Part 8
[ Tao's POV ]
DAY-OFF ko ngayon kaya nakatambay lang ako sa bahay. Wala ngayon si tita kase umalis may importanteng pupuntahan at ang magkapatid lang ang kasama niya sa bahay.
Si Pempen ay abala lang sa pagbabasa habang nakikinig sa palabas na pinapunuod ko samantalang si Lucky ay hindi pa nalabas mula ng umalis si tita. Hindi pa rin kami okay at mas lumala lang ang pag-iwas nito nung sinubukan ko siyang kausapin.
Hindi ko alam kung bakit ganyan trato niya sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanya. Hindi nalang niya ako direktahin para alam ko kung ano ba talaga ang problema niya sa akin.
Pwede ko namang baguhin ang sarili ko kung may ayaw siya sa akin. Gusto ko pa naman sana siya kaso ayaw niya naman akong kausapin, hindi na talaga nasundan yung first night ko sa kanila.
Tumingin ako sa pinto ng kwarto pero napailing nalang ako sa panghihinayang.
"Kuya, ang gulo nitong binabasa ko." Napalingon ako kay Pempen na nakatingin sa kanya kaya tinanong niya ito kung ano ba ang nabasa niya.
"Ito kaseng babae sa binabasa ko kuya ay isang sikat na tao, marami siyang natutulungan na kapuwa niya pero sa buhat na ginagawa niya ay marami siyang kritisismo na nagsasabi na pakitang tao lamang 'yon para manatili ang kasikatan nito pero wala naman itong imik sa kritisismo niya. Bakit ganoon kuya?" tanong nito kaya lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nito. Mukhang seryosong-seryoso talaga siya sa binabasa, nakasanayan ko na ganito siya lagi kapag gusto niyang lumabas at kapag uuwe siya galing sa laro ay nagbabasa ulit.
Alam ko na sa paglaki nito ay mas lalawak ang kaalaman niya sa lahat ng bagay. Sa ngayon pa lang ay pursigido na itong matututo.
"Hindi kase lahat ng tao kaya nating kuhain ang puso nila, ibig kong sabihin ay kahit na anong gawain nating mabuti ay may tao talaga na maiinit agad ang dugo sa atin kaya nagkakaroon sila ng rason para dumugin ang isang tao na may magandang adhikain."
"Na kahit maliliit na detalye ay inaalam nila para may masabi sila sa'yo kahit malayo naman sa katotohanan. Pero ang mas magandang gawain dyan ay ang ginagawa ng babae sa binabasa mo, hindi niya nalang pinapansin."
"Bakit naman po kuya?" Palihim siyang napangiti ng makita sa vision niya ang nakasilip na si Lucky, pakiramdam ko na nadagdagan ang lakas ko kaya humarap ako kay Pempen.
"Mas maganda na hindi mo nalang palakihin ang nabubuong apoy kase mas malaki ang impact no'n kapag pinatulan mo pa." Tama naman ako na dapat hindi nalang patulan ang mga bumabatikos sa'yo bagkus ay gawain pa itong lakas para mas magpatuloy sa paggawa ng mabuting bagay.
Ginulo ko ang buhok ni Pempen bago bumalik sa pwesto ko kanina. Tahimik lang akong nakikiramdam sa paglabas ni Lucky. Gusto ko siyang makita at makausap para naman mas maging malapit kami. Hindi kase maganda na nasa iisang bahay kami pero hindi naman nag-uusap parang may galit sa isa't-isa.
Mabilis dumaan ang oras at ngayon ay nasa labas na ako ng bahay, may bibilihin kami na ulam. Kasama ko si Lucky na bumili, tahimik at seryoso lang sa dinadaanan namin.
"May problema ka ba? I mean, may problema ka ba sa akin," tanong ko sa kanya. At sana naman sagutin niya ako ng maayos, masyado siyang tahimik. Hindi ito umimik kaya nagsalita ulit ako hanggang sa mapasalita ko siya.
"Ayaw mo ba ako na nasa bahay niyo? Gusto mo bang umalis na ako para hindi ako makadagdag sa pagiging seryoso mo?" Kung hihilingin niya 'yon, why not hindi ba? Hindi naman ako tagarito, hindi naman ako imuseño, sampid lang ako sa bahay nila kaya walang dapat na kahinayangan kapag umalis ako.
Lumingon ito sa akin habang naglalakad pa din kami. Masaya niya akong tinignan pero nginitian ko lang siya, I like her, totoo yun! Gusto ko siyang maging girlfriend at maging rason ng mga ngiti niya pero paano ko gagawin yun kung mailap siya sa akin. Pogi naman ako sabi ni mama at ni Buboy pero sa mata ni Lucky, hindi siya sigurado.
"You know why, I don't need you. Hindi kita kailangan sa buhay ko, namin. Hindi ko nga alam kung talagang naligaw ka lang dito o intensyon mo na pumunta dito para magsumiksik." Iiwanan sana ako nito at babalik sa bahay kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ito sa kamay para mapalingon ito sa akin.
I accept the truth, I wonder na bakit ko nga pinagsisiksikan ang sarili ko kung pwede naman akong umalis. Sa tingin ko sapat na ang perang naipon ko para makabalik sa totoo kong trabaho o sa Mauban mismo.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Aalis ako pero bumili muna tayo ng pinabibili ng mama mo. Pagkauwe natin ay aalis na ako, don't worry hindi na ako magiging pabigat sa inyo, sa iyo."
Bahagya siyang nagulat pero hindi ko na 'yon pinansin at hinawakan na ang kamay niya pabalik sa bibilihan namin ng ulam.
"Ang k-kamay ko," aniya, kaya ibinaba ko ang kamay nito at magkasabay na kaming maglakad. Tahimik lang ako na nakatingin sa dinadaanan namin, hindi naman marami ang pinagdaanan ko kasama si Lucky kaya makakalimutan ko din siya kase mabilis namang mawala ang pagtingin ko sa isang tao. Siguro nga na dapat trabaho muna ang ipokus ko kaysa sa ibang bagay.
Bente dos pa lang naman ako at marami pa ang mangyayari. Hindi naman kailangan madaliin ang pag-ibig kase kusang nadating yun.
"Dito ka nalang at ako nalang bibili," sabe ko. Iniwan ko siya sa may gilid ng Dunkin donuts at ako na ang lumapit sa bilihan ng letsong manok
Isang order na buo ang kinuha ko dapat nga ay kalahati pero mas maganda kung buo na para marami silang makain.
"Kuya, ito ngang nasa gitna."
Sinimulan ng asikasuhin ng lalaki ang napili ko kaya pasimpleng kong tinignan si Lucky, nakatingin ito sa kanya kaya nagkatitigan kami pero ako na mismo ang unang umiwas.
"Ito na bata oh." Inabot ko ang order ko at nagbayad pagkatapos ay nilapitan ko na si Lucky na nakasimangot. May problema nanaman ba siya, para namang madami.
"Bago tayo umuwe, gusto mo ba nung kwekwek?" tanong ko dito.
"Kakain na tayo pag-uwe kaya bakit nang-aalok ka pa ng kwekwek. Kung gusto mo ikaw nalang ang kumain at sasama nalang ako." Mas mabuti nga iyon na samahan niya nalang ako para masaya pero sigurado siya ayaw niyang kumain masarap pa naman itong kwekwek. Minsan na akong nakatikim nito sa tapat ng work ko kase tuwing tutuntong ang alas kwatro ay napwesto sila sa kaharap na pwesto kapag wala na ang parking.
Naglakad na kami palapit sa tindahan, actually tatlo itong kwekwekan na magkakadikit. Kumuha na ako ng isa at nilagyan na ito ng sauce, inilapag ko muna yun sa lamesang karugtong at tumingin kay Lucky na seryoso lang nakaupo.
Ang seryoso naman niya parang buong mundo na ang pasan niya. "Ayaw mo talaga o gusto mo subuan nalang kita?"
Nanliit ang mata nito kaya dinampot ko ang mangkok na plastik at naupo sa tabi niya. Umiwas ito ng tingin sa akin kaya napangiti ako.
Sinimulan ko na ang kumain pero gumawa ako ng ingay para mapansin niya ako at matakaw din siya. "Ang sarap talaga nito, woah. Sayang lang talaga at hindi natitikman ng katabi ko."
"Ako ba ang pinariringgan mo?" tignan mo 'yan, nakakunot na ang noo parang sinasabi lang na masarap ang kwekwek, eh. Masungit talaga, paano kaya siya magkakaboyfriend niyan kung pati hindi dapat isipin ay iniisip niya.
"Hindi, ah! Kumakain ako, eh!"
Inirapan niya ako kaya natawa ako, sumama naman ang tingin nito dahil sa ginawa ko kaya napatigil ako at nagpatuloy nalang sa pagkain.
"Ilibre mo na nga ako n'yan at buwiset ka kase pinainggit mo ako."
"H-ha?"
"Ilibre mo kako ako. Ang bingi mo uy!"
Gusto niya din naman pala aayaw-ayaw pa. Tumayo na ako at nilagyan siya sa mangkok ng kwekwek pero tinanong ko muna ito kung anong sauce ang ilalagay at ang sagot niya kahit ano.
Wala naman akong nakikitang sauce dito na 'kahit ano', bahala na nga ito nalang sweet at kaunting suka ang nilagay ko pati pipino ay naglagay ako pero gamay lang.
"Here, miss masungit."
Tinanggap naman nito ang inabot ko at dahil kulang pa sa akin ang isa ay kumuha ulit ako, kailangan mabusog ako para mamaya kapag umalis ako ay may laman ang tiyan ko.
Sa totoo niyan nalulungkot talaga ako kase ayaw niya akong makasama samantalang gustong-gusto ko naman siyang makasama pero sa ilang linggo kong pagtuloy sa kanila pangalawang beses ko palang siya nakausap.
Tinapos ko na ang pagkain ko para mapanuod ang kahinhinan ni Lucky, iisa kase ang kinakain niya pero ang liit niyang sumubo. Parang sinusulit niya ang kinakain pero nung unang beses ko siyang nakasabay kabiles-biles niyang kumain kase ayaw niya akong kasabay. Basic.
No other than that. Wow! English. Hindi nga lang sure kung tama ang ginamitan.
Sa wakas ay tapos na siya, hindi naman ako nainip pero yung tao sa bahay baka sinusumpa na kami kase sa tagal naming bumalik. Eh, aalis pa naman ako at syempre kakain muna ako.
Hindi pwedeng walang laman ang tiyan kapag naglayas at baka matumba ka nalang somewhere tapos mapagtripan pa ako ng mga makakakita sa akin. I hate my mind, kung ano-ano ang naiisip pero yung babae talaga sa bus, eh. Makita ko lang talaga yun, sisingilin ko siya syempre.
"Iniisip mo?"
Hala, tinatanong niya ako.
"Ikaw. Ikaw. Ikaw. Tatlo na 'yan ah, para I love you!"
Napangiti ako sa reaksyon nito, hindi niya ata inakala na sasabihin ko yun sa harapan niya. Well, hindi lang naman ako isang Meridian kung hindi ko gagawin ang magpakatotoo sa nararamdaman ko para sa kanya. Siya lang naman ang magiging first girlfriend ko kung sakaling maging kami.
Aalagaan ko talaga siya na parang prinsesa. Tapos syempre ako ang prinsepe, alangan naman na iba, kapal mukha nila! Kahit aalis ako sa kanila ay babantayan ko siya. Akala niya, ah!
Marupok ba ako sa kanya?
Hindi naman, ah. Maganda lang siya, sexy, straight buhok, mabango tapos masungit pero mabait naman siguro.
"Letse!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro