Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 9

[ LUCKY' POV ]

"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tatlo na 'yan ah, para I love you!"

"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tatlo na 'yan ah, para I love you!"

HINDI ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking 'yon. Tama bang sabihin niya 'yon sa akin e' hindi nga kami close saka ayaw ko sa kanya. He's not my ideal type.

Oo aaminin ko na mabait siyang lalaki at mapagkakatiwalaan pero wala akong feelings sa kanya saka aalis na siya mamaya. Pero ang problema ko sa lalaking 'yon aalis na nga lang mag-iiwan pa ng iisipin. Parang siraulo!

Iniwan ko na siya doon sa kwekwekan at kung sumuno siya ay hindi ko alam baka nashock sa pagwalk out ko bigla. Dapat bang dinahan-dahan ko at slow mo na naglakad?

Buwiset talaga nababaliw na ata ako. Para kaseng timang nakakainis! Bahala siya ngayon sa buhay niya, kung aalis siya umalis siya.

"Lucky! Hintayin mo ako, huminto ka muna!"

Hindi ko siya inantay at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ngayon ko na nga lang ulit siya nakausap tapos ganyan pa siya, nakadrugs ba ang lalaking 'yon, hindi na dapat siya nagday-off.

"Lucky!"

Bahala ka dyan, ulaga ka!

"Hala, yung lalaki nabunggo ng motor!"

Huminto ako sa paglalakad at agad na lumingon sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko ang lalaking nakatumba sa kalsada at si Tao 'yon kaya patakbo akong pumunta do'n para tulungan siya.

Tinulak ko yung tao sa dinadaanan ko na nanunuod lang na parang tanga. Hindi pa uso sa kanila na itayo ang nabunggo, ang hilig manuod hindi nalang magsibulag lahat.

"Tao, hey! You okay?" tanong ko dito ng matayo ko ito. Ang laki-laki niya tapos nabunggo pa, hindi ba naman kalahating ulupong.

Tinignan ko ng masama ang mga nanunuod na parang mga owl sa sobrang laki ng mata. Sana dinukot nalang nila 'yon tapos ginawang crunchy eye ball para naman may sense ang mga mata nila. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo!"

Umirap ako sa hangin ng makita silang umalis kaya ito namang nakamotor ang tinignan ko ng masama na itinatayo ang motor na halatang pinaglumaan na ng panahon. Hindi ba uso sa kanyang linisan 'yon, mga tanga!

Itinuon nalang niya ang atensyon kay Tao na kalahating ulupong, hindi marunong din lumingon sa left side. Edi ano napala niya, "kaya mo pa bang maglakad mag-isa o kailangan pa nating sumakay sa tricycle?"

Tignan mo itong mokong na 'to, makatingin sa akin wagas akala mo mangangain ng tao.

"Thank you!" mahinang sambit nito kaya natulala ako sa kanya. Iba ang dating nito para sa kanya lalo na si Tao ang nagsabi para tuloy siyang biglang nagiging anghel. Anghel na walang pakpak na literal na sa lupa na talaga nagmula.

"S-sa susunod kase tignan mo ang likod mo bago ka maghabol, susugatan mo pa ang sarili mo. Ano may masakit ba sa'yo?"

"C-concern ka ba sa akin, Lucky?"

H-ha?

Concern ako sa kanya, saan niya naman nakuha ang ideyang 'yon. Nabunggo lang siya pero hindi nabaok ang ulo niya. Sandali, baka nga concern ako sa kanya lalo na't nakita ko itong nakasalampak sa kalsada.

"Tara na nga at baka gutom na sila mama sa bahay, baka masermonan pa tayo parehas." Kinuha ko muna sa lapag ang binili namin at inalalayan ko siyang tumawid sa kabila para hindi na kami tatawid mamaya.

Andito naman na kami malapit sa Micawayan kaya dalawang kanto nalang ay nasa Doña Andeng na kami pero dahil may galos ang loko. Inalalayan ko pa siyang maglakad, "kaya mo bang maglakad?"

"H-hindi."

Sabe ko nga na hindi, kung hindi ba naman siya tukneneng diba? Ang laki-laki na niya tapos nadidisgrasya pa. Medyo mabilis naman ang paggalaw namin kaya nalampasan na namin ang lotto station at furniture at papasok na kami sa street namin.

Pagkapasok namin nakita ko si Taho na naglalakad kasama si Kirei kaya tinawag ko sila.

"Huy! Mga bakla!"

Lumingon naman sila sa akin at naglakad palakad sa amin. Ang tingin nila ay nakay Tao kaya sinamaan ko sila ng tingin. Alam ko ang tingin na 'yan kaya nagkamali pa ata ako ng pagtawag sa kanila.

"Siya diba yung lalaking nakwekwento mo sa amin, ano nangyari sa kanya?" tanong ni Kirei na nakatingin lang kay Tao, mabuti talaga tahimik lang ang lalaking ito kung hindi siya umayos bibitawan ko talaga siya.

"Myghad ka bakla, hindi mo naman nasabi sa amin yummylicious pala itong boylet mo."

Inirapan niya lang si Taho, kabaklaan talaga nito.

"Tulungan mo nalang kaya akong alalayan siya bakla tutal malaman ka naman!" singhal niya dito. Ito naman ang umirap sa kanya kaya napangisi nalang siya, patay ka sa akin kapag tayo-tayo nalang ang magkakasama.

"Fafa, ako si Taho na kaibigan ni Lucky pero 'di swerte na isang aalalay sa'yo para makarating na agad tayo sa inyo."

Masyadong mahaba ang speech mo bakla, hindi tatalab 'yan sa lalaking ito. Straight pa 'to sa lapis at masarap pa. What masarap? May sinabi ba ako na ganoon.

Wala!

Sa tulong ni baklang Taho ay nakarating kami sa bahay ng maayos at itong si Tao ay kanina pa tahimik, nahuhuli ko pa itong nakatingin sa akin para siyang siraulong ulupong na walang itlog.

"Saan kayo galing Lucky?" tanong ni Tita kaya sinabi ko lang na nagkaroon ng kaunting kapalpakan at maayos naman na kami. Nagpaalam na agad kami dito at pumasok na sa loob ng bahay at nakita ko si mama na halos mag-isang linya na ang kilay dahil sa pagdating namin.

"Hindi naman siguro kayo lumaboy pa na dalawa bago umuwe diba? Gutom na kaming dalawa ni Pempen at inaantok na kami kakaantay sa inyo!"

Oh gracious! Please calm down 'ma.

"Hi tita!" duet pa ng dalawang bakla.

"Bakit ganyan ang itsura mo, Tao?" ang kaninang akala mo sasabak sa gyera ay napalitan ng pag-aalala ni mama para kay Tao. Pumasok na kami para maiupo ito sa sofa at nangangalay na rin ako na alalayan siya. "Lucky, anong nangyari sa kaibigan mo? Bakit may galos ang batang 'yan!"

Kaibigan? The hell. Hindi ko siya kaibigan at ni hindi nga kami close na dalawa tapos sasabihin niyang kaibigan ko. Kalokohan mo 'ma, siya nalang sana ginawa mong anak para masaya, grabe ang concern sa lalaking 'yan.

"Tita. Okay naman na ako saka malayo ito sa bituka, ang bulag ko po kase kaya nadali ako ng motor."

Maski si Pempen ay lumapit na sa amin na pumupungas-pungas pa, nakatulog na ata sa katagalan namin. "Ano po nangyari sayo kuya?"

"Huwag niyo na akong alahanin, tara kumain na po tayo."

Tulad nga ng sinabi ni Tao ay nag-asikaso na nga kami kumain. At ang dalawa kong kaibigan ay pinasabay na rin ni mama. Alangan naman na kami kumakain tapos itong dalawang bakla ay hindi.

Si Kirei ang nagpresinta na magdasal kaya pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Tao habang kumakain, hindi ko tuloy mabasa kung may masakit ba sa kanya o wala.

Baka balak niyang hindi sabihin sa amin para hindi na kami mag-alala. Wrong move 'yon kaya kung ako sa kanya kung may masakit na sa kanya ay magsabi siya.

Tapos na kaming lahat kumain at si mama ay inaasikaso ang galos ni Tao at kami naman ng mga bakla ay lumabas muna para tumambay sa tricycle.

"Pogi ni Tao."

[ Tao's POV ]

Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong gabi, pinilit ko lang na maging okay sa harapan nila at ayaw ko ng dumagdag pa sa mga iniisip nila, malakas naman ako at kaya ko ang sarili ko.

Pagkatapos kumain ay pinalinisan sa akin ni tita ang sugar ko kase lalagyan niya raw ng sapin. Si Lucky at ang dalawang kaibigan ay nasa labas naman mukhang magpapahangin.

Tapos na akong linisan ni tita kaya inayos ko ang gamit ko, gusto kong tumupad sa usapan naming dalawa ni Lucky at ayaw ko na patagalin pa 'yon lalo na ngayon na dumagdag pa sa asikasuhin.

"Oh, bakit mo inaayos ang mga damit mo? Huwag mo sabihin sa akin na aalis ka ngayon gabi. Hindi ka aalis, iho!" nagulat ako sa pagsigawa ni tita kaya maski atensyon ni Pempen ay nakuha namin at ang pagpasok nila Lucky.

"Lucky, kausapin mo nga itong kaibigan mo at nagbabalak na umalis ngayong gabi." Lumabas si tita kaya ang humarap sa kanya si Lucky na seryoso lang na nakatingin sa kanya.

"Pakisabi nalang kay tita na gusto kong umalis. Maraming salamat sa pagpapatuloy sa akin." Ayaw niya man na gawain 'yon pero may Isa siyang salita. Hindi naman ako kawalan sa kanila kaya makakalimutan din agad nila ako.

"Ay fafa, masyado ng gabi at kung gusto mo naman sumabay ka nalang sa akin at sa bahay ka na tumuloy. Don't worry, I'm harmless." Tumingin ako kay Taho at umiling, hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero kailangan kong umalis at hindi na sila idamay sa iniisip ko.

Isinara ko na ang bag at itinabi 'yon. Tumayo ako at binitbit ang bag ko, "paalam sa inyo."

"Kuya!"

Lumapit sa akin si Pempen na umiiyak kaya naibaba ko ang hawak kong bag at naupo ulit sa sofa para magkapantay kaming dalawa. Ayaw kong may nakikitang umiiyak kaya ang makita ang bata na umiiyak ay ang pagkirot ng dibdib ko.

"H-huwag ka pong umalis, d-dito kalang po!"

Bakit ka ganyan Pempen?

Huwag ka umiyak! Baka maging mahina ako kapag ganiyan ka. Mahal ka ni kuya, huwag ka umiyak please.

"Kailangan na ni kuyang umalis, Pempen. Makikita mo pa naman ako, eh. Hindi naman ako mawawala dyan sa puso diba? Kuya loves you!" Pinilit ko na maging maayos sa harapan nila lalo na't alam kong nakatingin siya. Mga mata nito na gusto kong sa akin lang nakatingin.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero sa tingin ko ito ang gusto niya. Ang mawala ako sa paningin niya, sana maging masaya na wala ako. Kahit bihira lang kami mag-usap ay siya pa din ang gusto ko.

Gusto kong maging girlfriend at kung papalarin ang babaeng ihaharap ko sa harap ng simbahan.

"H-hindi kuya dito ka lang, w-woy ate kausapin mo itong si k-kuya, dito lang siya sa bahay please,  kausapin mo siya ate!"

Ayaw kong humarap sa kanya.

Ayaw kong makita ang reaksyon niya sa pakiusap ng kapatid nito pero ang marinig ang sinabi nito ay siyang nagpatigil sa mundo ko.

"Gumising ka nga, Pempen. Hindi mo naman 'yan kadugo at huwag ka ngang iiyak-iyak d'yan, hindi mo naman siya kapatid at sampid lang siya dito!"

Alam ko naman na sampid lang ako sa pamilya nila pero masakit pala na sa ibang tao mo pa narinig.

"Lucky, umayos ka nga!" sabay puna ng dalawa sa kaibigan nila pero hinayaan ko nalang ito at hinawakan ko si Pempen at niyakap.

"Be a good girl, Pempen. Masaya ako na nakilala ko kayo, aalis na ako. Huwag mo akong kakalimutan."

Tumayo na ako at mabilis na naglakad, hindi ko na nilingon ang pagpalahaw ng bata. Ayaw kong magdalawang isip sa gustong gawain.

Hindi ko nakita si tita sa labas siguro ay nasa bahay nila tito kaya hindi na ako nakapagpaalam. Alam naman na siguro niya 'yon.

Huminto ako ng maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko pati ng ulo pero pinilit ko pa ding tumayo para makalabas pero ng nasa labas na ako ay ang paglabo ng paningin ko at sa oras na 'to ay pabagsak na ako kalsada.

Pero bago ako tuluyang nawalan ng malay ay isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Jusko! T-tao!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro