Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE✞

EPILOGUE

PRESINTO


"GOOD MORNING, ATTORNEY ROGER SANTOS."


Isang matangkad at batang pulis ang tumabi kay Roger sa mahabang upuan na nasa lounge ng station.


"SPO2 Lyndon P. Romulo nga pala. Kaibigan ho ako ni Arthur." Pakilala ng batang pulis. "Nakikiramay ako sa lahat ng mga pinatay. Lalo na sa mga kaibigan kong pulis... sina Art at iyong kapatid nito."


Tango lang ang naisagot ni Roger.


"Astig no'ng ginawa mo pero mali iyon, Attorney," anito pagkuwan.


"Alam ko," maiksing tugon niya.


"Sana sinaksak mo na lang kasi siya, o kaya naman ay hinampas sa ulo." Umiling-iling pa ang pulis. "Kaya lang nilason mo, eh! Syempre ang iisipin nila ay pinagplanuhan mong paslangin ang asawa mo. Hindi mo pwedeng sabihing self defense iyon."


Pagod at walang gana niyang nilingon ang makulit na pulis. Kaya nga siya nagtungo agad dito matapos niyang patayin si Clarisse, at mailibing ang kakambal nitong si Ara. Handa na siyang makulong. Kung gusto siya nitong ikulong, walang paki sa Roger. Kahit bitayin pa siya, mas lalong wala siyang paki. Wala na rin naman kasing saysay ang buhay niya sa totoo lang.


Nakatalikod na si SPO2 Lyndon Romulo ay nakatingin pa rin siya rito. Mapagkakatiwalaan niya ba ang Romulo na ito? Sa itsura kasi nito ay mukha itong maloko. Pulis ito pero mas mukha pa itong modelo dahil sa itsura at tangkad nito. Tingin niya ay may pagka-happy go lucky ang lalaki... pero sa di malamang dahilan ay magaan ang loob niya rito.


"Sandali, hijo!" habol niya kay SPO2 Romulo.


Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano?"


"Paano niyo nahuli si..."


Ngumisi ito. "Iyong bayaw mong hilaw na si Roli Villaverde?"


Tumango siya.


"Hindi namin siya hinuli."


"Ha? What do you mean?"


"Sumuko siya, Attorney." 


Nagulat siya bagamat hindi nagpahalata. "S-sige... Kakausapin ko siya."


Dinala siya nito sa tila isang bartolina sa istasyong iyon. Ayon dito ay inihiwalay nito si Roli sa ibang preso dahil sa madalas daw itong magwala.


"Hindi na siya nagsalita pa matapos niyang sabihin sa amin na gusto ka niyang makausap." Itinuro nito sa kanya ang isang bakal na pinto na may maliit na bintana. "Hihintayin kita dito, kausapin mo na siya."


Naabutan niya Roli na nakasalampak sa sahig at tila natutulog.


"Roli..." tawag niya sa pansin nito.


Nagtaas ito ng tingin mula sa pagkakatungo sa semento. Ang mukha nito ay marusing subalit nababakas pa rin doon ang pagiging simpatiko ng lalaki. Maamo ang mga mata nito na tila hindi makakagawa ng ano mang makakasakit sa kapwa... iyon na nga, madalas makapanloko ang panlabas na anyo ng isang tao.


Napakabata pa pero kayang gawin ang mga krimen na iyon.


Sino ba ang magsasabing ang magandang lalaking ito na kasing payapa ng mukha ng isang anghel ang mukha ay isang mamamatay at baliw na tao?


"Roger." Ngumiti ito nang makilala siya.


Tumayo ito at naglakad patungo sa pinto.


"Sayang... Sayang hindi kita napatay," mahinanong wika nito.


Nanlisik ang mga mata niya. "Hayop ka!"


Lumungkot ang mukha ni Roli. "Roger... Mahal ko si Ara."


"Hayop ka talaga! Pati anak ko tinalo mong hayop ka!" Pigil ang boses na angil niya rito.


Umiling ito at saka muling tumingin sa kanya. "Masaya sa'kin si Ara... Ibinigay ko sa kanya ang atensyong hindi mo maibigay sa kanya sa sobrang abala mo sa trabaho."


Naumid ang dila niya sa sinabi nito. Ganoon ba ito naging close ng kanyang anak para ikwento dito ni Ara ang mga nagaganap sa bahay nila?


"Roger, gusto mo bang malaman kung bakit gusto kitang patayin?" 


Hindi siya kumibo.


Nagsalita itong muli. "Baka kasi nalulungkot si Ara..."


Nakamasid lang siya sa malungkot na mukha ni Roli.


"Mahal na mahal ka niya..." anito. "Sa akin niya palaging sinasabi kung gaano ka niya kamahal... at kung gaano siya nalulungkot na wala kang panahon sa kanya."


"Minahal mo ba talaga ang anak ko?" hirap sa loob na tanong niya rito.


Malungkot itong ngumiti. "Would you believe me if I told you that I did? At maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa 'yo, na sa buong buhay ko, si Ara lang ang babaeng minahal ko." 


Nang panahon na iyon, nag-aaral si Roli ng engineering sa UP, Diliman. Doon ito tumutuloy sa condo nito sa Manila. Mailap sa tao si Roli, walang kaibigan at mas lalong wala itong girlfriend. Kaya ganoon na lang ang gulat ni Nana nang biglang magsabi si Roli na pakakasalan nito ang dalagang katulong ng mga ito sa probinsiya dahil buntis ito. That woman was Laurie Anne.  


Nagpaimbestiga noon si Nana. Nalaman nila na sinundan at hinanap ni Laurie Anne si Roli sa Manila. Ang tanong lang ay paanong naging anak ni Roli ang pinagbubuntis ni Laurie Anne? Wala namang relasyon ang dalawa. Tinanong ni Nana si Roli kung sigurado ito sa pagpapakasal. Ang sagot ni Roli ay ito raw mismo ang nagdesiyon na pakasalan si Laurie Anne, pero hindi nito nilinaw kung ito ba ang ama ng pinagbubuntis ng babae. 


Nana thought that Roli just wanted to save Laurie Anne from being a single mother. He wanted to provide for her and take care of her.  Pero iba ang nasa isip ni Roger na motibo ni Roli sa pagpapakasal. For him, Roli was obsessed with the idea of having his own family, just like Nana. 


Naging okay naman ang pagsasama nina Roli at Laurie Anne sa paglipas ng mga taon. Nanganak ang babae at pagkatapos ay nalaman niya na balak pang pag-aralin ni Roli si Laurie Anne. Everything was smooth sailing... until mawala ang mag-ina. Ang tinuring pa na suspect ay si Roli.


Ngayon lang lumabas ang totoo, it was Nana who really killed them. Ang hindi lang niya matanggap ay bakit walang ginawa si Roli gayung alam nito ang totoo?! 


Mapait siyang napangiti. "Pero kagaya ng asawa mo't anak ay hinayaan mo ring mamatay ng walang kalaban-laban ang anak kong si Ara." Hindi nagsalita si Roli kaya nanggalaiti siya. "Paano mo naatim na patayin sa harapan mo ang mga mahal mo?! Anong klaseng tao ka?!" Di niya napigilang mapaluha. Gusto niyang gulpihin si Roli, gusto niyang magwala!


"Siguro nga hindi ako tao. Sa totoo lang, mas dapat akong tawaging demonyo. Baliw ako." Muling napaupo sa sahig ng kulungan si Roli. Inihilamos nito ang mga palad sa marungis nitong mukha. "Mahal ko si Ara... Mahal ko si Laurie... Mahal ko sila... Pero wala akong magawa nang patayin sila ni Clarisse."


"Bakit hindi ka lumaban kay Nana?! P*tang ina mo!"


Nalilitong tumingin ito sa kanya. "Si Clarisse... m-mahal niya ako... For her, I was a family... She was my first family..."


"P*tang ina mo!" Gigil na bulyaw niya rito. Sinenyasan siya ng nasa di kalayuang si SPO2 Romulo para hinaan niya ang boses niya.


Nagulat siya nang biglang umiyak si Roli. Para itong batang ngumunguyngoy. Ngayon niya lamang ito nakitang ganito ka-helpless.


Tumingin sa kanya ang luhaang mga mata nito. "Wala akong pamilya o maski kamag-anak... Kinupkop ako ng pamilya Villaverde. Naging maalwan ang buhay ko at nagkaroon ako ng pamilya dahil sa kanila."


"Pamilya ng mga baliw!" Mahinang asik niya rito.


"Alam mo ba kung bakit wala akong pamilya?" Bagamat luhaan ay nakangisi na naman ito sa kanya. "Ako rin ang pumatay sa kanila..."


Napigil niya ang kanyang paghinga dahil sa sinabi nito.


"Nahuli ng tatay ko ang nanay ko na may kinakasamang iba. Kalat na sa buong baryo ang kawalanghiyaan nila... ang mura kong pag-iisip noon ay nahaluan ng poot at malisya." Muli itong tumungo. "May mga nakababata akong kapatid... ayoko silang madamay. Palagi akong binubugbog ng tatay namin at kulang na lang ay patayin niya na ako. Palaging nag-iiyakan non ang mga kapatid ko. Bata pa ako non, Roger... naaawa ako sa sarili ko pero wala akong magawa. Sa amin ni Itay ibinubuhos ang galit niya sa nanay namin."


Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa mga ikinukwento nito.


"Pinatay ko si Nanay at ang kalaguyo niya... Pinatay ko sila ng isang gabing maabutan ko sila sa silid nila ni Tatay. Pinatay ko sila habang tulog sila... at isinunod ko ang mga kapatid ko," balewalang kwento nito na parang wala lang dito ang lahat ng naganap.


"Isa ka ngang baliw..." Oo at mamamatay-tao si Roli. Pero hindi niya lubos maisip na bata palang ito ay pumatay na ito! At ang mahirap tanggapin ay pati mga nakababatang kapatid nitong walang muwang ay pinatay din nito! "Baliw ka, Roli!!!"


Nagkibit-balikat ito. "Maigi ng ganoon... mawawala na ang usapan ng mga tao sa baryo namin. Maigi ng mamatay ang mga taong mahal ko kesa magdusa sila. Nang dumating si Itay ay siya ang hinuli ng mga pulis. Siya ang pinagbintangang gumawa ng krimen na iyon. Wala ng naganap na imbestigasyon, basta na lang nilang hinuli si Itay kahit anong panlalaban nito. Sa huli ay nabaril ang tatay ko nang magtangka itong makipag-agawan ng baril sa isang pulis."


Hindi na talaga siya makatagal na makausap ito.


"At nang mga panahong nag-iisa na ako ay napadpad ako sa hacienda ng mga Villaverde. Sila ang dahilan kaya ibang tao na ako ngayon... isang taong mas matatag. Sa di malamang dahilan ay tumaas ang tingin ko sa sarili ko ng muling mamantsahan ng dugo ang aking mga kamay." Tumingin ito sa kanya, blangko na ang mga mata nito. "Hindi ako galit sa 'yo kahit pinatay mo si Clarisse. Siguro talagang oras niyang mamatay..."


Napatungo na lamang si Roger. Sumakit bigla ang ulo niya sa pinagsasabi ni Roli.


"Grabe na rin ang pinagdaanan niya sa buhay... Katulad ko ay sugatan din ang kaluluwa niya..." saad pa nito sa mababaw na boses.


Umiling siya. "Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa 'yo, Roli."


Tumayo ito at lumapit muli sa kanya. "Ilibing mo na ang bangkay ni Ara... iyong Arang baliw," seryoso at tila may takot na wika nito.


Nakipagtitigan siya rito. Para saan ang takot na nababasa niya sa mga mata nito? "Inilibing ko na siya bago pa man ako sumuko sa mga pulis."


"Hindi lang basta paglibing... Hindi matatahimik ang p*tanginang iyon."


Hindi siya kumibo. Para sa kanya ay hindi dapat katakutan ang isang 'patay na'... ang dapat katakutan ay ang mga 'buhay pa' dahil ang mga ito ang may kakayahang saktan ka. Hangga't may pananalig ka sa Diyos ay hindi ka magagapi ng masasama.


Kung diablo man si Ara... problema na nito iyon. Sa kabila ng mga kakaibang pangyayari ay hindi pa rin siya naniniwalang masasaktan sila ng masamang multo na iyon. Ang mga naganap ay bunga lamang ng kahinaan ng isang tao. Pinaglalaruan lamang ng mga diablo ang isipan ng mga tao, at ang mga tao mismo ang ginagamit ng diablo para saktan ang iba pang tao. He had enough, tama na. Wala na siyang kinatatakutan ngayon dahil wala na rin namang natitira pa sa kanya.


Pero si Roli ay hindi mapalagay. Pilit siya nitong inaabot mula sa maliit na bintana ng pinto ng kulungan nito. Umatras si Roger. Ayaw niyang madampian siya ng ni dulo ng maruming daliri ni Roli.


Sumigaw si Roli. "Isa pa siya sa dahilan kaya hindi kami makatakas sa nakaraan. Hanggang ngayon ay demonyita pa rin iyang Ara na iyan. Demonya siya noong nabubuhay siya... mas naging demonya pa siya no'ng mamatay na siya. Dahil sa kanya kaya tuluyang nasiraan ng bait si Clarisse."


Umismid siya. "Wag na nating pagusapan ang babaeng iyon."


"Minahal ka ni Clarisse!" Anito. "Kaya lang napakagago mo... Niloko mo siya dahil kay Maria Ocampo. Wala na sanang problema kung hindi ka nagloko. Hindi niya sana itinuloy ang pagpatay kay Ara, at sana'y buhay pa silang lahat ngayon. Buhay pa sana si Clarisse at magkasama pa rin kayo... at sana ay buhay pa rin si Ara ngayon at ako ang kasama niya. Pero ito yata talaga ang kapalaran... ang mamatay silang lahat."


"Naging mabuti akong asawa kay Clarisse. Oo natukso akong makipag-relasyon pa rin kay Maria pero natapos din naman iyon. Hindi dahilan na patayin niya ang anak namin dahil lang sa—"


Pinutol nito ang pagsasalita niya. "Iba ang takbo ng utak ni Clarisse..."


Hindi sumagot si Roger.


Nagpatuloy si Roli. "Natutuwa akong unti-unti nang umaayos ang buhay niya mula ng mag-asawa siya. Bihira ko na siyang makitang balisa at tulala... Akala ko nakalimutan niya na ang kakambal niya. Isang araw ay nakita ko siyang matalim ang mga matang nakatingin sa 'yo habang nakatalikod ka. Nag-isip na agad ako na may ginawa kang hindi maganda."


Gusto niya nang iwan ito roon pero may isang parte niya ang nais pang makinig sa mga sinasabi nito.


"Ilang araw mula noon ay nakita ko na naman siyang balisa. May mga panahon na bumubuka ang bibig niya at tila siya may kinakausap... kinabahan na ako noon. Makalipas ang ilang linggo ay tinawagan niya ako na nasa probinsiya siya."


Pakiramdam ni Roger ay nanikip ang dibdib niya.


Naiiling na muling napaluha si Roli habang nagku-kwento ito. "Tama nga ang hinala ko... Patay na ang mag-ina ko. Pinatay na sila ni Clarisse..."


"Ni wala kang ginawa!" Mapaklang wika niya rito.


Umiiyak na nagkibit-balikat ito. "Naisip kong oras na nila talaga iyon."


"Sira ulo ka!"


"Nalungkot ako, Roger... Nalungkot ako dahil minahal ko ang asawa kong si Laurie at ang anak namin. Pero mas nalungkot akong maabutang umiiyak si Clarisse habang punong-puno siya ng dugo. Umiiyak siya at sinabi niya sa aking malapit ng masira ang pamilya niya... sinabi niya sa aking niloloko mo siya."


Nag-iwas siya ng tingin dito. Sapul na sapul kasi siya.


"Sa pagkawala nina Laurie ay ako ang pinaghinalaang pumatay sa kanila. Lumuwas ako ng Maynila kasama si Clarisse para humingi ng tulong sa 'yo na tulungan ako sa kaso ng mag-ina ko. Doon ko nakilala si Ara, at minahal ko agad siya. Pero nalaman din ni Clarisse ang relasyon namin ng anak niyo. Nagalit siya sa akin. Ano raw ang karapatan kong maging masaya gayong siya ay naghihirap? Tama siya... wala akong karapatan."


Nagdidingas sa poot na tinapunan niya ng tingin ang baliw na si Roli. "Kaya pinatay niya na ang anak namin!"


"Roger, hindi ako hihingi ng tawad sa 'yo.Naniniwala ako na lahat nang nangyayari sa mundo ay nakatadhana na."


Hindi niya na pinansin pa ang ibang sinasabi nito. 


"Maging masaya ka na, Roger. Magbagong buhay ka na lang at kalimutan ang lahat. Magmove on ka at baka sakaling hindi ka balikan ng diablo na si Ara... dahil maniwala ka, hindi pa tapos ang lahat."


Tinalikuran niya na ito at saka siya bumalik sa mahabang upuan na kanina ay inuupuan niya. Baka kasi pag hindi niya pa tinigilan ang pakikipag-usap kay Roli ay mabaliw na rin siya.


"Roger! Roger, hindi pa tapos! Pabalik na si Ara! Babalik siya!"


Tinalikuran niya na ito at saka siya bumalik sa mahabang upuan na kanina ay inuupuan niya. Baka kasi pag hindi niya pa tinigilan ang pakikipag-usap kay Roli ay mabaliw na rin siya.


Sumunod sa kanya ang ngingisi-ngising si SPO2 Lyndon Romulo.


"Attorney! 'Wag mo na masyadong dibdibin... Hayaan mo't pasasaan ba't mabibitay na ang Roli Villaverde na iyon." Anito sabay tapik sa balikat niya.


"Romulo!" Isang pulis ang lumapit sa kanila.


Tinanguan ito ni Romulo. "Oh? Sabihin mo na kay Attorney Santos."


"Attorney." Baling sa kanya ng bagong dating na pulis. "Ako po si SPO2 Antonio Lorenzo ng District 5."


Tinanguan niya ito.


"Nakita na iyong mga bangkay. Iyong Madge pati na rin ang mga naaagnas na katawan ng nawawalang pamilya no'ng Roli Villaverde. Nasa isang closet silang lahat... sa isang closet sa isang tagong silid sa lumang bahay nina Clarisse Villaverde-Santos. May ilan pang bangkay don ng ilang kalalakihang tila mga akyat-bahay."


"Si Janice! Si Janice? Nasaan siya?!" Halos yugyugin niya na ang patpating pulis na bagong dating. "Nasaan ang bangkay ni Janice?!"


"Ah... walang Janice." Umiling ito.


"Ano?!"


"Walang nakalagay na Janice," sabad ni SPO2 Romulo habang hawak nito ang folder, nakangiti ito.


Binalingan ito ni SPO2 Lorenzo.


"Iyong nakita niyong bangkay sa Morong Rizal. Iyong dalagitang itinapon ang bangkay."


Tumango-tango si SPO4 Lorenzo. "Ah, si Renalyn Mercado?"


"Oo! Iyong pinatay sa bahay ng mga Ocampo," ani pa ni Romulo.


Nandilat ang mga mata ni Roger.


Renalyn Mercado?


Renalyn... Renalyn... Renalyn...


Saan niya ba narinig iyon? Napakurap si Roger.


Si Renalyn Mercado ay ang kaibigan nina Ara at Janice. Renalyn Sandoval, nakita niya ito Friendster ni Ara ng isang beses na makigamit ng laptop niya ang kanyang anak.


Si Renalyn Mercado ay si— Rene!


"Anong nangyari kay Rene... Kay Renalyn Mercado?" agad niyang tanong sa mga ito.


"Hati ang mukha niya, ni hindi na makilala. Puro siya dugo ng makita namin," sagot ni SPO2 Lorenzo. "Siya iyong natagpuan sa Morong. Kahapon lang namin nalaman sa autopsy na siya si Renalyn Mercado. Missing din siya ng ilang araw kaya nong pina-idetify namin siya sa parents niya ay kinonfirm agad nila na siya nga si Renalyn Mercado."


"P-pero hindi ba at si Janice ang..." Natigilan si Roger. "Ibig sabihin hindi si Janice ang bangkay na natagpuan sa Morong?"


"Yes, Attorney. Ang buong akala rin namin ay si Janice Ocampo ang bangkay dahil tugma siya sa description na ipinapahanap ng mother niya. Pero dumating ang pamilya ni Renalyn Mercado at na-identify nila na hindi nga si Janice ang bangkay." 


"A-ano?"


"Iyon nga! Ang buong akala ay si Janice Ocampo, missing kasi si Janice Ocampo! Tapos suot pa nitong si Renalyn ang damit ni Janice." Tatango-tangong wika ni Romulo. "Siguro napagkamalan no'ng Clarisse na si Renalyn ay si Janice. Ayon sa imbestigasyon ay naganap ang pagpatay sa mismong bahay ng mga Ocampo."


Parang may paa ng kabayong tumadyak sa dibdib ni Roger. "K-kung ganoon... nasaan si Janice?" Nabuhayan siya ng loob. Nagsimula na rin siyang maluha.


Inakay siya ni SPO2 Lyndon Romulo sa isang silid sa likuran ng quarters ng mga pulis. Hindi niya alam kung bakit ngiting-ngiti ito. Nang makarating sila sa pinto ng isang silid ay binulungan siya ng batang pulis.


"Attorney... Wag ka nang umiyak diyan. Pasayahin mo ang magandang binibini na nasa loob... kakarating lang niya. Maghihintay ako rito."


Natulala siya nang makita kung sino ang nakaupo sa silyang naroon sa loob ng silid.


"J-Janice?" Parang gripo ang mga mata niya sa tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha niya roon.


Ang inosente at magandang mukha nito na bahagyang namumutla ay nabahiran din ng pagkagulat nang tumingin ito sa kanya.


Nilapitan niya agad ito kahit nanghihina na ang kanyang mga tuhod sa kaba at iba pang emosyon.


Ngumiti ito bagamat luhaan na rin. "Narinig kong sabi ni Nana na... k-kapatid ko si Ara... na kayo ang tunay kong tatay. Totoo po ba?"


"A-anak ko..." Inabot niya ito at saka niyakap nang mahigpit.


"Papa..." Umiyak nang umiyak sa dibdib niya ang dalagita. "Patay na si Mama... Patay na rin sina Tita Madge... Patay na sila..." tangis nito.


"Sshh..." pag-aalo niya rito. "Magiging okay ang lahat... narito pa tayo..." Inalalayan niya itong makaupo muli sa silyang naroon at saka siya naupo rin sa isa pang silya na katapat ng inupuan nito.


"Kaya pala mahal na mahal ko si Ara..." malungkot na wika nito. "Kaya rin kamukha ko siya..."


"Paanong nangyaring nakaligtas ka kay Nana?" tanong niya kapagdaka.


Lalo itong namutla. "S-si... Nana po... Pinuntahan niya ako sa ospital."


Nagtagis ang mga ngipin ni Roger at nakuyom niya ang kanyang kamao.


"Alam ko na pong may masama siyang balak sa'kin..." Napahikbi muli si Janice. "Alam ko po... Alam ko dahil nagparamdam sa'kin si Ara. Hindi ko po alam kung binabangungot lang ako noon... takot na takot ako..."


Hinaplos niya ang luhaang pisngi nito upang papayapain ang loob ng dalagita.


Nagpatuloy ito sa pagku-kwento. "Pero dahil sa takot ko kay Ara ay nalaman kong may masamang mangyayari. Kung nagkataong hindi ako nagising noon ay baka napatay na nga ako ni Nana. Nakatakas po ako sa kanya... Wala na po ako sa sarili, ni humingi ng tulong sa mga nurse at ibang tao sa ospital ay di ko na nagawa. Dumaan ako sa fire exit. Ang tanging nais ko na lang ay makita si Mama. Lakad-takbo po akong umuwi ng gabing iyon. Bumalik po ako sa bahay namin kasi akala ko naroon sina Mama at Tita Madge. Nagpalit po ako ng damit at nakahanda na muling umalis... 'tapos biglang may kumatok."


Pakinig na pakinig si Roger sa mga sinasabi nito.


"Natakot po ako... akala ko si Nana na iyon. Gabing-gabi na po iyon at walang telepono para makahingi pa ako ng tulong." Saglit itong natigilan at saka muling napahikbi. "Natuwa ako nang malamang hindi si Nana iyong dumating. Iyon pong best friend namin ni Ara na si Rene... Tumakas daw po siya sa kanila kasi ayaw siyang payagan ng parents niya na pumunta sa burol ni Ara. Nagpunta siya sa'kin kahit gabi na dahil nako-konsensiya siyang hindi siya nakiramay sa burol ni Ara. Basa siya ng ulan kaya pinahiram ko siya ng damit ko... Magkasama kami sa kwarto ko non nang biglang mag-brownout." Nanginig na ang katawan ni Janice.


Niyakap ni Roger ang dalagita. Ramdam niya ang malakas at mabilis na tibok ng puso nito na dala ng takot.


"Akala ko brownout lang talaga kaya iniwan ko si... si Rene sa kwarto ko. Kukuha sana ako ng kandila sa kusina." Bigla na namang napahagulhol si Janice. "P-pero pagbalik ko... may iba na palang tao sa kwarto!"


"Napakahayop niya..." gigil na bulong niya habang hinahagod ang likuran nang umiiyak na si Janice.


"Nakadapa po si Rene nang pukulin siya sa ulo. No'ngkumidlat ay nakita ko na punong-puno na ng dugo hindi lang ang kanyang mukha, kundi pati ang pantulog ko na aking pinahiram sa kanya. Sa dami ng dugo ay hindi na siya makilala..." Sumigok ito. "Tapos nakilala ko ang nakatayong babae saharapan niya—si Nana!"


Lalong nag-igting sa poot ang kanyang mga ngipin. Nakikita niya pa sa isipan niya ang mga pangyayari...


"Sa takot ko ay nagtago ako sa closet sa likod ng pinto ng kwarto ko." Saglit itong humiwalay sa kanya at saka nagpahid ng luhaan nitong mukha. "Kitang-kita ko po nang buhatin niya si Rene papunta sa kama at kumutan ito. Nagso-sorry pa siya rito... Doon ko po narinig na siya rin ang pumatay kay Ara. Sabi po niya ay mahal na mahal niya si Ara... pati raw po ako ay itinuring niya ng anak. Ang hindi niya lang daw po matanggap ay... niloko niyo siya. Doon ko po nalamang kayo ang 'daddy' ko."


"Oh, Janice!"


"Doon po may dumating ulit na isang lalaki... pinatay niya rin po iyon! Hanggang sa makaalis siya ay hindi na ako lumabas sa closet. Si Rene po ay binalot niya ng kumot at saka niya dinala... Akala niya po ako iyon... Namatay si Rene dahil sa'kin..."


Mga ilang minuto rin silang nagyakapan ni Janice bago sila maistorbo ng isang tikhim mula sa pintuan.


"Attorney." Si SPO2 Lyndon Romulo. "Oo nga pala, mukhang makakalaya ka na. Nag-text sa'kin si Lorenzo." 


"Ha?"


"Baliw iyong Roli na iyon, 'no? Kwinento niya na sa amin ang lahat... saka isa pa, sa dami ng pinatay ng Clarisse Villaverde na iyon ay imposibleng di ka pa makalaya. Tamang usapan na lang ito." At saka siya kinindatan.


"S-salamat."


"Maging mabuting ama ka ngayon... sa pangalawang pagkakataon," sabi pa nito.


Kumunot ang noo ni Roger.


"Sorry, ha? Nakinig ako sa usapan niyo kanina ni Roli. Hindi ko rin sinasadyang hindi makinig ulit ngayon. May magagawa ba ako? Ako ang bantay mo, eh." Napangisi ito.


Naiiling na lamang na tinanguan ito ni Roger. "Salamat, Romulo."


Bumaling ito kay Janice pero siya pa rin ang kausap. "Ingatan mo ang anak mo... Wag mo munang papaligawan. Maganda ang anak mo, Attorney. Siguraduhin mong hindi baliw ang matitipuhan niyan. Siguraduhin mo ring ang makakatuluyan niya ay iyong kaya siyang ipagtanggol." Makahulugang wika nito.


Napasimangot ang mukha niya. "Bata pa ang anak ko, Romulo. Magdidiso-otso palang siya."


"Sige, maiwan ko na kayo." Patalikod na ito nang muling lumingon sa gawi nila. "Oo nga pala, Attorney. Twenty-three palang ako. Bata pa rin."


Nakita niyang namula ang pisngi ni Janice nang ngitian ito ni Romulo.


Naiiling na lamang si Roger nang tuluyan ng makaalis ang batang pulis.


"Papa..." Tawag sa kanya ni Janice. Nakangiti na ito at wala ng masyadong luha ang mga mata.


"Anak..." Ngumiti na rin siya... iyong ngiti na akala niya'y hindi na muling guguhit sa kanyang mga labi...


Muli itong yumakap sa kanya... nang mahigpit...


Buong pagmamahal na hinagkan niya ang ulo nito.


"I love you, Janice..."


WAKAS

JAMILLEFUMAH



Next Chapter: The Untold

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro