Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✞ Bonus POV 2✞

WHEN I was in high school, I had this friend of mine whom I always called 'Kenny'. Hanggang kolehiyo ay naging kaklase ko siya. Naging mag-best friend pa nga yata kami... mabait si Kenny, iyon nga lang ay di ito masyadong palakibo.


Mabait siya pero hindi naniniwala na may diyos. Kahit anong relihiyon, wala siya. Ayaw niya. Basta. 


Ako rin naman noon. Galit pa nga ako dahil kinuha na nga sa akin ang aking mommy, pati pa ang aking daddy. Yes, I am now an orphan. Ulilang masama ang loob at sinisisi ang langit. My viewpoint only changed when I learned about my dad's last paranormal quest. 'The Ara Case'.


Nang makapag-isip-isip nga lang ay doon ko napagtanto na ilang beses na pala akong iniligtas ng itaas. Siguro iyong mga naganap na trahedya sa buhay ko ay parte na lang ng plano Niya. Sa huli, natagpuan ko ang sarili na naniniwala. 

Back to Kenny...


Isang araw ay nakita ko siyang nagdarasal na labis kong ipinagtaka...


Tinanong ko siya at pinilit na magkwento sa akin...


at nang magkwento na siya...


nawindang ako sa nalaman ko. 


SI ARA...


Paanong— paanong nakilala niya si Ara?! As in the evil one na case ng daddy ko!


Posible bang dahil sa akin kaya...


kaya niya nakilala si Ara?!


O posible ba'ng...


dahil sa mahina ang paniniwala niya ay... imbes na ako, siya ang napagbalingan ni...


ARA?!


Nagpaparamdam daw ito sa kanya... Hindi ko alam kong si Ara nga 'yon!


Takot na takot si Kenny nang ikwento niya sa'kin ang tungkol sa babaeng nakikita niya tuwing gabi na nasa paanan ng kanyang kama.


May sinasabi raw ang babaeng iyon...


Ang sabi raw ay may bangkay sa Morong. At mas marami pang bangkay kung saan-saan...


Takot na takot si Kenny lalo pa ng sabihin sa kanya no'ng babaeng iyon na kailangan daw nito ng isang paa... kahit kaninong paa. Tila nagpapatulong sa kanya ang babaeng iyon. May binanggit daw itong mga pangalan... Janice at Ara... pero mas tumimo sa isip niya ang pangalang 'Ara'.


Ara raw ang pangalan ng babaeng nagpapakita sa kanya. pero hindi ito ang Ara na gusto nitong ipahanap sa kanya. Magulo ang kwento ni Kenny... hindi ko masyadong maintindihan. Pero isa lang ang nasigurado ko... iyong Ara na nakausap niya ay isang baliw na nilalang. Wala itong alam sa sinasabi nito... sa halip ay gusto lamang nitong makuha ang ninanais nito.


cardiac arrest syndrome according to the doctors –


—bangungot, pero hindi ako naniniwala.


Before he died, he told me about HER.


About Ara...


Nakakainis at nakakalungkot. Siya na nga lang ang natitira sa akin, pero iniwan niya rin ako.


In Memory of Kenneth L. Sanchez


Hinding-hindi kita makakalimutan...


Sana kung nasaan ka man ay tahimik ka na, Kenny...


You will always be my best friend, Pare.


-JUSTINE PINEDA.



On September 28th, 19XX, an 18-year-old girl's body was discovered in Morong, Rizal. Based on the investigation, the body had been buried beneath the ground for about a month. They found it was —


Janice.


Janice Ocampo.


Damn, why Janice?! She was my schoolmate at the university. Hindi ko matanggap. Hindi ko ito ka-close at maldita ang babaeng iyon, but still... she was the only girl who caught my eye.


Kaya nga hindi ko na rin hinanap si Attorney Roger Santos... kahit iyon ang huling habilin ng tatay ko.


Sa ngayon... paalis na ako papuntang Amerika. Kinukuha na kasi ako ng tiyahin ko para doon na mag-aral.


Kung babalik ako... depende na iyon. Wala naman na akong babalikan pa. Wala na lahat, wala na akong magulang, kaibigan, and even the girl I liked. Wala na. 


At si Ara? Kung sino mang Ara iyon... kung gusto niya akong sundan hanggang Amerika, eh di sige! Sumunod siya. Hindi na ako natatakot sa kanya...


JAMILLEFUMAH

@JFstories



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro