KATORSE✞
XIV
✞The Cowboy Hat✞
Killer's P.O.V.
Ugh!
Nakakatuwa! Ang saya!
Ugh!
Pinagmamasdan ko sya habang pinupukol ko ang kanyang mga paa.
Ugh! Ugh! Ang sarap sa pandinig ng ungol nya. Patatagalin ko pa ba? Kaso gusto ko pa. Gusto ko pa! Pero hindi ko na kaya. Baka hindi ko mapigilan at...
Mapatay ko sya...
Heto sya ngayon, nakadapa.
Gumagapang, nagmamakaawa. Hindi ko naman maririnig ang mga sasabihin nya. Paano'y nababalutan ng packing tape ang buong mukha nya. Makahinga pa kaya sya? Tanging ungol lang nya ang naririnig ko. Ang saya!
Hayan na naman sya at umuungol. Parang musika, para syang ulol! Haha! Hindi naman sya makatayo kasi...durog na ang mga tuhod nya.
Uhmmm... Sa sakong ko naman sya pupukpukin. Heto na! Lalapit pa ako sa kawawang batang ito. Pagkatapos ay iniangat ko ang aking kaliwang kamay, hawak ang martilyo. Hahampasin ko sya! Pupukulin ko sya! Mamartilyuhin kong muli ang kanyang mga paa! Heto na...
Isa.
Dalawa.
Ugh!
Narinig ko ang paghagulgol nya. Haha! Ang sarap sa tainga.
Janice, hiyaw pa! Sige pa!
Mahal ko sya. Pero mas mahal ko si Ara. Pero mahal ko rin sya, kaya lang...mas mahal ko si Ara. Pero di na bale, basta ako, masaya. Masaya akong nakikita syang nagdurusa. Noon ko pa sya gustong patayin kaya lang, inuna ko si Ara. Wala tuloy akong choice kundi ang isunod sya.
Itinaas kong muli ang aking kaliwang kamay kung saan hawak ko ang martilyo. Dudurugin ko ang kanyang...
Ulo.
Isa. Bumwelo ako.
Dalawa. Mas malakas ito.
Tatlo!
Ugh! Ugh! Ugh! Ugh! Ugh!
Isko's P.O.V.
Naabutan kong tulog si Roger sa bahay nila kaya agad ko syang ginising. Paano'y binabangungot na naman yata. Halos patiran sya nang paghinga nang makabangon sya, hinihingal. Inabutan ko sya ng isang basong tubig. "Okay ka lang?"
Inimom naman nya iyong tubig. "Isko... kanina ka pa?" Hindi sya makatingin sa akin. Nasa sala siya, sa may sofa, dahil siya ang nagbabantay ng kabaong ng anak na tanaw lang mula rito sa bintana.
"Kararating lang. Bangungot na naman?" Umupo ako paharap sa kanya.
Hinihingal pa rin sya. Hindi sya makaimik.
"Si Ara ba?" Mahina lang ang aking tinig.
Bago sya sumagot ay bumukas ang pinto at iniluwa non si Ka Pineng. "Anong balita?" bungad nito sa amin.
Umiling lang ako. Dalawang araw na kasi ang lumipas pero hindi pa rin nagpapakita sina Nana, Maria at Madge. Nag-file na rin ako ng report sa mga pulis tungkol sa kanilang pagkawala. Ngayon, itong si Roger, para nang mababaliw. Ikaw ba naman ang kamamatay lang ng nag-iisang anak na hindi pa naililibing, sinundan naman ng pagkawala ng asawa.
Sa akin man mangyari iyon, baka di ko na magawang makakulog ni makakain.
Napasulyap ako sa kabaong ni Ara, narito pa rin ito sa kanilang bahay. Pinatigil muna ni Roger ang lamay at ipinakansela ang libing na dapat ay ngayong araw na. Pang-walong araw na kasing nakaburol ang bangkay ni Ara.
"Napanaginipan ko na naman sya..." sabi ni Roger. Tulala pa rin ito.
Wala naman akong maipayo sa kanya. Malamang si Ara na naman ang nakita ng lalaki sa bangungot.
"Hindi ako naniniwalang si Ara yun, hindi ganun ang anak ko... Hindi sya yun, di ba?"pumipiyok niyang sabi. Nakatingin sya kay Ka Pineng.
Napayuko si Ka Pineng. "Tama ka na hindi nga iyon ang anak mong si Ara."
"Can you help me talk to my daughter? I admit, I don't believe you at first, but after all I've experienced, naniniwala na ako. I'm hoping that there might be a way for me to talk to Ara. I have a lot to tell her, there are many things I want to ask her forgiveness for, particularly my shortcomings as her father when she was still alive."
Umiling si Ka Pineng. "Attorney Roger Santos, you've read the holy bible, haven't you? Talking to the dead is a great sin. Alam mo ring hindi siya ang makakausap mo kung sakali."
"But you are a paranormal expert. Mga katulad niyo ang kayang maging daan sa pagkausap sa mga yumao na!" Napataas sa kadesperaduhan ang boses niya.
"Kapag namatay ang isang tao, nawawala na talaga siya. There are no ghosts, but there are beings who have a mission here on earth. The mission is to lead people astray. Maraming klase kung paano nila tayo ililigaw. Isa na roon ang pagpapanggap nilang sila ang namatay nating kamaganak, kakilala, o kahit sinong taong kilala. They will lure the people in believing their lies, as their master is the father of lies."
Satan.
"Kaya tama ka sa una mong sinabi, Roger. Hindi nga anak mong si Ara ang iyong nakita. Kundi ibang nilalang. Kung may naiwan man si Ara dito sa mundo, siguro ay enerhiya na lang ng mga bagay na pinagsisisihan niya, and the demons can feed on her regrets."
Bago pa uminit ulit ang ulo ni Roger ay sumabat na ako sa kanila. "May lead pala ako mula sa ospital. May bumalik daw sa kuwarto ni Janice pero hindi nakuhanan ng footage dahil biglang nagloko ang CCTV. Pero may isang nurse na nakapansin. Malayo nga lang kaya hindi nito nakita at mai-describe ang itsura o kasarian ng dumating."
"I'll sue them!"asik ni Roger. "Responsibilidad nila ang pagkawala ni Janice. She's in a private room, paanong nawala sa paningin nila ang pasyente? Kulang ba sila sa mga security guards at nurses?"
"Nai-report ko na ito. Sa ngayon, wala na tayong magagawa kundi ang maghintay na lang, o kaya ay makihanap na rin sa mga nawawala."
Tumango lang ang dalawa.
"Roger, pwede ba akong makialam sa mga gamit ni Clarisse? Baka may makita akong lead." Humigop muna ako ng kape.
Ang isa sa mga unang suspect sa pagkamatay ni Ara ay ang nakababatang kapatid ni Clarise na si Roli. Hindi pa sapat ang ebidensiya, pero posibleng ito nga ang salarin o meron pang iba na dikit din sa mga biktima. Lahat ng puwedeng mahanapan ng lead ay hahanapan ko. Ngayon ay susubok ako kay Clarise na asawa ni Roger.
Nang pumayag si Roger ay pumunta na ako sa kanilang kuwartong mag-asawa. Nagsuot ako ng guantes habang nagtitingin-tingin sa paligid.
Hinalukay ko ang mga gamit nito, pero wala. Tiningnan ko yung ilalim ng kama at may nakita akong picture. Lumang picture. Sino kaya itong nasa picture? Dalawang babae. Iyong isang babae, namumukaan ko, si Clarisse ito. Pero yung isa, hindi. Nakaupo ito sa tabi ni Clarisse. Lumang-luma na ang larawang ito dahil bata pa si Clarisedito.
Pagkatapos ay may nakita pa akong isang picture. Ito, medyo bago. Dito, magkasama sina Clarisse at Mrs. Ocampo. Masaya sila sa picture pero may napansin ako, may hawak si Mrs. Ocampo. Pinakatitigan ko iyon subalit agad na rin naman akong lumabas sa naturang kwarto, then bumaba na ako.
"May nakita kang lead?" tanong agad ni Ka Pineng.
"W-Wala eh..." Wala naman talaga. "Ah...maiwan ko muna kayo, uwi muna ako."
"Bumalik ka agad," utos ni Roger. "May pupuntahan tayo. Doon, baka may makuha tayong lead."
"Saan?" habang papalabas ako ng pintuan.
"Sa dating bahay nina Nana. Sa Villaverde old mansion. Apat na oras ang biyahe dun,"sagot nya.
Dating bahay?
Tumingin sa akin si Roger. "Oo, sa probinsiya ng asawa ko. Doon nakatira ang prime suspect, na kahit wala pang ebidensiya ay alam ko sa puso ko na may kinalaman sa krimeng ito. Ang pekeng batang kapatid ni Nana na si Roli Villaverde."
✞✞✞
Makalipas nga lang ang ilang minuto,narito na ako sa apartment ko. Pero tumungo ako sa third floor kung saan nakatira sina Mrs. Ocampo at Janice. Bago yun, kinapa ko muna itong revolver ko sa bulsa. Mabuti na iyong handa.
Hindi naka-lock ang pinto ng unit kaya dumiretso na ako sa loob. Marahan akong humakbang papasok. Kasabay ng paghakbang ko ay ang paglangitngit ng sahig.Dito muna ako maghahanap ng lead.
Humugot ako sa aking bulsa, tiningnan ko ulit iyong picture ni Mrs. Ocampo. Ang ganda nya sa picture na 'to. Lalo ko tuloy siyang na-miss. Maya-maya, nabaling ulit ang atensyon ko sa bagay na hawak nya.
Oo na, inaamin ko, may paghanga ako sa biyudang professora. Paghanga lang, wala naman sigurong masama. Napailing na lang ako na hinanap ang sumunod na kuwarto dahil two-room apartment ito. Habang naglalakad ay nagusot ang mukha ko.
Bakit kaya ganito ang amoy dito? Ang lansa!
Iyong pangalawang kuwarto. Parang dito nanggagaling iyong amoy na hindi kaaya-aya. Humakbang ako patungo roon habang nakatakip ako ng ilong.
Lumapit pa ako nang marahan. Nakaawang iyong pinto ng kwarto. At lalong bumabaho habang papalapit ako. Heto at malapit na ako. Hinugot ko ang revolver mula sa aking tagiliran at saka ko itinutok sa aking harapan.
Bubuksan ko na nang may lumagabog sa loob!
May tao!
Sumigaw ako. "Janice? Mrs. Ocampo?" Walang sagot kahit nakailan na akong ulit. Ang ginawa ko ay aking tinadyakan na ang pinto. Pabalandra iyong bumukas. Walang tao sa loob. Siniyasat ko pa nang maigi.
Wala ngang tao!
May kama pero mukhang hindi nagagamit. Siguro ay kuwarto ito ni Janice pero hindi gaanong natutulugan, siguro ay tumatabi pa rin ang dalagita sa ina nito tuwing matutulog sa gabi. Maraming cabinets dito, orocans, at mga kahon. Parang naging stock room na rin pala ito.
Pumasok ako. Nagmasid-masid. Dito ko talaga narinig iyong kalabog kanina. Dito rin galing iyong amoy na masangsang. At dito ko rin natagpuan ang isang bagay na kanina'y nakita ko lang.
Sa picture ni Mrs. Ocampo, may hawak syang isang bagay na katulad na katulad nitong nasa kama.
A cowboy hat!
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro