Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 6

"TAO!"

Nilingon niya si Lucky ng tawagin siya nito kaya tumayo siya para lumapit dito. Kumunot ang noo ko ng ilahad nito ang kamay niya kaya ipinatong ko do'n ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawak-hawakan nito kung sakali.

Gusto niya tuloy maging girlfriend ito para lagi niyang mahawakan ang kamay nitong malambot. May nakahawak na ba sa kamay niya, mga ilan na kaya ang nakagawa. Pwede ko bang halikan 'to at amuyin pero baka magalit ito.

Pero hindi dapat siya magmadali at kakakilala niya pa lang sa babae. Hindi dapat ganoon, kailangan makilala ko muna siya ng matagal.

Siguro humahanga lang ako dito kaya ganito nalang ang nararamdaman ko. At kahit ganoon ay nakalimutan ko kahit sandali na lumampas ako. "Ang bango naman ng kamay mo."

"Aray!" daing ko ng may pumitik sa noo ko kaya nabitawan ko ang kamay nito at kumisap-kisap na tumingin dito. Nakataas ang kilay nito na parang galit kaya umayos ako at tumingin dito ng maayos.

"Pahingi ako ng tubig. Para kang nababaliw, kung hindi ka lang bisita sa bahay namin baka isipin ko na maling lugar ang tinuluyan mo." Inirapan siya nito kaya nagmadali na siyang kumuha ng tubig at iniabot dito. "Tagasaan ka ba?"

"H-ha?"

"Sabi ko tagasaan ka, hindi kita kilala kaya alam ko na hindi ka namin kamag-anak. So, saang lupalop ka galing?" Hindi ako nakaimik sa tanong nito kase nadala ako sa mukha ng kaharap, hindi lang perpekto ang hubog ng katawan nito kundi may malinis at maputi din itong balat.

Bihira lang ako makakita sa Mauban na ganito kagandang babae. Siya na ata ang magiging lucky ng buhay ko at titira kami sa Mauban kung saan kami bubuo ng pamilyang masaya.

Magiging mabuti akong asawa sa kanya, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging isa akong humarang asawa.

"Iisipin ko talaga na baliw ka. Tss!"

"H-ha?" kumamot ako sa ulo ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay umabot sa kung saan ang imahinasyon ko. Hindi naman siguro masama na mag-isip ako ng ganoon lalo na't lalaki ako at babae siya. At normal nalang 'yon na mangyari. Tama naman ako diba, bagay naman kami pero dapat kilalanin muna namin ang isa't-isa. "Mauban, Quezon ako nakatira."

"So, why are you here? Are you lost?"

Siguro nga ay naliligaw siya pero ako lang ata ang naligaw na hindi masyadong nag-aalala para sa sarili ko kase nakita ko ang lucky sa buhay ko sa katauhan ng mga taong ito. Pakiramdam ko na tanggap na tanggap nila ako dito at maituturing ko na din silang pangalawang pamilya.

Kahit na ilang oras pa lang ang nilalagi niya dito ay mas nakilala niya ang mga tao dito.

"Wala ako dapat dito kase sa Manila talaga ang sadya ko kaso nakatulog ako sa byahe at dito ako napadpad sa Cavite. Hindi ko pa alam ang pabalik do'n lalo na't hindi naman ako nakarito."

Sana talaga ay macontact niya mamaya ang mama niya para masabi dito na huwag siyang mag-alala at nasa maayos naman akong kalagayan. Panigurado ako na sa oras na ito ay nagtatalo nanaman sila ni papa.

"May pera ka naman siguro pero bakit hindi ka nagtanong-tanong sa highway para makapunta sa paroroonan mo." Sana nga ganoon lang kadali 'yon para sa sitwasyon niya. Ni pisong kusing ay wala siya at pati ang cellphone niya na ilang taon na sa kanya ay tinangay din ng babaeng 'yon.

Hindi ko din matanggap na dahil sa akin ay naging ganito ang kapalaran ko. Ako naman ang pinagmulan nito kaya ako talaga ang may kasalanan. "Nanakawan ako kaya wala akong pera maski sipi."

"Hindi ka siguro nag-iingat kaya ka nanakawan pero kung ako ikaw dapat bago ka pumunta sa isang lugar ay alamin mo ang mga dapat mong alamin. Hindi yung panay ka bira tapos ikaw naman ang magiging talunan." Tumingin siya dito ng seryoso, siguro nga ay tama ito. Lalo na nung sinabi ni papa na itago niya ang pera sa bag para kapag nanakawan siya ay may extra money pa siya pero hindi niya sinunod at nilagay pa din sa bag niya at ang tangang part do'n ay sa unahan ko pa nilagay ang bag.

"Tapos na ako magluto, pasuyo naman nung mangkok para lagyan."

Kumuha nga siya ng mangkok at inabot kay Lucky. Ngumiti ako dito pero inirapan lang niya ako na nagpangiwi sa akin. Akala ko pa naman ay okay na kami pero mukhang curious lang ito sa nangyari sa akin kung bakit ako nasa bahay nila.

Pero okay lang naman 'yon sa kanya.

"Iho, tapos na ba kayo d'yan pwede na ba tayong kumain?" tanong ni tita.

"Opo tita," sagot niya pagkatapos abutin kay Lucky ang mangkok. Inilapag niya ito sa lamesa kaya nagsandok din siya ng kanin. Bumaba na rin naman sila tita at Pempen at tumulong sa paghahain.

Nasa ganoon kaming senaryo ng makarinig kami ng ingay sa labas. Ito na siguro yung tinutukoy ni tita kanina. Lahat kami ay nasa harap na ng lamesa at nagsimula ng kumain pagkatapos maglead ng prayer ni Pempen.

Tahimik lang ako kumakain at ganoon din si tita. Para tuloy kaming galit-galit sa tagpong ito, hindi siguro close si tita at Lucky.

"Kumain ka ng marami, iho. Para bukas ay makasama ka sa akin para maghanap ng trabaho mo...at ikaw Lucky, bantayan mo ang kapatid mo at sasamahan ko itong bisita natin."

"Umalis kayo kung gusto niyong umalis bata pagbalik niyo ay ako naman ang aalis." Napailing nalang talaga siya sa sinagot ni Lucky, mabuti nalang talaga na hindi na ito pinatulan ni tita.

"Oo nga pala saan matutulog ang lalaking 'to. Huwag niyo sabihing sa kwarto ko, magkakalintikan talaga tayo dito 'ma." Sumama ang tingin ni tita kay Lucky Kaya para hindi na lumala ang tensyon sa pagitan ng mag-ina ay nagsalita na agad siya.

"Dito nalang po ako matutulog tita sa sofa. Sanay naman po akong matulog sa ganito. Huwag niyo na po akong alahanin saka nakakahiya din po kay Lucky."

"Mabuti naman at alam mo."

Mukhang kailangan niyang suyuin ito hanggat nandito pa siya. Hindi pwede na ganyan siyang makipag-usap sa mama niya lalo na't ito ang bumubuhay sa kanila. Kung wala silang nanay hindi magiging ganito ang buhay nila.

Tinapos na agad ni Lucky ang pagkain at binitbit ang ginamit na plato. Pagkapasok nito sa loob ay umakyat agad ito sa kwarto niya kaya nakita ko ang pag-iling ni tita.

"Wala talagang modo." Hindi 'yon bulong kase narinig namin ni Pempen. May alitan ba ang mag-inang ito pero kung mayroon nga ay hindi nalang niya panghihimasukan.

[ Lucky's Point of View ]

Alam ba niya ang sinasabi niya, hindi porke't may bisita sila ay sa kwarto ko agad ang bagsak ng lalaking 'yon. Mabuti nalang talaga na sumagot ang bisita nila na sa sofa nalang matulog, mas mainam nga 'yon para hindi siya makagulo.

Ito kase ang hirap kay mama, masyadong mabait sa ibang tao pero sa mga anak ay hindi. Lagi nalang may sermon kapag kikilos kaya mas ginugusto ko na lumaboy nalang kasama si bakla at si liit. Kahit papaano ay nagiging magaan ang pakiramdam niya at nawawala kahit panandilan ang pagkainis niya sa mama niya.

Kung hindi ba naman kalahating tanga ang tatay ko hindi sana siya naghanap ng ibang babae para lang matakasan ang responsibilidad niya sa amin. Wala naman siyang pakialam kung bumalik ito o hindi kase simula ng umalis ito at nawalan na ako ng amor sa kanya.

Ang mga lalaking ganoon ay matatawag na duwag. Pagkatapos magkaroon ng dalawang anak, nagawa pang humanap ng kapalit. Hindi din naisip na may anak siyang babae.

Kinuha ko ang cellphone at earphone para hindi marinig ang ingay sa labas ng kwarto ko. At sino ba ang niloko ko na hindi ko narinig ang sinabi ni mama na wala siyang modo. Aminado naman siya na wala siyang modo pagdating sa kanya pero maldita lang ako sa ibang tao.

Mahal ko naman ang nanay ko pero minsan kase wala ng sense ang panenermon niya. Kung may chance lang sana siya na pumili ng magiging magulang matagal na siyang nakapili.

Nawala ang sound sa phone ko kaya tinignan ko ito kase may text message.

"Beks, gora ka sa MCI?  May inuman do'n baka bet mo."

Syempre gogora ang bakla, alangan naman na hindi. Eh 'di nahuli siya sa ganap ng mga bakla. Tinanong niya agad dito kung kasama si liit kase bihira lang 'yon makalabas kase strict ang lolo.

Kasama raw ang baklang maliit kaya naghanap na agad siya ng susuotin. Simple lang ang sinuot niya kase malapit lang naman ang MCI at iisang sakay lang 'yon.

Alas diyes ang oras ng alis nila kaya naglagi muna siya dito sa loob ng kwarto niya at inantay na manahimik ang paligid.

"Iho, ito ang ulan at kumot mo. Magsisinde na din ako ng katol para hindi ka lamukin."

See.

Masyado siyang mabait sa ibang tao. Sana naman ay maging pantay ang trato niya sa amin. Hindi naman nananakit si mama pero sa bunganga ka niya dadaliin at iyon ang kinaaayawan niya kase masakit sa taenga.

"Salamat po tita. Matulog na po kayo."

Tama 'yon mama kailangan mo ng matulog pati ang maldita kong kapatid para makaalis na ako. Pero kailangan pala na maglinis muna ako ng katawan bago umalis. Sa dami ng pinuntahan nila kanilang tatlo ay napunta na sa katawan niya ang mga alikabok.

Ang boring talaga kahit kailan ng fiesta sa kanila. Wala man lang kaamor-amor, pagkatapos lang ng karakol ay wala na at back to normal. Siguro ganoon lang ang sa tingin niya kase hindi marami ang handa nila.

Tatahimik na ako. Feel ko masyado na akong toxic.

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang susuotin ko sa pag-alis ng makita kong nakatingin sa akin si Tao kaya inirapan ko ito bago lampasan. Wala akong panahon para kausapin pa siya, mas mainam na huwag nalang niya ito pansinin.

"Lucky, saan ka pupunta?"

Humarap siya dito, "sa banyo, sasama ka." Umiling ito kaya nagpatuloy na siya sa banyo. Mabuti nalang at sarado na ang kwarto nila mama kaya hindi siya makikita nitong umalis.

Sumilip siya sa butas ng matapos siyang maglinis ng katawan. Nakahiga na sa sofa si Tao kaya kailangan na niyang lumabas sa banyo para bumalik sa kwarto niya para mag-ayos.

Mabilisan lang ang pagkilos niya at nang makitang maganda na siya ay lumabas na siya ng kwarto at marahan na pagkilos ang ginawa niya para hindi siya mahuli.

"Saan ka pupunta at ayos na ayos ka?" Anakng! Hindi pa pala tulog ang kumag na 'to. Akala ko pa naman ay smooth na ang pagtakas ko pero hindi pala.

Buwiset talaga na panot.

"Is none of your business."

Anak ng tinapa na walang paa oh!

"Wala ka ng pakialam kaya magkunware ka nalang na hindi mo ako nakita." Pakiusap niya dito sa mahinang boses, hindi siya pwedeng mawala do'n. Ayaw niyang mahuli sa mga ganap ng bakla.

"Gusto mo bang magalit sa akin ang mama mo."

"Wala akong pakialam sayo!"

Hindi nalang niya ito pinansin at naglakad na palabas ng bahay. Wala siyang karapatang manghimasok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro