KUWATRO ✞
IV
✞Hair on the Floor✞
Saturday, 1:00 A.M.
Mrs. Maria Ocampo's P.O.V.
Madaling araw na nang makauwi kami sa aming apartment galing sa naganap na birthday party ng isa sa mga paborito kong estudyante─si Ara Santos.
Kilala ko rin personally ang parents ni Aradahil schoolmates ko sina Clarisse at Roger noong college. Actually, Roger's myex-boyfriend.
Kasama ko sa party ni Ara kanina ang only child kong si Janice na ka-course ni Ara, nursing din. Mag-best friend ang dalawa since gradeschool at mukhang nag-usap pa yata na parehong kurso ang kunin. Parehong second year ang dalawa at nataong ako ang prof nila sa isang subject, community health nursing.
Magkapanabay naming inakyat ni Janice ang hagdan papunta sa aming condo-type apartment na nasa third floor. Hindi tulad ng magara at malaking bahay nina Ara, maliit lang ang apartment na tinutuluyan namin. Hindi rin naman masasabing naghihirap kami. Nagkataon lang na hindi private lawyer ang napangasawa ko.
Agad kong naramdaman ang malalim na paghinga ni Janice matapos mahiga sa kama ng aming kwarto. Mukhang napagod at napuyat talaga siya sa party. Pasado ala-una na rin kasi ng madaling araw nang makauwi kami.
Marahan akong pumanaog malapit sa kinahihigaan niya. Kahit dalagita na ang anak ko ay baby ko pa rin siya kung ituring. Tabi pa rin kami sa pagtulog dahil dadalawa lang naman kaming magkasama.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at habang nakatingin sa kanya ay bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Bakit hindi ko maibigay sa kanya ang buhay na katulad ng kay Ara? Bakit kasi maagang namatay ang asawa kong si Eric?
Ginawaran ko ng halik sa pisngi ang natutulog kong anak.
Nakadapa sya tulad ng dati. Iyon kasi ang paborito nyang posisyon kapag natutulog. But I'm sure later, maiiba rin ang pwesto nya. Malikot kasi syang matulog kaya ipinasadya kong malawak ang aming kama para sa aming dalawa. Ipinatong ko ang isang unan sa kanyang likod sa bandang puwetan. Kapag nagising sya, malamang magagalit sya sa'kin. Ayaw niyang nilalagyan siya sa likod ng unan kapag natutulog. Hindi bale, sa kalikutan naman nya kapag natutulog, malamang maya-maya lamang ay matatanggal na rin ang unang ito sa kanyang likod nang hindi nya namamalayan.
Huminga ako nang malalim at marahang pumikit.
Ako si Maria Ocampo. Hindi lingid sa aking kaalaman na madalas akong tawagin ng ilan sa mga estudyante ko bilang 'the thick-lipped prof. Pero totoo naman iyon dahil hindi maipagkakailang makapal talaga ang mga labi ko. Ngunit para sa ibang prof na lalaki, my lips were just pouty, sexy.
Namatay ang asawa ko sa isang aksidente. Maaga akong nabiyuda at sanggol pa lamang si Janice noon nang maganap iyon. Dahil dito, mag-isa kong binuhay at itinaguyod ang aking nag-iisang anak. Wala na rin akong mga magulang dahil pumanaw na sila bago pa man ako ikasal kay Eric,my husband.Mabuti na lamang at may maganda akong trabaho dahilan para masuportahan ko ang mga pangangailangan ng aking anak.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto at bahagya kong kinabig ang pinto nito. I didn't switch off the light because Janice hates it, takot siya sa dilim. Dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, minabuti ko munang maglinis sa kusina since wala namang pasok kinabukasan.
Habang sinisimulan ko ang paglilinis, pumasok sa isip ko ang biglang pagkawala ni Ara kanina. Nag-stay pa kasi kami ni Janice sa bahay ng mga Santos kahit tapos na ang party. Noong pauwi naman kami bandang alas dose ay inakyat ito ng anak ko sa kwarto para magpaalam, pero wala na si Ara sa kwarto. Kahit si Nana ay walang alam kung saan nagpunta ang anak.
Speaking of Clarise. I really got used to calling her "Nana". Noong college kasi ay may ginanapan siyang sa role sa teatro ng unibersidad, isang magandang batang ina at 'Nana' ang tawag sa kanya. Doon na nga nagsimula ang bansag. Almost everyone calls her that way. Clarise is quite popular as she is charming and kind. She's not only a good friend, but also wife and mother material.
Anyway, mula sa pag-iisip ay muli akong bumalik sa aking wisyo nang may mawalis ako.
Teka! Ano ito? Bakit... Bakit napakaraming buhok sa sahig?
Mahahaba ang hibla ng mga buhok na iyon. Napaisip ako. Imposible namang galing ito sa akin dahil maiksi lamang ang buhok ko na hindi lalampas sa aking batok. Maiksi lang din ang buhok ni Janice na hanggang balikat kaya malabo rin na manggaling ang mga ito sa kanya.
Di bale, I will just ask Janice tomorrow if she invited her classmates to come here yesterday. Matatapos na ako sa aking ginagawa nang maramdaman kong bumangon si Janice mula sa kama. Iniwan ko kasing bukas lang ang pinto ng kwarto para alam niyang nandito lang ako sa labas at naglilinis.
Then I felt her behind me, staring at me. "Bakit ang daming hibla ng buhok na nagkalat dito?" I asked her without looking at her.
Pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya. But still, I can feel her. Nasa likod ko pa rin siya.
"Galing ba rito si Ara?" I asked again habang patuloy ako sa pagwawalis. "Si Ara lang naman kasi ang may ganito kahabang buhok sa lahat ng mga kaklase mong babae, eh..." But still, there's no answer from her.Kahit anong uri ng ingay bilang tugon ay wala akong narinig mula sa kanya.
Bahagya kong iniangat ang aking katawan mula sa aking pagkakatungo at iniunat ko ang aking likod. I can see her silhouette from behind. She's just standing there.Napabuntong hininga na lang ako.
"Okay fine. Matulog ka na. Mukhang antok na antok ka pa," utos ko sa kanya habang nakatalikod at hindi pa rin siya nililingon.
Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang pagbalik niya sa kwarto then I heard her close the door. Makalipas ang isang oras na paglilinis, nakaramdam na ako ng pagod kaya naman minabuti ko na ring pumasok sa kwarto. Marahan kong binuksan ang pinto and I was surprised!
Bakit patay ang ilaw?!
Never pang nagpatay ng ilaw si Janice lalo na kapag natutulog!Then I swicthed on the light. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa aking nakita.Her position.The way she's lying down on the bed was the same when I left her an hour ago! Nakapatong pa rin ang unan sa kanyang likod habang nakadapa pa rin sya. Tulad noong iniwan ko siya, malalim pa rin ang kanyang paghinga!
Imposibleng hindi sya bumangon dahil naramdaman ko sya kanina habang nakatayo sa likuran ko. Umupo ako malapit sa kinahihigaan nya. Ito parin ang ayos nya noong iniwan ko siya. Pero...
Ipinilig ko ang aking ulo. Maybe tumayo sya kanina para hanapin ako pero dahil sa sobrang antok ay hindi na niya nagawang magsalita o sumagot man lang sa mga tanong ko.
Then after I told her to go back to bed, isinara nya ang pinto at...pinatay ang ilaw?
Marahil ay tinatakot ko lang ang aking sarili. Kami lang naman ang tao rito at mahigit sampung taon na kaming nakatira sa apartment na itopero ni minsan ay wala pa akong naramdamang kakaiba kaya naman walang dahilan para matakot. Maybe I was just hallucinating dahil na rin sa antok at pagod ko. Tatanungin ko na lang sya bukas and I think, that's the best thing to do.
Kinabukasan, sikat ng araw mula sa bintana ang gumising sa akin. Pasado alas-nuebe na pala nang tingnan ko ang orasan. Agad akong bumangon subalit nakita kong tulog na tulog pa rin si Janice. Tulad ng inaasahan ko, wala na ang unan sa kanyang likod at nakatihaya na sya.
Mabilis kong tinungo ang banyo at doon naligo.
It's Saturday, that means it's grocery day. Sigurado akong excited na si Janice for this day and of coarse, me too. Sa mga ganitong pagkakataon ko lang kasi nakakasama nang solo ang anak ko. Kapag kasi nasa school kami, hindi ko siya itinuturing totally as daughter, but a student.
Pagkalabas ko ng banyo ay sya agad ang bumungad sa akin. "Ma, may lakad ako today," sambit niya habang nakaupo sa harapan ng mesa.
"Saan? Akala ko ba it's grocery day today?" Agad kong tinungo ang closet room para magbihis.
"I know po. Pero my group project kami sa Pharmacology."
Lumabas ako ng closet room at tinungo ang kusina. "Sinu-sino naman ang mga kagrupo mo?"
"Don't worry, Ma. Kami lang ni Ara kaya sa kanila kami gagawa."
Kumuha ako ng cereal at gatas sa fridge. "Nakauwi na kaya iyon? Bigla siyang nawala kagabi pagkatapos ng birthday party nya, 'di ba?"
"Sigurado namang nakauwi na yun. May usapan kami ngayon."
Inihain ko ang cereal with milk kay Janice sa karapan ng mesa. "Okay sige. May tiwala naman ako kay Ara eh. Basta huwag kang magpapagabi ah. In case na gabihin man kayo, doon ka na muna sa kanila matulog."
Safe naman kina Ara, nasa private subdivision with roving guards, at hindi naman sila lumalabas. Si Ara lang din at si Nana ang madalas na tao sa bahay ng mga ito.
Tumango si Janice habang kinakain ang inihain ko. Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng isang halik sa noo. May tiwala ako sa kanya at gayon na rin kay Ara. Kahit may pagka-brat si Ara, parehas sila ng anak ko na maayos naman ang grades, palaaral, at hindi lakwatsera.
Magkasing edad sina Janice at Ara, and they practically grew up together as they attended the same section and school since kindergarten. May pagkakahawig din, both have a heart-shaped face, thin natural red lips, and pale white skin. Even their height and slim physique are alike.
"Oh paano...mauna na ako sa'yo ha? Isarado mo na lang itong bahay bago ka umalis ha? Mamaya dadaanan kita kina Ara." Muli ko siyang binigyanng isang halik sa noo bago ako umalis.
"Ma, sinong kasama mong mag-grocery ngayon?" Malungkot ang mukha nya nang lingunin ko sya.
"Si Tita Madge mo. Siya na lang muna ang isasama ko," tugon ko.
✞✞✞
Nakipagkita ako kay Madge malapit sa grocery store di kalayuan sa aming lugar. Schoolmate namin sya dati ni Clarisse noong nasa kolehiyo pa kami. Ang napangasawa naman niya na si Marvin ay sa abroad nagtatrabaho. Nakasanayan na syang tawaging tita ni Janice although hindi ko naman sya kapatid.
Masayang kasama si Madge. Dati namang elementary teacher pero huminto muna dahil kailangang magpahinga. Nakunan kasi siya dahil sa stress. Balak nila ng asawa niya na sumubok ulit bumuo pag-uwi nito galing abroad.
Si Madge lang din ang nakakapagtiyagang samahan akong mag-grocery maliban kay Janice. Inaabot kasi ako ng siyam-siyam sa pamimili. Lahat kasi ng pagtitipid ay ginagawa ko. Matapos mag-grocery ay tumungo kami sa fast food restaurant na katapat ng grocery store. Lunch namin ay ala-una na ng hapon.
"Kina Clarisse muna tayo, ha? Bago sa bahay," sabi ko sa kanya habang isinasalansan ang mga pinamili namin sa compartment ng kanyang Toyota Vios. This is another thing kung bakit masayang kasama si Madge, may sarili syang sasakyan.
"Okay, pero naka-text ko kanina si Clarise. Kukunin ko sana iyong brochure ng Boardwalk ng pinsan ko, nasa kanya kasi. Ang kaso ay wala raw siya ngayon sa kanila."
"Ha? Eh nandoon ngayon si Janice, eh..." Umupo na rin ako sa sa passenger seat ng sasakyan at isinuot ang seat belt.
"Group projects na naman? Sabi ni Nana hindi pa raw umuuwi si Ara."
"Shit! Mukhang naisahan ako ni Janice, ah!"
"Relax, Maria. Hindi naman bulakbol si Janice tulad ng ibang estudyante. Baka pauwi na rin iyon sa inyo kasi nga wala naman pa pala si Ara sa kanila." Minaneho niya na ang sasakyan palabas ng parking lot.
Napabuga ako ng hangin. "Okay. Pero nag-aalala ako kay Ara. Bakit hindi pa siya umuuwi? Ano bang nangyayari sa batang iyon?"
"What about Ara?"
"Nitong mga nakaraan, palagi na siyang nali-late sa class ko." First subject kasi ako. "Napapansin ko rin na distracted siya sa lesson. Tapos kagabi pagkatapos ng party nya, bigla na lang syang umalis nang walang paalam. Tumakas at sa kusina dumaan."
"Tsk tsk. Busy kasi ang ama nya kaya hindi sya nakakastigo eh." Patuloy pa rin si Madge sa pagmamaneho.
"Iyon na nga ang inaalala ko. Baka maimpluwensyahan nya itong si Janice ko."
"Di bale, dumaan na lang tayo ngayon sa bahay nina Ara. Alamin natin kung naroon nga si Janice." Tumango na lang ako at nanahimik.
Nang makarating kami sa bahay ng mga Santos, nakita naming saradong-sarado ito. Halatang walang tao. Nakailang pindot na ako sa door bell ngunit wala pa ring lumalabas mula sa loob. Padabog akong bumalik sa passenger seat ng sasakyan ni Madge dahil sa inis ko.
"Walang tao?" bungad sa akin ni Madge.
Habul-habol ko ang hininga ko. "Dumiretso tayo sa bahay." Malumanay lang ako ngunit alam kong nararamdaman ni Madge na galit na ako.
Nagdidilim na ang paningin ko dahil sa galit. Ito kasi ang unang beses na pinagsinungalingan ako ni Janice.
Walang imik na pinaharurot ni Madge ang kanyang sasakyan pauwi sa amin. Nang dahil sa traffic, alas-kwatro na ng hapon nang makarating kami sa apartment. Umibis ako palabas ng kotse at mabilis na tinungo ang third floor ng building. Padabog kong binuksan ang pinto.
"Janice!" sigaw ko. Nanginginig na ako sa galit.
Bago ko pa lang bubuksan ang pinto ng kwarto ay bumukas na ito. Binuksan ito ni Janice. Hinila ko sya sa braso. "Halika nga rito!" Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. "Ang sabi mo sa akin may group project kayo ngayon!?" Iginiya ko sya paupo sa bangko na nasa harapan ng mesa.
Tumingala sya sa akin. "Meron nga po." Kita ko ang takot sa kanyang mukha.
"Sinong kasama mo?!" Pinandilatan ko sya.
"S-Si Ara po."
Doon ko na siya nakurot sa kanyang braso. "Sinungaling! Sabi ni Nana, hindi pa raw umuuwi si Ara mula kagabi!"
Nanginginig ang boses nya. "I-Imposible, Ma, kasama ko sya kanina lang sa bahay nila."
"Pumunta ako sa bahay nina Ara kanina, wala namang tao doon ah!"
"Ma, I swear! Kahit tanungin mo pa si─" Hindi na nya naituloy pa ang kanyang sasabihin matapos ko syang sampalin. Doon na sya napaiyak.
"Ayoko sa lahat ay sinungaling!" Dinuro ko sya sa noo. "Kakausapin ko si Nana tungkol dito." Pagkatapos noon ay tinalikuran ko na sya at bumaba muli ng building upang puntahan si Madge.
Nasa labas na ng kotse niya si Madge, nakasandal sa hood at mukhang balisa. Nang makita ako ay napalapit siya agad sa akin.
"N-Nandyan sya?" tanong nya sa akin.
"Oo, at nagdadahilan pa."
"A-anong sabi nya?" Nanginginig ang boses ni Madge na ipinagtaka ko.
Tumingin ako sa kanya. "Okay ka lang? Namumutla ka yata?"
"Anong sabi ni Janice?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kasama nya raw si Ara doon sa bahay ng mga Santos samantalang noong pinuntahan natin, eh wala ngang tao doon, 'di ba?"
Hindi sya umimik. Nang tumingin ako sa kanya, napansin kong nakatingala sya at nakatingin sa floor kung saan naroon ang apartment namin.
"Halika akyat ka muna," yaya ko. "Magkape ka muna sa amin."
Subalit nanatili syang nakatingin sa third floor. "H-Hindi na. Uuwi na ako."
Tiningnan ko kung anong tinitingnan nya. "Ano bang tinitingnan mo dyan?"
Tumingin sya sa akin at napansin kong nanginginig na siya. "Third floor kayo, 'di ba?"
"Oo." Natawa ako. "Ito naman, nagka-amnesia ka ba? Para namang hindi ka pa nakailang balik sa amin."
Walang imik syang pumasok ng kanyang sasakyan. Bago tuluyang umalis ay dumungaw muna sya sa akin. "Iyong mga pinamili natin, inilabas ko na sa compartment. Nandoon sa gate ng building nyo." Itinuro pa niya ang mga ito sa likuran ko gamit ang kanyang nguso upang tukuyin ang kinalalagyan ng mga ito.
Nang lingunin ko iyon ay naroon na nga ang mga pinamili namin. "Pasensya ka na Maria. Hindi na kita matutulungang iakyat iyang mga pinamili mo."
Muli akong bumaling sa kanya. "Okay lang. Magpahinga ka na at mukhang namumutla ka."
Hindi sya makatingin sa akin. Ngunit nakita ko pa syang sinulyapan ang third floor ng gusali kung saan naroon ang apartment ko. Pagkatapos ay pinaandar na nya ang makina ng sasakyan. Bago siya tuluyang umalis ay tumingin pa sya sa akin. "Sya nga pala, nag-text sa akin si Atty. Santos."
"Oh, anong sabi?"
Si Atty. Santos o Roger Santos ay ang daddy ni Ara at asawa ni Nana. Schoolmate din namin ni Madge noon college—at ang ex-boyfriend ko.
"Tinatanong nya sa akin kung nasaan daw sina Nana at Ara. Nasa bahay na daw kasi sya."
Napapadyak ako sa aking kinatatayuan. "Lintik talaga, oh! Sabi na nga ba at nagsisinungaling sa akin itong si Janice, eh."
Pagkatapos noon ay minaneho na nya ang kanyang sasakyan papaalis na para bang nagmamadali at tila takot na takot. Pero bakit? Anong dahilan?
Nagpatulong na lang ako kay Mang Isko, isa ring tenant na nakatira naman second floor ng building, na iakyat sa third floor ang aking mga pinamili. Halos sya na lahat ang nag-akyat ng mga iyon at kaunti lang ang aking nabitbit.
"Salamat, Mang Isko. Halikayo at magmeryenda muna!" anyaya ko sa kanyamatapos nyang maiakyat ang lahat ng mga pinamili ko.
"Ah hindi na, Mrs. Ocampo. Maghahapunan na rin naman. Doon na ako kakain sa bahay,"tugon niya ngunit sa halip na sa akin tumingin ay sa likuran ko nakatuon ang paningin.
Napatingin ako sa likuran ko subalit wala namang kakaiba roon para pakatitigan niya. Pero anong tinitingnan niya roon?Humarap muli ako sa kanya. "Oh sige, salamat na lang. Sa uulitin po."
"O-okay, sige─" Tila may gusto pang sabihin ang matandang lalaki.
Nang lumakad paalis si Mang Isko ay hinabol ko pa siya ng tingin. Aligagang-aligaga kasi siya, palingon-lingon pa, hindi siya makatingin nang deretso. Nang tuluyan na syang makababa sa second floor ay pumasok na ako sa loob ng apartment at inayos ang aking mga pinamili.
Bakit ang weird ng mga tao ngayon?
Ala-syete na nang gabi nang matapos ako pero tama rin lang naman dahil sinabayan ko na ito ng pagluluto ng aming hapunan. Matapos iyon ay tinungo ko ang kwarto kung saan naroon ang nagtatampong si Janice. Alam kong nabigla sya sa nagawa ko sa kanya, pero mali pa rin na pagsinungalingan niya ako.
Natagpuan ko syang nakaupo sa kama habang yakap ang sariling mga tuhod. "Halika na...kakain na," walang emosyon kong pag-anyaya sa kanya.Marahan naman syang tumayo at sumunod sa akin.
Kumain kami nang walang imik sa isa't isa. Pagkatapos nyang kumain ay iniligay nya lang sa lababo ang kanyang pinagkainan at dumiretso na sa kwarto. Nang matapos naman akong kumain ay nilinis ko ang aming pinagkaininan at pumasok na rin sa kwarto.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin si Janice habang nakahiga sa kama, tulog, at tila pagod na pagod. Naririnig ko ang malalim nyang paghinga. Ganoon muli ang kanyang ayos─nakadapa.
Tumabi ako sa kanya at sinubukan kong matulog. Subalit paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang takot na takot na mukha ni Janice nang sampalin ko sya kanina.
Muli akong dumilat at nilingon ko si Janice. Nakita kong tulog na tulog siya. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha, I want to say sorry. But even if I say it to her right now, I know that she will not hear it. Bigla akong nakaramdam ng awa subalit agad rin naman iyong nasundan ng galit.Naiinis pa rin ako sa kanya kapag naiisip kong nagsinungaling sya sa akin.
Maya-maya'y naalipungatan ako.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahan akong bumangon upang bumaling kay Janice. She's still asleep, malalim ang tulog nya. Tulad ng dati ay nakadapa pa rin siya. Marahan akong kumilos at ipinatong ang unan sa likod niya malapit sa kanyang puwitan just like what I did yesterday. Naniniwala kasi ako sa pamahiin noon ng aking mga magulang na ang paglalagay ng unan sa parteng ito ng katawan habang natutulog isang paraan upang maiwasan ang bangungot. And I know Janice will hate me for doing this to her pero hindi na niya mamamalayan iyon.
Maya-maya lang ay maglilikot na ulit sya sa pagtulog.
Lumabas ako ng kwarto. Tulad ng dati, I left the door ajar. Again, I avoided switching off the light.
©JFstories
Pumunta ako sa kusina kung saan naroon ang fridge. Babalik din ako sa kuwarto pagkainom ko ng tubig. Bago nga lang ako pumasok sa pinto ay napayuko ako sa mga nagkalat na buhok sa sahig. Tsk, ito na naman.
Kumuha ako ng walis at dustpan. Oo nga pala, hindi ko pa natatanong si Janice tungkol sa mga buhok na ito.
Maya-maya'y naramdaman ko na naman ang pagbangon ni Janice mula sa kama. After a while, I can already feel her presence near me. Hindi ko sya pinansin o nilingon man lang, nagpatuloy lang ako sa pagwawalis. She's not moving. I think she's just staring at me.
"Kanino ba galing ang buhok na ito, ha?!" tanong ko sa kanya without turning to her.
Katulad noong una, wala pa rin syang imik. Hindi ko rin naman sya kayang lingunin. I know she's still mad at me.
Bahagya akong tumayo nang tuwid at bumuntong hininga. "All right, Janice, I'm sorry. Pasensya ka na─"
Biglang sumalpak nang malakas ang pinto ng kwarto. Kamuntik na akong mapatalon dahil sa matinding gulat at agad ko syang nilingon.
Padabog kong inilapag ang hawak kong walis at dustpan. Ito ang unang pagkakataon na pinagdabugan ako ni Janice. Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
Hindi ba niya narinig ang paghingi ko ng tawad?
Mabilis akong naglakad papasok sa kwarto.
Subalit laking gulat ko nang buksan ko ang pinto at nakita kong patay ang ilaw.I immediately switched on the light at napatigagal ako sa aking nakita.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro