Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

BENTE-CUATRO ✞

BENTE CUATRO✞

ROGER's POV


BIGLANG MAY NAGPAPUTOK NG BARIL.


Dammit, I was saved!


Pinindot ko ulit ang buton ng elevator matapos kong tadyakan si Roli sa sikmura. he was caught off guard. Nanakbo ako palabas ng gusali. Sa wakas, nakaalis ako. Lakad-takbo ako sa dilim papasok ng kasukalan sa likod ng lumang ospital. Hindi ako sa kalsada dahil nakikita ko roon na baha na rin, baka maabutan pa ako roon ng pekeng magkapatid na baliw. 


Basang-basa ako ng ulan at putik. Hindi ko na alam kung saan ako, basta alam ko lang na nakalayo na ako. May natanaw akong maliit na yungib. Giniginaw na ako sa pagkabasa ulan kaya nagdesisyon ako roon na pumunta. Madilim sa loob at naramdaman kong hindi ako nag-iisa.


Napakawag ako ng may biglang yumakap sa likod ko!


Sa gulat ay hindi ako agad nakapalag. Itutulak ko na ito nang bigla itong magsalita. "R-Roger!"


Napatda ako dahil kilala ko ang nanginginig na boses. Inangat ko ang aking mukha mula sa pagkakahiga. Madilim. Habol ko ang aking hininga. Akala ko kasi mamamatay na ako. Pero kaninong tinig iyon? Tinawag ang pangalan ko.


"R-Roger..."


"S-sino ka?" paniniguro ko.


"R-Roger ako ito..." Nanginginig ito.


Bumangon ako. Pamilyar ang boses nito. "Maria..."


"O-Oo... si Mrs. Ocampo."


Kahit hindi ko siya makita, alam kong nasa harapan ko lang siya. Agad ko siyang niyakap. Nanginginig siya. "Ikaw nga, Maria! Paano ka nakarating dito?!"


Napahagulgol siya. "R-Roger..."


Sa tindi siguro ng sinapit niya ay hindi na attorney ang kanyang tawag sa akin. Nakalimot na siya sa honorifics. Nanginginig siya habang nakakapit sa akin. Paano nga ba siya nakarating dito? Hindi na importante. Ang kailangan ay makaalis muna kami rito.


"Roger, dinala ako rito ni Nana. Ang sabi niya, naririto daw ang anak ko. Niloko niya ako. Gusto niya lang pala akong gawing pain para mapapunta kayo rito. Pero nang malaman niyang nandito na kayo, inabandona niya ako rito sa kuweba. Hindi ako makalabas dahil sa panghihina. Ilang araw na akong walang kain o kahit inom ng tubig."


Napaigtad ako ng biglang nagliwanag ang paligid. Isang lalaki mula sa likuran ko ang bumungad. May dala itong lampara.


"Sino ka?!" Takot na takot akong napaatras habang yakap si Mrs. Ocampo.


"It's okay, Roger," awat sa akin ni Mrs. Ocampo o Maria. Tinawag ko na lang din siyang Maria. "Roger, kilala ko ang lalaking yan. Siya ang tumulong sa akin."


"Narinig ko ang pag-ungol ng babae dito sa loob ng kweba ng mangaso ako kanina. Nang makita ko siya.." Nakabaling ito kay Mrs. Ocampo. "...humingi agad ako ng tulong sa tiyuhin ko." Paliwanag nitong lalaking may dalang lampara. Ngunit nakakapagtakang hindi lang lampara ang dala nito. May dala rin itong malaking bag.


Sa likod naman nito ay may sumilip pang isang matandang lalaki . Ito marahil ang tiyuhin nito.


"Umalis na tayo rito..." Iniangat ko si Maria. Dito ko lang napansin na tuyong-tuyo ang mga labi niya. Namumutla at nanghihina siya.


Inabutan kami nitong lalaking may lampara ng tubig na nasa bote. Pinainom ko agad iyon kay Maria. Nanginginig pa siyang inubos niya ang laman niyon. Marahil ay ilang araw siyang hndi nakakain at nakainom ng tubig.


"Sino ang lalaking nakahiga doon?" tanong ng tiyuhin nitong lalaki.


"Nakahiga?" Napamaang ako.


Nanghilakbot ako nang makilala ang kapatid ni Arthur na si Rico. Kung ganoon ay ito ang kuweba na binanggit ni Inang. Mas tumibay ang aking hinala dahil may natanaw akong nilulumot na drum sa gilid. Ito ang sinadya rito ni Rico, subalit nabigo siya. Pilipit na ngayon ang katawan niya!


"Oo, nakahiga. Mukhang wala na siyang buhay."


"Hindi ba – pilipit ang katawan niya?" Tumayo ako upang tingnan ang itsura ng bangkay ni Rico.


"Hindi. Nakahiga lang ito."


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Oo nga! Nakahiga lang ito. Animo'y natutulog lang na tao. Natutop ko ang sarili kong bibig. Bakit ganun? Kitang-kita ko kung paano pinilipit ang katawan nito kanina ah. Paanong? Bumalik ako kay Mrs. Ocampo. "Maria... noong hinila mo ako... nakatayo ba ako?"


Umuling siya. "Hindi Roger... nakapikit ka... mukha kang binabangungot..."


So ganun pala ang nangyari. Bangungot pala iyon. Parang totoo! O – hindi kaya –


Ilusyon? Bangungot? Bumalik ako sa bangkay ni Rico. Sa tabi niya –


Hayun ang kalansay ni Ara!


Nakuha na pala niya sa drum bago siya namatay sa bangungot. Kailangan mailayo rito ang kalansay ni Ara na kakambal ni Nana, upang hindi na makita pa ni Nana. Itatapon ko, susunugin, basta bahala na!


Bumaling ako sa lalaking may hawak ng lampara. "Ano ang laman ng bag mo?"


"Ah, heto ba? Wala naman."


"Pwede ko bang mahiram?"


Napatingin muna ito sa kasamang tiyuhin at saka tumugon. "Sige..."


Nang makuha ko na iyon sa kanya, binuksan ko iyon. Pagkatapos ay pikit-mata kong binuhat ang labi ni Ara at inilagay ko sa loob ng bag.


"Seryoso ka?" reklamo nitong lalaking may lampara.


Hindi ko siya tinugon. Bagkus ay itinuloy ko ang aking ginagawa.


Naalala ko. Sabi ni Inang, bago ito binawian ng buhay, diablo raw si Ara. Mukhang totoo nga ang sinabi nito. Bumaling ako sa kanilang lahat. "Umalis na tayo. Humingi tayo ng tulong sa mga awtoridad." Pagkasabi ko non ay binuhat ko na si Maria.


Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumang-ayon. Paglabas namin ng kweba, sabay-sabay kaming naglakad patungo sa labasan ng gubat. Pasan-pasan ko si Mrs. Ocampo habang bitbit ko ang isang bag kung saan naroon ang kalansay ni Ara. Maya-maya lang at natanaw na namin ang sasakyan nila sa kalayuan.


"Salamat sa inyo..." sabi ko sa dalawa.


"Ikaw lang ba mag-isa, hijo?" tanong sa akin nung matanda.


"Dalawa ho kaming pumunta rito. Kaso – namatay ho iyong kasama ko."


"Pinatay mo siya?" Bahagya pa itong napahinto.


"Hindi ho." Tumingin ako sa bitbit kong bag. "Ito ho ang pumatay sa kanya."


Napahalakhak lang ang matanda na halatang hindi naniniwala sa akin. Iniba niya ang usapan. "May sasakyan ka ba?"


Tumango ako. "Doon ho banda."


Nagulat ako nang maglabas ito ng baril. "Sori, hijo. Pero hindi kami narito para tulungan kayo ng kasama mo. Narito kami para nakawan kayo."


Namutla ako. Tangina! Mga magnanakaw pala ang mga ito. Kaya pala may dalang malaking bag itong isa. Akala yata may kayamanan dun sa loob ng kweba.


Tinutukan nila ako ng baril at pinalapit sa sasakyan nila. Pagdating namin don, mayroon pa siyang kasamang tatlong lalaki. Nakangisi ito sa amin.


"May pera ba yan?" Tanong nung isa nilang kasama. Mukhang ito iyong pinuno.


"May sasakyan daw siya. Doon banda." Inginuso nito.


"Good job! Eh, yung babaeng kasama niya – mapapakinabangan ba?"


Bigla akong kinabahan. Maging si Maria ay humigpit ang pagkapit sa aking likuran. "Please. Kunin nyo na lang ang sasakyan ko. Banda dun. Sasamahan ko kayo."


"May cash ka dyan?" Tanong ng pinuno nila.


Umiling ako.


"Oh, sige. Isama mo kami sa kotse mo. Iwan mo na yang babae."


"Isasama ko na itong babae." Naglakas loob na ako. "Hindi naman kami tatakas..."


Tumango lang ang pinuno nila. Pagkatapos ay humakbang na kami kasama itong lalaking may hawak ng lampara kanina. "Dito muna kayo boss. Pagbalik namin – dala ko na ang kotse nito."


"Ingat ka."


Bumulong ako kay Mrs. Ocampo na nangangatog sa likuran ko. "May favor ako sa'yo..."


"Ano?"


"Pumikit ka lang. Wag kang didilat." Usal ko.


"Bakit?" Tanong niya.


"Basta gawin mo na lang. Kapag nakatulog ako, gisingin mo agad ako, ah?"


"Hindi ko maintin–"


"Basta gawin mo na lang."


Narinig yata nung kasama namin ang pagbubulungan namin. "Anong pinagbubulungan nyo, ha?!"


"Wala." Tipid kong tugon. Bumulong ulit ako kay Mrs. Ocampo. "Nakapikit ka na?"


"Oo." Sagot niya.


"Sandali!" Awat ng pinuno nila.


Halos hindi pa kami nakakalayo. Napalingon kami.


"Sino yung batang kasama nyo dyan?" Tanong ng pinuno nila.


Ha? Sinong bata?


"Iyang dalagitang payat."


Nagkatinginan kami nitong lalaki. "Nasaan?"


"Hayun oh – sa likod nyo."


Napalunok ako. Heto na naman iyong kaba ko. Malamang si –


Ara ito!


Kaso no'ng lumingon ako –


Nawala yung lalaki sa tabi ko!


Iyong kasama ko.


Shit! Hindi kaya –


May bumagsak mula sa itaas.


Katawan.


Pilipit na –


Katawan!


Isa-isa silang naglalaglagan, kasama ang kanilang pinuno! Lahat sila ay nagsisigawan sa itaas bago bumagsak!


Napatingala ako.


Napatingala ako.


Napatingala ako.


Si Ara!!!


Nakikita ko si Ara. Nasa ilalim kami  kami ng hipnotismo ng diyablo.


Sana lang gisingin ako ni Mrs. Ocampo.


Kapag napatay ako ni Ara dito sa panaginip ko –


Malabo na kong magising pihado!


Pero sa ngayon – tatakbo lang ako.


Basta takbo lang ako nang takbo!


Iyong mga putok ng baril – isa-isa nang nawawala.


Tapos may mga katawan na humahagis sa kung saan!


Biglang katahimikan.


Napahinto ako.


Wala na kong marinig na sigaw ng tao.


Lilingon ba ako.


Oo, lilingon ako.


Please, Maria! Gisingin mo na ako.


Heto na, lilingon na ako. Hindi ako makalingon. Ang sakit ng likod ko. 


Itong pasan-pasan ko.


Para kasing –


Hindi si Mrs. Ocampo.


"Maria?" bulong ko. Wala itong tugon.


Bastan ramdam ko –


Basang-basa na ng tubig ang likod ko.


Nanginginig ito.


Naamoy ko – ang baho nito.


Napakalamig nito.


Naririnig kong –


Binabangaw ito.


Nakayapos ito sa likod ko.


Bahala na! Naiiyak na ako.


Isa.


Dalawa.


Tatlo!


Humigpit ang pagkakayakap nito!


"Aahhhh!" Napasigaw ako.


Nang magbangon ako – si Mrs. Ocampo –


Nasa harapan ko.


"Sa waka nagising ka rin..." Nakangiti siya sa akin.


"Anong nangyari?" Nangangatal pa ako.


"Nakatulog ka."


Pagtingin ko sa paligid ko, tulog din itong mga lalaking carnapper.


"Hindi ko alam... pero kanina... umuungol sila..." sabi ni Maria.


Tama nga ako sa hinala ko. Malamang patay na ang mga yan sa bangungot. Tumayo ako at agad hinanap ng kamay ko ang bag kung saan naroon si Ara. Sa di kalayuan – natatanaw ko na ang sasakyan ko. "Halika na..." Inalalayan ko na siya.


Pagpasok namin ng sasakyan, ipinaliwanag ko na sa kanya ang mga nangyayari. Namo-mroblema kasi ako, kailangan kasi'y isa sa amin ang laging nakapakit. Baka kasi umatake na naman si Ara at parehas kaming mapasailalim sa bangungot.


Napatulala lang siya. "Isa siyang diablo?" 


"Hindi ko rin alam, Maria."


"Posible ang sinasabi mo, Roger. Siya rin marahil ang nagpaparamdam sa amin noon."


"Bakit pati kayo ay ginulo niya? Ako lang dapat, pamilya lang dapat namin ni Nana."


Malungkot na ngumiti si Maria. "Dahil konektado sa inyo ang anak ko."


"Si Janice –"


"Alam ko na, Roger." Napaluha siya.


"Alam mo ng nawawala si Janice?"


Umiling ito. "Alam ko ng patay na si Janice. Pinatay siya ni Nana!" Napahagulgol na ito. "Ang kapal ng mukha niya! Ikinwento niya pa sa'kin kung paano niya pinatay ang anak ko! Papatayin ko siya! Papatayin ko sila ni Roli!"


Bigla ko siyang niyakap. Maging ako ay napaluha na rin.


"Mga hayop sila! Baliw sila!"


"Shhh... tahan na, Maria. Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa batas." Pagkatapos ay humarap na ako sa manibela at pinaandar ang sasakyan ko. Kaso – Bago ko mapandar ang sasakyan ko, sa gilid ng bintana nito –


May palakol!


Palakol na–


Tumama sa leeg ni Maria.


"Maria!!!" Napahiyaw ako!


Sapol sa leeg si Maria! Napabuga ito ng dugo!


Si Roli!


Nasa gilid pala ng sasakyan ko. Mabilis kong ikinambyo ang koste ko at pinaandar ito. Nahigit pa ni Roli ang palakol na ipinukol nito. Nang tingnan ko ito sa rearview mirror ko – kasama rin pala nito si –


Nana!


Napahagulgol ako habang nagmamaneho palayo. Nang wala na ang mga ito ay saka ako huminto. Galit na galit ako. Sobrang habag ko sa kalagayan ni Maria. Naghihingalo ito. Inihinto ko ang sasakyan ko ng makalayo ako kila Nana. Tinakpan ko ang hiwa ng kanyang leeg.


Napakaraming dugo ang lumalabas roon. "Maria, lumaban ka..." 


Kumapit siya sa kamay ko. "R-Roger... minahal mo ba ako..."


"Maria... please wag kang magsalita... dadalhin kita sa hospital..."


Ngunit nagpumilit pa rin siyang magsalita habang sumusuka ng dugo. "R-Roger, g-gusto ko lang malaman mo, nagsisisi ako na hinayaan kong mapunta ka kay Nana noong college tayo... k-kahit pa alam kong si Nana naman talaga ang mahal mo... N-napakasama kong babae na pangarapin ka, di ba? D-dahil g-gusto ko nang maalwang buhay, dahil mayaman ka, p-pero hindi ikaw ang mahal ko, k-kaya hinayaan kitang mapunta sa iba... P-pero sana pala ay hindi na lang. Sana ay hindi na lang... Para hindi na rin nangyari ang lahat ng ito..."


"Tama na, Maria. Tapos na iyon. Wag mo nang piliting magsalita."


Hindi naman siya nagpapigil. "P-paanong tapos na, Roger? K-kahit kayo na ni Nana, nagkamali pa rin tayo noong namatay ang asawa ko... N-nakalimutan mo na ba?..."


"Katulad ng sinabi mo, pagkakamali iyon. Hindi ko sinasadya. Nagpadala ako sa kalasingan. Pilit ko na iyong kinakalimutan at pinagsisisihan. Iyon ang dahilan kaya nga hindi ko magawang magtagal na kasama si Nana, dahil nakokonsensiya ako sa kasalanan ko sa kanya. Sa kanila ni Ara!"


Kinapitan niya ako sa kwelyo. May gusto siyang ibulong.


"K-kahit magsisi ka pa... Huli na..."


Inilapit ko ang tainga ko sa kanya. "Maria... hindi kita marinig..." 


Lumapit pa lalo ang bibig niya sa tainga ko. Bumulong siya. "Anak mo si –


JANICE..."


JAMILLEFUMAH@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro