DIES ✞
X
✞Janice Part1✞
TWENTY-FOUR hours later after ARA was found dead.
Janice Ocampo's P.O.V.
Umaga na pala. Nasaan si Mama? "Janice!" tinig ni Mama mula sa labas ng kwarto. Pumasok siya sa pinto.
"Janice! Okay ka lang ba?" bungad nya sa akin. Nasa mukha niya ang pag-aalala.
Tumango lang ako. Saka ko lang napansin na pawisan pala ako.
"Nagsisisigaw ka. Binangungot ka na naman ba?"
Gusto kong sabihin kay Mommy na 'NO!', pero walang boses na lumabas sa bibig ko. I just nodded.
Napansin kong malungkot ang mukha ni Mommy. "Prepare yourself. Pupunta tayo kina Nana."
Pagkasabi niya noon, muling rumihistro sa isip ko ang mukha ni ARA. Oo! Si Ara! Kahapon lang, natagpuan ang katawanniya.
Patay na SYA. Patay na si...ARA.
Yumakap sa akin si Mommy. "Lakasan mo ang loob mo, Janice."
Natagpuan ko na lang ang sarili kong humihikbi, lumuluha. Si ARA, wala na SYA. Bakit hindi ko matanggap? Mahal ko si Ara, I love her like a sister. Kaya napakasakit para sa akin. Pakiramdam ko, namatayan ako ng kapatid.
Bumitaw si Mommy mula sa pagkakayakap sa akin. "Pupuntahan natin si Ara ngayon ah. Wag ka nang malungkot."
Hindi ko sya kayang makita. Ayoko syang makita na nakahimlay sa loob ng kabaong. My best friend, my dear best friend.
"Sige na. Magbihis ka na." Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo at saka lumabas ng kwarto.
Nangmakapaghanda na kami ay dumating si Tita Madge. Hindi maipinta ang mukha. May pinag-usapansila ni Mama na sila lang dalawa.
Hapon na kami nang makarating sa bahay ng mga Santos. Napakalungkot ng ambience doon. Ang mommy ni Ara na si Nana ay tulala. Tanging luha lang sa mga mata ang makikita.
Nilapitan siya ni Mama. "Our condolences, Clarise."
Tumingin lang si Nana sa amin. But after that, dumako ulit ang tingin niya sa kawalan. We all know kung gaano nya kamahal si Ara. Maybe ako man ang nasa kalagayan nya, as a mother, magkakaganito rin ako.
Lumabas si Tito Roger, Ara's dad, Attorney Roger Santos. "Tuloy kayo, Mrs. Ocampo, Madge." Ang pormal na mukha ay madilim. I could see the sorrow in his eyes.
May ilan nang nakikiramay bago pa kami dumating. Tiningnan ko kung nasaan ang kabaong. Doon nakahimlay si Ara. Natatanaw ko na siya. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko upang lapitan siya. But wait, bakit pala ganito ang amoy sa lugar na ito?MALANSA!
Yup, that's the correct term. Malansa ang naaamoy ko, masangsang na amoy!
Humiwalay sa akin sina Mama at Tita Madge. Nauna sila sa pagpunta sa kabaong kung saan nakahimlay si Ara. Sa likod nila ay naroon naman ang mga magulang ni Ara na kapwa sa kawalan nakatingin. Nakaramdam ako ng guilt at panghihinayang.
Sana alam ko.
Sana nakita ko.
Sana naituro ko.
Sana...
SANA natulungan ko sya.
Oh ARA! Sana natulungan kita.
Biglang pumasok sa isip ko si Rene. Nasaan kaya sya? Supposedly, narito na sya ah. Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Si Rene na kaibigan namin ni Ara.
Tumingin ako sa HARAPAN – wala!
Sa LIKURAN – wala!
Sa KALIWA – wala!
Sa KANAN –
Biglang nanghina si Nana. Ngayon ko napansin na ang damit nito ay iyong damit pa nito noong birthday ni Ara. Hindi na ito nakapagpalit hanggang ngayon. Naawa ako rito. Malamang na durog na durog ito. Napakabait nitong ina. Naaalala ko kung paano nito asikasuhin at mahalin ang best friend ko mula pa noong mga bata kami.
"A-Ara..." Ang sakit sa puso ng hikbi ni Nana. Kahabag-habag ang hitsura. Mugtong-mugto ang mga mata, at sobrang putla ng mukha. "B-bakit, Ara? Ang mga pangarap ko para sa 'yo, sa isang iglap ay wala na..."
Nilapitan nina Mama at Tita Madge si Nana. Mabilis nila itong niyakap habang umiiyak. Maging ako, I found myself crying. Nahagip ng aking paningin si Tito Roger. Ang mga mata nito, wala roong luha kundi galit.
Marahan kong nilingon ang kinaroroonan ni Ara.
I want to see her. I need to see her. Hindi ako dapat matakot sa best friend ko. Humakbang ako patungo sa kabaong niya para lang matigilan sandali. Bakit para akong nabingi? Nawala ang ingay sa paligid. Anong nangyari?
Wala akong ibang marinig kundi ang kabog ng dibdib ko at ang aking paghakbang. This is odd. I can't hear everybody.Abot-kamay ko na ang kabaong ni Ara nang mapahinto ako.
Bakit may mga BANGAW?
Napakaraming mga BANGAW sa IBABAW ng kabaong ni Ara!
Patakbo akong lumapit at binugaw ang mga ito. Nagsiliparan naman ang mga bangaw papalayo.
Then I realized, nandito na pala ako, dito sa harapan ng kabaong ni ARA.
Napalunok ako at napapikit sa aking kinatatayuan. Pagkakuwan ay marahan akong yumuko habang nanginginig ang aking katawan.
Makikita ko na siya.
Makikita ko na si Ara.
Heto na.
Bakit?
Bakit wala syang mukha?! Wala akong makita kundi ang malago nyang buhok. Sigurado ako sa nakikita ko ngayon, wala syang mukha!
Napaatras ako dahil sa takot at agad kong nilingap ang paligid. I saw them. Abala silang lahat.
Napaatras pa ko.
Sige, atras pa.
Kailangan kong umatras.
Atras pa!
Sige pa!
Sa ilalim ng kabaong ni ARA, may nakikita ako.
Kaya umatras pa ako habang habol ko ang aking pahinga.
Sa ilalim nito, may kung anong nakatayo.
Wala na akong iba pang nagawa, tinutop ko na lang ang bibig ko dahil sa aking nakikita.
May nakatayongPAA sa ilalim ng kabaong ni Ara!
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro