
BENTE-TRES ✞
BENTE-TRES ✞
ROGER's POV
CLICK! CLICK!
Ayaw na naman bumukas nitong lighter ko, badtrip!
CLICK! CLICK!
Bakit kaya? Hindi naman basa ng tubig.
CLICK! CLICK!
Sinubukan ko pa rin ng makailang ulit.
CLICK! CLICK!
Ayaw pa rin talaga, lintek!
Muntik ko nang maibato itong lighter na 'to, pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa ngayon kasi, ito na lang ang meron ako kung gusto kong makaligtas sa lugar na ito. Ito lang ang panlaban ko sa dalawang iyon – ang munting liwanag nitong lighter na 'to.
CLICK! CLICK!
Sa wakas! Sumindi na rin.
Ang plano ko ay hanapin muna si Marvin. Alam kong narito pa rin siya sa second floor. Sigurado akong nahila ko siya kanina rito bago ko nakatagpo sina Roli at Nana. Baka nagtago lang sa kung saan dahil sa takot.
Kapag nakita ko na siya, kailangan ko naman ngayong sabihan sila Arthur na narito rin si Roli bukod kay Nana – at papatayin nito kami! Sana lang ay makita ko pa silang buhay.
The only way para makaligtas ako ay ang iligtas ko rin sila. Hangga't may buhay pa kasi sa amin ay hindi naman siguro ako papatayin ni Nana. Ang sabi niya kasi kanina ay ihuhuli niya raw ako, di ba?
Anyway, humakbang na nga ako. Bumungad sa akin ang tabi-tabing kwarto. Shit! Gaano ba kalawak ang lumang ospital na 'to?
Tinungo ko yung unang kwarto. Naka-lock ang pinto. Mabuti ay may bintana ito. Inilawan ko ng lighter ko – walang tao.
Pinuntahan ko yung pangalawang kwarto. Inilawan ko yung binatana nito.
Walang tao.
Sumunod yung pangatlong kwarto.
Walang tao.
Tapos yung sumunod na kwarto.
Walang tao.
Iyong sumunod.
Walang tao.
Tapos itong isa.
Walang tao.
Iyong katabi niyon...
May babae.
Tapos sa kasunod.
Walang tao.
Tapos sa –
Teka –
Tama ba?
May babae dun sa kwartong inilawan ko kanina?
Sa likuran ko.
Narinig ko.
Bumukas yung pinto.
Nung kwarto.
Iyong kwartong nakita ko.
Napalunok ako.
Tapos namatay yung sindi ng lighter ko.
CLICK! CLICK!
Ayaw na naman sumindi. Nanginginig ang mga kamay ko.
CLICK! CLICK!
Hay, salamat sumindi. Kaya lang pagsindi nito. Dun sa harap ko.
Katapat lang ng apoy nito.
May mukha.
Nakatingin sa akin!
Mahaba ang buhok, babae siya.
Hindi kumukurap ang mga mata.
May mga bangaw siya sa tainga.
Tapos yung amoy niya –
Ang sangsang tangina!
Iyong bibig niya nakanganga. Nakaliyad siya at basang-basa.
Putangina! Si Ara!
Si Ara na kakambal ni NANA!
Hindi na ako nagsalita! Basta ako, tumakbo na. Hindi ko na nga alam itong dinadaanan ko. Basta ako – takbo na naman nang takbo.
Tapos may nakabunggo ako.
Damn, nabitiwan ko tuloy itong lighter ko. Kinapa ko ito. Dammit, ngayon pa nawala!
Tapos – napatigil ako.
Sino yung nakabangga ko?
Baka mamaya – si Nana o si Roli ito.
Bigla kong nakapa itong lighter ko.
Nanginginig ko itong iniangat.
CLICK! CLICK!
Sumindi agad!
Inilawan ko iyong nakabunggo ko.
Isa.
Nanginginig ako.
Dalawa.
Nangangatog ako.
Tatlo!
"Attorney..."
Gulat akong napaatras. Si Marvin lang pala akala ko kung sino. "Marvin!" Nilapitan ko siya.
Umiiyak siya. "A-Attorney..."
"Marvin! Kailangan na nating–" Natigilan ako kasi napatingin ako sa kanyang –
Napatulala ako.
"A-Attorney, tulungan mo ko..."
Paano kasi –
Putol ang kanyang braso.
"A-Attorney... ayoko pang mamatay..." Napahagulgol siya.
Hinawakan ko siya sa magkabila siyang panga. "Anong nangyari Marvin? Bakit putol ang kanang braso mo?"
Nangangatal siya. "M-may lalaking pumalakol sa akin kanina... matangkad na lalaki... hindi ko makita..."
"Shhh..." Alo ko sa kanya kahit natatakot na rin ako. "Halika..." Inakay ko siya papasok sa isang kwarto dun. Inuupo ko siya sa kama. Tuloy lang siya sa paghagulgol. Ako naman, natatarantang naghahanap sa medecine kit ng kahit anong gamot o gasa na pwede kong ipantakip sa putol siyang braso.
"Attorney... mamamatay na yata ako..." Umiiyak pa rin siya at halatang takot na takot.
"Shhh.. wag kang maingay..." Tuloy lang ako sa paghahalungkat.
"Mamamatay na ako... mamamatay na ako..."
Nang ilawan ko muli, hayun nga ang dugo at nagkalat na sa inuupuan niya. Kailangang maampat ko ang dugo niya or else, mauubusan siya nito na baka ikamatay niya. Kinuha ko yung kumot sa higaan. Pinunit ko pahaba at itinali ko dun sa putol siyang braso. Hindi siya umaaray. Manhid pa yata ito.
Iisa lang ang sinasabi niya. "Mamamatay na ako... mamamatay na ako..."
Nang matalian ko ang sugat niya, humarap ako sa kanya. "Marvin, makinig ka. Ihahatid kita sa labas sa sasakyan ko. Aalis tayo rito."
Tumingin siya sa akin na parang wala sa sarili. Tapos may narinig ako.
Ano yun?
May kinakaladkad.
Kinakaladkad na bakal.
Kinakaladkad na –
Palakol!!!
Tapos yung tunog –
Palakas nang palakas.
Papalapit nang papalapit.
Agad kong inakay si Marvin. Hinila ko siya palabas.
"Attorney, mamamatay na yata ako..." Umiiyak pa rin siya.
"Hindi ka mamamatay, Marvin... Mabubuhay ka..."
Pero nagpumiglas siya. Itinulak niya ako.
"Marvin?" Inilawan ko siya.
"Attorney... mamamatay na ako..." Para na siyang baliw habang umaatras sa akin.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "No, Marvin... tatagan mo ang loob mo... makakaligtas tayo –"
Biglang bumukas ang ilaw!
Sa wakas!
Napatingala tuloy ako. Nilingon ko ang paligid ko. "Marvin, nakita mo... may liwanag na..." Nilingon ko muli siya. "Makakaligtas na tayo at..."
Napatigagal ako sa nakita ko.
Si Marvin.
Tirik ang mga mata nito.
Tapos –
May nakatarak.
Sa ulo nito –
May palakol na nakatarak!
Napaatras ako. Nakita ko kasi si Roli sa pinto. Kung gaano ka-anghel ang mukha ay siyang kawalang emosyon ng kanyang mga mata.
Sa unang pagkakataon – kusang kumilos ang katawan ko. Pumihit ako at mabilis akong nanakbo. Diyos ko po! Si Marvin! Patay na ito. Napahinto lang ako nang may madaanan akong elevator. Ito siguro yung sinasabi ni Arthur na daanan sa gitna bukod sa hagdan na dinaanan namin. Nangangatog akong pinindot ang button nun para magbukas.
TING!
Nagbukas naman agad. Biglang may pumutok. Putok ng baril!
Si Arthur!
Sumakay ako ng elevator. Sa third floor.
TING!
Nagsara.
Sa third floor.
TING!
Nagbukas.
Marahan akong lumabas.
Nakarinig ako ng putok ng baril? Baka napatay na ni Arthur si Nana. May ilaw na kasi eh. Kaso biglang –
Namatay na naman yung ilaw.
Hinugot ko yung lighter.
Biglang bumukas iyong ilaw.
Tapos namatay ulit.
Bumukas ulit.
Namatay.
Bumukas ulit.
Patay-sindi!!!
Pero mas okay na ito kaysa wala talagang ilaw. Iyon nga lang, masakit sa mata. Luminga ako sa paligid. Saan na nga ba iyong kwarto ni Inang? Hayun! Bukas ang pinto. Itong ilaw, patay-sindi pa rin.
Pumasok ako.
Pagpasok ko.
Bakit ganito?
Nang pumasok ako.
Nagkalat ang dugo –
Pero walang tao.
Pumasok pa ako.
Nasaan sila? Si Inang? Si Athur at si Rico? Iyong dalawang nurse na kasama nila?
Tapos may narinig akong ungol.
Marahan ko iyong nilingon.
May tao dun.
Nilapitan ko iyon.
Nilapitan ko.
Iyong ilaw.
Kumukurap pa rin ito.
Pero lumapit pa ako.
Tapos heto.
Heto na ako.
Heto.
At –
Nang makalapit na ako.
Nabuhayan ako.
Kilala ko ang dalawang ito. Ito yung dalawang nurse ni Inang. Kaso iyong isang babae, duguan ang ulo. Nilapitan ko sila. "Anong nangyari?"
Naiiyak yung isang nurse. "May pumukpok po sa ulo niya..."
Humihinga pa itong duguan. "Tulungan mo ako, ihiga natin siya sa kama..."
Binuhat namin itong isang nurse at inihiga sa kama. May malay-tao pa itong duguan. "Anong pangalan mo?" tanong ko dito.
Umungol ito. "M-Mary po... Mary Estopil..."
"Okay Mary, kaya mo bang tumayo?"
Tumango lang ito. Bumaling ako dito sa isa pang nurse na babae. "Anong pangalan mo?"
"C-Cristine May, Sir..." Halata ang takot sa tinig nito.
"Okay Cristine May, meron ba dyang pwede nating ibalot sa ulo niya–"
Hindi na ito sumagot. Naghanap na lang ito at naghalungkat sa mga cabinet. Pagbalik nito, may dala na itong benda. Binalutan muna namin ang ulo ni Mary Estopil nang sa ganun ay maibsan ang pagdurugo noon. Pagkatapos ay inakay ko na ito palabas ng kwartong iyon.
Bumaling ako kay Cristine May. "Nasaan sina Arthur?"
"H-Hindi ko po alam, Sir... basta lang po nung nagkagulo dito, eh... nawala na lang po sila. Nagtago po kasi ako nang matumba sa akin si Mary..." Nangingiyak ang tinig nito.
"Okay ganito... tatagan mo ang loob mo ah. Lalabas tayo at aalis sa lugar na ito."
Sunud-sunod ang pagtango nito. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin iyong elevator sa gitna. Pinindot ko ulit ang buton niyon pababa. 'Langya! Ayaw bumukas.
Bumaling ulit ako kay Cristine. "Malayo ba iyong isang daan pababa?"
TING!
Bumukas iyong elevator pero kalahati lang.
"Cristine, alalayan mo muna itong si Mary. Bubuksan ko lang ang elevator."
Inilahad ko dito itong si Mary. Pero tulala lang siya sa likod ko.
"C-Cristine... Bakit?"
Naluluha ang mga mata nito. Nakatingin lang ito sa likod ko.
Napalunok ako. Parang namumutla na rin ako. So marahan ko itong nilingon.
Marahan.
Marahan.
Heto na.
Nilingon ko na.
Shit!
May babae sa elevator na yun. Nakatalikod. Umuuga ang balikat nun.
Tapos sa gilid ko.
May napansin ako.
Ano yun?
Parang boomerang ito.
Mabilis ang ikot –
Lumilipad sa ere.
Hindi ko namalayan –
Ang bilis ng pangyayari.
Kasi itong bagay na 'to –
Nasapol si Cristine sa ulo.
Torpet ang babae –
Basag ang bungo nito!!!
Isa palang martilyo –
Na tumama sa ulo nito.
Agad akong napalingon sa pinanggalingan nito.
Si Nana!
Nanakbo ako paalis. Bumalik muli ako sa elevator.Kahit na ba may – babae rito. Iyong babaeng maputla, mahaba ang buhok, hindikumukurap. Basta – pinagkasya ko yung sarili ko sa makitid na pinto nito. Tinatagan ko ang kahit para na akong mawawalan ng ulirat.
Sa wakas, malapit na sa first floor!
Tapos na-stuck up!
Katabi ko nga pala si Ara. Si Ara na kakambal ni Nana.
Heto pa rin siya. Nasa gilid ko pa. Ramdam na ramdam ko ang lamig at amoy na amoy ko ang nabubulok na laman ng tao.
Tapos napalingon ako dito sa akay ko. Bakit kaya hindi umiimik ito?
"M-Mary..." bulong ko dito.
Sinilip ko ang mukha nito.
Dun ko na ito binitawan. Kasi di ko namalayan. Wala na pala itong buhay.
Isa na lang pala itong bangkay.
Tapos sa gilid ko – may sumitsit.
SHIT!!!
Kahit anong mangyari –
Hindi ako lilingon.
Eh, ang kaso nangalabit!
Habang sumisitsit!
Putangina! May killer na meron, may multo—este, demonya pa!
Malamang baliw na rin ako makaligtas man ako dito. Mamalayan ko na lang – killer na rin pala ako.
Kaya sige – heto at lilingun na ko –
Isa –
Dalawa –
Tatlo!
TING! Sakto!
Nasa first floor na pala ako!
Takbo!
Kaya lang napahinto ako.
Bumungad kasi si –
Roli.
Dito sa harap ko.
Mukhang hanggang dito na lang ako, dahil tiyak na papatayin na niya ako. Iyong hawak siyang palakol, mukhang sa akin niya ipupukol!
"Ako na ang papatay sa'yo..." Sabi niya na parang ulol.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro