DISI-SEIS✞
I'm not sure what happened, but the comments had been deleted. Let's just make new memories. -JF
XVI
✞Hacienda Villaverde✞
ROGER's POV
Damn it! Why I couldn't contact Isko? Usapan namin ay susunod siya rito sa probinsya nina Nana. Bakit kasi hindi pa siya sa amin ni Ka Pineng kagabi?! Ayan tuloy, paano pa kami magkakausap, e wala palang signal dito sa parteng ito ng baryo.
Nakarating na kami sa wakas sa gitna ng patay na hacienda ng mga Villaverde sa kadulo-duluhan ng baryong ito. Maliban sa mapa ay nagtanong-tanong pa kami sa bayan, dahil nga wala na halos nakakatanda sa haciendang ito na matagal nang inabandona. We drove around a few times before we got here. Kung hindi ko pa pinakatitigan ang puno ng halamang arko, hindi ko pa mababasa ang nakasulat na 'HACIENDA VILLAVERDE'
Ngayon pa lang ako rito nakarating. Mula nang makilala ko si Nana, hanggang sa ikasal kami at nagkaanak ay never niya pa ako ritong dinala. Kahit siya ay hindi na muling bumalik pa rito. Patay naman na raw kasi ang papa niya, wala rin siya ritong kamaganak, kaya wala nang dahilan pa na alalahanin niya ang lugar na ito.
Pinagtulungan namin ni Ka Pineng na akyatin ang dambuhalang kalawanging bakal na gate, saka kami pumasok sa loob. Habang tinatalunton ang lubak na daan ay parang may kung ano na nagpapabigat sa aming pakiramdam. Siguro ay dahil sa ang lugar ay halata talagang napabayaan na.
Sayang ang lugar na ito. Malawak na lupain pa naman. Marami sana ang mabibigyan ng tahanan kung tutuusin. Where are the people who used to live here? Nasaan ang mga tauhan ng mga Villaverde? Bakit nagsialisan na sila? Bumalik at nag-stay naman dito noon si Roli at ang mag-inang kasambahay rito, ah? That guy even lived here with his family.
Huminto kami sa gitna ng malubak na daan. May tiningna si Ka Pineng sa trunk. Meron doong malaking bagahe. Ang daming dala naman. May balak ba siya ritong magbakasyon?
"Tumira kamo rito iyong batang kapatid-kapatiran ng asawa mo?" tanong niya habang inaayos ang lagay sa trunk.
"Yes, si Roli. Pagka-graduate niya ng college ay bumalik siya rito. Noong panahon na iyon ay meron ditong matandang katiwala. Si Aling Ameng ang pangalan sa pagkakatanda ko. Ang anak nitong dalaga naman ay si Laurie, iyon ang nakatuluyan ni Roli, kahit pa mas maedad si Laurie."
"Eh, nasaan na itong si Laurie and their child?"
"Missing with their child. Hindi pa natatagpuan hanggang ngayon. Ang prime suspect din ay si Roli. Pero napawalang bisa dahil walang sapat na ebidensiya." Hindi ko na binanggit na ako ang naging abogado ng lalaking iyon. Kaya lang ay alam na pala ni Ka Pineng ang tungkol doon.
"Naging defense attorney ka ni Roli, 'di ba? Napansin mo bang kaliwete siya magsulat?"
Sumandal ako sa nakahinto naming sasakyan. "Kanan." Alam ko dahil aking nakitang nagsulat ang lalaki. Napatitig pa nga ako sa makinis nitong kamay at mahahabang daliri.
Hindi na umimik si Ka Pineng, subalit sumulyap sa hawak kong lumang picture. Si Nana ito noong dalagita pa at may kasamang isang payat na babaeng nakaupo. Picture na ewan ko ba kung bakit aking hawak-hawaka pa rin. Ito iyong nakita ni Isko sa kuwarto namin ni Nana.
"Sino yung kasama niya sa picture?"
"Hindi ko rin alam," Napabuga ako ng hangin. "Nakita lang daw ito ni Isko sa ilalim ng kama namin sa kwarto."
"Well, I'm expecting na marami tayong makikitang ganyan dito sa lumang bahay ni Clarisse Villaverde..." Luminga siya sa paligid.
"Wait, bakit nga pala tayo nandito? Bakit hindi pa tayo dumeretso na sa mansiyon?" Sabay tingin ko sa aking wristwatch. Ala-una na pala ng hapon.
Sa tagal ng biyahe pa-probinsiya, ilang stop over namin, at paikot-ikot sa baryong ito ay inabot na kami ng ganitong oras. Mukha namang hindi nagmamadali si Ka Pineng. "May hihintayin lang tayo sandali."
Minuto nga lang ay may humintong tricycle sa dulo malapit sa gate. Mula roon ay bumaba ang dalawang lalaki. Maliit iyong isa at malaking iyong isa. Naka-formal. White polo, slacks na itim, at leather shoes. May mga bitbit ding bagahe. Ang edad ay naglalaro marahil sa 30's.
"Heto na sila." Sinalubong ito agad ni Ka Pineng. "They're my crew..."
"Ha?" Ano ba yan nagsama pa itong matandang ito ng back up.
"Guys, this man is Attorney Roger Santos." Bumaling siya sa akin. "Roger, ito naman ang aking crew. This one is Cary." Itinuro niya yung lalaking blonde at kulot. Maliit lang ito. "And this one is Fin..." Tinapik niya sa balikat ang isang lalaking malaki ang pangangatawan. Naka-eye glasses ito at may makapal na bigote.
Kinabig ko si Ka Pineng. "What the hell are they doing here? Don't tell me isasama mo sila?"
"Yes. Mapagkakatiwalaan sila at kapwa mahuhusay. Nakasama ko na sila ng mahigit sampung taon sa grupo ng parsakolohiya na aking sinalihan sa Davao. Kalaunan ay naging mga tao ko sila. Nagkahiwalay lang kami nang huminto na ako sa pagtanggap ng kliyente. Pinasunod ko sila ngayon dito dahil kakailanganin ko sila."
Tapos ay sumakay na nga kami ng sasakyan papunta sa mansiyon. Itong si Fin, kalalaking tao eh madaldal. Samantalang si Cary naman ay tahimik lang. Wala itong ibang ginawa kundi tingnan ako. Naiilang tuloy ako.
Huminto kami sa tapat ng isang lumang bahay sa gitna ng hacienda. Ito na nga siguro ang Villaverde Mansion dahil ito lang naman ang nag-iisang mansiyon dito. Ito old Spanish style mansion.
Itinulak ko pabukas ang main door na luckily ay hindi naka-lock. Sinalubong ng masangsang na amoy. Para namang ayaw pumasok nina Cary at Fin. Sinenyasan ko sila. "Let's go inside..."
Mabuti at may ilaw rito. Binuksan ko ang chandelier sa sala at kasabay na bumaha ang liwanag ang pagtindi naman ng amoy na masangsang.
Bigla na lang nag-iba ang kilos ni Ka Pineng. May sinusundan siya ng tingin. Sinundan ko rin ng tingin pero wala naman akong makita. Pagkatapos ay umayos siya ng tao. "Umuwi ka na Roger. Kami nang bahala rito."
"What?" Sa layo ng biyahe ay pauuwiin niya lang ako?
"Delikado ang lugar na ito." Lumilinga pa rin siya sa paligid. Tumingin siya sa akin. "Dito pinatay si –
ARA..."
Napaatras man sa sinabi niya ay pinilit kong maging matapang. "No way!" Puwede naman naming bilisan ang sadya rito para sabay-sabay na rin kami mamayang makauwi.
"Naiintindihan ko. Kaya sige. Pero sana, hanggang ngayong gabi ka lang, Roger. Umuwi ka na rin kinabukasan."
Ngayong gabi? Ibig sabihn – dito kami matutulog? Tangina eh ngayon pa nga lang umaga natatakot na ako, lalo na kaya kapag nagdilim na. Tumango na lang ako kahit di ako sigurado.
Pumasok na rin sina Cary at Fin, bitbit nila yung malaking bagahe ni Ka Pineng. May laman yung mga kandila, flashlights at tila maraming sinulid na ewan. Kakaiba eh, parang hindi ordinaryo.
Tinungo namin yung second floor. Sa gitnang bahagi, kumuha sila ng upuan at dun nila pinaupo itong si Fin. "Wag kayong aalis dito," bilin ni Ka Pineng sa amin.
Bumaba sila ni Cary at may dala silang mga sinulid. Pero bago yun, itinali muna nila kay Fin yung sinulid. But I am curious kaya sinundan ko sila. Nakita kong itinali nila yung mga sinulid sa iba't ibang parte nitong bahay at yung dulo nga ng sinulid ay nakakonekta kay Fin. Bumalik ako kay Fin. "Sigurado ba kayo sa ginagawa niyo?"
Ngumiti ito sa'kin. "Matagal na namin itong ginagawa."
Hindi na ako umimik. Siguro ay inabot din sila ng ilang oras bago natapos. Nakakonekta lahat ng sinulid kay Fin na itinali nila sa mga bintana, pintuan, kwarto at kung saan-saan pang pwedeng daanan. Pagkatapos ay kanya-kanya kaming hawak ng flashlight. Sakto at magdi-dilim na. Nang patayin ang ilaw ay kinabahan na ako, tangina!
"Makinig kayo," bulong ni Ka Pineng. "Ang sinulid na ito ay glow-in-the-dark kaya makikita natin ito sa dilim. Ang base natin ay si Fin. Kung alinmang sinulid na nakakonekta sa kanya ang gumalaw ay kailangan nating puntahan 'yun. Madali lang naman sundan." Bumaling siya sa akin. "Pero – kapag pakiramdam niyo ay naliligaw na kayo, bumalik kayo dito sa base natin. Maliwanag ba, Roger?"
Tumango lang kahit nanginginig na ako sa takot.
"Kailangan natin siyang mahanap," sabi pa niya.
"Sino?" tanong ko agad.
"Si Ara."
Namilog ang mga mata ko. "S-si Ara?!"
"Ibang Ara, Roger," makahulugang sabi niya. "Kapag nakita niyo siya, dalhin niyo siya agad dito sa base natin."
Ibang Ara? Ano bang sinasabi niya? Gago ba siya?!
"One more thing..." Si Ka Pineng ulit. "Bawal tayong sumigaw. Bulungan lang."
Tigagal lang ako. Parang hindi ko yata kaya 'to.
Seryoso ang tatlo. Si Fin, nakatulog yata habang nakaupo. Alam ba nito na sa kanya nakapulupot itong mga sinulid?
Samantalang ako ay panay pa rin ang contact kay Isko kahit hirap sa signal. Damn! Ano na kayang nangyari sa taong iyon?
Biglang dumilat si Fin! Nagulat ako. "Sa baba... sa labas" Sabi niya.
Napatingin nga ako dun sa isang linya ng sinulid.
Gumagalaw.
"Ako na ang pupunta?" sabi ni Cary. May dala itong flashlight.
Tinanguan lang ito ni Ka Pineng. Bumaba si Cary ng marahan sa hagdan. Ang tapang naman nito.
Maya-maya'y gumalaw ulit yung isang linya ng sinulid. "Sa banyo... sa malaking banyo..." sabi ni Fin. Dilat lang ito at hindi kumukurap.
Tumingin sa akin si Ka Pineng. "Puntahan mo..."
Napapikit ako! Pwede kayang tumanggi? Pero nilakasan ko na ang loob ko. Binuksan ko yung flashlight ko. Malay ko ba, baka si Ara agad ang makita ko.
Ara na anak ko at hindi kung sinong Ara na sinasabi ni Ka Pineng.
"Iwasan mong masagi yung mga sinulid, ha?" bilin niya sa akin.
Madali naman iwasan. Kitang-kita naman sa dilim itong mga sinulid. Marahan na kong bumaba sa hagdan. Sinusundan ko yung galaw nung sinulid. Oo nga, patungo nga sa malaking banyo.
Dahan-dahan akong humakbang.
Madilim.
Pababa ako ng hagdan.
Malamig.
Nasaan na kaya si Cary? Panay ang linga ko sa paligid. Napakalaki at napakalawak naman kasi ng bahay na ito. Hindi ko namalayan, nawala na sa paningin ko yung linya ng sinulid na sinusundan ko.
Pero meron akong namataan.
Sa ibaba.
May gumalaw.
Iyong sinulid – gumalaw!
Mabuti na lang may flashlight ako. Inilawan ko. Walang tao.
Bumaba pa ako.
Inilawan ko.
Walang tao.
Sinundan ko yung galaw ng sinulid.
Papasok sa banyo. Iniliwan ko ulit. Wala pa rin— Nope, I think I saw something!
May batang nanakbo.
Paano nagkaroon ng bata rito?
Kaya inilawan ko.
Pero wala na ito.
Nanginginig na ako. Pakiramdam ko naliligaw na ako. Bilin ni Ka Pineng, kapag pakiramdam ko raw ay naliligaw na ako – bumalik na ako sa base. Mabilis akong bumalik sa pinaggalingan ko. Patakbo akong umakyat sa hagdan, sa gitna.
Hayun si Fin. Nakaupo pa rin sa dilim. Wala si Ka Pineng. Lumapit ako kay Fin. "Asan si Ka Pineng?"
Wala siyang tugon sa akin.
"Fin?" tawag ko ulit.
Pagkatapos iniliwan ko siya. Inilawan ko nitong flaslight kong dala. Tumambad sa akin ang mukha niya. Iyong mukha niya, tangina! Tila hinampas ng martilyo, yupi yung mukha niya!
Patay na si Fin putangina!!!
Sinong may gawa nito sa kanya?!!!
JAMILLEFUMAH@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro