Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BENTE DOS ✞

I'm not sure what happened, but the comments had been deleted. Let's just make new memories. -JF


BENTE DOS✞

ROGER's POV


DUGDUG!- DUGDUG!- DUGDUG!


Iyong dibdib ko, ang lakas ng kabog. Tapos sa ibaba, may narinig kaming lagabog. Kahit di ko sila makita dahil sa madilim na paligid, alam kong nakikiramdam lang din sila. Dahil alam kong alam na rin nila kung sino ang killer. Nai-kuwento na sa amin ni Inang ang lahat-lahat sa mga dati'y walang kasagutang tanong.


Putangina lang, dahil minahal niya ba ko talaga? O ginamit niya lang ako para mabuo si Ara? Para sa Ara na iyon? Kaya pala siya pumuputol ng paa, ay dahil para sa kakambal niya. Iyong putok niya sa noo – pagpapanggap lang pala. Ginamit niya pa ang pangalan ni Mrs. Ocampo para ligawin kami at makasama namin siya. Ginagamit niya pa nga ang cowboy hat nito para hindi namin maisip na siya ang killer.


Masakit. Ang sakit-sakit, pero papatayin ko siya. Iyon ang kailangan dahil wala naman siyang puso. Ipaghihiganti ko sa kanya ang pagkamatay ng walang kalaban-laban kong anak.


Ako mismo ang papatay sa kanya, at ito palang nagpapakita sa amin ay si Ara na kakambal niya. Tinutulungan yata siya ng demonya. Pero hindi ako takot. Magsama-sama sila, papatayin ko sila. Lahat sila. Pati si Roli!


Napaluhod ako habang humahagulhol. Kinapitan agad ako ni Arthur. "Mr. Santos, tatagan mo ang loob mo."


"Papatayin ko siya, Arthur... Papatayin ko siya..." Mahina lang pero madiin ang pagbigkas ko.


Tahimik lang ang lahat sa paligid ko. Hindi ko man sila makita dahil madilim, alam kong natatakot din sila. Hindi naman kasi basta-basta ang kalaban.


Inalalayan ako ni Arthur tumayo. "Roger, nasaan si Clarisse ngayon?"


"Nasa first floor." Si Rico na ang sumagot.


"Okay. Pupunta ako. Dito lang kayo," utos ni Arthur sa amin.


"Arthur..." Bulong ko. "...meron ka bang ibang sandata dito bukod diyan sa handgun mo?"


"Meron kaming palakol dito." Mabilis niyang tugon.


"Nasaan?" 


"Nasa – first floor, eh."


"Shit!" Nasapo ko ang aking noo.


"Bakit?" Napalunok muna si Arthur, dinig ko.


"Hawak na ni Nana 'yon ngayon." Tapos hinugot ko ang CP ko sa bulsa. Fvck! Lowbat ako. Bumaling ako may Marvin. "Marvin, peram phone mo." Kaso nung nilabas nito iyon ay halos kumukurap na rin ito. "Arthur, wala ka bang flashlight man lang?"


Kinuha ni Arthur ang cellphone niya at ginamit iyon para magliwanag. Ganun din ang ginawa ni Rico at ng dalawa pang nurses na kasama namin. Bahagyang nagliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na ito.


Maya-maya pa'y nag-dial na si Arthur at tumawag ng back-up.


Bumaling ako sa kanilang lahat. "Uubusin niya tayo. Papatayin niya tayong lahat."


"Attorney, babae lang siya. Puro lalaki tayo dito." Ani Marvin sa gilid ko.


"Pero wala tayong mga mata na kasing talas ng sa kanya sa dilim."


Kumasa ng baril si Arthur. "Anong ibig mong sabihin?"


"Ang killer na ito ang umubos sa mga kasama ko sa dating bahay ng mga Villaverde. Nakita ko kung paano siya kumilos sa dilim."


"Okay. Ganito ang plano." Si Arthur. "Mr. Santos, samahan mo akong bumaba doon." Inabutan niya ako ng lighter. "Iyong iba, maiwan dito."


"Sasama ako." Ani Marvin sa likuran ko.


Tinanguan lang ito ni Arthur.


"Mag-iingat kayo, mga hijo. Isang hayop ang kalaban nyo at hindi lang basta tao." Pahabol ni Inang. "Ibang-iba na siya... Mas sumahol pa... Akala ko ay tuluyan na siyang nagbago... Nagbago nga siya pero sa mas ikasasama pala."


Hindi ko na ito nilingon. Basta naglakad na lang ako palabas.


Dugdug! Dugdug! Dugdug!


Heto na naman yung kabog ng dibdib ko.


"May tatlong daan pababa rito. Iyong una itong bababaan natin. Pangalawa iyong sa gitna. Pangatlo iyong sa dulo." Paliwanag ni Arthur.


"Anong ibig mong sabihin, maghihiwa-hiwalay tayo?" May takot sa tinig ni Marvin.


Tumingin sa akin si Arthur na para bang humihingi ng suhestyon. "Sa tingin ko, mas malakas tayo kung magkakasama tayong tatlo."


Tumango na lang siya. At heto na nga kami – marahang bumababa ng hagdanan.


Mula sa third floor.



Pababa.


Second floor.


Pababa.


First floor.


Ano yun? May naririnig ako. May naririnig akong ungol! Nagkatinginan kaming lahat. Pagkatapos ay marahan kaming humakbang. Marahang humakbang patungo sa kwarto ni Nana. Marahan lang. Iyong ungol, palakas nang palakas. Lalo tuloy akong kinakabahan.


Inilawan ni Arthur yung daan, habang humahakbang, humahakbang nang marahan. 


Bukas ang pinto.


Sinilip namin ito.


Madilim. Inilawan ni Arthur ito.


Si Nana.


Wala na si Nana dito.


May umuungol.


Inilawan ni Arthur ito. Tapos nakita ko. Iyong umuungol na tao. Humihinga pa ito.



Kaso – biyak na ang bibig nito.


Tila ba sinibak ng palakol ito.


Ito yung nurse na bantay!


Itong dalawang kasama ko. Na-estatwa ang mga ito. Natulala sa nakita. Ako lang ang nakakilos at agad na pinuntahan ito. Naghahabol ito ng hininga. Nanginginig ako at di malaman ang gagawin. Nilingon ko ang dalawa,nakatingin lang ang mga ito sa akin. "T-tulungan nyo ko..." 



Maya-maya ay nangisay na itong nurse.



"Damn! Tulungan nyo ako!" Napasigaw na ako sa dalawa.


Wala sa sarili si Arthur. Parang hibang nanagsalita. "B-Babalikan ko sila Inang." Bigla na lang itong nagtatakbo atiniwan kami.


"Arthur!" Nawalan tuloy ng liwanag. Siya na lang kasi ang may dala ng CP na meron pang battery for flashlight. Sinindihan ko ang aking lighter.



CLICK! CLICK!


Puta mukhang ayaw pang sumindi.


CLICK! CLICK!


Hayun sumindi na.



Nilingon ko si Marvin. "Marvin kailangan natinng liwanag." Pero tulala pa rin ito. Bahagyang naluluha. Nilapitan ko ito. "Hey!"Tinampal ko ito.


Para itong nagising sa pagkakatulog. Nanginginigito.


"Kailangan natin ng ilaw."


Pero tulala lang ito. Nakatingin lang ito sa likod ko.


Dugdug! Dugdug! Dugdug!


Kinabahan na naman ako.


"M-Marvin?"


Nakatingin lang ito sa likod ko.


"B-bakit?" tanong ko.


Tapos namatay yung apoy sa lighter ko.


Parang may umihip dito.


Binuksan ko.



CLICK! CLICK!



Sumindi ito.


Namatay ulit.


Parang may umihip dito.



CLICK! CLICK!



Sumindi ulit.



Tapos may umihip ulit.


Namatay ulit.


Kinakabahan na ako.



Sisindihan ko pa kaya ito?



Tapos nilingon ko yung likod ko.


Saka ko sinindihan ito.



CLICK! CLICK!


Sumindi ito.



Wala namang umiihip dito.



Bigla kong narinig si Marvin.


Humihingal ito. Bumulong ito sa akin.



"A-Attorney, sa itaas mo..." Nangangatog ito.


"Ha?" Anong sa taas ko?


"S-Sa kisame Attorney...



...sa itaas mo..." 



Napalunok ako. Saka marahang tumingala.


Nanginginig ako. Habang marahang tumitingala. May pumapatak na tubig. Sa itaas nagmumula.




May babae doon. 



Nakatingin sa akin at bumubulong.



Iyong mga mata nito, hindi kumukurap.



Pilipit ang katawan na parang tuyong ugat.



Tapos – namatay ulit itong lighter ko.



Hinila ko na si Marvin dahil tigagal pa rin ito. Ni hindi ko na alam itong nilalakaran ko. Basta ako,takbo lang nang takbo. Narito na pala kami sa second floor. Halos mapatiran akong hininga. Teka –


Bakit –


Para ako na lang mag-isa?


Nasaan si Marvin?


"Marvin?" 


Walang sagot mula sa lalaki.


Nasaan yun? Hinila ko siya ah. Sinindihan ko ulit itong lighter.



CLICK! CLICK!



Ayaw sumindi. Isa pa.


CLICK! CLICK!


Hayun sumindi na. Tapos sa aking unahan. May natanaw ako.



Lalaki.



Matangkad, maganda ang tindig, naka-jeans at polo na itim. Bata pa. Imposible na si Marvin ito. Nanlambot ako nang makilala ko kung sino ito.


Lumapit ito at humakbang.


Tapos – narinig ko si Nana sa aking likuran.



"Ang tagal mo naman... bakit ngayon ka lang?"



Nagsalita itong lalaki sa aking harapan. "Hinanapko pa kasi ang lugar na ito kung saan..."


Itong lalaki, may martilyo. Ibinato nito iyon salikod ko. "Hindi ako sanay gumamit nito, oh..."


Nasalo ito ni Nana sa likod ko. "Thanks. Masgusto ko ito, kaysa dito sa palakol na hawak ko."


Ibinato rin nito yung palakol – sa lalaking nasaharap ko.


Nasalo naman nito!



Ang dalawang ito, parang ang liwanag kungmagpalitan ng armas. Napapagitnaan pa ko ng mga baliw na ito!


"Duguan ka yata?" puna ni Nana salalaki. Nakita niya ang dugo kahit madilim.


"May dalawang pulis sa labas na humarang sa akin," kalmado at kaswal nitong sabi, na para bang normal lang ang ginawa nito.


Ang mga pulis na tinutukoy nito, iyon marahil ang back up na tinawagan ni Arthur kanina. Mga pulis na tagabaryo.


"Ilan pa sila rito?" kaswal na tanong nito kay Nana.


"Mga anim pa..." Tugon ni Nana.



"Eh, paano ang aswa mo?"


Muntik na akong kapusin ng hininga.



Kung mag-usap kasi ang dalawang ito ay parang wala ako sa gitna nila.




"Wag mo siyang gagalawin. Ihuhuli ko siya. Akoang papatay sa kanya..." Bilin ni Nana.


Natameme ako. Kaya ko ba angdalawang ito? Basta ang alam ko lang nanginginig ako. Hindi ako makagalaw –natatakot ako.


"Sige, basta akin si Inang..." may bahid ng lungkot na sabi ng lalaki. "Matanda na siya masyado, hindi na siya dapat nahihirapan. "


"Okay, tama. May sakit na ang matanda. Kawawa na buhay pa siya hanggang ngayon."


Lumakad na sila paalis upang puntahan ang aking mga kasama. Para akong bato na naiwan dito na nakahabol ng tanaw sa kanila. Lagot kami, paano na? Kay Nana lang hirap na kami. Tapos, dumating pa itong si –



– ROLI!!!


JAMILLEFUMAH

@JFstories


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro