DISI NUEVE✞
DISI NUEVE ✞
ROGER's POV
Tahimik.
Wala akong marinig kahit maraming tao sa paligid.
Si Ka Pineng? Kailan siya namatay? Pinatay ba siya nung killer? Paano siya namatay?
Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nakita? Bakit nakasama ko pa siya kanina?!
Ayon kay Arthur, natagpuan daw ang bangkay ni Ka Pineng sa loob ng banyo. Sabog daw ang likod ng ulo nito. Malamang, pinukpok iyon ng martilyo. Ngayon lang tuloy nag-sink-in sa utak ko. Kaya pala wala siyang ginawa kundi ang utusan ako. Kaya pala nagbilin na siya sa akin ng kung anu-ano. Kaya pala bigla na lang siyang naglaho. Kaya pala – shit! Naiiyak ako!
Nayakap ko ang aking sarili. Nanginginig ang buo kong katawan. Marahan kong tiningala ang kalangitan. Dun nagmumula ang malakas na pagpatak ng ulan.
Narito pa rin kami sa dating bahay ng mga Villaverde. I'm sure, isa na ako sa mga suspect nila. Pero wala naman silang makukuhang ebidensya na ako ang may gawa nito.
Lumapit sa akin si Arthur. "Mukhang may bagyo..." Inabutan niya ako ng isang tasang kape.
"Hindi ako ang may gawa nito." Inabot ko yung kape at humigop ako.
"Naniniwala ako sa'yo, Mr. Santos." Humigop din siya. "Wag kang mag-alala. Hindi ka naman namin huhulihin hangga't wala kaming matibay na ebidensiya."
"Iyong nanay mo, madadala mo ba ako sa kanya?"
Tumikhim siya. "Pwede kitang dalhin sa kanya mamaya."
"Malayo ba?"
"Siguro isang oras ang biyahe natin. Pero dumaan muna tayo sa apartment ko. Malapit lang yun dito."
"Hindi mo siya kasama sa apartment mo?"
Umiling siya. "Naroon siya ngayon sa dati naming hospital. Kasama niya yung kapatid kong bunso na doctor."
"May sakit siya?"
Napabuga siya ng hangin. "Wala naman. Sobrang katandaan na lang niya siguro kaya mahina na siya," tumingin siya sa akin. "Pero madaldal pa rin siya. Wala siyang ibang kwento kundi ang tungkol sa mga Villaverde."
Hinugot ko yung photo album sa akin. "Makikilala niya pa kaya ang mga larawan dito?"
"Maybe?" Napangiwi siya. "Kung Villaverde 'yan, malamang makikilala niya pa ang mga 'yan."
Siguradong makikilala niya pa si Clarisse o si Clarisse Villaverde sa larawan na ito. Biglang nag-ring ang phone ko. "May signal dito?"
"Sa loob lang walang signal" Narito kasi kami sa sasakyan ko. Tinapik niya ako sa balikat.
"Balikan kita." Then umalis na siya.
Sinagot ko yung tawag. "Hello?"
"Mr. Attorney, si Marvin 'to," sagot sa kabilang linya.
"Marvin?"
"Asawa ni Madge."
"Ow!" Napatayo ako. "Nasaan ka?"
"Nandito na ako sa Pilipinas dahil nabalitaan kong nawawala ang asawa ko. May balita na ba?"
Paano ko ba ipapaliwanag dito ang lahat? "Marvin, I think we need to talk."
"Nasaan ka ba ngayon, Attorney?"
Ipinaliwanag ko dito kung nasaan ako at willing naman daw itong puntahan ako kahit gaano ito kalayo. Hindi raw kasi ito mapapakali sa bahay lang at walang ginagawa. Labis ang pag-aalala nito sa pagkawala ni Madge.
Nakilala ko si Marvin dahil colleague namin ni Nana si Madge. May nahawakan na rin akong kaso ni Marvin noon nang irekomenda ito sa akin ng asawa nito. Mahal na mahal nito ang asawa kaya alalang-alala ito nang malamang nawawala si Madge. Kaya lang, tama kaya ang desisyon ko na pasunurin ito rito?
Nagulat na lang ako ng bumulusok patungo sa akin si Arthur. "Mr. Santos..." Hinihingal pa ito. "May nakita kaming sugatang babae sa basement..."
"Ha?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis kong tinakbo ang loob ng bahay.
Nagkalat ang kapulisan sa loob at dun sa basement, tumabad sa akin ang katawan ni –
Clarisse!
Kandatali-talisod ako malapitan lang siya sa kinahihigaang stretcher. "Clarisse... My nana..." Naiiyak ako dahil may dugo ang kanyang makinis na pisngi at ang maamong mukha ay kababakasan ng pagod. Hindi lang iyon, meron pala siyang sugat sa noo. "Oh, my! What happened to you?! Are you okay?! But still, thank heavens, you're alive!"
Hirap siyang huminga pero pinilit niyang dumilat ng bahagya. "M-Maria..."
"A-Ano?" Inilapit ko ang aking tainga sa kanya.
"M-Maria... O-Ocampo..."
Namutla ako sa narinig ako. "Si Mrs. Ocampo?"
Marahan siyang tumango at saka siya nawalan ng malay.
"No Clarisse! No please no!.." Pilit ko siyang ginigising pero hindi na siya magising.
Agad siyang isinakay sa ambulansya. Mabuti na lang at may nurse doon. "Sir, mukhang nawalan lang po siya ng malay. Dalhin na po natin siya sa hospital."
Tumango na lang ako. Pero bago kami umandar, dumating si Arthur. "Mr. Santos, may problema tayo." Hindi ito makatingin sa akin ng maayos. "Dahil sa lakas ng ulan, walang ibang madadaanan ang sasakyan papunta sa bayan." Tumingin ito kay Clarisse. "Naroon sa bayan ang hospital."
"Anong gagawin natin?" Nakahawak ako sa kamay ni Clarisse.
"Ang mabuti pa, doon muna natin siya dalhin sa nanay ko pansamantala. Dating maliit na ospital ang bahay namin, well-maintained naman iyon dahil ginawang evacuation center noong nakaraang bagyo. Doktor din ang kapatid ko at naroon siya ngayon, he can give first aid to your wife. May mga gamit siya roon."
What a luck. I nodded to Arthur. Lahat kami ay pumunta muna sa sinasabi niyang lugar. Sa ambulance si Clarisse at kami naman ni Arthur sa sasakyan ko. Mabuti na lang dahil mataas ang kalsada papunta roon kaya wlang baha. Nang makarating kami, sinalubong kami ng kapatid ni Arthur na doktor. Dinala agad si Clarisse sa isang kuwarto sa second floor. Malinis nga rito at may ilaw kaya mukhang safe naman kung mag-i-stay kami kahit ngayong gabi lang.
"Mr. Santos, this is Rico. Kapatid ko." Ipinakilala niya ako sa kapatid niyang doktor.
"Nice to meet you, Mr. Santos." Agad sinalo ni Rico ang nakalahad kong palad. May duty ito dapat sa ospital sa bayan ngayon kaya lang ay naabutan ng baha sa daan.
Tatlong palapag lang ang maliit na ospital. Nagsara na ito peropero ginagamit pa ring evacuation center pag may bagyo. Sa likod lang nito ang pinakabahay nina Arthur at ng nanay nilang si Inang. Sila na rin ang naging caretaker nitong lugar. Sa dulo nito ay ginawa na nga nilang extension ng bahay nila. Nabili na rin ni Rico ang lupa sa gilid na tinayuan nito ng private clinic.
Nang malagyan na ng swero si Clarisse, lumapit sa akin si Arthur. "Sino si Mrs. Ocampo?"
"Siya ang may gawa ng lahat ng ito," mariin kong tugon. Narinig niya rin ito kanina na binanggit ni Clarisse. Itinawag niya iyon agad sa kanilang station at nag-file siya ng report.
"Dito muna kayo pansamantala. Na-check naman na ni Rito ang asawa mo. Wala naman daw malalang pinsala. Kailangan lang nito na magpahinga." Nakatingin siya kay Clarisse.
Narito kami ngayon sa unang palapag. Samantalang si Inang naman nila ay naroon sa ikatlong palapag kasama ang personal nurse nito. Sabi ni Arthur, mamayang gabi ko na lang daw kausapin si Inang paggising nito.
Nang maiwan kami ni Clarisse sa kuwarto ay nilapitan ko siya. Grabe ang babaeng ito, pinag-alala ako nang husto. Tapos bigla kong naisip si Mrs. Ocampo. Napailing ako. Ang baliw na iyon! Ito pala ang killer ni Ara! Nalamukos ko ang sarili kong kamao sa galit. Magbabayad ang babaeng iyon!
Tumingala ako at umusal. "Ara, anak, wag kang mag-alala, ligtas ang mommy mo. Malapit mo na ring makamit ang hustisya."
Bigla akong nakaramdam ng antok. Naalala ko, halos wala pa pala akong tulog. Hinagkan ko ang kamay ni Clarisse at tumungo ako.
Hindi bumilang ang ilang minuto na naghihilik na ako. I know I'm asleep but I can still see the surroundings. Ang kaibahan lang sa iba kong panaginip ay hindi ako ngayon natatakot. Instead, magaan ang aking pakiramdam.
"Dad..." Napaigtad ako.
Napatayo ako! Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinig ni Ara 'yun, ah! O baka guni-guni ko lang. Sobra na kasi ang pagod ko. Naupo ulit ako pero hindi ako mapakali. Para kasi talagang narinig ko ang boses ni Ara.
"Dad..." Hayun na naman yung tinig.
Naiiyak ako. Walang multo, hindi totoo ang multo, pero desperado akong makita ang anak ko. "A-Ara..." Nangangatal ako. "Anak, kahit panaginip lang ito ay okay lang. Anak, gusto kang makita ni Daddy..."
"Dad..."
Sa –
Likuran ko!!!
Mabilis ko itong nilingon. "A-Ara..."
Hayun!
Naroon si –
Ara!!!
Ang anak ko!
Ang napakagandang anak ko. Isang napakagandang dalaga na nasayangan lang ng buhay. Alam kong produkto lang siya ng aking imahinasyon, kaya hindi ko siya ituturing na multo ng anak ko, kundi isang magandang alaala. Ipinagpapasalamat ko sa langit na kahit sa ganitong paraan lang, nakita ko muli siya.
"Dad..." Naluluha si Ara. "I'm sorry..."
Iyong mga paa kong ayaw humakbang, lumakad patungo sa kanya. I want to make the most of this beautiful dream. Niyakap ko siya. "My baby... I'm sorry, my baby... Daddy is so sorry for everything..." Garalgal na ang boses. "I miss you, my baby. Nagsisisi na ako dahil mas inuna ko ang trabaho kaysa sa 'yo. Hindi ako naging mabuting ama, patawarin mo sana ako..."
Itong si Ara, napahagulgol na. "Dad... I miss you po... mahal na mahal kita, Dad..."
Iyong iyak ko, inimpit ko. Tagaktak ang luha ko. "I love you... Ara..." Sa wakas, nasabi ko rin sa kanya. Isang salita na ipinagkait ko sa kanya nung nabubuhay pa siya.
Naroon pa rin siya sa aking pagkakayakap at umiiyak.
Bumitiw ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang mukha. Napakaganda talaga ng anak ko.
"Wag mong kakalimutan Ara... mahal na mahal ka ni Daddy, ah..." Oh God! Kulang ang mga salitang ito para malaman niya kung gaano ko siya kamahal. Sayang at hindi ko na siya makakasama. Sayang at wala na siya.
Pinunasan niya ang luha ko. "Dad... take care of yourself, ah... 'wag ka po gaano magpapagod sa trabaho, ah..."
Sa sinabi niyang iyon, napahagulgol na talaga ako. "Ara, I'm sorry... kung maibabalik lang ang lahat anak... kung maibabalik lang ang lahat... ipaparamdam sa'yo ni Daddy ang lahat ng mga pagkukulang ko... oh, huhuhu... Diyos ko po..." Hindi na maampat ang mga luha ko.
Niyakap niya ulit ako.
Ginantihan ko ang yakap niya ng mas mahigpit. "I love you, Ara..."
Humigpit din ang yakap niya sa akin.
"Ara... sabihin mo sa'kin kung sino ang pumatay sa'yo..."
Bumulong siya sa tainga ko. Pagkatapos, sinabi niya ang pangalan nito.
DITO na ako napaigtad sa aking pagkakatungo. Putangina! Panaginip lang pala.Nakatulog pala ako!
Panaginip nga lang talaga. Panaginip na parang totoo. Tumingala ako at umusal ng pasasalamat sa langit. Hindi ko makakalimutan ang panaginip na iyon. Hinding hindi.
Napatingin ako kay Clarisse. Wala pa rin itong malay. Tapos napaatras ako. Saka lumabas ng kwarto.
Gabi na pala. Wala nang ulan. Biglang sumulpot si Arthur sa harapan ko. "Mr. Santos, may naghahanap sa'yo."
Sa likuran niya, naroon si Marvin. "Attorney." Kinamayan niya ako.
"Mabuti nakarating ka kahit malakas ang ulan kanina." Tinext ko kasi sa kanya kanina ang exact address ng lugar na ito bago kami nakarating dito.
"Nahirapan nga ako, Attorney kaya ginabi na ako." Kita sa mukha ni Marvin ang lungkot.
"Siya nga pala, Mr. Santos." Singit ni Arthur. "Gising na si Inang. Sinabi ko ang tungkol sa mga Villaverde at – hinahanap ka niya."
Tinanguan ko lang si Arthur. Umakyat na nga kami sa third floor since naroon naman na 'yung nurse ni Clarisse na nagbabantay dito. Habang paakyat, ipinaliwanag ko lahat kay Marvin ang mga pangyayari. Halos tulala ito at hindi na makausap. Ako man nasa kalagayan niya, matutulala rin ako.
Nagulat ako sa histura ni Inang, sobrang tanda na npala nito. Bahagya nang nakapikit ang mga mata nito at tabingi na ang mukha. Nasa wheelchair ito at hindi raw nawawalan ng dextrose. Sobrang payat nito at sobrang kulubot na.
Pero isang bagay ang napansin ko ng husto dito – wala itong mga kuko sa paa.
Sa kwartong iyon, naroon si Rico at ang dalawa nitong nurse. "Bukas niyo na dalhin si Clarisse sa hospital sa bayan, masyado nang malalim ang gabi." Sabi ni Rico.
"Salamat," tugon ko. Dito ako nakabaling kay Inang. Hinugot ko yung photo album sa aking coat pocket at ipinakita sa matanda kahit hindi ako sigurado kung maaaninag niya pa ba iyon sa labo ng kanyang mga mata.
Kinuha naman ng matanda ang photo album at binuklat-buklat. Matagal na tinitigan ni Inang ang mga picture, lalo na yung picture ni Clarisse at nung babaeng nakaupong katabi nito.
Lumapit na si Arthur at bahagyang sinigawan ang ina. "Inang, kilala niyo po ba iyong nasa larawan?"
Hindi tumugon ang matanda. Hinihimas lang ang picture. Ako na ang lumapit. "Inang, kilala niyo po ba ang babaeng ito?" Itinuro ko si Clarisse sa picture.
Ako na ang lumapit. "Inang, kilala niyo po ba ang babaeng ito?" Itinuro ko si Clarisse dun sa picture.
Tumango si Inang. "S-Si Clarisse..."
Kilala niya pa si Clarisse. Itinuro ko naman ngayon yung katabing babae ni Clarisse sa picture. "Ito Inang, kilala niyo po ba ang babaeng ito?"
Tumango ulit siya. "Ito si –
ARA..."
Namilog ang mga mata ko. "Ito pong babaeng ito?" Itinuro ko yung nakaupo ulit.
Tumango si Inang at itinuro ang babaeng katabi ni Clarisse sa picture na nakaupo. "Ito si Ara..."
"Imposible po Inang. Si Ara po ang anak ko. Hindi po si Ara 'yan." Sabi ko nang may mataaas na tinig.
Itinuro niya ulit itong nasa larawan. "Ito si Ara. Kapatid ni Clarisse. Si Ara... hindi ko matandaan kung kapatid o kakambal ni Clarisse itong si Ara, hindi sila magkamukha..."
Shit! Napaatras ako. May kapatid o kakambal si Clarisse? At ARA ang pangalan nito? Bigla ko tuloy naalala iyong pangalan na ibinulong sa akin ni Ara dun sa panaginip ko. Nang tangungin ko siya kung sino ang pumatay sa kanya. Ang sagot niya –
Si CLARISSE.
Tapos biglang namatay yung ilaw.
JAMILLEFUMAH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro