Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SEIS ✞



VI

✞De Javu✞

Monday, 6:00 A.M.

Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.


Mabilis kong tinungo ang daan palabas ng kwarto upang hanapin si Janice. Nakarating na ako sa sala subalit ni anino niya ay wala pa rin akong nakikita.


"Janice!" Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng aking dibdib.


Tinungo ko ang kusina subalit wala siya roon. Sa banyo, subalit wala rin doon. Sa terrace, subalit wala pa rin. Bumalik ako sa sala nang nanlalambot ang tuhod. Where the hell is she? Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang maiyak. Why? Why is this happening? 


"Janice..." Napahagulhol na ako. Nasaan ang anak ko?


Makalipas ang ilang minuto, marahang bumukas ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking ulo. Mula sa loob ay lumabas doon si Janice. "Ma, bakit ka umiiyak?" Pupungay-pungay pa siya at halatang kagigising lang.


Lalo akong napahagulhol. Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako. 


Ginantihan ko ang yakap na ibinigay niya sa akin. "I'm sorry, anak... I'm sorry..."


Katulad ng nararamdaman ko noong mga nakaraang araw, natatakot ako pa rin ako. Natatakot ako para sa kanya. Natatakot akong mawala sya sa akin. 


Pagkatapos ang madramang tagpo namin ni Janice, agad na kaming kumilos upang maghanda para sa pagpasok. Bago mag-alas-syete ay nakaalis na kami sa apartment at bumyahe na papunta sa prestehiyoso at pamosong unibersidad na aking pinagtatrabahuhan at siya ring pinapasukan ni Janice.


Saktong alas-syete nang nagsimula akong magklase. Kumpleto ng aking mga estudyante maliban sa isa─si Ara. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip na hindi na naman siya papasok.


Ala-una nang natapos ang klase ko. Sinabi ko kay Janice na hintayin ako bago magtungo sa canteen. Gusto ko kasi syang makausap tungkol kay Ara dahil sa pagkakaalam ko, sya lang ang huling nakasama nito.Ayon kasi sa mga Santos, Biyernes pa nang umalis si Ara sa kanilang bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi. Ni hindi man lang daw ito nagpaparamdam at hindi rin ma-contact.


Pumasok si Janice sa classroom na hawak ko nang lumabas na ang aking mga estudyante. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob. "Hi, Ma. Tapos na ang class ko. Kain na po tayo?"


"Janice, may gusto akong itanong sa'yo..." Nakatayo sya sa harapan ko habang nakatingin sa akin."Ikaw lang ang huling nakasama ni Ara noong Sabado, remember? Noong ginawa nyo yung group project niyo sa Pharma?"


Tumango sya at ngumiti. "You mean, naniniwala ka na sa'kin?"


Hinawakan ko sya sa balikat. "I believe in you..." Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata. "Pero mangako ka sakin, Janice. Promise me that you're going to tellme the truth," mariin kong pagsusumamo sa kanya.


Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na para bang nanunumpa. "I swear, Ma. I swear! Si Ara po ang nakasama ko noong Sabado sa paggagawa ng group project namin."


Napapikit ako. Paano nangyari iyon? Paano nangyaring sinabi ni Clarisse na hindi pa raw umuuwi si Ara since Friday hanggang ngayon gayong nakasama ito ni Janice noong Sabado? Naguguluhan ako.


"Okay Janice, naniniwala ako sa'yo." Yumakap sya sa akin pero bumitaw din agad. "Janice...wala ka bang napansin sa kanyang kakaiba?"


Tumingin sa itaas ng kisame si Janice na tila ba nag-iisip. Pagkatapos noon ay humarap siya sa akin. "Tahimik po sya noong araw na iyon, halos walang kibo." Nangunot ang aking noo. "Ang duda ko po, nagtatampo sya sa daddy niya dahil wala ito nung birthday party nya,'di ba po?"


Napatango na lang ako. Lagi naman kasing walang time ang daddy ni Ara para dito. "Okay, Janice, mauna ka na sa canteen. Tatapusin ko lang itong lesson plan." utos ko sa kanya.


Tumango lang sya at humalik sa aking pisngi, at saka mabilis na tinungo ang labas ng classroom. Hinayaan kong bukas ang pinto tulad ng palagi kong ginagawa tuwing may tinatapos akong gawain sa loob ng classroom.


Nag-focus ako sa aking ginagawang lesson plan subalithindi ko pa rin maiwasang isipin ang tungkol sa posibleng kalagayan ni Ara. 


Bilang pangalawang ina niya, hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. At the same time ay nakakaramdam ako ng inis. How could she do this? Hindi ba niya naisip na nag-aalala ang kanyang mga magulang para sa kanya? And how could she abandon her class today?


Ganoon ba kaimportante ang nilakad niya noong gabing iyon para hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makauwi? Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy na sa pagsusulat. Kailangan ko itong matapos, ayoko rin namang malipasan ng gutom. Isa pa, naghihitay sa akin si Janice sa canteen.


I'm about to finish my lesson plannang biglang may pumasok sa classroom. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang tingnan dahil bahagya ko naman itong kita sa peripheral vision ko. Naka-uniform rin ito ng tulad ng sa mga estudyante ko. Si Janice iyon sa tingin ko.


"Sabi ko sa canteen mo na ako hintayin," sabi ko rito nang hindi nakatingin.Naramdaman kong umupo ito sa class desk sa bandang gitna. "Anyway, patapos na rin naman ako. Hintayin mo na 'ko."


Ngunit wala pa rin itong imik. Nang tuluyan ko nang matapos ang aking lesson plan, mabilis akong tumayo at iniligpit ang mga gamit ko. "Let's go!"


Walang paglagyan ang kabang naramdaman ko nang makita ang babaeng estudyante. Natutop ko rin ang aking bibig.


"A-Ara..?"


Si Ara ba talaga ito? Si Ara nga. Doon na ako nakahinga nang maayos ulit. Humabol siya ng pasok pero kalahating araw na ang natapos. Wala syang imik. Nakayuko lang sya at ni hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng mahaba nyang buhok.


Maya-maya ay marahan akong humakbang palapit sa kanya. "Ano ba ang nangyari sa'yo ha? Hinahanap ka ninaNana noong Sabado pa."


Subalit nanatili pa rin siyang walang imik. Nakayuko pa rin sya. Nang makalapit ako sa kanya, doon ko na narinig ang kanyang paghikbi. Dahil dito, tila nakonsensya ako sa aking nasabi. Maaari kasing kaya siya nagkakaganito ay dahil sa pangungulila nya sa kanyang ama. Umupo ako sa bangkong katapat ng inuupuan niya. "Ara, what happened?"


Hindi pa rin niya ako sinagot at patuloy lamang siya sa paghikbi.Ni hindi ko nga maaninag ang kanyang mukha dahil natatabingan ito ng kanyang mahabang buhok.


"Ara..." Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Gusto ko syang yakapin. Pero tila may kung anong pwersang pumipigil sa akin na gawin iyon.


Mayamaya'y nag-ring ang cellphone ko. Nang ilabas ko ito mula sa aking bulsa, nakita ko kung kanino nanggaling ang tawag─it's Madge.


Bumaling muli ako kay Ara. "Ara sandali lang ha...I have to take this call." Tumayo ako at bahagyang naglakad palayo sa kanya. "Wag kang aalis dyan, mag-uusap pa tayo..." I told her.


Nagtungo ako sa bintana ng classroom at saka ako tumalikod sa kanya. "Hello?" I answered the call.


"Maria!!!" sigaw ni Madge mula sa kabilang linya.


"Hey Madge, may problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.


"Maria..." sambit muli niya sa namamaos na tinig.


"Bakit nga? Bilisan mo, busy ako! Ano ba iyon?"


"S-Si...A-Ara..." Hindi ko man siya nakikita, alam kong umiiyak siya base sa kanyang boses.


"Oh. What about her? Actually, she's he─"


"She's dead..."


Pakiramdam ko'y tila huminto ang pag-inog ng mundo kodahil sa aking narinig. "W-what!?" Baka naman nabingi lang ako.


"Maria, patay na si Ara. Patay na ang anak ni Nana...!"


"Ha? Imposibl─"


"Natagpuan ang bangkay nya sa tapsihan kaninang 10:15 ng umaga..." Umiiyak na si Madge sa kabilang linya.


Napalunok ako nang malalim.Hindi ako makapagasalita. Paanong? Kung ganun, sino itong kasama ko?


Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking katawan at nangingilid sa mga mata ko ang luha.


"Maria? Andyan ka pa ba?" tanong ni Madge mula sa kabilang linya.


Gusto kong sagutin ang kanyang tanong ngunit walang lumalabas na tinig sa akin. Ni hindi ko na rin namalayang naibagsak ko na pala ang cellphone ko.


Gusto kong lumingon. Gusto kong lingunin si Ara subalit hindi ko magawa. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang hikbi niya, dahilan kung bakit mas lalo akong nanghihilakbot. Sh*t! Lilingon ba ako o hindi?Kung hindi siya si Ara, sino itong nasa likuran ko?


"Sino k─"


Akma ko na syang lilingunin nang biglang may humawak sa aking balikat.Napaigtad ako at napatili sa gulat. Agad kong nilingon kung sino ang humawak sa akin.


Isang batang pulubi?


"Palimos po..." May pagmamakaawa sa tinig nito.


Namilog ang mga mata ko. Agad kong nilingap ang paligid. Bigla ko na lang nakita ang aking sarili habang nakaupo sa isang fastfood at kaharap si Madge.


Totoo ba ito? Bakit parang nangyari na ito?


Hindi ako pwedeng magkamali. Nangyari na nga ito kahapon sa fastfood chain na kinainan namin matapos naming magsimba.


"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Madge habang titig na titig siya sa akin.


Hindi ako nakapagsalita.Maya-maya'y may lumapit na service crew sa batang pulubi at hinila ito palabas. "Bawal ka dito. Doon ka sa labas mamalimos."


"Okay ka lang?" tanong muli ni Madge. "Bakit parang takot na takot ka?"


Tiningnan ko sya habanghabol habol ko ang aking paghinga."A-Anong nangyari? B-Bakit parang ..." Hindi ko maapuhap ang aking sasabihin.


Napakamot si Madge sa kanyang ulo. Subalit nang ibaba nya ang kanyang kamay, natabig nya ang basong puno ng iced tea na nasa harapan niya. "Shit!"


Shit talaga! Hindi ako pwedeng magkamali. Nangyari na nga ang pangyayaring ito.


Sabay pa kaming napatayo nang tuluyan itong matapon."Sorry, natapunan ka ba?" May pag-aalala sa kanyang tinig.


Hindi ako nakaimik. Bikig ang aking lalamunan at nangangatog ang aking mga labi.


"Hoy! Ano na?" untag nya.


Hindi na ako nakatiis kaya naman lumapit na ako sa kanya. "Madge...nangyari na ito."


"Ha?" Patuloy lang sya sa pagpupunas sa kanyang damit na natapunan ng iced tea. "Hindi kita maintindihan. 'Sinasabi mo riyan?!"


"Madge, makinig ka..." Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. Para na akong baliw. Nangangatog ang aking buong katawan. "Nangyari na ang lahat ng ito..." naluluha kong usal.


Ilang sandali pa, hinila ako ni Madge at pinaupo. "Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa balisa eh..."Nang makaupo na ako, umupo rin sya paharap sa akin. "Ano bang nagyayari? Nanginginig ka ah..."


Palinga-linga ako sa paligid na tila ba may kinatatakutan. "A-Anong araw ngayon, Madge?"


Ngumiti sya. "Linggo! Nakalimutan mo na ba? Galing tayo sa simbahan kanina lang, 'di ba?"Napayuko ako."Don't tell me natakot ka nang husto doon sa batang pulubi?" nakangisi niyang sabi sa akin.


Tumingin ako sa kanya. "Makinig ka, Madge, may papasok dyan na lalaking nakasuot ng itim na jacket." Itinuro ko ang counter area.


Nilingon naman ito ni Madge. "Okay..." natatawa niyang sabi. "Pagkatapos..."


"M-Magrereklamo ang lalaking iyon dahil mali ang ibinigay sa kanyang order for take out." Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng kalamnan ko.


Alam kong hindi kumbinsido si Madge sa mga pinagsasabi ko. Pansin kong napapangiti nalang siya sa akin. "All right," sambit niya. Humarap siya sa counter area. "Let's see."


Ilang minuto nga lang ay biglang pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at nagwala ito sa counter. "Hindi naman ito ang in-order ko ah! Bakit ito ang ibinigay mo sa akin!?" Galit na galit nitong ibinato sa cashier ang order nitong pagkain.


"Sorry, Sir. Palitan ko na lang po," pag-alo ng cashier dito.


"Aba! Dapat lang! Hindi ko naman pagkakamali iyan!" sigaw pa ng lalaking nagrereklamo.


Napatigagal si Madge sa kanyang nasaksihan. Marahan syang tumingin sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pamumutla. "My God..." bulong nya.


Nang makuha na ng lalaki ang pinalitang order nito, padabog itong lumabas ng fastfood chain at sumakay sa nakaparada nitong sasakyan. Ilang saglit pa'yhumarurot na ito paalis.


Hindi makapaniwala si Madge sa kanyang nakita. Ni hindi siya makapagsalita. Maging ako ay hindi rin makapaniwala. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit tulad ng aking inaasahan, hindi niya nagawang magsalita. Makalipas ang ilang sandali, dumating na sina Janice at Rene. Nagpasama si Rene kay Janice dahil may binili ito sa katapat na mall.


Matapos ang pangyayaring iyon, napagpasyahan na naming umuwi sa apartment kasama si Madge.Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin syang imik. Pansin ko rin sa mga kilos nya ang panginginig ng kanyang katawan. Balisa siya at tila hindi malaman ang gagawin at ang sasabihin.


Nang makarating na kami sa apartment, agad kong pinatulog si Janice matapos naming maghapunan. Nang makatulog na siya, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko naman si Madge sa sala habang palakad-lakad na tila ba hindi mapakali.


"Madge..." bungad ko kay Madge. Pilit kong itinago ang pangangatog ng aking katawan.


Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Anong nangyari? Bakit? Paanong─" Halos hindi rin nya masabi ang ang gusto nyang itanong.


"I told you... Nangyari na ang lahat ng ito, maliban dito. Sa pangitain ko, wala ang pangyayaring ito, ang pag-uusap natin."


Namuo sa kanyang mga mata ang luha."May mga kakaiba pa bang nangyayari sa'yo bukod dito?"


"Meron. Marami. Hindi ko maipaliwanag."


"Kailan pa nagsimula?"nag-aalala niyang tanong.


Marahan akong umupo malapit sa kanya. "Simula nang...manggaling kami sa birthday party ni Ara."


"Shit!" Napaupo na sya sa tabi ko.


"Bakit?!"gulat na gulat kong tanong.


"It's a premonition," tugon niya subalit hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko.


"What do you mean?"


"Someone will die."


Doon ko lang napagtanto at napagtagpi-tagpi ang mga bagay-bagay─ang aking pangitain at ang mga kakaibang pangyayari nitong mga nakaraang araw. Nang sabihin niya iyon, si Ara agad ang unang pumasok sa isip ko.


"Si Ara..." magkapanabay naming bulong.


"Paanong─"Napaangat na ako sa aking kinauupuan.


Sumeryoso ang kanyang mukha. Napalunok siya. "Noong una ko pa lang syang makita..." Tumitig sya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata nya ang matinding takot. "Alam ko na... mamamatay sya."


Nangilabot ako sa aking narinig.


Tumingin sya sa akin. Sa puntong iyon, hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha."I never saw her face."


"A-Anong ibig mong sabihin?"


"W-Wala syang ulo..."


Napatakip ako sa aking bibig. "Sa simula pa lang nang...makita mo sya?"


Tumango lang sya sa akin. Kaya pala sya mailap sa batang si Ara. Kaya pala...


Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, napakalamig nito. "Sabihin mo sa akin ang lahat, Madge, ano pang nalalaman mo?"


Tumingin sa akin si Madge. Namumugto na ang kanyang mga mata."Remember noong Saturday after nating mag-grocery?"Napalunok ako. "I saw Ara...dito sa third floor." Napakapit sya nang madiin sa aking mga kamay. "Nandito siya noong araw na iyon at tanaw na tanaw ko siya mula sa ating kinatatayuan."


Kaya pala pansin ko ang pamumutla niya noong araw na iyon habang tinatanaw itong third floor.Kaya pala maraming buhok sa aming sahig na lagi kong winawalis. Kaya pala sunod-sunod ang mga nakakapagtakang pangyayari simula noongSabado nang madaling araw. Kaya pala... Lahat ay premonisyon sa pagkamatay ni Ara.


"Ano ang kinalaman ko?" naguguluhan kong tanong. Tumingin ako sakanya. "Bakit ako?"


"P-Paano mo ba nasabing...nangyari na ang lahat ng ito?"


Napayuko ako. "Bukas..."


"Ha?"


"Bukas, Ara will be found dead sa tapsihan sa bayan." Nang sabihin koi yon ay napaiyak na ako.


Nanlata naman si Madge sa kanyang narinig. Ilang sandali pa'y matiim siyang tumingin sa akin. "Ikaw..."


"A-Anong ikaw?A-Anong ako? Ako?"


Napaluha na rin sya. "Ikaw ang napili nyang...hingan ng tulong..."


"What do you mean? Hindi ba't hindi nga ako malapit sa kanya?" Ayaw kong maniwala. Gusto ko ng konkretong paliwanag.


Napapikit sya. "Hindi ko rin alam. Ano bang relasyon mo sa kanya? Sa pamilya nya? Kay Clarisse? Kay...Atty. Santos?"


Kay Atty. Roger Santos? Hindi ako nakaimik.


Biglang namilog ang mga mata nya. Pagkatapos ay bigla syang nag-angat ng mukha na para bang may biglang naalala. "My God!"


Napaatras ako. "Bakit?"


Kitang-kita ko ang muling pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. "S-Si Janice..."


"Oh please, don't tell me..."


Biglang nabaling ang aming atensyon sa kwarto nang marahang bumukas ang pinto. Magkapanabay kaming napalingon doon.


Isa.


Unti-unting lumalawak ang pagkakabukas nito.


Dalawa.


"Janice..." bulong ko. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking buong katawan.


Tatlo.


No!!! It's Ara.


JAMILLEFUMAH

@JFstories


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro