Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ONSE✞

  XI


Janice Part2

Janice's P.O.V.


NANGALAY AKO sa pagkakatihaya kaya tumagilid ako ng higa. I can hear my mother's breath, she's at my back.


Napakalamig. Giniginaw ako. Sinubukan kong mamaluktot to embrace myself, but still, it's not enough. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. I saw my phone infront of my face. It's 10:15 in the evening.


Naramdaman kong gumalaw si Mama sa aking likuran. "Ma, yakap mo ko..." Segundo nga lang at naramdaman ko na ang kanyang braso na dumantaw sa akin mula sa likuran. She always do this, ang yakapin ako mula sa likuran. But wait!


Malamig ang mga braso nya nang kapain ko ito. It's impossible na mas makaramdam siya ng lamig kaysa sa akin dahil mas malapit ako sa aircon. Muli kong hinawakan ang braso niya. Napakalamig talaga nito. "Ma, are you okay?" I asked her.


She did not respond. Mahimbing na siguro ang tulog nya. Then suddenly, my cellphone rang. I looked at it. A call from an unknown number?


Sino kaya ito?


Mabilis kong dinampot ang cellphone ko and I answered it. "Hello!"


"He+++ Janice!" sagot nito mula sa kabilang linya. Hindi ko ito gaanong marinig dahil choppy.


"Sino 'to?"


"Janice, ma+++ ako ng ++i." Garalgal ang boses nito. Siguro dahil sa signal.


"Hello! Choppy! Sino ka!?" bulong ko pero tila pasigaw ang pagkakasabi ko.


"Janice, hin++ ++ k+ nari+++?" Magulo pa rin ang linya.


"Ano ba yun?!" Sa puntong iyon, parang gusto ko nang putulin ang tawag.


"Sabi ko, ma++++ +++ uw+!"


"Ha?!" Isa pa at ibababa ko na 'to.


"Sabi ko, male-late ako ng uwi..." Biglang luminaw ang linya.Naiintindihan ko na ang sinasabi ng nasa kabilang linya.


Parang huminto ang mundo ko.


"Nakitawag lang ako kasi lowbat ako... Janice?"


Doon na ako nagsimulang makaramdam ng panginginig. Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Nagsimula na rin mangilid ang luha sa aking mga mata. 


"Janice? Bakit?"


Pinilit kong magsalita. "M-Ma?"


"Ako nga, Janice. Bakit?"

Sino itong katabi ko?


Napasigaw ako atdali-daling bumangon. 


Naramdaman ko na lang na pinagpapawisan na ako nang malamig.


"Janice! Okay ka lang ba?" Si Mama habang may dala-dala siyang tubig. Naluha na lang ako. 


Bangungot na naman!


Agad nya akong niyakap. "Janice anong nangyari? Bigla ka na lang hinimatay dun sa burol ni Ara."


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maibukas ang aking bibig kahit gusto kong sabihin kay Mama lahat. Gusto kong malaman nya ang lahat. Pero ayaw talaga bumukas ng bibig ko. Parang may nakapasak na kung ano sa mga oras na ito.


Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin."Janice, anong nangyayari? Nag-aalala na ako sa'yo. Nanginginig ka." 


Hindi pa rin ako makasagot! Hindi ako makapagsalita!


Natanaw ko si Tita Madge. Nandito pala sya. Papalapit sya sa amin. "Janice, okay ka lang ba?" 


Tumingin lang ako sa kanya. Dahil hindi ko magawang magsalita, idinaan ko na lang sa tingin ang gusto kong sabihin. 


Pinilit kong mangusap sa pamamagitan ng mga mata ko.


Pero hindi nya ako naintindihan. Hindi niya iyon napansin. Bumaling sya kay Mama. "Maria, andito na sya."


May pumasok sa pinto. Isang lalaki na maedad na pero matikas pa rin. Si Mang Isko. Tenant din sya rito sa building apartment. Tagaroon sya sa second floor.


"Si Mang Isko yung...crime investigator na naka-assign sa kaso Ara," ani Tita Madge habang tila hindi mapakaling pinaglalaruan ang mga kamay.


Naalala ko na! Si Mang Isko nga pala ay isang pulis. Madalas ko syang makitang rumoronda tuwing gabi sakay ng police mobile. Akalain mong sya pala ang may hawak ng kaso ni Ara.


"Mrs. Ocampo." Kinamayan ni Mang Isko si Mommy.


Sinalo naman ni Mommy ang palad nitong nakalahad. "We're glad na ikaw ang humawak ng kaso ni Ara. Hindi na kami mahihirapan na...makapagbigay ng pahayag."


"S-Salamat." Napakalikot ng mga mata ni Mang Isko. Hindi nya ako magawang tingnan nang diretso.


"May prime suspect na ba kayo, Isko?" tanong ni Tita Madge. Matagal na yatang kakilala ni Tita Madgesi Mang Isko.


"Meron na. Si..."Inilibot muna nito ang mga mata sa buong paligid. "Roli..."


Tumingin nang makahulugan si Mommy kay Tita Madge at pagkatapos ay bumalik kay Mang Isko. "May ebidensya na ba?"


Napayuko si Mang Isko. "Wala pa. Pero..." Habol nito ang sariling hininga. "Hindi na kasi sya nagpakita pa pagkatapos ng mga pangyayari. Isa pa–"


"SYA ang pumatay, Mang Isko!" Nanginginig ang boses ni Mommy.


"Pero wala ka sa tapsihan na iyon nang dalhin doon ni Roli ang bangkay ni Ara, tama?" Hindi magawang tingnan ni Mang Isko si Mommy sa mga mata.


Napaiyak na si Mommy at agad naman syang niyakap ni Tita Madge. "N-Naduwag ako... Alam ko na mangyayari iyon pero–"


"Mrs. Ocampo..." alo ni Tita Madge.


"No! Kasalanan ko! Kung ni-report ko agad na mangyayari yun...sana nahuli kaagad ng mga pulis si Roli..."


"Tama lang ang ginawa mo, Mrs. Ocampo. Kapag nagkataon, maaari ka pang madamay sa kasong ito. Pwede kang mapagbintangan na kasabwat kapag nagkataon," malumanay na paliwanag ni Mang Isko. The truth is, hindi ko sila maintindihan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.


All I know is, alam na ni Mommy na mangyayari ito. 


Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko, una nyang nilapitan si Mang Isko. Sinabi nya na matatagpuan si Ara sa tapsihan na wala nang buhay kinabukasan, but the problem is, hindi sya pinaniwalaan ni Mang Isko. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala, until nangyari na nga. Ang tanong lang, paano nalaman ni Mama na si Roli ang nagdala kay Ara doon sa tapsihan?


"Naniniwala na ako ngayon sa'yo, Mrs. Ocampo. Mahirap paniwalaan pero naniniwala na ako. Nakita ko rin ang batang iyon noong tinulungan kitang i-akyat ang mga grocery mo. Batid kong hindi ito simpleng kaso lamang, kaya talagang sinikap kong sa akin ma-assign ito."


Napahagulgol na si Mommy. "Ano nang gagawin natin?" 


Napabuntong-hininga si Mang Isko. "May kilala akong paranormal expert..."


"Si Ka Pineng ba ang tinutukoy mo?" si Tita Madge.


Tumango ang may edad na lalaki. Usap-usapan lang sa lugar namin ang tungkol kay Ka Pineng, isa itong magaling na albularyo at kaya rin nitong gumamot ng mga nasasapian. May ilan nga lang na hindi ito pinaniniwalaan. Sino pa ba kasi ang naniniwala sa ganoon sa panahon ngayon?


Kinabukasan, pinuntahan namin 'yung sinasabi ni Mang Isko na makakatulong daw sa amin dito sa Manila. Hindi naman ito kalayuan sa amin. Lahat kami ay desidido nang makita ang sinasabi nyang paranormal expert. 


Kilala lang namin sa pangalan si Ka Pineng pero ito ang unang beses namin itong makikita nang harapan. Malaki pala ang bahay nito bagaman may kalumaan. Si Ka Pineng lang daw ang nakatira dito at ang anak nitong lalaki. Pumasok kami sa loob. Walang tao at ang mga pader ay puro mga abubot na mga kristal na iba-ibang kulay.


"Wala yatang tao, Mang Isko," bulong ni Mama. 


"Mukha lang walang tao. Nandyan lang sa paligid yun," ani Mang Isko na palinga-linga.


So lahat kami ay nagkanya-kanyang lakad. Para kaming nagwi-window shopping sa isang mall. Sa lawak at dami ng mga furniture sa paligid, isang pinto ang nakaagaw ng aking atensyon. Patungo pa lang ako roon nang matigilan ako.


Ano iyon? Parang may naririnig akong bumubulong.


Nilingon ko sina Mama at Tita Madge. May mga sarili silang mundo sila at abala habang namamangha sa mga abubot sa paligid. Bumaling muli ako sa pinto na ilang hakbang na lang mula sa aking harapan. Humakbang ako nang marahan patungo rito. May naririnig akong bumubulong. Bulong na hindi ko naman maintindihan.


Nagpatuloy ako sa paghakbang. Marahan lang ang aking paghakbang habang nakapako ang tingin ko sa naturang pinto. May butas ito sa gitna kaya naisip kong silipin ito. Ang butas na iyon ay sinlaki lamang ng isang mata.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, daglian kong sinilip ang butas.


Madilim.Wala akong makita.Wala akong makita maliban sa... Ano kaya iyon?


Isang pares. 


Ano ba iyon?


Sinilip ko pang mabuti at pinakatitigan.


Heto na naman ang mga ito. Sigurado akong nakita ko na angmga ito. Napalunok ako nang mariin habang pinagmamasdan iyon. 


Nakatayo!


Oo, nakatayo ang mga ito.May nakatayong PAA!!!


"Janice!" May tumawag sa akin.


Agad akong napalingon. Boses iyon ng isang lalaki. Actually, lahat pala kami ay napalingon.


Sa aking kaliwa, nakatayo ang may edad na lalaki. Hinas ang manipis na buhok, matangos ang ilong, maputla. Sino ang manong na ito? Ngayon ko lang siya nakita. Paano nya ako nakilala?


Napabaling ako kay Mang Isko na lumapit. "Kumusta, Ka Pineng?" Ang maedad na lalaki ay si Ka Pineng?


Ngunit hindi sya nito tiningnan. Sa halip, bumaling ito kina Mommy at Tita Madge. Lahat kami ay nagkatinginan.


Napahalakhak naman si Mang Isko. "Ah...Ka Pineng, sila nga pala sin–"


"Hindi mo na sila kailangang ipakilala pa sa akin." Hindi na sya pinatapos nito.


Tumingin ito sa akin. "Ang batang ito ay si Janice." Pagkatapos ay tumingin ito kay Mommy. "Ang babaeng ito naman ay si Maria Ocampo. Isang college teacher at ina ni Janice." Humakbang ito nang bahagya. "Madge?" Sa itsura pa lang nito, mukhang nakilala nya agad si Tita Madge. "Nawala ka sa linya nung kausap kita..."


Napanganga ako. Paano nya kami nakilala gayung ito pa lang naman ang una naming pagkikita?


Umabante si Tita Madge. "Ka Pineng, tungkol ito—"


"Alam ko ang ipinunta nyo rito." Nangunot ang noo nito. "I'm sorry. Hindi ko kayo matutulungan." Pagkatapos ay tinalikuran na kami nito.


Nagkatinginan lang kami, then hinabol nila si Ka Pineng patungo sa sala. Samantala, ako naman ay marahan munang nilingon ang pintong sinilip ko kanina. Pagkatapos noon ay tumalilis na rin ako sa sala.


"Ka Pineng, pero hindi mo pa naririnig aming panig," habol ni Mang Isko.


Nasa sala na rin ako nang huminto si Ka Pineng. "Alam ko kung anong nangyari."


"Alam mo naman na pala. Kung gayon, bakit hindi mo kami tulungan?" nanginginig na sabi ni Tita Madge.


Marahan kaming nilingon ni Ka Pineng. "Ayoko pang...mamatay."


Lahat kami'y halos napaatras sa aming kinatatayuan. Hindi naming inaasahan ang sinabing iyon ni Ka Pineng. Tila nabalot ng kakaibang hangin ang buong kabahayan.


May pumasok sa gate at dumeretso sa pintuan. Isang lalaking naka backpack.18-19 ang edad. "Magandang araw po. Ako po si Kenny, kaklase po ako ni Justine. May usapan po kami na magni-Nintendo po." Kay Ka Pineng ito nakatingin.


Tumingin muna sa amin si Ka Pineng bago nagsalita. "Umupo muna kayo. Maghahanda lang ako ng pagkain." Pagkatapos ay tumingin ito sa batang estudyante. "Sandali lang. Tatawagin ko si Justine."


"Justine! Justine!" sigaw ni Ka Pineng. Si Justine marahil ang anak nito. "Justine! May bisita ka!"


Tumayo si Mang Isko. "Ako na ang tatawag kay Justine. Baka natutulog pa iyon sa kwarto." Mukhang malapit din si Mang Isko sa anak ni Ka Pineng.


"Ah Kenny, sandali lang ah. Pupuntahan ko lang sya sa kwarto." Pagkatapos noon ay umalis na si Mang Isko.


Umalis din si Ka Pineng at nagtungo sa kusina. Pagbalik ay may dala na itong meryenda. pancake at softdrinks. Kasabay nito ang isang binata, si Justine siguro na anak nito. Malauo pa lang ay masasabi ko nang guwapo ang lalaki, pero mukhang pilyo. Nakangiti ito sa akin. "Dad, may bisita po pala kayo." Natigilan ako.


Kilala ko ang Justine na ito!Biglang dumagundong ang dibdib ko. Matapos akong tingnan nito nang masinsinan, tumungo na ito kay Kenny.


"Kenny! Ang aga mo, pre," bati ni Justine.


Tumango lang naman si Kenny.


"Oh sya! Doon na kayo sa kwarto at may importante kaming pag-uusapan nitong mga bisita ko," utos ni Ka Pineng.


Tumayo na si Kenny at pumunta sa pwesto ni Justine. Pero bago yun, nakita kong sinulyapan muna ako ni Justine at may kasama pang pagkindat. 


Tama! Natatandaan ko na! Schoolmate namin siya ni Ara. Alam ko kung gaano ito kaloko at... Mahabang kwento!


Anyway, nang mawala na sa paningin namin ang dalawa, bumaling na sa amin si Ka Pineng. "Nakita nyo ba yun? Ako na lang ang pamilya ng batang iyon. Kapag nakialam ako sa isang ito, sa kaso niyo...mamamatay ako."


Biglang tumahip ang kaba sa dibdib ko. Nakita kong namumula na ang mga mata ni Mommy. "H-hindi po namin kayo maintindihan."


"Pagtungtong na pagtungtong pa lang ninyo dito sa bahay ko..." Halos hindi ito makapagsalita. "Nasa hukay na ang isang paa ko."


Seryoso ba ang lalaking ito?


Pero nakuha na nito ang tiwala namin. Imagine, he already knew na darating kami para humingi ng tulong. Maging ang mga pangalan namin ay alam din niya. Kung gayon, walang dudang malaki talaga ang magagawa niya kapag tinulungan niya kami.


Hindi na napigilan ni Mommy ang kanyang emosyon.Napaiyak na siya at napayakap sa akin.


"So anong dapat naming gawin?" tanong ni Tita Madge. Halata sa tono ng pananalita niya ang pagkainis. "M-Mamamatay ba kami? Iyon ba yun?" Paos na rin ang boses niya.


Yumuko lang si Ka Pineng. "I'm sorry." Subalit agad din itong nag-angat ng ulo. "Mahal ko si Justine kaya hindi ko kayo matutulungan." Pagkasabi niya noon ay lumisan na ito.


Niyakap ni Tita Madge si Mama na patuloy lang sa pag-iyak. "Sabi na nga ba, Madge. May masama akong kutob sa mga nangyayari..."


Hindi nila alintana, humakbang ako palayo sa kanila upang habulin si Ka Pineng. I have to convince him. But how will I do that? Hindi ako makapagsalita.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.


Nasa labas na si Ka Pineng papuntang garden nang maabutan ko siya. Kinalabit ko sya. Agad naman nya akong nilingon. "Janice?"


Pero wala akong masabi, hindi ako makapagsalita. Bakit? Bakit parang pakiramdam ko ay nawalan ako ng dila?


He bend down at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "I know. Hindi ka makapagsalita."


Shit! Kinikilabutan ako sa pinagsasasabi ng lalaking ito. How did he know that? Hindi ko maiwasang bumilib sa kanya subalit hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa presensya niya.


"Janice, makinig ka..." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Tatapatin na kita."


Pagkasabi niya noon ay bigla na namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ito na naman ang hindi maipaliwanag na kaba sa loob ko.


Yumuko pa ito nang bahagya na animo'y hindi masabi ang nais sabihin. Pagkatapos ay buong tatag itong humarap sa akin. 


"IKAW ang uunahin nya. Ikaw ang unang..."


MAMAMATAY..."


JAMILLEFUMAH

@JFstories 



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro