DOSE✞
XII
✞The Killer✞
The Killer's P.O.V.
I love Ara, mahal na mahal ko siya. Mami-miss ko sya, sobra.
Kaya lang kinailangan ko na talaga syang patayin. Masyado na siyang maraming nalalaman. Isa pa, nagkaroon sya ng relasyon kay Roli. Nagselos tuloy ako.
Sayang.
May plano pa ako sa kanya. Ihahanda ko si Ara para kay Ara.
Si Ara ay para kay Ara... pero ngayon wala na si Ara? Paano na si Ara?
Nangako ako sa kanya na bubuhayin ko siya sa pamamagitan ni Ara... kaya lang patay na rin si Ara katulad niya.
Dapat kasi, hihintayin ko munang magdalaga nang husto si Ara bago ko sya patayin. Parang bunga lang ng isang puno, hinihintay munang mahinog bago pitasin.
Pero hindi na ako nakapagpigil eh. Nangyari na ang nangyari.
Iyan tuloy, hindi na ako masaya. Mabuti na lang at narito pa SIYA–ang isa pang bungang pinapahinog ko pa. Pero para sa'kin ay hinog na sya. Ayun sya at pinagmamasdan ko. Narito ako ngayon sa lamay ni Ara.
Hay...excited na akong patayin sya. Siya ang uunahin ko at isusunod ko ang mga kasama nya. Wala akong ititira sa kanila, lahat silang nagmamahal kay Ara.
Well, mahal ko rin sya katulad ng pagmamahal ko kay Ara. Kaya nga lang, mukhang hindi ko na mapigilang pumatay. Ang sarap pala, lalo na kapag mahal mo yung taong papatayin mo.
Nanginginig ang buong katawan ko. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Sabik na sabik ako. Parang droga, nakaka-adik.
Gusto kong pumatay! Gusto ko nang pumatay.
Ngayong gabi, papatay ako. Papatayin ko si...
Janice!
Pero bago yun, pagmamasdan ko muna sya. At ngayon nga, natatanaw ko sya habang nakaupo sa isang tabi. Walang imik, walang kibo.
Haaaaa! Mukhang di ko na matatagalan pang tingnan sya. Kapag nagpatuloy ito, baka mawala ako sa aking sarili. Kailangan kong maghintay ng tamang pagkakataon.
Mamaya...papatayin ko sya.
Papatayin ko sya...
Janice Ocampo's P.O.V.
Paano ko ba ipapaliwanag kay Mommy na hindi naman malala ang sakit ko? Hindi lang talaga ako makapagsalita. And I don't know what's happening to me. Kaya naman labis ang pag-aalala nya dahil three days na akong walang voice.
Sumakto pa na hinimatay ako kanina sa burol ni Ara. Nang dalhin ako sa ospital ay fatigue at anemia ang sabi ng doktor na dahilan. Nagpapaliwanag ako kay Mommy na okay lang ako, pero niyang makinig. Deretso pina-confine niya na ako.
Nakakainis nga eh, ayoko na ngang mag-stay dito. Ikinuha nya ako ng private room kung saan nandito kami ngayon nina Tita Madge. Speaking of Tita Madge, bakit ganun kaya syang makatingin? Parang ang talim. Kanina pa yun noong nasa lamay pa lang kami. Kakaiba 'yungtitig niya sa akin.
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun sina Nana at Tito Roger. Kasama nila si Mang Isko na pulis naming ka-building apartment. Bago pa man tumulo ang luha ni Nana, nasalo na siya ng yakap ni Mommy. "Clarise, tatagan mo ang loob mo..."
Lumapit naman si Tito Roger sa kanila. "Salamat, Maria."
"Tulungan mo kami, Maria... Dalhin mo kami sa sinasabi nyong si Ka Pineng..." pumipiyok na pakiusap ni Nana. "Naniniwala na ako, sa kahit ano pang paranormal iyan, basta malaman ko lang kung ano talaga ang nangyari kay Ara."
Mukhang desperado na talaga sila na mahuli ang pumatay kay Ara.
Sumingit naman si Mang Isko. "Kapag isinama natin sila kay Ka Pineng, tiyak na hindi na yun makakatanggi..." Pursigido na rin ito.
Sa puntong iyon, humawak na nang mahigpit si Tita Madge sa balikat ni mommy. "Ako na lang ang maiiwan dito para bantayan si Janice."
Napabaling naman silang lahat sa akin. Lumapit sa akin si Nana at niyakap ako. Sa tagal naming magkaibigan ni Ara mula nang mga bata pa kami ay naging malapit na ako kay Nana. "I hope you get better soon, Janice."
Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita.
Lumapit din sa akin si Tito Roger at pagkatapos ay hinaplos niya ang ulo ko. Nakikita ko ang labis na lungkot sa mga mata niya. Marahil ay naalala niya si Ara.
"Okay! Puntahan na natin sya ngayon. Sasamahan ko kayo..." Biglang nagsalita si Mommy. Pero sa akin sya nakatingin.
Maya-maya nga'y nagpaalam na silang lahat sa akin subalit saglit na naiwan si Mommy. "Janice, babalik agad si Mommy ha. Gabi naman at mabilis ang biyahe, madali akong makakabalik..."
Tumango lang ako at yumakap sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya na it's fine with me, pero yun nga, hindi naman ako makapagsalita. Alam ko kasing nagpaparamdam na rin sa kanya si Ara, sa kanila. Kaya desidido silang magpatulong kay Ka Pineng para mabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng kaibigan ko.
Pagkatapos nga nun ay naglakad na palabas ng kwarto si Mommy. But before syang makalabas, huminto muna sya at humarap sa akin. Muli namang sumulpot sina Tito Roger at Mang Isko sa pinto. Kumaway silang lahat sa akin.
Ngumiti ako sa kanila at kumaway din. Napagmasdan ko ang kanilang mga ngiti at– what was that?!
Nanlaki ang mga mata ko at natutopko ang aking bibig!
Nagbago ang anyo ni Mommy. "Bakit Janice? M-May problema ba?"
Hindi ako makapagsalita. Kinilabutan ako sa aking nakita. Anong meron kay Mommy?Umiling na lang ako bilang tugon.
Lumapit sa akin si Tita Madge. "Okay ka lang ba, Janice?"
Pinilit ko na lang magkunwari na ayos lang ang lahat. Ngumiti ako kay Tita Madge. Ngumiti rin naman siya sa akin and– oh, shit!
Ano ba itong mga nakikita ko?
Bahagya akong napaatras. Bakas naman sa mga mukha nila ang pagtataka dahil sa kakaiba kong ikinikilos. Bumawi ako at kumaway na sa kanila para hindi na sila mag-alala, pero hindi ko na sila kinayang tingnansa mukha, hanggang sa makaalis na sila.
Nang wala na sila ay marahan akong nahiga muli sa hospital bed. Sa loob-loob ay nagpa-panic ako. What were the things I saw? Were they real or just hallucinations? No, those were not simply hallucinations. Those were nightmares!
Mabuti na lang at narito si Tita Madge. I know naman na hindi nya ako pababayaan kahit...medyo masama ang kutob ko. Parang nagbago ang pakiramdam ko sa kanya. Tumalikod ako sa kanya sa aking pagkakahiga. Iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina. Kinikilabutan pa rin ako!
Kanina, habang kumakaway sila sa akin at nakangiti, laking pagtataka ko kung bakit tila may iba sa kanilang mga hitsura.
Bakit ganoon ang kanilang mga ngipin? Bakit biglang naging kulay...ITIM!!!
Paano ko ba iyon sasabihin?
Siguro nga imagination ko lang ang lahat. Pero para kasing nakita ko rin iyon sa ngiti ni Tita Madge. Maya-maya'y naramdaman kong hinihimas ni Tita Madge ang buhok ko habang nasa likuran ko sya. This time, naisipan kong tingnan ulit siya. Baka nagha-hallucinate lang ako kanina.
Humarap ako sa kanya at ngumiti. Of course ngingiti rin sya sa akin. Pagkakita ko sa kanya, hindi ko na napigilang mapaatras.
Hindi nga ako nagkamali ng tingin!
"Janice?" Nangunot ang noo nya. Napansin siguro niyang namutla ako at tila nawala sa sarili.
Ano kayang ibig sabihin ng mga nakikita ko? Premoniton ba ito? Kung premonition nga ito, ano na naman kaya ang maaaring mangyari? Kinakabahan ako.
Hindi ko na sya inimik pa. As if naman na makakapagsalita ako. Sa halip, pumikit na lang ako. Naramdaman kong hinaplos nya ako sa pisngi. Dahil doon ay napamulat ako.
Marahan lang ang ginawa kong pagmulat.
Dahan-dahan lang. Malakas ang pakiramdam kong may madidiskubre ako.
Akala ko may makikita akong kakaiba. Wala lang pala.
Nakatingin pa rin sya sa akin pero ayoko nang makita ang ngiti nya.
"Janice, bibili lang ako ng pagkain natin sa labas ah. Mabilis lang ako." Pagkasabi niya noon ay tumayo na sya, kinuha ang kanyang wallet at lumabas ng pinto. Pero iniwan nyang bahagyang nakabukas ang pinto.
Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na. It's already nine in the evening. Ganoon din yung oras sa wall clock na nasa itaas ng pintuan. Tumalikod na akong muli at saka pumikit.
Gusto ko nang matulog, kahit saglit lang. Matutulog na sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto.Narinig kong lumangitngit ito.
Ang bilis namang nakabalik ni Tita Madge.
Pero hindi bale, itutuloy ko na lang ang pagtulog ko. Sandali lang ay sumara na iyong pinto, rinig ko.
Maya-maya, naramdaman kong bahagyang lumubog ang kama sa bandang likuran ko. Tila may umupo, tapos gumalaw uli.
Parang may tumuntong. Parang may tumayo!
Oo!
Parang may nakatayo sa likuran ko!
Nakatuntong ito sa kama kung saan ako kasalukuyang nakahiga.
Ano bang trip ni Tita Madge? Bakit sya nakatayo?
Nakatungtong pa siya rito sa likuran ko at dito pa sa kama ko?Dahil hindi naman normal kay Tita Madge ang ganoong kilos, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Ilang sandali pa, lumundag ito!
Oo, lumundag ito!
Sa puntong ito, sigurado na akong hindi ito si Tita Madge. Bakit naman niya ito gagawin? Bakit naman siya lulundag at dito pa talaga sa kama kung saan ako nakahiga?
Tagaktak na ang pawis ko.
Mommy ko!
Lumundag ulit ito!
Help!
Takot na takot na ako!Lumundag pa ulit !
Umuuga na ang kama!
Ayoko na!
Gusto kong sumigaw pero wala naman akong boses.Upang kahit papano ay mailabas ko ang takot na aking nararamdaman, umungol na lang ako nang ilang beses. Sa ngayon, iyon lang ang tangi kong magagawa.
Nawala yung paglundag.Pero nararamdaman kong may nakatungtong pa rin.
Kinapa ko ang cellphone ko na nasa aking likuran.Naluluha na ako at kinikilabutan.Kapa pa, Janice. Kapa pa!Ayaw kong tumingin sa likuran ko.Pero anong gagawin ko? Hindi ko makapa ang cellphone ko.
Nasaan na iyon?
Teka, may nakakapa ako.
Ano ito?
Malamig.
Malagkit.
May mga daliri!
PAA!
Napabalikwas ako ng bangon at dali-dali akong lumayo sa kama.Napasandal ako sa pader at napaharap sa kama.Nakapikit ako habang nakaharap doon.
Didilat ba ako? O mananatili na lang na nakapikit para hindi ko makita ang hindi ko kayang makita.
Bakit ba Ara, bakit ba?Ano ba ang gusto mo at bakit ka nagpapakita? Bakit ka nagpaparamdam?Ilang sandali pa, dumilat ako nang marahan. Dahan-dahan.
Pero wala naman.
Wala naman akong nakitang kakaiba.Then, napako ang tingin ko sa orasan.
Totoo ba ito?
It's already three in the morning. Pero kanina lang bago ako pumikit, alas-nuebe lang ah? Posible kayang binangungot lang ako?
Baka nga.
Baka nga binangungot lang ako.Maya-maya, pagtingin ko sa pinto, napansin kong bahagya pa rin itong nakabukas.Marahan akong tumayo. Pero bigla na lang lumangitngit ang pinto.Dahan-dahan iyong bumubukas.May bumungadsa may pintuan.
Isang babae.
Nakasuot ito ng COWBOY HAT.
"Hi Janice..." Ngumiti ito sa akin.
Namutla ako.
Paano'y may hawak syang martilyo.Hindi ko makita ang mukha nya. Hanggang sa ilang saglit pa, bahagya syang tumingala dahilan para masinagan ng liwanag ang mukha nito.
O, hindi! SYA?
"Isusunod na kita kay Ara," sabi nito.
Bakit SYA? Bakit? Sa dinami-dami, bakit SYA pa?Bakit SYA pa na...
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro