Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SINCO ✞


V

JANICE?

Saturday, 3:00 A.M.

Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.


"Jani─"


Janice was still asleep! Nanginginig man ang tuhod ay pinilit ko pa ring lumapit sa kanya.


Ang unan na ipinatong ko sa kanyang likod, ganoon pa rin ang ayos. Naririnig ko pa rin ang malalim niyang paghinga. Tulog na tulog pa rin siya.


Dali-dali kong isinara ang pinto ng kwarto. I saw the clock, it's already three in the morning. Humiga ako sa tabi nya at mahigpit ko syang niyakap. Ni hindi man lang sya natinag sa malalim nyang pagtulog. 


How could she slam the door shut or even switch off the light kung ganitong tulog na tulog siya?


Baka stressed lang ako. Pero ang ipinagtataka ko, everything's weird today. Si Madge, the way she looked while she was staring at our floor, si Mang Isko, na parang balisa at may nais sabihin sa akin.


Maliwanag na sa labas nang dalawin ako ng antok dahil sa malalim na pag-iisip. Tulad noong nakaraang araw, pasado alas-nueve ng umaga nang magising ako. Si Janice naman ay tulog pa rin sa kama. Nauna na akong bumangon. I took a bath and after, I prepared breakfast for us.


Nakita kong marahang lumabas ng kwarto si Janice at dumiretso sya sa mesa at nag-almusal. Tahimik man ay napagpasyahan ko pa rin siyang saluhan.


"Maligo ka na. Magsisimba tayo ngayon, remember?" utos ko sa kanya ngunit hindi ko sya magawang tingnan.


Hindi sya umimik habang marahan pa ring kumakain. Sa puntong iyon ay hindi ko na siya naiwasang tingnan. Walang emosyon ang kanyang mukha habang seryoso pa ring kumakain.Nakita kong tumingin rin siya sa akin subalit umiwas muli ako ng tingin."Sya nga pala, bakit ang daming buhok na nagkalat dito sa sahig? Galing ba dito si Ara?"


Umiling lang sya at nanatiling tahimik. Nakatingin lang sya sa akin.


Tumingin ako sa kanya. "Bumangon ka ba kagabi?"


Umiling muli sya at yumuko. Nagpatuloy siya sa pagkain.


"Siguro nagsleep-walk ka." Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.


Habang patuloy kami sa pagkain ay nanatili lang syang tahimik. Mukhang malalim talaga ang tampo niya sa akin.Pagkatapos kumain ay naligo na sya, dumiretso sa closet at nagbihis.


"Ayusin mo ang bihis mo ha. Sa simbahan tayo pupunta, hindi tayo mama─" Nagulat ako nang pagbungad niya ay nakita kong nakasuot sya ng unipormeng pamasok. Lumapit ako sa kanya. "Janice, Linggo ngayon. Magsisimba tayo, hindi tayo pupunta sa school. Magpalit ka ng damit."


Tumango lang sya at bumalik sa closet. 


Pagbalik nya ay nakasuot na siya ng putting bestida. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Agad din akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya para siya ay tingnan. Blanko ang mukha nya habang wala pa rin syang imik. Gustuhin ko man humingi ng tawad sa kanya nang mga oras na iyon para magkaayos na kami subalit hindi ko talaga magawa.


"Hintayin mo ako sa labas. May kukunin lang ako sa kwarto," utos ko sa kanya.


Tumango lang sya at naglakad palayo sa akin patungo sa pintuan palabas ng apartment.


Mabilis akong tumungo sa harapan ng lifesize mirror malapit sa aming kwarto upang tingnan kung maayos ba ang suot ko. Pagkatapos noon ay bumaling na ako sa pintuan ng kwarto papasok. Dito na ako napatili sa aking nakita.


Paanong?!Totoo ba ito?! I saw Janice. She's still asleep, lying on our bed!Dahil sa matinding pagkagulat at takot ay natutop ko na lang ang aking bibig.


Hindi ako maaaring magkamali. 


Si Janice ito dahil nakatihaya sya at kitang-kita ko ang kanyang mukhang tulog na tulog! Naramdaman kong tila lumaki at namanhid ang aking ulo. Tila nagtayuan rin ang lahat ng balahibo ko sa katawan.


Kung nandito si Janice, sino iyong nasa labas ng pintuan?


Marahan akong naglakad palabas ng kwarto. Marahan lang.Halos hindi ko maiangat ang aking mga paa dahil nanginginig ang mga 'to!


Nang makalabas na ako ng kwarto, sapat na para matanaw ko ang pinto palabas ng apartment, nakita kong bukas ito. Humakbang pa ako ng isa.Nanginginig ang aking katawan at naluluha ang aking mga mata. Muli akong humakbang nang marahan.Malapit na ako sa pintuan.Nang tuluyan na akong makarating doon ay walang paglagyan ang kabang naramdaman ko.


I saw her!Nakatalikod sya!Who is she?!Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan abot-tanaw ko si Janice na kasalukuyan namang natutulog sa kama.She's still there!Muli ay lumingon ako paharap sa isa pang Janice na kasalukuyan namang nakatayo sa may pintuan.Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako muling humakbang nang marahan.


Unang hakbang...


Pangalawang hakbang...


Hindi siya gumagalaw. Wala siyang kaalam-alam na papalapit ako sa kanya. Nakatayo pa rin sya nang patalikod sa akin.


Pangatlong hakbang.


Dumampot ako ng walis paamba sa kanya. Malakas ang kutob ko na hindi siya ang tunay na Janice. Kaya pala ibang-iba ang kinikilos niya simula pa kanina.


Pang-apat.


Nanginginig ang aking mga kamay. Halos hindi ko na rin maihakbang ang aking mga paa subalit pilit kong nilakasan ang aking loob.


Panglima.


"Janice..." usal ko nang medyo malapit na ako sa kanya.


Ngunit hindi sya lumingon. Nanatili lang syang nakatayo at tila walang narinig.


"J-Janice..." ulit ko.


Hindi sya lumingon. 


Habang papalapit ay mas hinigpitan kopa ang pagkakahawak sa broomstick na bitbit ko kahit na nangangatog na ako sa kaba. Sino ang babaeng ito? Hindi sya si Janice! Alam kong hindi sya ang anak ko!


Limang hakbang na lang ang layo ko sa kanya pero hindi pa rin siya natitinag sa kanyang pagkakatayo. Muli ay marahan pa akong humakbang. Apat na hakbang na lang at nasa likuran na niya ako.


Tatlo...


Dalawa...


Isa.


"Bulaga!"


Napaatras ako dahil sa matinding pagkagulat. Pakiramdam ko'y tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking utak.


"Oh! Bakit gulat na gulat ka?" sabay baling nito kay Janice. "How are you, Janice?" si Madge. Bigla na lang siyang sumulpot mula sa pintuan.


Hindi tumugon si Janice kaya naman sa akin na bumaling si Madge."Bakit ka may hawak na walis?"


Para akong naestatwa, hindi ako makagalaw. "Ah...wala. Maglilinis sana ako..." sabay bitaw ko sa hawak kong walis. Nagulat pa ako at hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang yakapin nya si Janice, kung si Janice nga ba talaga iyon.


Sumimangot si Madge sa akin. "Akala ko ba magsisimba tayo?"


Tumango lang ako habang pilit na sinisilip si Janice. Samantala, bumitaw naman sya sa pagkakayakap kay Janice."Bakit parang matamlay ka, Janice?"


"Inaantok pa po kasi ako, Tita Madge,"tugon ni Janice kay Madge. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang tinig ni Janice simula kaninang paggising niya.


"Siguro...nasermunan ka ng mama mo, 'no?" kantyaw pa ni Madge habang hinihimas ang buhok nito.


Yumuko lang si Janice. Pero hindi! Hindi ito si Janice! But I heard her voice. Kung ganoon, sino iyong nakahiga sa kwarto?


Walang pasintabi akong tumakbo patungo sa kwarto. Heto na naman ang matinding kaba sa dibdib ko. Nang nasa pintuan na ako ng kwarto, si Janicekaagad ang sinipat ng aking paningin.Then I was shocked! She's gone! Wala na ang Janice na kanina lamang ay mahimbing na natutulog dito sa kama!


Nanlambot ako sa aking kinatatayuan dahilan para ako ay mapaupo. Doppelganger?! Ayon sa matatanda, masamang pangitain daw ang ipinapahiwatig nito. Akala ko ay kuwento lang iyon. 


But I don't believe them! Not until I saw it with my own eyes!


"Maria!" sigaw ni Madge sa pangalan ko.


Agad akong napatayo sa aking pagkakaupo at pilit na pinahid ang luhang namutawi na pala sa aking mga mata. "I'll be there in a second!" tugon ko sa kanya.


What the hell is happening to me? 


Bakit ako nagkakaganito? 


Sa pagkakatanda ko, nagsimula lang ang lahat ng ito matapos naming manggaling sa birthday party ni Ara. Something bad might happen. Masama ang kutob ko.O baka naman epekto lang ito ng stress?Hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong lakasan ang loob ko.


Matapos magsimba, dumiretso kami sa isang fastfood chain malapit sa aming bayan. Hindi ko maiwasang pagmasdan si Janice.


 Isang bagay lang ang nagbago, at iyon ay ang pakikitungo niya sa akin. Alam kong nagtatampo pa rin sya sa akin. Tuwing may itinatanong ako sa kanya, pagtango lang ang itinutugon niya sa akin at hindi nya ako magawang tingnan nang mata sa mata.


Mabuti na lamang at sumulpot si Rene, isa sa mga estudyante ko at kaibigan din nina Janice at Ara. Kailangan ni Janice ng break at alam kong makakatulong sa kanya ang presensya ni Rene.


"Mrs. Ocampo, pwede ko po bang isama si Janice dyan sa mall sa tapat?" paalam ni Rene sabay turo sa katapat na mall ng fast food chain na kinakainan namin.


Tumango lang ako. "Bumalik din kayo agad ha..."


Tumango lang si Janice at pagkatapos ay umalis na sila. Tumingin sa akin si Madge na nakaupo lang sa aking harapan. "May problema ka ba? Kanina ka pa parang balisa ah..."


Napabuga ako ng hangin. "Ikaw, Madge, may problema ka ba? Kahapon ay ang weird mo, eh. Okay ka na ba ngayon?"


"What do you mean?" She sipped her iced tea.


"Kahapon, Madge, nagmamadali kang umuwi na parang takot na takot ka. The last time I saw you like that was when you saw Nana and Ara for the first time in years." Nang makita niya kasi ulit ang mag-ina sa nakaraang birthday ni Ara ay para siyang naempatso at nagpaalam na agad na uuwi. Ewan ko ba sa kanya.


"Ah, wala yun. Ganoon talaga ako minsan...weird." Alam kong peke ang ngiti niya. Halatang may itinatago siya.


"Speaking of Ara, bakit ang ilap mo sa batang iyon?" Pumangalumbaba ako.


Sa party kasi ay binati niya ito pero hindi naman siya rito nakatingin. Nilapitan siya nito para sana ibeso pero lantarang umiwas siya.


"Hindi naman sa mailap ako sa kanya, hindi ko lang sya...ah ewan! Hindi ko maipaliwanag eh."


"Kahitkay Nana ay parang iwas ka rin. Bakit? Noong college naman tayo aygustong-gusto mo si Nana, gandang-ganda ka at bait na bait doon sa tao.Nagselos pa nga ako kasi parang mas gusto mo siyang kaibiganin noon kaysa saakin."


Nagbago ang mukha nya. Hindi sya makatingin sa akin.


"Look Madge, kung nababaitan ka kay Nana dati, mabait din si Ara. May pagkasutil lang minsan pero sweet naman na bata iyon."


She sighed. "Wala...namimili lang talaga ako ng batang magugustuhan ko."


"So nanggaling na sa bibig, hindi mo gusto si Ara?"


"Why are you interrogating me about her, huh? Eh, samantalang kahapon, ikaw itong nagsabi na baka maging masamang impluwensya itong si Ara kay Janice mo. At saka wag mong ibalik sa akin ang tanong, I'm asking you, right? Bakit parang balisa ka kanina ha? Siguro inaway mo si Janice,'no?" Bahagya pa niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha. Hindi ako nakaimik. "Napansin ko rin ang palihim mong pagsulyap sa anak mo kanina pa. Parang nangingilag ka sa kanya."


Yes, nasaktan ko si Janice, pero hindi lang iyon ang dahilan. May mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag. Sino ang babaeng iyon na natutulog katabi ko noong mga nakaraang gabi? Who was that girl if it wasn't Janice? Was that actually my daughter's doppelganger?


How about those hair on the floor? Kanino galing ang mahahabang hibla ng buhok na iyon?


Biglang may humawak sa balikat ko. "Aahhh!" Napasigaw ako dahil sa gulat. It wasn't Madge! Isang batang pulubi ang humawak sa balikat ko.


"Palimos po..." May pagmamakaawa sa tinig nito.


Hindi ako nakagalaw, naestatwa ako dahil sa pagkabigla. Napakadungis ng batang ito. Paano ito nakapasok sa isang fastfood chain na tulad nito?


Ilang sandali lamang ay nilapitan ito ng isang service crew at hinila palabas. "Bawal ka dito. Doon ka sa labas mamalimos," utos nito sa batang pulubi habang patuloy pa rin itong hinihila palabas.


Samantala, halos habol-habol ko naman ang aking paghinga dahil sa kaba. Nagulat kasi ako sa biglang pagtapik ng batang iyon sa akin.


"Okay ka lang?" ani Madge habang nakatingin sa akin. "Bakit parang takot na takot ka?"


"Ah wala, nagulat lang ako dun sa pulubi." Umayos ako ng upo.


"Kahit ako nagulat din eh. Biglaan ang pagsulpot nito sa harapan mo. Tulala ka kasi kaya hindi mo napansin." Nakangisi siya sa akin.


"Tulala ako?"


"I told you. Wala ka sa sarili. Kanina ka pa balisa."


Napayuko na lang ako. Napakamot naman si Madge sa kanyang ulo. Ngunit nang ibaba na nya ang kanyang kamay, natabig nya ang basong may lamang ice tea sa kanyang harapan. "Shit!" Sabay pa kaming napatayo nang matapon ito.


"Sorry, natapunan ka ba?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.


"Hindi naman. Kaunti lang," tugon ko habang pinupunasan ang ibabang bahagi ng aking kasuotan gamit ang panyo.


Nang mapunasan na namin ang natapong ice tea, laking gulat naminnang biglang pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at nagwala ito sa counter. "Hindi naman ito ang in-order ko ah! Bakit ito ang ibinigay mo sa akin!?" Galit na galit nitong ibinato sa cashier ang order nitong pagkain.


"Sorry, Sir. Palitan ko na lang po," pag-alo ng cashier dito.


"Aba! Dapat lang! Hindi ko naman pagkakamali iyan!" sigaw pa ng lalaking nagrereklamo.


Bumulong sa akin si Madge. "Grabe, 'no? May ganyan palang mga tao." Bilang tugon ay tinanguan ko lang sya.


Nang makuha na ng lalaki ang pinalitang order nito, padabog itong lumabas ng fastfood chain at sumakay sa nakaparada nitong sasakyan. Ilang saglit pa'yhumarurot na ito paalis.


Napailing na lang kami ni Madge. "Hintayin lang natin si Janice, tapos umuwi na tayo," sabi ko habang nakatingin sa aking relo. Tumango lang si Madge.


"Let's go!" Pagtayo ko ay tumayo na rin si Madge.


Nang makauwi na kami sa apartment, nag-stay muna si Madge at nakipagkwentuhan kay Janice. Sa amin na rin sya naghapunan. Matapos nilang magkwentuhan ay agad ko nang pinatulog si Janicedahil kinabukasan ay may pasok na. 


Naiwan kaming dalawa ni Madge at inabot kami ng alas-nuebe ng gabi sa pagkukwentuhan. Pagkatapos noon ay umuwi na rin siya.


I'm about to go to bed nang mapansin ko na naman ang mga hibla ng buhok na nagkalat sa sahig. I sighed, then I swept it again. Saan ba nanggagaling ang mga buhok na ito? Madge has a long blonde hair, this one is black.


Matapos kong simpangin ang mga misteryosong buhok na ilang araw ko nang nakikita, napagpasyahan ko nang matulog sa aming kwarto.Pagpasok ko sa loob ay nakita kong tulog natulog na si Janice at naririnig ko na ang malalim nyang paghinga. Hindi ko naiwasang muling makaramdam ng takot.


Nag-aalala ako na baka mangyari na naman ang nangyari kaninang umaga. Hindi ako natatakot kung may kababalaghan mang nagaganap, natatakot ako sa kung anumang pwedeng mangyaring masama sa anak ko.


I stared at Janice. This time, nakatalikod sya sa akin habang nakayakap nang patagilid sa isa pang unan.Is she still mad at me? Hinaplos ko ang kanyang buhok. I can feel that she's in deep sleep.


Tumayo ako at isinara ang pinto ng kwarto. Mula sa may pintuan ay tinitigan ko sya. I want to say sorry about what happened yesterday. But how could I? May kasalanan din naman kasi sya sa akin. She lied to me! Well, if she would say sorry to me, I will forgive her. Maybe tomorrow...


"Why are you staring at me!?"


Napaigtad ako nang dahil sa gulat. Isang boses ang nagmula kay Janice. Nakatalikod pa rin sya sa akin.


"Anong sabi mo?" Nag-init ang ulo ko nang dahil sa sinabi niya.


Hindi sya lumingon o gumalaw man lang. Nakatalikod pa rin sya sa akin at nakayakap sa unan niya. Hindi rin sya kumibo.


"I'm still your mother! Hindi ka dapat─"


"Why are you staring at me!?" sigaw muli niya.


"Ha?" Ni hindi pa rin sya gumagalaw o humaharap sa akin. Sa tono pa ng pananalita nya ay para syang galit.


Lumakad ako papunta sa kabilang bahagi ng kama paharap sa kanya. "Aba't! Sumusobra ka na ah! Wala ka nang paggalang sa─"Natigilan ako nang makita kong tulog na tulog pa rin siya.Paano nangyari iyon? Kanino nanggagaling ang tinig na iyon?


"Janice..." Tinawag ko sya. Pero kitang-kita kong malalim na ang tulog nya.


Imposible! 


Sa kanya nagmula ang tinig na iyon! Bahagya akong umupo paharap sa kanya. "Janice..." Subalit kahit yugyugin ko sya ay mukhang malabo syang magising dahil sa himbing ng kanyang tulog.


Napayuko ako. Siguro ay nananaginip lang sya. Sleep talking, maybe. Ngunit ano itong nararamdaman ko?Halos lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitaasan. Agad kong hinimas ang aking mga braso sa pagbabakasakaling giniginaw lang ako. Subalit heto na naman ang takot at kaba sa dibdib ko. 


Tumingin ako kay Janice. 


Natatakot ako. Natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanya.Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa nag-iisa kong anak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na mapabayaan ko siya.


Dahil marahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayang napaidlip na pala ako. Makalipas lamang ang isang oras ay naalimpungatan rin ako. Pupungas-pungas na bumangon ako.


Nang makaupo na ako sa gilid ng kama, si Janice kaagad ang hinanap ng aking paningin. Pero wala ni anino niya sa aming kwarto.


"Janice!" Napasigaw ako.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-panic.


Nasaan ang anak ko?!


JAMILLEFUMAH

@JFstories 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro