Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TRESE✞


XIII

The Clock

Roger Santos P.O.V.


Tik! Tak! Tik! Tak!


Katahimikan.


Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig ko. Nakakabingiang tunog nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Bukod dito, napakagulo rin ng isipan ko, hindi ako makapag-isip nang maayos.


I looked at the time on my phone. It's already midnight. Narito ako ngayon sa malaking sala ng tinatawag nilang Ka Pineng na isa raw mahusay na paranormal expert. Marami nang naging kliyente na halos mayayaman, kaya nga ito at nakapagpundar na ng malaking bahay.  


I don't believe in paranormal stuff, but my wife insisted to come here. Kung iyon ang paraan niya para makalampas a grief, susunod na lang ako. Para din naman sa anak namin ang lahat ng ito.


Kasama kong pumunta rito ang pulis na kasamahang tenant ni Mrs. Maria Ocampo na si Isko. Kami ang nauna dahil may nakalimutan si Nana sa bahay namin, sinamahan naman siya roon ni Mrs. Ocampo. Kino-contact ko sila pero uncontacted pareho ang dalawang babae.


Tik! Tak! Tik! Tak!


Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.Giniginaw ako ngunit tagaktak ang pawis ko.


Kahit si Madge na naiwan din sa hospital para bantayan si Janice, hindi rin sumasagot.


Katahimikan.


Biglang nawala yung ingay na likha ng orasan. Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Nasaan kaya iyong orasan? Bakit wala naman akong makitang orasan dito sa sala? Kung gayon, saan nanggagaling ang tunog na iyon kanina?


I looked again at my wristwatch again... para lang magtaka. Why did it stop? Anong nangyari? Bago lang ito kaya imposible namang sira ang battery. 


Itinaktak ko ito. Saka ko lang napansin ang oras dito, it's 10:15 in the evening. Bigla tuloy akong naguluhan. Anong oras na ba talaga? Tiningnan ko iyong oras sa cellphone ko. 


10:15 din?! Bakit kanina ay alas dose na ng hating gabi? Namalikmata lang ba ako? Bumalik ako sa wristwatch ko, bakit pareho ang oras sa phone ko kung huminto ito? Does this imply that my phone's time is also broken?


Biglang kumurap iyong ilaw dahilan para mapatingala ako. Maya-maya'y may narinig akong ingay. 


May bumubulong.


Saan kaya nanggagaling ang ingay na iyon?


Sinilip ko yung makitid na pasilyo. May naririnig talaga akong bumubulong. Humakbang ako patungo roon. Ilang hakbang pa lang ay may natanaw na ako.


May tao! 


Sya siguro iyong naririnig kong bumubulong. Ang kaso, malayo sya. Kung siya nga iyon, paano nangyaring narinig ko ang bulong niya gayong malayo naman siya sa akin?


Naisipan ko syang lapitan kahit na nagsisimula nang mamuo ang takot sa dibdib ko. Malayo sya pero naririnig ko na mayroon syang ibinubulong. Hindi ko maintindihan iyon kaya mas nilapitan ko pa siya.


Habang papalapit ako, palakas nang palakas ang kanyang bulong. Hanggang sa ilang hakbang na lang, malapit na ako sa kanya. Kaunting na lang. Napalunok ako.


Naaaninagan ko na iyong bumubulong.


A woman?! 


Oo, babae sya! Nakatalikod sya sa akin habang may ibinubulong. 


Yakap nya ang kanyang sarili habang nanginginig. Napansin ko rin na gumagalaw ang balikat nya habang ginagawa niya iyon.


"Miss? Are you alright?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing basa sya nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya.


Hindi sya umimik. Nanatili lang siya sa kanyang posisyon habang nanginginig pa rin ang balikat. Wari ko'y ginaw na ginaw siya.


Lumapit pa ako nang bahagya. "M-Miss?"utal kong banggit dahil sa kaba.


Subalit wala pa rin akong tugon na natanggap mula sa kanya. Sa halip, lalo pang bumilis ang pag-uga ng balikat niya. Kasabay noon ay ang pagpatak ng tubig na animo'y ulan mula sa mahaba at basang-basa niyang buhok. Nakatalikod pa rin siya.


"M-Miss... B-Babalikan kita..." Napaatras ako. Kinutuban na kasi ako!


Pero nagulat ako nang umatras din ang naturang babae! Lumakad din siya nang paatras! 


Wala ba syang balak na lingunin ako? Namalayan ko na lang na paatras na pala ako nang paatras.


Nagpatuloy siya sa ganoong gawain. 


Palapit na siya nang palapit sa akin, pero paatras ang lakad niya! 


Dammit!!! 


Nagimbal ako sa takot kaya umatras pa ko.Nakapako ang tingin ko sa kanya habang humahakbang din paatras.


Pero itong babae, bumibilis! 


Lalo siyang bumilis! 


Papalapit! 


Kaya ako, buong lakas pumihit!Kumaripas ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang sala kung saan ako nanggaling.


"Roger Santos?" tinig na mula sa aking harapan.


Napaangat ako nang tingin habang hinihingal at habol ang hininga. 


"W-Who are you?" tanong ko sa lalaking sumulpot na lang mula sa kung saan.


Lumapit sya sa akin. "Just call me Ka Pineng..." Kinamayan nya ako.


Kinamayan ko rin naman sya. Napansin kong marami syang bagaheng dala.


"Okay ka lang ba? Mukhang hinihingal ka, ah?" nakakunot ang noo nyang sabi.


Tumango lang ako. Paano ko ba sasabihing minulto ako? Paano ko ipapaliwanag ang nakita ko? "H-How did you know my name?" I askedinstead.


Ngumtiti sya sa akin. "Because I know that you're coming. Kayo ni Isko."


Huh?! Seriously? Fine, ayokong magpaligoy-ligoy pa kaya dederetsahin ko na siya, even though I don't really believe in paranormal stuff. Para sa akin ay isa lang itong malaking scam. "We came here to talk to you about–"


"About Ara, right?" Sinalo nya ako sa sasabihin ko.


"Ha?" nasabi ko na lamang.


"Ka Pineng!" sabay dating ni Isko na kasalukuyang pababa ng hagdan.


"Isko..." Tinanguan lang nya ito at pagkatapos ay binuhat na ang mga bagahe nya. "Let's go!"


Nagkatinginan kami ni Isko. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.


"Sa bahay nyo," seryoso ang mukha nya.


"Sasama ka sa amin?" Tila hindi makapaniwala si Isko.


Tumingin sa akin Ka Pineng. "Oo. Kaya nga hinanda ko na ang gamit ko, eh..."


"Alam mong darating kami?" Hindi pa rin ako makapaniwala.


Tumango lang sya. Ang buong akala ko, mahihirapan kaming kumbinsihin siya. Pero taliwas pala ang akala kong iyon sa aktwal na mangyayari.


"A-Akala ko'y ayaw mong madamay?" Kahit si Isko ay hindi rin makapaniwala sa agarang pagpayag ni Ka Pineng.


Bigla kong nabakas ang lungkot sa mga mata niya."It's too late para tumanggi pa ako. Ayokong madamay ang anak ko kaya...tutulungan ko na lang kayo..."


"I-Iyong bang anak mo ay babae?" pagbabaka-sakali ko.


Nagkatinginan sila ni Isko. "Lalaki ang anak ko. Justine ang pangalan nya..." aniya habang nakatingin sa akin.


Naku sabi ko na nga ba't hindi pangkaraniwan ang nakita ko kanina! Eh, sino kaya yung babae kanina?


"Nasa kapatid ko ngayon si Justine. Ako lang ang tao dito," pagpapatuloy pa nya.


Napayuko na lang ako. Samantala, napansin kong tumitig sa akin nang matalim si Ka Pineng. "Iyong nakita mo..."


Napaangat ako ng ulo. Paano nya nalaman?


"Iyong nakita mo..." Seryoso ang mukha nya. "Si Ara iyong nakita mo..."


"Ano!?" Tila nawala ako sa aking sarili at nakwelyuhan ko sya.


Umawat naman si Isko sa amin. "Tama na yan, Roger!" Pumagitna sya sa amin.


"Irespeto mo naman ang pagkamatay ng anak ko!" asik ko sa kanya.


"Roger, ano ba?!" Sa akin na nakaharap si Isko. "Ano bang nangyayari sa'yo?"


Bahagya akong natigilan. Kahit ako'y hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sa dami ba naman ng nangyayaring problemang hindi ko maunawaan, pihadong hindi ko na maiiwasang mawalan ng self-control.


Tiningnan lang ako ni Ka Pineng. "Umalis na tayo."


"Hintayin lang natin sandali sina Mrs. Ocampo at Clarisse. Baka paparating na sila..." dugtong ni Isko sa maikling sabi ni Ka Pineng.


Pero biglang umiling ang matanda. "Hindi na sila darating..."


Napatigagal kami ni Isko. "B-Bakit?" tanong ko agad.


Yumuko lang sya at hindi na umimik. Anong pinagsasasabi niya? May sa-manghuhula ba ang lalaking ito?


"B-Bakit Ka Pineng? M-May nangyari ba?" kinakabahang tanong ni Isko.


"Hindi ko rin alam." Nag-angat sya ng mukha. "Basta sigurado akong hindi na sila darating..."


"Gaano ka naman kasigurado?" Ako naman ang nagtanong habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili.


"Kasing-sigurado tulad ng inasahan kong pagdating nyo ngayon." Diretso lang ang tingin ni Ka Pineng. As a lawyer, alam ko kapag nagasasabi ng totoo ang isang tao. At pagkakataong iyon, alam kong isa siya sa mga taong iyon.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng panlalambot kaya naman daglian akong napaupo.


Matapos ang pagkamatay ni Ara, sunod-sunod na ang mga kakaibang pangyayari. Pero imposible. Ayaw ko pa ring maniwala. Ayokong maniwala na pati si Nana ay maari sa aking mawala.  


Nawala na nga si Ara, wag naman pati sya.


"P-Posible bang alam mo kung nasaan sila?" Hindi na ako makatingin sa kanya.


"Hindi ko alam." Malungkot ang tinig ni Ka Pineng. "Umuwi na tayo sa inyo."


Tumango lang si Isko.


"Wait..." Inawat ko sila. Then I dialed my cellphone, again. 


Tinawagan ko si Nana. Tatlong beses, pero wala pa ring sumasagot. Si Maria, ganun din. Si Madge, wala rin. Subalit naagaw ng isang pamilyar na ingay ang atensyon ko. Ayun ulit iyong ingay, naririnig ko na naman.


Tik! Tak! Tik! Tak!


"Anong oras na?" tanong ko agad sa kanila.


Napatingin sila sa kanilang relo. "12:30 ng madaling araw," halos sabay pa nilang sabi.


Natutop ko ang sarili kong bibig. Ayoko pa ring maniwala. Totoo ba talagang nangyayari ito? Kung bangungot man ito, sana magising na ako. I looked at my wrist watch again. They were right, it's 12:30 in the morning. 


Tumingin ako sa kanila. "Maghintay pa tayo kahit kaunti..." Baka dumating pa rin sina Nana. Baka makasunod pa rin sila. Ayokong maniwala na meron sa kanilang nangyaring masama.


Pero lumipas ang mga sandali na walang dumarating. Nagpasya na kaming umalis para hanapin muna ang dalawang babae.

Bumiyahe kami gamit ang sasakyan ni Isko. Dumiretso kami sa hospital dahil kailangan ko munang daanan si Madge sa pagbabaka-sakaling magkakasama lang sila nina Nana at Mrs. Ocampo.


Nangmakarating na kami sa ospital ay nanguna ako sa kanila na bumaba ng sasakyan.Tinakbo ko ang lobby para puntahan agad sa private room si Janice. Isa pa angbatang iyon sa inaalala ko. Kaibigan ito ng anak ko mula pa pagkabata kaya hindi na ito iba sa akin. Ayoko na may mangyari din ditong hindi maganda. Pagdating sa kuwarto nito ay nanlumo ako. Walaakong nadatnan. Saan nagpunta si Janice?!


Tinanongko ang nagrorondang nurse, halos magwala na ako kasi wala silang alam, kayatinawag ko na sina Isko para makahingi kami ng tulong sa security ng ospital.


Napansin kong namumutla si Isko. "Nahagip ng CCTV camera na lumabas si Janice ng hospital kaninang alas-tres pasado nang madaling araw."


"Saan naman daw papunta?"


"Nanakbo daw palabas. Walang makapagsabi kung saan siya pumunta," nakayukong sabi ni Isko.


Napasuntok na lang ako sa hangin. Parang maiiyak ako na hindi ko maipaliwanag "Eh, si Madge?"


"Lumabas daw ng 9:00 p.m. Hindi na siya nakitang bumalik pa pagkatapos..."


"A-Anong ibig sabihin nito, Isko?" Naluluha na ako.


"Nawawala sila."


Hindi na ako nagdalawang isip. "Tara sa bahay..." 


Bumalik kami sa sasakyan at dumiretso sa bahay. 


Tiningnan ko yung oras. It's already four in the morning. Maraming gustong sabihin si Ka Pineng pero ayaw ko muna syang pagsalitain. Magulo pa kasi ang isip ko ngayon. At sa totoo lang, ayokong marinig ang anumang sasabihin niya.


Ang babaeng nakita ko kanina sa bahay nila, totoo bang si Ara iyon? Pero hindi iyon kasing-katawan ng anak ko... masyadong payat ang babae kanina... parang ibang multo siya.


What the hell?! Since when did I believe in ghosts? Apart from the books about law, I have already held a bible. Alam kong walang multo. Pag namatay ang tao, patay na ito. Wala na kahit alaala. Ang mga nagpaparamdam ay mga demonyo na lang na nagpapanggap para ilihis ang paniniwala ng mga tao.


Alas-kwatro y medya na ng madaling araw nang tingnan ko yung orasan namin sa may pintuan.Nasa bahay na kami pero walang tao dun. Wala na rin yung mga naglalamay. Ang tanging naroon lang ay iyong kabaong ni Ara. 


What's this? Bakit wala man lang naiwan kahit isang nakikipaglamay? Where are the people here? Nasaan na rin ang mga iniwan kong kamaganakan ko para mag-stay habang wala kami ni Nana? Sino ang nagpaalis sa kanila?

Nagsalita si Isko. "Pupunta muna ako sa apartment. Titingnan ko na rin sa bahay ni Mrs. Ocampo, dahil baka nandoon sila." Sa iisang building lang sila nakatira ni Mrs. Ocampo.


Tumango lang ako sa kanya. Wala na ako sa sarili.


"Babalik muna ako sa ospital dahil bumalik doon si Mrs. Ocampo para hanapin ang anak niya," sabi ni Ka Pineng sa mahinahong tono. Para bang ginagawa na lang niya ang paghahanap para mapanatag kami, kahit pa alam niya sa sarili na wala na kaming matatagpuan pa.


Pinilit kong magsalita kahit hinang-hina na ako sa pag-aalala. "A-akala ko ba paranormal expert ka? Kung tunay na may bahid ng kababalaghan ang lahat ng ito, di ba dapat ay kahit paano'y may lead ka? B-bakit wala ka kahit idea kung ano ang nangyayari?!"


Napabuntong-hininga naman ito. "Pinipigilan NYA ako."


"Sino?" magkapanabay naming tanong ni Isko. "Sino ang pumipigil sa'yo?"


Bumuga muna siya ng hangin. "Pinipigilan ako ni...Ara..."


Nagkatinginan muli kami ni Isko. "Bakit naman gagawin ni Ara yun? Biktima rin sya, di ba?" Si Isko ang nagtanong.


Tumikhim muna ako. "Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Ara. Mabait ang anak ko..."


"Hindi ganoon ang nararamdaman ko..."  


"Mabait si Ara. Mabait ang anak ko..."  pagpupumilit ko.


Hindi man nila sabihin, pansin kong bakas ang lungkot sa kanilang mga mata. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Pero iyong kamay ko, walang hinto sa pag-dial ng kanilang numero.


"Pagkagaling sa apartment ay dederetso na ako sa pulisya," sabi ni Ikso. "Ire-report ko na ito."


Magkasabay na umalis na sina Isko at Ka Pineng. 


Tik! Tak! Tik! Tak!


Iyon na naman iyong ingay. 


Tumingin ako sa orasan dahil sa narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Napabalikwas ako ng bangon para lang tingnan ang orasan sa pangalawang pagkakataon.


It's 10:15 A.M., again! 


Totoo ba 'tong nakikita ko?


Nahagip ng aking paningin iyong kabaong ni Ara. Nagulat ako nang makita kong sarado iyon kaya naman lumapit ako. Humugot muna ako nang malalim na paghinga. Bigla na naman akong kinabahan.


Mayamaya ay kumurap iyong ilaw. Napatingala ako sa kisame habang tuloy pa rin ang pagkurap doon sa ilaw. Hanggang sa tuluyan iyong namatay. It was too dark that I couldn't see anything!


Agad din namang sumindi uli. Napailing na lang ako kahit naroon pa rin ang takot sa dibdib ko. Bumaling muli ako sa kabaong ni Ara. Humakbang ako papunta roon nang–


Napaatras ako! Bakit bahagyang nakabukas itong kabaong ni Ara?!


Lumapit ulit ako nang mamatay na naman ang ilaw. Bumilang lang uli ang ilang segundo na bumukas ulit ang ilaw. Para bang may naglalaro. Napatingin naman ako agad sa kabaong ng anak ko.


Marahan akong humakbang para isara ito.Pero napahinto akonang may narinig akong patak ng tubig.


Tubig?


Luminga ako sa paligid.Wala sa aking gilid, wala rin sa aking kanan at kaliwa. Wala rin sa likuran, kundi nasa aking harapan.


Nakaramdam ako ng pangangatog nang makita ko iyon.Iyong pagpatak ng tubig, malakas at animo'ypatak ngulan.Sinubukan kong umatras nang mapagtantong nagmumula ito sa itaas. Dahan-dahan, tiningala ko ito kahit kinakabahan ako.


Nanlaki ang aking mga mata. 


Sa kisame...


Naroon sa kisame si...ARA!


Tik! Tak! Tik! Tak!


JAMILLEFUMAH

@JFstories 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro