Part 7
[ Tao Meridian's POV ]
DALAWANG LINGGO na akong namalagi sa bahay nila tita at tulad ng sinabi nito noon ay magkasama nga kami naghanap ng trabaho. At sa araw din 'yon ay may nahanap kami, isang all around sa karinderya sa palengke.
Hindi na ako umangal kase baka sumakit ang ulo ni tita at sabihing pihikan ako kaya ngayon ay ilang araw na din akong napasok dito.
8:00 - 9:00 PM ang schedule na ibinigay sa akin, madali lang naman ang trabaho pero may pagkasungit ang amo ko. Gusto kase nito na pulido ang ginagawa kaya maski maliliit na kamalian ay napupuna nito. Hindi pa naman niya ako sinisita kase bago palang ako pero yung mga nauna sa akin parang ayaw ng ganoon.
Sa unang araw ko pa lang do'n ay alam ko na agad na aalis na ang Isa sa kanila, nag-aantay lang daw ng kapalit. Nangyari nga 'yon nung isang araw kaya ang trabaho nang umalis ay nahati sa aming dalawa ni ate Jen. Mas matanda siya sa akin at pambabae itong manamit.
Sa kanya napunta ang pagluluto at ako naman sa paglalaga at paglilinis ng baboy, pati na ang paglilinis sa laing. Hindi naman mabigat kase ang tanghaling gawain ay tulong kami ni ate Jen pero ang sa gabi ay ako nalang mag-isa.
Sa pagtuntong kase ng alas singko ay umaalis na si ate Jen kasama ang mag-asawa, at ang kapalit ay anak nilang lalaki. Hindi siya iniimik nito kaya tahimik lang ako na nagtratrabaho. Ayaw niya din naman na makausap ito.
Gusto ko ng umuwe sa amin pero hindi pa sapat ang perang pinagtrabahuan ko para makauwe, kailangan ko ng pera na siyang pupunan sa pangangailangan naming pamilya. Alam na rin naman nila mama na andito ako sa Cavite at sinabi ko na huwag silang mag-aalala sa akin.
Nag-aabot din ako ng pera kay tita para pandagdag gastos. Ayaw niya sanang tanggapin kase para daw 'yon sa pag-uwe ko pero masyado akong mapilit kaya tinanggap nalang nito.
Pinapasalubungan ko din naman si Pempen ng paborito nitong snack, mura lang naman 'yon kaya walang kaso. Gusto ko lang punan ang utang na loob na pinatuloy nila ako sa kanila na walang pag-aalinlangan kahit na may isang tao do'n na ayaw akong makasama.
Simula kase ng gabing 'yon ay hindi na ako kinausap ni Lucky kaya parang walang gulo ay hindi ko siya iniimikan kapag nagkakasalubong kami. Wala naman akong lugar sa bahay na ito kaya dapat hindi ako mangialam sa kanila lalo na sa kanya.
"Magsarado na tayo kuya." Napalingon ako sa kasama ko sa trabaho ng sabihin niya 'yon kaya tumayo na ako sa inuupuan ko at nagsimula ng maglinis. Siya sa pagkain tapos ako sa paghuhugas hinantay ko na dumami ang hugasan bago simulan kaya inuna ko muna ang ilang bagay at ng matapos do'n ay nagsimula na akon maghugas.
Mabilis lang ang bawat galaw namin kaya sa loob ng kalahating oras ay natapos na agad kaming maglinis. At iniabot na nito sa akin ang susi para ikandado ang pinto, inayos ko ang pagkasarado no'n at iniabot na sa kanya.
Inabutan na ako ng pera nito para sa trabaho ngayong araw kasama ang allowance para sa pamasahe. Natawa pa nga ako kase kahit na malapit lang ang tinutuluyan ko ay binibigyan pa din nila ako ng para sa pamasahe.
"Salamat kuya, ingat." Paalam ko dito. Mas matanda siya sa akin pero tinatawag niya din akong kuya.
Kuyahan kaming dalawa.
Ginulo ko ang aking buhok bago maglaro, ngayon ko naramdaman ang pagod. Gusto ko na mahiga at matulog pero syempre kailangan ko munang maglakad bago makauwe.
Dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng snack para kay Pempen. Nakangiti pa ako habang naglalakad kase alam kong matutuwa 'yon sa pasalubong ko.
"Hindi ko alam pero naiinis ako sa presensya ng lalaking 'yon. Alam niyo ba na mas close pa siya ng kapatid ko kaysa sa akin." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa 'di kalayuan kaya tumingin ako sa dinaanan ko at nakita ko itong may kausap na dalawa kaya nagtago sa may gilid. Sila yung kaibigan ni Lucky pero hindi ko kilala kase hindi naman niya sa akin pinapakilala.
"Maldita ka kase kaya hindi kayo magkasundo ng kapatid mo at huwag mo ngang kainisan ang lalaking wala namang ginagawa sa'yo." Umirap ang lalaki pagkatapos magsalita. Palihim tuloy siyang napangiti kase kahit hindi nila ako nakakausap ay alam kong sa akin sila kampi.
"I agree, masyado ka kaseng hot headed. Hindi porket close ng kapatid mo ay maiinis ka ng ganyan depende nalang kung may lihim kang pagtingin kay Tao." Eh. Pwede ba 'yon?
"Alam niyo kamo wala kayong magandang nasasabi. Mga kaibigan ko ba talaga kayo o hindi, mga plastic kayo." Buwelta ni Lucky sa mga kaibigan niya bago ito naupo sa katabi ng mga ito. Naiinis talaga siguro siya, hindi ko naman na magiging ganoon ang reaksyon niya pagiging malapit namin ng kapatid niya.
Tumalikod na ako at naglakad pauwe. At pagdating ko sa bahay ay inabot ko kay Pempen ang snack at nag-abot na kay tita ng pera.
"Si Lucky ba napansin mo iho? Tinakasan nanaman ako ng batang 'yon."
"Hindi ko po napansin tita, maglinis po muna ako katawan." Paalam ko dito na ikinatango lang nito. Kumuha na ako ng pamalit at pumunta sa banyo. Habang naglilinis ako ay papikit-pikit na ang mata ko na parang gusto ng bumagsak kaya dinalian ko nalang ang pagkilos para makahiga agad.
Nagsuot na siya ng damit bago lumabas. Tumingin siya sa salamin para tignan ang sarili at inayos ang buhok.
"Iho, kumain ka na muna dyan."
"Hindi na po siguro tita. Gusto ko na pong matulog, marami po kaseng ginawa kanina." Wala siyang ganang kumain ngayon at gusto niya lang na matulog lalo na bukas ay maaga ang pasok niya.
"Ganoon ba, sige magpahinga ka na."
Inayos ko ang hihigaan ko at walang ano-ano na binagsak ang katawan sa sofa at agad na nakatulog.
[ Lucky's POV ]
ALAS DOSE na ako nakauwe ng bahay nagpalipas oras pa kase siya sa kanto para mag-isip. Maski ang kaibigan niya ay kumakampi sa lalaking 'yon. Hindi naman nila kilala si Tao para kampihan ito, nakakainis talaga.
Tahimik na ang bahay ng makapasok ako, tulog na din si Tao na nakadapa pa kaya marahan lang bawat hakbang na ginawa ko at baka magising nanaman siya.
Mukhang pagod na pagod ang loko, ano ba ang trabaho niya sa karinderya na 'yon at tuwing uuwe siya ay mukhang pagod na pagod pero kahit ganoon ay dinadalahan niya pa din ang kapatid ko ng pasalubong.
Gwapo pa naman sana siya kaso naiinis talaga ako sa kanya. I don't know why pero kapag nakakasalubong ko ito ay naiinis ako lalo na kapag hindi ito nakikipag-usap sa kanya.
Wala naman dapat siyang pakialam kung hindi siya pansinin nito kase hindi rin naman niya ito papansinin.
Imbes na mag-isip pa ay pumasok na siya sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama. Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa at tinignan ito.
The hell. Nagtetext nanaman yung lalaki na nakilala nila sa MCI. Hindi niya kase bet ang lalaki na 'yon, iba ang dating nito sa akin pero dahil makulit ang dalawang kaibigan niya ay ibinigay niya nalang ang number niya na dapat hindi nalang niya ginawa kase time to time nagtetext ang lalaki. Binalewala nalang niya 'yon at ibinagsak ang phone sa katabi at ipinikit ang mata pero tumunog nanaman ito kaso hindi ko na pinansin.
Paidlip pa nga lang siya ng marinig niya ang mahinang boses ni Tao, nung una ay hindi niya pinansin ito pero palakas nang palakas ang boses kaya tumayo na siya at sumilip siya sa pinto.
Ang laki talaga niyang abala. Hindi talaga siya marunong makiramdam.
"Mama, mama, mama!"
"Babalik na ako, babalik na ako. Huwag niyo akong iwanan mama!"
Kumunot ang noo niya sa sinasabi ng lalaking ito. Nagsasalita pala siya ng tulog kaya marahan siyang lumapit dito para pagmasdan. Siguro namimiss na nito ang mama't papa niya.
"Mama! Huwag. Huwag po, babalik na ako!"
Lumapit siya dito at mas nakita niya ang mukha nito ng malapitan, natulo ang luha nito kaya bahagya siyang napaurong. Ano ba ang laman ng panaginip niya.
Bumuntong hininga siya bago muling lumapit at tapikin si Tao pero nag-aalangan siya kase hindi sila close at baka isipin nito na nag-aalala ako sa kanya kaya umayos ako ng tayo at tatalikuran na siya kaso nagsalita nanaman ang loko.
"Sorry po mama, babalik na ako!"
Humarap ulit ako sa kanya dahil kailangan niyang magising sa panaginip na mayroon siya. "Tao, wake up."
"Mama. Papa!"
Tinapik niya ito ng tinapik pero mukhang mali at ang ginawa niyang paggising dito kase bigla siya nitong hinila sa kamay at niyakap.
Ang senaryo tuloy nilang dalawa ay nakapatong ang katawan niya sa lalaki kaya mas natitigan niya ng malapitan ang mukha ni Tao. Hindi tuloy siya makaalis agad, parang ang bigat-bigat ng dinadala ng lalaking 'to.
"Mama, mahal po kita."
Sa pagkasabi no'n ni Tao ay may naramdaman siyang kirot sa dibdib niya kaya agad siyang kumalas sa yakap nito at patakbong pumasok sa kwarto niya.
Wala na siyang pakialam kung magising ang lalaki sa ginawa niya. Pagkapasok niya sa kwarto ay isinara niya ito at sumandal.
Bakit parang apektado ako sa sinabi nito. Hindi dapat ako magpadala sa bagay na 'yon, mahalaga sa akin ang mama ko pero hindi naman ako vocal sa nararamdaman ko para dito.
Isa lang ang alam niya sa sarili, hindi niya makakayanan na mawala ang dalawa sa buhay niya. Hindi niya kakayanin at baka ito pa ang
ikamatay niya.
Nakakainis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro