Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✞Bonus POV 1✞

ANO IYON?!


Patak ba iyon ng tubig? Hindi ko maimulat ang aking mga mata. Itong ulo ko, masakit. Sinubukan kong tumayo, kaya lang ay hindi ko kaya. Masakit ang aking katawan. Madilim din. Wala akong makita. Pero may naririnig akong patak ng tubig. Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? 'Tapos napaigtad ako sa aking naalala. Shit! Ano kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Si –


Si Janice! Kumusta kaya siya?


Pinilit kong alalahanin ang lahat. Sa hospital, oo! Ako ang bantay niya pero iniwanan ko siya. Ang sabi ko sa kanya ay bibili lang ako ng pagkain namin pero hindi yon totoo. Hindi yon totoo! Napahagulgol ako. Sa lamay pa lang kasi ni Ara, nakita ko na siya. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang –



Walang PAA!!!


Tapos yung mukha niya blangko – wala akong makita! Hanggang sa dinala nga namin siya ni Maria sa ospital. Ganoon pa rin. Iyong mukha niya – blangko pa rin. Sa lamay pa lang ni Ara pinakatitigan ko na siya. Baka kasi namimilik mata lang ako. Pero ganoon pa rin. Tulad ni Ara noon, ganoon din!


Iyon ang totoo kaya dinahilan kong lalabas ako. 'Di ko na kasi kayang makita siya. Kinikilabutan kasi ako! 'Tapos inalala ko pa. Paano ba ako napunta dito? Ang naaalala ko, doon ako dumeretso sa parking lot kahit walang tao.


Ayun, naalala ko nang may pumukpok sa aking ulo! Pinukpok ako ng martilyo!


Nilinga ko ang paligid. Naluluha ako pero pilit kong pinipigilan. Alam kong nasa paligid lang siya. Papatayin niya ako. Papatayin niya kaming lahat. Bumukas ang pintuan. Naroon ang liwanag na sumalubong sa akin na aking ikinasilaw. Tumambad siya sa aking harapan. May hila-hila siyang lalaki!


Hila-hila niya sa isang paa ang isang lalaking walang malay-tao. Nakikita ko kahit nasisilaw pa rin ako. Lumapit siya sa akin nang bahagya. Naka-cowboy hat siya at sa kaliwang kamay niya ay may hawak siyang martilyo. Napatingin ako dun sa taong hinihila niya. Dito na ako napaiyak lalo. Kilala ko ang hinihila niya.


Yumugyog ang aking balikat. May halong takot ang aking pag-iyak. Ang babaeng ito – pinatay niya ang lalaking ito. Pinatay niya itong si – ISKO!!!


Sumungaw siya sa akin. "Ikaw na ang sunod...!"


Dito ko na siya nakilala. Bakit? Bakit siya? Bakit siya pa? Imposible!


"Handa ka na ba?" Bumuwelo siya sa kaliwa. Sa hawak niyang martilyo, bumuwelo siya.


Gising! Gising! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Kailangan kong umilag o lumaban man lamang. Tapos sinubukan kong gumapang. Gumapang. Gumapang. Ano itong malagkit sa sahig? Tatayo ako at tatakbo! Pero hindi ako makatayo. Nilingon ko ang aking manhid na mga binti para lang magimbal dahil wala na pala akong mga paa!                     



– Madrigal Celeste's POV.



Her body was never found.



Oh by the way.


You can call her –


Madge.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro