Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KINSE✞


XV

She'll Kill Us All

Isko's P.O.V.


HINDI na ako sumama kina Roger at Ka Pineng sa pupuntahan nilang probinsya. 


Ayon kay Roger, doon daw lumaki sina Clarisse at Roli kaya marami akong makukuhang lead sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang mas marami pa akong makukuhang lead dito sa bahay nila kaysa don kaya pinauna ko na sila. 


Usapan namin, susunod na lang ako sa kanila.


Isa pa, alam ko naman na kung saan ang lugar iyon. Ipinaliwanag sa'kin ni Roger ang daan at tatawag-tawagan na lang daw nila ako. Sa ngayon ay narito na ako sa bahay nila kung saan nakaburol pa rin ang katawan ni Ara.


Binuksan ko ang ilaw at bumungad ang kabaong ni Ara ilang hakbang lang ang layo sa akin. Ako lang ang tao rito.


Ayaw na raw kasi bumalik ng mga nakipaglamay, maging ang mga kamaganakan ni Roger, dahil may amoy na ang bangkay. Wala naman kaming naaamoy. Sila lang ang nakakaamoy.


Naglakad ako palapit sa kabaong ni Ara at saka ko sinilip. Heto siya at parang natutulog lang. 


Sayang. 


Napakabata paniya para pumanaw agad.


Pagkatapos ay umakyat ulit ako sa 2nd floor. Mabuti na lang at may malaking salamin dun. Tiningnan ko kung bagay ba sa'kin itong cowboy hat na nakuha ko sa kwarto ni Mrs. Ocampo. 


Bagay nga!


Kay Mrs. Maria Ocampo nga kaya talaga itong cowboy hat? Hinugot ko muli iyong picture sa bulsa ko. Sa picture ay sya ang may hawak nito.


Naalala ko ang nakitang lumang picture ni Clarise na nasa ilalim ng kama kanina. Iyong dalagita pa ito at may katabing babae. Ipinakita ko ang lumang picture na iyon kay Roger kanina, pero ang sabi niya ay first time niya lang daw nakita ang picture. Hindi niya raw kilala iyong katabi ng asawa niya roon. Baka raw kababata. Hindi naman ito mahalaga at walang madadagdag sa lead, kaya bumalik na lang ako sa tapat ng kabaong ni Ara.


Sinilip ko syang muli. Para lang talaga siyang natutulog. Subalit napukaw ng isang bagay sa ulunan niya ang atensyon ko.


Ano iyon?


Sinipat ko nang tingin.


Ano kaya ito? Parang...


Bangaw!


Iniangat ko ang takip ng kabaong subalit hindi iyon natinag. Nang tuluyan ko nang maiangat ang takip, doon na ito gumalaw. Nagsumiksik ito sa buhok ni Ara kaya naman pilit ko itong hinuli subalit dahan-dahan lang.Hindi ko maiwasang mapasulyan sa mukha ni Ara.


Bumaling ulit ako sa buhok niya at kinapa ko ang bangaw. Maya-maya'y nabaling ulit ang atensyon ko sa kanyang mukha.


Tapos hinanap ko ulit itong bangaw.Pero napatingin ulit ako sa mukha nya. 


Nakapikit. 


Balik ako sa paghahanap habang dahan-dahan kong isa-isang hinahawi ang hibla ng buhok ni Ara. 'Tapos sa mukha nya ulit napadako. 


Nakapikit.


Tapos sa buhok nya ulit ako napadako. 


Nakakapa ko na itong bangaw! 


Tapos sa mukha nya. 


Nakapikit


Sa buhok nya, heto at nahuli ko na itong bangaw. Napabaling ako sa mukha nya.Nakadilat.


Tapos sa buhok nya ulit ako napatingin. Kinuha ko na itong bangaw at –teka?


Bigla akong napahinto. Tama ba iyong nakita ko kanina?


Si Ara, nakadilat!?


Napalunok ako nang madiin. Malalim na paghinga ang hinugot ko habang nangangatog. Ayoko nang tumingin sa mukha ni Ara. Ngunit tila awtomatiko akong napapatingin sa kanya. Dahan-dahang naglalakbay ang aking paningin patungo sa mukha niya. Nangangatog ako at naluluha na sa kaba at takot.


Nakadilat nga si ARA!!!


Sa takot ko, napatakbo ako palabas ng bahay. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at humarurot pauwi sa amin. Halos hinihingal pa ako nang makarating sa aking apartment. Totoo ba ang nakita ko? O baka naman nadala lang ako ng takot?


Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko sina Roger at Ka Pineng. Pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Kanina pa silang tanghali umalis pero mukhang nasa biyahe pa rin sila hanggang ngayon kaya walang sumasagot sa kanila.


Bubuksan ko na sanaang ilaw nang mapahinto ako.May nakita ako sa loob ng apartment.


May tao!


Nakatayo siya at nakasuot ng cowboy hat!


Nahugot ko nang mabilis ang aking revolver mula sa aking tagiliran at itinutok dito.


Napahalakhak ako sa aking nakita.


Nakaharap lang pala ako sa salamin. Ang dilim kasi! Binuksan ko na ang ilaw. Napa-paranoid lang siguro ako dahil sa mga pangyayari. Nawala sa isip kong suot ko pa pala itong cowboy hat ni Mrs. Ocampo. 


Napaisip ako, siguro kailangan ko itong ibalik doon. Dahil dito, pumunta ulit ako sa apartment ni Maria.


Susunod na lang siguro ako kina Ka Pineng at Roger sa dating probinsiya ni Nana at Roli. Bago nga lang iyon ay ibabalik ko muna itong cowboy hat na nakuha ko sa apartment ni Maria Ocampo. Dumaan muna ako roon. Pumasok ako sa loob. Hindi pa rin naka-lock at wala pa ring tao. Malansa pa rin ang amoy. 


Saan ba talaga nanggagaling ang amoy? Baka dumaan din muna ako sa presinto bago sumunod kina Ka Pineng. Mukhang kailangang ipa-check itong lugar. Tinanggal ko na muna ang cowboy hat mula sa ulo ko at inilapag sa mesa nang may mapansin sa pinto ng pangalawang kuwarto. Nakabukas iyon kahit kanina ay aking natatandaang isinara ko.

 

Sino ito?


Dahan-dahan akong lumapit.


Kanina ay wala ito roon.

 

May natutulog sa kama!


Lumapit pa ako para tingnan ito nang malapitan.Hindi nga ako nagkamali, may taong nakahiga sa kama. Nakatalukbong sya ng kumot at balot na balot.


Sino kaya ito? 


Akma ko na syang lalapitan nang bigla akong may narinig na katok mula sa pinto.


May kumakatok sa labas.


Hinugot ko ang aking revolver at marahan akong pumunta sa pinto. Inihanda ko ang aking sarili. "Sino yan?" tanong ko.


Walang sumagot. Pero patuloy pa rin ang pagkatok. 

Bubuksan ko pa rin itong pinto. Bakit ako matatakot gayong may baril naman ako?


Marahan kong binuksan ang pintohabang alerto pa rin ako atnakatutok ang baril sa aking harapan.Dahan-dahan naman itong bumakas.Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.


Isinukbit ko agad ang aking revolver. "A-Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa bumungad sa akin.


Pero hindi sya umimik. Nanginginig sya at duguan ang mga kamay.


"Halika pumasok ka!" Inalalayan ko sya agad papasok. Dinala ko sya sa kusina.


Marahan lang syang umupo sa bangko habang nakatulala.


Panay naman ang kausap ko sa kanya. "Maghugas ka muna ng mga kamay mo. Saan mo ba nakuha ang mga dugo na iyan? May sugat ka ba? Anong nangyari? Nasaan sila? Dalawang araw na kayong nawawala!"


Tumingin lang sya sa akin. Naluluha ang mga mata nya. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Kinua ko ang aking cellphone para tumawag kina Roger at Ka Pineng pero inawat nya ako. "T-Tubig..." sabi nya.


"Sandali...kukuha lang ako..." Tumakbo ako sa dulong bahagi ng kusina at kumuha ng tubig. Ngunit walang malinis na baso kaya naman naghugas muna ako. "Pinag-alala nyo kami ng husto... Saan ba kayo nagpunta? Saka...nasaan sila?" habang naghuhugas ako ng baso. Subalit wala akong tugon na natanggap mula sa kanya.


Kinuha ko ang pitsel mula sa refrigerator. Nangangatog ako. "W-Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng katarungan ang mga nangyayaring ito." Nagsalin ako ng tubig sa baso. "Pero bago yun, kailangan ko munang malaman kung nasaan–" Naramdaman ko na lang na umiikot ang paningin ko.


Bumagsak ako sa sahig!Nakaramdam ako ng hilo kasabay ng matinding sakit. Ang ulo ko, sobrang sakit! Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Namanhid ang aking buong katawan. Kinapa ko ang aking ulo. 


May dugo!


Pero paano? Pagkatapos ay napatingin ako sa kanya.Walanghiya! Nakangiti sya habang may hawak–martilyo!


Kung ganun, sya... Sya pala!


Sya pala ang...killer ni Ara!


Pinukpok nya ako sa ulo. 


Nasaan ang revolver ko? 


Shit! 


Ayun at nasa paanan nya. Kinuha nya iyon at isinukbit sa kanyang tagiliran. Pagkatapos noon ay pumunta sya sa mesa. 


Kinuha nya iyong...cowboy hat! 


"Finally, nakita rin kita..." Isinuot nya iyon.


Hindi ako makagalaw, ni makakilos. Maya-maya, pumunta sya sa kwarto. Narinig kong may hinila sya mula roon. Paglabas nga nya ay may hila-hila na siya.


Hawak niya ito sa buhok habang kinakaladkad.Ito marahil iyong tulog kanina doon sa kwarto. Pero hindi! Mukhang patay na ito! Punong-puno kasi ng dugo ang mga paa nito.


Pinakatitigan ko iyong kinakaladkad nya. Ang talampakan niyon ay durog at kulay ube na. Masuka-suka ako. Nakilala ko ang pamilyar na pajama ng hinihila niya. Madalas ko iyong makita sa rooftop ng building na nakasampay. Kilala ko ang may ari niyon. Kilala ko ang hila-hila niya!


Iyong hila-hila nya–si Janice Ocampo. Hindi na ito humihinga dahil patay na!


Napahagulhol na ako. Paano nya ito nagawa? Bakit nya ito nagawa? 


Baliw sya! 


Baliw! 


Lahat kami ay papatayin nya!


Inilapag nya si Janice sa tapat ng pinto at lumapit sya sa akin. Nakangiti sya. "Ang lahat ng ito ay para kay Ara. Ikaw na ang sunod, Isko." Pagkatapos noon ay bumwelo sya hawak sa kaliwang kamay angmartilyong sigurado akong laan talaga sa akin.


Ugh!


Sapol ako sa sentido.


Ugh!


Sapol ako sa panga.


Ugh!


Sapol ako sa mata.


Ugh!


Ugh!+##ol +# ++##! 


JAMILLEFUMAH

@JFstories 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro