inaabangang dumating sa bahay namin. Doon na nagsimula ang puso ko na umasa sa kanya. At nakakagulat na bigla-bigla ay dumalas na nga ang pagpunta niya.


Nakakaramdam na rin ako ng pagkairita kapag hindi siya nakikita, at mukhang napapansin niya iyon, pero hindi nga lang siya nagsasalita. So when Nana asked for him to be my temporary school service, I found myself happy. Even if Roli and I didn't talk much, our feelings seemed to have their own language.


One day, I was surprised nang magtapat siya sa akin na gusto raw niya akong maging girlfriend. Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin ang bawat detalye kung paano siya nagtapat sa akin at kapag naaalala ko ang lahat ng iyon, kinikilig pa rin ako. Niyakap niya ako nang napakahigpit at saka ibinulong sa akin ang mga salitang,'I love you... Ara.'


Hanggang ngayon ay sekreto pa rin sa lahat kung ano kami sa isa't isa, lalo na kina Daddy at Nana. 


Kaya naman halos maghimagsik ang kalooban ko habangnakatanaw ako ngayon sa kanya at sa babaeng kasama niya.


Sino ba kasi itong napakadungis na babaeng kung titingnan ay tila ayaw na niyang pakawalan?Alam kong halos ka-edaran ko lang ang babaeng kasama niya kung pisikal na katangian ang pagbabatayan subalit di hamak naman na mas maganda ang porma ko at lamang ako ng sampung paligo kumpara sa kanya.


Saka bakit nagko-commute si Roli? Nasaan ang kotse niya? 


"Sir, okay lang po ba 'yang kasama mo?" Hindi na ito nakatiis at nagtanong kay Roli.


Bahagya namang lumaylay mula sa pagkakatabing ng jacket nito ang kamay ng babaeng tila tulog na tulog at wala pa ring malay. Oo nga! Iba nga ang kulay ng balat nito.


"Tanggalin mo kaya 'yung tuwalya sa ulo niya nang makahinga 'yan," suhestyon ng babae.


Inihinto ng driver ang jeep at nilingon sila. "Baka kailangan mo nang dalhin 'yan sa ospital. Iba na ang kulay niyang kasama mo." Lumingon pa ito sa kanyang kaliwa at saka tumuro sa direksyong iyon."Dito sa pagtawid hijo, sa sakayan ng tricycle. Sumakay lang kayo dyan at dadalhin na kayo sa ospital sa looban."


Sinipat ng tingin ni Roli ang itinurong direksyon ng driver at kalaunanay nagdesisyon na rin itong bumaba. Inakay niyanang paakbay sa kanya ang babae na tila hindi pa rin nagigising at wala pa ring malay. Kinarga niya ito pababa. Kapwa napapailing ang driver ng jeep at ang may edad nang babae habang nakatanaw sa kanilang dalawa, habang ako ay nagsisikip ang dibdib sa nakikita.


Kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nang akmang aandar na ang jeep ay mabilis akong sumibad pababa. Sa tingin ko naman ay hindi ako napansin ng driver dahil abala siyang nakikipagkwentuhan sa pasaherong kalapit niya. Buti na lang hindi ako napansin ng driver, hindi pa kasi ako bayad.


Nakita kong pumasok sila sa isang tapsihan. Katulad ng esksena kanina sa jeep, nakaakbay pa rinsa kanya 'yung babae at yapos naman ng kanyang braso ang baywang nito. Halos buhat na niya ito at kulang na lang ay tuluyang pangkuhin dahil para siyang may akay-akay na lasing na nakatulog.Kahit ang mga paang babaeay hindi na nito maihakbang at lupaypayna rin ang ulo sa tila sobrang kalasingan.


Patakbo akong tumawid upang sundan sila.


Sa tapat ng tapsihan ay may terminal ng tricycle. Ito marahil 'yung tinutukoy ng jeepney driver na sasakyan papuntang ospital. Ngunit taliwas sa inaasahan ko, hindi ko nakita roon si Roli. Habang karga ang babae ay doon siya pumunta sa isang tapsihan. 


Tapsihan kung saan madalas kaming kumain noon!


Hinagilap ng paningin ko kung saan pumwesto ang dalawa. Masyadong malawak ang tapsihan na ito kaya medyo nahirapan akong tuntunin ang kinaroroonan nila. Hindi nagtagal ay natunton ko rin ang pwesto nila. Palihim akong umupo sa likuran nila. Kung gaano ako ka-pursigidong alamin kanina ang kung anumang namamagitan sa kanila, ganoon na lang ang panghihina ng loob ko nang magkaroon na ako ng pagkakataong lapitan sila. Sa ngayon ay maghihintay na lang muna ako ng tamang pagkakataon para alamin ang totoo.


Maya-maya ay tumayo si Roli at pumunta sa counter area. Muli kong pinagmasdan ang babae. Nakatungo pa rin ito, walang imik at ni hindi man lang gumagalaw. Napatingin akong muli sa kanyang paa. Bakit nga ba wala man lang siya kahit na tsinelas? Ilang sandali pa'y napansin ko naman ang jacket na ngayo'y nakapatong na sa kanyang likuran. Ang mga walanghiya! Iyon 'yung jacket na iniregalo ko sa kanya noong birthday niya! Bakit ba ngayon ko lang napansin?


Nang muli ko siyang sulyapan, nakita kong hawak na niya ang towel na kanina'y nakatakip sa ulo ng babae at ngayo'y gamit na niya bilang pamunas ng kanyang pawis.Maya-maya'y dumating na ang order nila. Goto with meat and egg at soda─katulad din ng palagi naming kinakain tuwing nagde-date kami at inaabot ng madaling araw sa pag-uwi.


Roli soon stood up from his seat. He knelt a little, bringing his face close to the still-crouched sleeping girl, and whispered something to her ear. He then left her, with his eyes filled with pain.


Nanginginig man ang tuhod ko'y pilit pa rin akong tumayo mulasa aking kinauupan sa di kalayuan upang puntahan ang ang naiwang babae.


Nang makalapit na ako sa kinaroroonan ng babae ay natutop ko ang aking bibig at naglandas ang luha sa aking mga pisngi. Pagkuwa'y tumingala sa wall clock na nasa itaas ng mesa kung saan siya nakasubsob.


It's almost 10:15 A.M.


Napayuko ako at muling napatingin sa babae. Laking gulat ko nang mahagip ng aking paningin ang dibdib niya. Sa loob ng damit niya sa may parteng dibdib ay may nakasuksok na isang bagay. Isang sapatos–my red doll shoes! Ang isang pares naman nito ay nakatupi at nakasubo sa bibig niya.


And I overheard what Roli whispered to this girl before he left her.


'I love you... ARA.'



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro