Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BENTE UNO✞

BENTE UNO ✞

Third POV


DINALA NI INANG SINA Clarisse at Roli sa Maynila. Mautak ang ginang, nagawa niyang mahanapan ng matitirahan ang dalawa sa lungsod, kinuhanan ng yaya, ng tutor. Ang ibang impormasyon sa dalawa ay kanyang pineke. Hindi pa usbong ang teknolohiya sa panahong iyon kaya madaling nakalusot ang kanyang mga ginawa. 


Matalino si Clarisse kaya hindi nahirapan si Inang na maipasok ito sa isang unibersidad. May dokumento rin ito dahil tunay naman itong nag-aral ng high school, kaya lamang ay homeschool. Ang ibang diskrepansiya ay ginamitan na lang nito ng pera upang maplantsa. Si Roli ay ganoon din. Nagbayad siya ng pepeke sa mga papel ng batang lalaki upang makapasok na ito sa school na elementary.


Unti-unting nasanay ang dalawa sa siyudad, lalo si Clarisse na mukhang talagang nakalimot na sa nakaraan nito. Marami na nga itong naging kaibigan sa unibersidad at nagsimula na ring maligawan katulad ng ibang normal na teen ager. 


Nang makita ni Inang na okay na sina Roli at Clarisse ay saka niya na iniwan ang dalawa. Legal age naman na si Clarisse, puwede na itong magkaroon ng property na nakapangalan dito, marunong na ring humawak ng pera at mag-budget kaya alam niyang mapapabuti na ito. Si Roli naman ay kahit maliit pa'y mautak na rin. Hindi siya nag-aalala na mapapahamak ang dalawa. Iniwan niya na ang mga ito at pinuntahan niya na ang kanyang pamilya.



-UNIVERSITY-



"NANA!" Napasimangot si Clarisse nang bumungad sa harapan niya si Roger. Ka-schoolmate niya ang binata sa pinapasukan niyang paaralan at kasalukuyan itong nag-aaral ng Law.


'Nana' na talaga ang naging bansag ng lahat sa kanya sa unibersidad nila matapos niyang gumanap sa role playing. Ang role niya ay isang magandang batang ina. Marami ang humanga sa kanya at nadagdagan ang manliligaw niya. Wala naman siyang nagugustuhan sa mga ito dahil iba ang gusto niya.


Nasa ilalim siya ng isang puno at nagpapahinga matapos ang pangalawang klase niya. "Bakit mo ba ako tinatawag sa pangalang iyan?" Inirapan niya ang lalaki


"Wala lang. Para kasing ang ganda mo sa pangalang iyon." Simaptiko ang ngiti nito. "Di ba Clarisse ang tawag sa'yo ng ibang kaibigan mo?"


"Kapag narinig iyan ni Maria, magseselos yun." Si Maria Ocampo ay ang best friend niya. Alam niyang may gusto si Maria kay Roger, kaya nga pinipili niyang magmaldita sa lalaki, dahil ang totoo, ito ang tunay na napupusuan niya. Hindi niya maatim agawan ang babaeng naging unang kaibigan niya sa mundonb ito. 


Lumungkot ang mukha ni Roger. "Hindi naman kami. Hindi magiging kami. Hindi ko siya liligawan."


Namilog ang mga mata niya.


"Saka wag kang mag-alala, meron na siyang bagong boyfriend. Saka iyong sa amin, ang sabi niya ay wala lang daw iyon. Gusto niya lang pagselosin ang tunay niyang gusto." 


"Malungkot ka ba?" tanong niya rito na nakikisimpatya.


Doon muling ngumiti ang natural na mapupulang mga labi ni Roger. "Why should I be? Ang babaeng gusto ko ay malaya nang gustuhin din ako. Hindi na siya matatakot na may masaktan siyang kaibigan."


Oh my... She didn't expect this. Naluha siya. Sa unang pagkakataon, meron siyang nagustuhan sa mundo na maaari niya rin palang makuha. "Liligawan mo ba ako?" 



"Oo sana."


Nayakap niya ito sa tuwa. Nagulat ito pero kalaunan ay natawa nang mahina. She was so happy and Roger too. 


"Meron lang akong hiling, Roger. Sana tuparin mo."


"Kahit ano pa 'yan, tutuparin ko." Yumakap na rin ito sa kanya.


"Gusto ko, kapag nagkaanak tayo ng babae, Ara ang ipangalan natin."


Napabitiw si Roger sa kanya. "Hindi pa nga 'tayo', anak agad!"


"O sige 'tayo' na. Pero tuparin mo ang hiling ko."


Sunud-sunod naman ang tango ni Roger. Yumakap ulit ito sa kanya. "Meron din akong hiling. At gusto ko, tuparin mo rin..."


Tumango siya habang nangingiti. He was amused byher wish.


"Simula ngayon, ang gusto kong pangalan mo –



NANA..."




END of flash back


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro