Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DOS ✞


II

Rewind Part1

Friday, 6:15 A.M. (Birthday celebration)


Ara's POV


Napabalikwas ako ng bangon. Today is my birthday pero heto at iba ang sumalubong sa akin, sigawan. Sigawan ng parents ko. Akala ng ibang tao sobrang perpekto ng buhay ko, pero wala silang idea kung anong klaseng pagsasama meron sina Daddy at Nana. Honestly, hindi ko alam kung kailan sila nagsimulang maging cold sa isa't isa, at hindi ko rin alam kung kailan sila magiging okay na dalawa.


"Damn it, Clarisse! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wala akong tiwala dyan sa kapatid mo?!"


"Bakit ba ang laki ng galit mo sa kapatid ko?"


"Simply because your younger brother is an ex-convict!"


Pumalatak si Nana.


"I'm a lawyer! Alam kong hindi inosente iyang si Roli."


"Here we go again, Roger!" sigaw rin ni Nana. "Tuwing may pagkakataon na lang, inuungkat mo ang tungkol sa kaso ni Roli noon! Can't you just move on?"


"Kung bakit kasi bigla pa siyang bumalik sa buhay mo?! Sana kasi hindi na lang nagpakita sa atin ang pekeng kapatid mo na 'yan! Sana hindi mo na lang din ako pinilit na maging attorney niya, e di sana wala tayong pinagtatalunang ganito!"


"My brother's case is already closed! He won that case with your freaking help as his lawyer. Napawalang sala na siya. So bakit ibinabalik mo pa, Roger?!"


Roli showed up because he needed a lawyer three years ago. I was fifteen at the time, and it was also my first time seeing and meeting him. Napagbintangan siya sa kasalanang hindi niya ginawa, and with my dad's help, naabsuwelto siya sa case.


"Kaya nga, Clarisse! Hindi ko matanggap na napawalang sala siya knowing na ako ang humawak ng kanyang kaso. Pakiramdam ko, hindi ako mapapatawad ng konsensiya ko dahil idinifend ko siya kahit pa una palang ay wala na akong makitang katotohanan sa mga testimonya niya!"


"Ganoon naman pala eh. Bakit mo ipinapanalo ang kaso niya? Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?"


"Gusto ko lang naman na... iiwas ang anak natin sa kanya."


"What did you say?"


"You heard me, Clarisse. Gusto ko na ilayo ang anak natin sa kapatid mo. Sana naman pagbigyan mo ako kung ayaw mong nauungkat nang ganito ang kaso ng kapatid mo noon. Please, Clarisse, sana igalang mo ang decision ko. Iyon lang, iyon lang at mapapanatag na ako."


"Iniisip mong sasaktan ng kapatid ko ang anak natin?" Nanginginig na ang boses ni Nana.


Huminga nang malalim si Daddy bago ito muling nagsalita. "Mahirap na. Baka mapahamak lang si Ara sa kanya."


Narinig kong napaiyak na si Nana. "Inosente ang kapatid ko, Roger. Hindi siya ang dahilan sa pagkawala ng asawa at anak niya! At mas lalong hindi niya magagawang saktan si Ara─" Hindi na nakuha pang magsalita nang tuloy ni Nana dahil sa iyak na pilit niyang pinipigilan.


"I'm sorry, Clarisse. P-pero hindi ko talaga kayang magtiwala kay Roli. May posibilidad na siya talaga ang dahilan kaya nawawala pa rin hanggang ngayon ang pamilya niya. Posible rin na pinatay niya ang mga ito, kaya hindi mo ako masisisi kung natatakot ako na baka saktan niya si Ara." Biglang huminahon ang boses ni Daddy.


"Hindi mo kilala si Roli para pagbintangan mo siya nang ganyan. Hindi niya magagawa ang sinasabi mo! Ni hindi mo man lang bigyan ng chance ang posibilidad na baka lumayas ang asawa niya at sumama sa ibang lalaki bitbit ang five years old nilang anak?"


Nang tapos na sila ay saka lang ako lumabas ng kuwarto. It's Friday, may pasok pa ako. Kumilos ako at inasikaso na aking sarili pati na rin ang mga gamit ko sa pagpasok.

 

Nang makarating na ako sa hapag-kainan, laking gulat ko nang makita ko si Nana. Parang walang nangyari at masaya pa siya.Tila ba hindi sila naggaling ni Daddy sa isang seryosong sagutan.Sinalubong niya ako ng yakap. "Happy birthday, Ara."


May inabot siyang kahon sa akin na nababalot ng birthday wrapper at may ribbon pa sa itaas. "Ano ito, Nana?"


"Regalo ko sa iyo iyan," nakangiti niyang sabi.


Dali-dali ko itong binuksan at tumambad sa akin ang isang pares ng pulang sapatos─it's the doll shoes na gustong-gusto ko. Pagkakita ko pa lamang dito ay nayakap ko na agad ito dahil sa sobrang saya."Salamat, Nana!"


Subalit kasabay ng ligayang naramdaman ko nang mga oras na iyon ay ang higit na kasiyahang nakita ko sa mga mata ni Nana nang makita niyang nagustuhan ko nang husto ang regalo niya.


Hindi ko maipaliwanag kung paanong pati ang mga mata niya ay nakangiti rin habang pinagmamasdan ako. Dahil dito, hindi ko naiwasang muling tapunan ng tingin ang sapatos na ibinigay sa akin ni Nana at doon ko napagtantong palagi na lang kulay pula ang mga bagay na inireregalo niya sa akin tuwing sasapit ang aking kaarawan.


Nang tuluyan na akong makaupo sa hapag, hindi ko na napigilang siya ay tanungin. "Nana? Nasaan si Daddy?"


"Maagang umalis," sambit niya habang abala sa paghahainng aming almusal. "Ganoon naman iyon. Hindi ka na nasanay,"dagdag pa niya.


Huminto siya sa kanyang ginagawa. Umupo siya at humarap sa akin. "Alam ko, narinig mo ang pagtatalo namin."


Yumuko ako at hindi na nagawang magsalita. Samantala, bumuntong hininga lamang si Nana at masigla muling kumilos. "Naku! Huwag mo ngang pansinin iyang Daddy mo. Alam mo, inggit lang iyan dahil mas lamang ang atensyon mo sa Uncle Roli mo kaysa sa kanya." Maya-maya ay naupo na siya sa aking harapan. "Palibhasa, wala na siyang oras sa atin."


Nang sabihin ni Nana ang lahat ng iyon, hindi ko na nagawang umimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.May mga bagay akong gustong itanong ngunit hindi ko mabanggit.


"Kulang ang ebidensiya laban kay Roli. Hindi man kami close at malaki man ang agwat sa edad namin, kilala ko siya. Tahimik lang siya noong bata pa, pero mabait siya. Look, he was still young to marry, but he took responsibility for that golddigging maid. He married her even though he was unsure whether the child was really his."


Bumuntong-hininga siNana. "Roli is a busy person, a businessman. He was not at home when the alleged crime happened. When he returned home, that woman and that child were already gone. Walang bangkay na nakita. Malay ba natin kung naglayas lang si Laurie at isinama ang bata. Knowing that Laurie, malandi ang babaeng iyon."


"B-baka nga po talagang iniwan lang siya nina Tita Laurie..."


Muli siyang napabuntong hininga."Alam mo...masyado ka pang bata para sa ganitong usapan, ano?" Pilit nyang inabot ang aking ilong at saka ito pinisil. "Ang mabuti pa, tapusin mo na iyang pagkain mo at pumasok ka na. Baka mapagalitan ka ni Mrs. Ocampo dahil late ka na naman."


Oh yes! Si Mrs. Ocampo, my thick-lipped teacher. Kailangan ko na ngang magmadali.


Dali-dali akong kumain at sumakay ng jeep pagkatapos kong maihanda ang aking sarili. Mabilis naman ang takbo ng jeep na nasakyan ko but still, I was late!


Wala namang gaanong nangyaring kakaiba sa buong maghapon ko. Same lesson, same classmate, same routine─in short, walang bago.Ang kakaiba lang ay si Mrs. Ocampo dahil naging mabait sya sa akin sa buong araw ng klase. Maybe because it was my birthday. Alam kong alam niya iyon dahil kaklase ko ang anak niyang si Janice na siya namang bestfriend ko.Actually, tatlo kaming magkakaibigan─ako, si Janice at ang inactive na si Rene.


Meron pa palang isa, si Joana. Pero wala naman iyon. Nakikipag-close lang sa amin, pero hindi talaga namin ka-close.


Excited ang lahat sa pagtatapos ng klase dahil sa gaganaping birthday party ko sa bahay namin. Pero ako ay malungkot, dahil iyong inaasahan kong tao ay hindi dumating. Ni wala rin kahit text. Roli, my fake young uncle.


Just like my previous birthdays, Daddy was not there. He is busy with work and has no time for me. Pero si Nana, never na nawala sa tabi ko. She's always there for me, lalo sa mga mahahalagang araw ng buhay ko.


Hindi ko na-enjoy ang birthday party ko although dumalo ang lahat ng mga classmates ko kasama ang adviser namin na si Mrs. Ocampo. Pero hindi ko ito ipinahalata. Marami akong gifts na natanggap but isang gift lang ang tanging nakapagpasaya sa akin– my pair of red doll shoes.


It was eleven p.m., and I still couldn't sleep. Ang nasa sala na lang ay ilang kaibigan ni Nana from college at mga asawa ng mga ito, nag-iiuman siguro at nagkukuwentuhan. Sa ngayon, marahil ay lasing na ang mga ito, kabilang ang mama ko.


Nakasubsob ako sa aking unan at pinipilit ang sarili na makatulog nang mag-vibrate ang aking brandnew Nokia phone. Bigla akong napabalikwas ng bangon. I answered the call right away.


"Happy birthday, Ara," malamig at buong boses mula sa kabilang linya.


Napahikbi ako. Kahit nagtatampo ako sa kanya ay hindi ko talaga kayang magalit nang husto. Ang hina ko talaga pagdating sa lalaking ito.


"Okay ka lang ba, Ara? Sorry, ah kasi─"


"Goodnight, Roli."


"No! Ara. Magkita tayo. Alam kong nagtampo ka sa akin. Babawi ako sa 'yo."


"Pero anong oras na. Baka─"


"I'll wait for you sa gate ng subdivision niyo. Please?"


Napalunok ako.


"Ara..."


Hindi na ako nag-isip pa at agad akong kumilos upang magpalit ng damit. Simpleng sleeveless shirt at maong jeans lang ang napagpasyahan kong isuot. Naisipan ko na ring gamitin ang regalong sapatos sa akin ni Nana.


I know na magagalit si Nana kapag nalaman niya ang paglabas ko nang hatinggabi, but I wanted to see Roli. I missed this guy.


I sneaked out by the backdoor in the kitchen, where no one in the living room could see me, then carefully passed through the gate and ran down the dark street.


"Ara!"


Agad kong nakita ang kulay itim niyang Audi. Nakasandal siya hood habang hawak niya ang kanyang cell phone. Nakatingin sa akin ang magandang uri ng kanyang mga mata.


"K-kanina ka pa ba rito?" nahihiyang tanong ko sa kanya.


Hindi siya kumibo. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I missed you, birthday girl."


"I missed you, too." Nakatingala ako sa kanya dahil nasa six ang height niya at ako ay nasa five lang. Ngumiti ako nang ikulong niya ang kamay ko sa mainit niyang palad.


Like the same old days, ganoon pa rin ang porma niya. Naka-black shirts, fitted denim jeans siya and sneakers. Tulad ng dati, suot niya ang kanyang itim na cap.


"Shall we?"


Tumango ako.


Ipinagbukas niya ako ng pinto ng passenger's seat. Pag ikot niya sa kabila ay siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Bago niya i-start ang makina ay nilingon niya pa ako. "I love you, Ara."


This is far better than being with my friends kanina sa birthday party ko.


"Wait, Roli." Bigla akong may naalala. "Saan pala tayo pupunta? Hindi kasi ako nagpaalam kina Nana."


"I want you to know me better, Ara."


"Ha?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kaseryosohan niya.


"Sa probinsya namin ng nana mo..." Bahagya siya'ng napayuko. "Kung saan kami nakatira noon. Doon tayo pupunta."


Nanahimik ako. Curious ako sa lugar na sinasabi niya dahil kahit kailan ay hindi pa kami nakakapunta ron ni Daddy. Never iyong binanggit sa amin ni Nana at kapag tinatanong namin ni Daddy ang probinsiya niya ay nagagalit lang si Nana sa amin kaya hindi na kami ngayon nag-uusisa pa.


Tumagal ang biyahe namin ng apat na oras bago kami tuluyang nakarating sa kanilang probinsya. City na rin iyon ang kaso ang pinaka bayan nila ay hindi pa gaanong nadedevelop dahil puro private land at hindi raw ipinagbibili ng mga may ari ang mga lupa sa mga developer. Sa gawing dulo ang lugar nila Roli, doon malapit sa paanan ng bundok na isang private property rin.


"We're here, Ara."


Napalingap ako sa paligid. Nasa loob kami ng isang hacienda. Haciendang tila napabayaan na dahil sa kakapal ng mga talahib at nagkalat na mga tuyong dahon sa daan. Maging ang mga fountain sa pinaka lawn na nasa loob ng malaking kalawanging gate ay nilulumot at tuyot na. Basag-basag na rin ang mga batong disenyo.


Talaga bang dito siya nakatira? At iyong dati niyang pamilya, dito niya rin itinira noon?


"Let's go, Ara." Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.


"Dito ka ba palagi kapag nandito ka sa probinsiya?"


"Nope. Usually naghohotel ako sa bayan. Bumibisita lang ako rito kapag talagang kailangan."


"Ah..."


Pumasok na kami sa kalawanging gate.


"Don't worry about my car, walang magtatangkang gumalaw non sa labas."


Obviously. Wala naman kasing katao-tao sa labas.


Malaki ang mansyon na aming nadatnan doon. Luma na pero nandoon pa rin ang tikas at bakas ng karangyaan noon. Halatang marami nang pinagdaanan ang mansyong ito at halatang napag-iwanan na rin ng panahon.


"Ang lawak ng mansiyon... Ilang kuwarto meron ito sa itaas?" tanong ko sa kanya.


"Lima," tipid niyang sagot.


Antique ang mga gamit sa loob. Malalaki ang mga sofa na gawa sa nara, malalaki ang mga salamin sa dingding, at malalaki rin ang mga banga na nakadisplay sa kung saan-saan. Mabuti at walang nakakaisip magnakaw rito. Mukhang may halaga ang mga antique at gamit dito kapag ibinenta, basta tanggalan mo lang muna ng mga sapot at alikabok.


"Oh, shit!"


"Bakit?" Nilingon ko siya.


"Hindi tayo nakabili ng pagkain sa bayan."


"Order na lang tayo?"


"Walang signal dito."


Nang icheck ko ang phone ko, wala ngang signal. Naglakad ako at itinaas sa ere ang phone pero wala pa rin talaga.


"Dito ka muna at magpahinga. Alam kong pagod ka." Niyakap ako Roli mula sa aking likuran. "Bibili lang ako ng pagkain sa bayan."


"Malayo iyon, di ba?"


"Twenty minutes lang ang biyahe. Wala pang isang oras nandito na ulit ako," malambing niyang tugon.


Kapag ganito kalambing ang boses niya ay napakahirap niyang hindian. Ang amo kasi ng mukha niya, parang anghel.


"Okay. Maglilinis-linis na lang muna ako rito. Para naman di gaanong maalikabok pag kumain na tayo." Tumingkayad ako para bigyan siya ng mabilis na halik, naramdaman ko naman ang paninigas ng kanyang katawan sa gulat.


I am now eighteen, and I had been waiting to kiss this gorgeous and kind guy. Kahit kasi nag-confess siya sa akin noon ay parang napilitan lang kasi siya, dahil nga sa pagmamaktol ko. Kahit din may unawaan na kami, never siyang nagtangka kahit halikan man lang ako sa pisngi, madalas lang sa noo. 


Pagkaalis ni Roli ay agad kong nilibot ang buong bahay. Hindi nga ako nagkamali ng akala dahil talagang malaki ang lugar. Subalit matapos kong libutin ang buong kabahayan ay nagtaka ako dahil apat lamang ang kwartong aking nakita na sa pagkakaalam ko ay lima.


Ang balak kong linis-linis lang ay hindi nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako ginanahan na maglinis talaga kasabay ng aking pagmamasid sa paligid. The place was simple amazing. It was old yet the interior was magnificent. Meron pa rin akong nararamdamang kaunting takot dahil mag-isa lang ako rito, pero lumalamang sa akin ang kuryosidad.


Una kong nilinis ang kwartong nasa dulong bahaging ikalawang palapag ng bahay. I can't explain the smell coming from that room while I was cleaning it. Hindi ako sigurado kung amoy bulok ba o malansa. Ang nasisiguro ko lang, masangsang at masakit sa ilong ang amoy na iyon.


Subalit ang higit na pumukaw ng aking atensyon ay ang linya ng mga langgam na patungo sa isang direksyon. Sinundan ko ng tinginang direksyong tinatahak ng mga ito at nakita kong patungo sila sa butas ng isang dingding. Kinatok ko iyon upang bulabugin. Marahil ang butas na iyon ang nagsisilbing lungga ng mga langgam.


Agad kong pinuksa ang abalang mga langgam gamit ang kerosene na natagpuan ko sa cabinet. Kasabay noon ay mabilis ko ring winalis ang mga dumi at alikabok ng kwarto. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang masangsang na amoy. Habang tumatagal ay mas lalo itong umaalingasaw. 


Parang nabubulok na hayop.


Natigil ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng ingay mula sa ibaba. Dali-dali akong bumaba sa pag-aakalang dumating na si Roli. Subalit natigilan ako nang makita ko ang isang batang babaeng nananakbo patungo sa kusina.


Saglit akong natilihan ngunit agad ding nakabawi ng kilos. Paanong nagkaroon ng bata sa loob ng bahay na ito? Maya-maya'y sinundan ko ang bata at nakita kong pumasok itosa loob ng cabinet sa ilalim ng lababo.


"Bata?!" tawag ko rito habang marahang binabaybay ang direksyon ng cabinet kung saan siya nagtago. 


Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagpasok nito sa maliit na cabinet kung saan niya pinagkasya ang kanyang sarili. Sa tantya ko ay nasa apat hanggang limang taon lamang ang batang babae. Duster na kulay pink ang suot nito at wala itong suot na tsinelas sa paa.


"B-Bata? Lumabas ka dyan," utos ko rito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tila hindi ko maihakbang ang aking mga paa, subalit pinilit ko pa ring lumakad.


Marahan.


Paunti-unti.


Hanggang sa malapit ko na itong marating─ang cabinet.


Limang hakbang na lang.


Hindi!


Apat na hakbang na lang.


Pero bakit ganoon? Bakit hindi siya kumikibo?


"Bata?" tawag kong muli rito.


Tatlong hakbang na lang.


Dalawa.


Isa.


Marahan kong hinawakan ang handle ng cabinet. Buo na ang pasya kong buksan ito anuman ang mangyari. Subalit nang akmang bubuksan ko na ito ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.


Bakit?


Bahala na! Basta bubukasan ko ito.


Akmang hihilahin ko na ito nang biglang...


JAMILLEFUMAH

@JFstories 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro