NUEVE ✞
IX
✞Nightmare✞
Sunday, 10:15 P.M.
Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.
"Janice! Bakit gising ka pa? Madaling araw na ah?" tanong ko kay Janice habang tigagal pa rin kami ni Madge sa pagsulpot nito mula sa pintuan ng kwarto.
"Ma, binangungot ako," sabay kusot sa kanyang mga matang namumula.
Nagkatinginan kami ni Madge. Pagkuwan ay marahan akong lumapit sa kanya. Nangangatog ako. "J-Janice, anong napanaginipan mo? C-come here."
Yumakap siya sa akin. "Napanaginipan ko si... Ara."
"What?" Kumalas kaagad ako mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Ma, I saw Ara..."
Hinila ko siya pabalik sa kuwarto at inalalayang makahiga muli sa kama. Hinagod ko ang likuran niya at nadama ko ang malamig niyang pawis.
"Anong napanaginipan mo tungkol kay Ara?" desididong tanong ni Madge.
"N-Nakita ko si Ara... sa panaginip ko," tugon ni Janice.
Muli kaming nagkatinginan ni Madge. Pagkatapos ay bumaling muli ako kay Janice. "Saan mo siya nakita?"
"S-Sa panaginip ko, s-sinisilip k-ko s-sya." Halos hindi siya makapagsalita. "N-Nasa loob sya ng isang malawak na...banyo. Nakaupo sya sa bathtub."
"Anong ginagawa nya sa bathtub? Naliligo ba sya?" si Madge.
Umiling si Janice. "D-Duguan po sya tapos...tapos..."
Bigla akong kinabahan. "Tapos ano?!"
"Tapos...n-nakita nya akong sinisilip ko sya..." Bakas sa mukha niya ang takot.
Hinawakan ko ang kamay ni Janice. Napakalamig. "Alam mo ba kung saan ang lugar na iyon? Ha?"
Umiling muli ang anak ko. "Hindi po. Masyadong luma ang lugar at alam kong hindi pa ako nakakapunta roon kahit kailan."
Nagkatinginan muli kami ni Madge. Bumaling sya sa anak ko. "Anong ginawa mo nang makita mong nakatingin sya sa'yo?"
"Natakot ako kaya...isinara ko nang malakas yung pinto ng banyo." Naluluha na siya.
Agad ko siyang niyakap. "Shsss...tahan na."
"Janice, ano sa tingin mo ang ginagawa nya sa loob ng bathtub?" muling tanong ni Madge.
Iniangat ni Janice ang mukha niya. "P-Para syang may kinakalas na kadena sa kanyang...katawan."
Ako naman ang nagtanong. "Pagkatapos, Janice, ano nang nangyari?" Hinaplos ko ang mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang kanyang panginginig.
"May isa pa po akong nakita..."
"Sino?" magkapanabay naming tanong ni Madge.
"May isa pang babae sa malaking banyo. Nakalutang siya sa gilid malapit kay Ara. Nakaitim siya, maputla, mahaba ang buhok niya na katulad na katulad ng kay Ara..."
"Sino ang babaeng ito, anak? Kilala mo ba siya?"
Umiling siya. "Hindi po. Pero may pakiramdam ako na konektado siya kay Ara dahil hindi niya nilulubayan ng tingin si Ara. Ayaw niyang iwan si Ara."
"Sino kaya ang babaeng iyon?" sambit ko na napapaisip.
"Demonyo... parang isang demonyo..."
Kumunot ang noo ko. "Sa tingin ko, anak, pagod ka lang. Magpahinga ka na ulit, ha? Hindi naman siguro totoo ang napanaginipan mo. Ang bangungot ay bangungot lang. Magdasal ka sa isip, Janice." Ngunit kahit ako ay diskumpyado sa sinasabi ko.
Marahang nahiga si Janice sa kama at pumikit. "Nararamdaman ko si Ara, Mama... naroon pa rin siya sa lugar na iyon at hindi siya makaalis. Humihingi siya ng tulong at may gusto siyang sabihin sa atin."
"Anak..."
"Mama, gusto niyang..."
"Anong gusto niya?" tanong ko na kabado.
"Gusto niyang..."
"Ano, Janice?!"
"Gusto ni Ara na..."
"Gusto na ano?" Kahit si Madge ay hindi na mapakali.
Marahang dumilat ang luhaang mga mata ni Janice. "Gusto niya tayong pag-ingatin."
"Pag-ingatin? Saan? Kanino?" Hindi ko maintindihan ang kaba sa dibdib ko. Bakit parang dumidikit ang buhay ni Ara sa anak ko? At bakit hindi maganda ang kutob ko sa mga nangyayaring ito?
"Mama, iyong babaeng nakaitim sa banyo, may ibinubulong siya..."
"Anong ibinubulong?" si Madge.
"Babalik daw siya... may napili na raw siyang sisidlan... Hindi ko siya maintindihan, Mama, pero paulit-ulit niyang sinasabi na makakabalik na siya dahil bukas na ang daan. May nagbukas na raw ng pinto na kanyang daan, at ang taong nagbukas ng daan para sa kanya ang mismong tao na kanyang papasukan. At kapag bumalik siya, hindi na siya aalis ulit. Natatakot ako sa kanya..."
Niyakap ko si Janice at pilit pinapahupa ng init ng katawan ko ang panginginig niya. Nakatingin lang naman sa amin si Madge na alam kong katulad ko'y naguguluhan din
"Anak, magdasal ka. Ang Diyos ang bahala sa atin."
Dumilat siya muli. "Meron pa siyang ibang ibinubulong, Mama..."
"A-ano?"
"Ang sabi niya... siya raw si –
—ARA."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro