Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 5

WALA siyang napala sa pagtawag niya kase out of coverage ang cellphone ni mama tapos ang kay Buboy naman ay walang sumasagot. Nagloloko nanaman siguro ang cellphone no'n kaya hindi makasagot.

Inabot na niya pabalik ang hiniram at nagpasalamat. Kinuha naman ito ng mama ni Pempen at tumingin sa kanya na nagtatanong.

"Hindi po sumasagot silang pareho, eh. Ilang beses ko ng tinawagan." Napakamot siya ng ulo habang tumatayo, siguro kailangan na niyang umalis dito at baka nakakaabala na siya.

"Oh, saan ka pupunta? Hindi ba nga sabi mo na hindi sumagot ang tinawagan mo." Tumayo ito sa inupuan at lumapit sa sakin. Hinawakan nito ang braso ko kaya napatingin ako do'n.

"Maghahanap nalang po siguro ako ng matutulugan baka po kase makaabala na ako sa inyo lalo na't hindi niyo naman po ako kilala."

"Ang bahay ko ay bukas sa mga katulad mo na kailangan ng tulong. Pumarito ka muna kahit ilang gabi tapos ihahanap nalang muna kita ng trabaho para may magamit ka pabalik sa Manila." Ang tanong ay okay lang ba talaga sa kanila hindi ba sila naiilang sa akin lalo na't nabanggit nila kanina na tatlong babae sila dito.

"Okay lang po ba talaga?"

"Kuya, huwag ka na makulit. Kapag sinabi ng mama ko na dito ka tumuloy, dito ka po talaga tutuloy." Si Pempen ang sumagot kaya napatingin siya sa mama ng bata at tumango lang ito sa kanya. Hindi ba may isa pa, baka mamaya niyan ay kumontra 'yon sa pagtuloy niya dito.

"Maupo ka na muna dito at magluluto lang ako. Huwag ka mailang sa amin, mas gusto namin na may ibang tao sa bahay lalo na't lalaki kase alam mo naman ang panahon ngayon maraming masasamang tao at kailangan namin ng lalaki para magtanggol sa amin." Sabagay, may tama naman si tita sa sinabi niya kaya hanggat wala pa akong nahahanap na pera ay dito muna ako at tutulong sa gawaing bahay. Ihahanap din naman siya ni tita kaya habang wala pa ay ganoon ang gagawin niya.

"Ang tutulugan mo pala ay dito, kwarto 'to sana ng anak kong babae kaso sa katabi nalang namin siya matutulog hanggang hindi ka pa nakakaipon ng pera pabalik sa Manila." Paano ako babalik do'n kung hindi ko naman alam ang eksaktong lugar ng pupuntahan ko. Basta ang alam ko lang ay Manila.

"Hindi po ba magagalit ang anak niyo kung papatulugin niyo ako dito sa kwarto niya." Tumaas ang kilay ni tita kaya napakapit siya sa sofang inuupuan niya.

"Wala siyang laban saakin dahil ako ang nanay niya at kapag umangal siya sa bubungan siya matutulog." Hala. Sa bubungan matutulog ang anak niyang babae kapag umangal. Parang bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa sa sarili lalo na't baka siya ang pagbuntungan ng anak nito kung nagkataon. "At oo nga pala, yung bahay sa unahan asawa ng tatay ko ang nakatira kasama ang mga apo tapos itong nakikita mong dingding ay bahay naman ng kapatid ko. Sa ngayon ay wala sila kase may pinuntahang kainan."

"Sandali kumain ka na ba?" tanong nito. Biscuit lang ang kinain niya simula ng umalis siya sa Mauban. Nahihiya naman siyang sumagot ng hindi lalo na't kulang pa 'yon para sa kanya.

"Opo kuma-"

"Sabe ko na nga ba at hindi ka pa kumakain. Alagaan mo ang sarili mo iho, gwapo ka pa naman." Hindi pa nga niya natatapos ang sinasabi ito namang sikmura niya ang umepal, nabuko tuloy siya na gutom pa siya. Naaawa tuloy ako sa sarili ko, pasaway kase ang magandang babae na 'yon kaya pala may nalalaman itong pagpisil sa hita kase nanakawan lang siya.

Sayang ang ganda ng babaeng 'yon kung hindi matino ang gawain nito para kumita ng pera. Maski pa ang pipitsugin niyang cellphone ay tinangay, 'yon na nga lang pinagtitiyagaan niya dinekwat pa. Hanep naman talaga na nilalang.

"Sandali kukuha muna kita ng makakain."

"Pasensyahan mo na itong pansit at biko, ah. Walang budget na malaki para maghanda ng bongga saka isang araw lang naman ang piyesta at baka masayang lang kung nagkataon." Itinango niya lang ang kanyang ulo para sumagot, nahihiya na kase siya ngayon. Kalalaki niyang tao ay magiging kargo pa siya ng mga babae. Bakit kase pinili ko pa na pumunta sa malayo para magtrabaho kung marami naman sa Mauban.

Kaso kahit anong dami ng trabaho do'n ay hindi ko naman gusto. Iniabot sa kanya ni tita ang plato na may laman ng kakainin niya kaya kinuha niya ito at nagpasalamat.

"Bibili lang ako ng softdrinks para may mainom ka." Mabilis siyang umalma kase hindi siya nainom ng drinks.

"Tita, tubig nalang po ang iinumin ko."

"Sigurado ka? Sige. Bibili nalang ako ng yelo para malamig ang mainom mo." Umalis na agad sa harapan niya ang ginang para bumili ng yelo kaya siya ay tahimik na kumakain habang inaaral ang bahay. May cabinet na nakalagay malapit sa sofa na inuupuan ko at nasa labas ang banyo at kita dito sa inuupuan niya ang TV.

Tapos si Pempen ay nakadapa habang nagbabasa ng libro at nakatutok sa kanya ang electric fan na walang takip.

Simple lang talaga ang bahay pero makulay ito kase iba't-iba ang kulay. May kulay pula, orange, maroon, puti, berde at peach. Lahat 'yon ay nakadepende sa posisyon katulad ito ng Mall na nakita niya kanina.

"Kuya, okay kalang po ba?"

"Ha? A-ah, oo. Tinitignan ko lang ang bahay niyo kase sa amin kahoy lang din ang bahay namin. Iisa lang ang kwarto at katabi na agad no'n ang banyo tapos sila papa natutulog malapit sa pinto." Wala sa sarili niyang naikwento 'yon sa bata. Ilang oras pa lang siyang wala sa kanila pero nalulungkot na agad siya, okay lang sana kung nasa trabaho siya pero sa sitwasyon niya ngayon ay kailangan niyang makisama sa tutuluyan niya.

Sana naman hindi nagtatalo ngayon ang magulang niya dahil sa pag-aalala sa akin. Huwag sana nilang sisihin ang sarili nila dahil sa ginusto ko ding mangyari.

"Hala ka kuya, bakit ka po naiyak." Nagulat siya sa sinabi ng bata kaya gamit ang isang kamay ay tinuyo niya ang luha niya. "Makakabalik ka din po agad sa inyo, kuya. Huwag ka pong mag-alala dahil tutulungan ka ni mama at sasabihan ko si ate na maging mabait sayo pag-uwe niya."

Ngumiti nalang siya sa bata para hindi na ito mag-alala. "Maraming salamat sa'yo, Pempen."

"Walang anuman 'yon, kuya. Basta laban lang po." Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa sinabi ni Pempen, alam kong lalaki itong mabuting bata. Bumalik na ito sa pagbabasa kaya ako ay sinimulan na ulit ang pagkain.

Masarap ang pagkaluto ng biko, malinamnam at siksik ang lasa. Lalo na itong latik niya sa ibabaw, mas nagbigay lasa ito. Bigla tuloy niyang naalala ang unang beses na nilutuan siya ng biko ng kanyang nanay, sarap na sarap siya noon kaya ipinagdamot niya 'yon sa mga kaklase niya kase ayaw niyang mabitin.

Lord. Gabayan niyo po ang magulang ko.

"Sorry kung hindi agad ako nakabalik kase yung matanda na binilihan ko marami pang sinasabe."

Pawis na pawis si tita kaya alam ko na nagmadali pa itong bumalik para sa akin. Ibinaba ko ang plato at ako na ang nag-asikaso sa sarili ko. Masyado nang nakakahiya kung pati sa iinumin ko ay ito pa ang gagawa. "Ako na po tita."

"Ikaw ang bahala."

---
Madilim na sa labas at oras na raw magluto ng pagkain nila ngayong gabi. Hindi pa nauwe ang anak na tita kaya nanenermon ito habang naggagayat ng repolyo.

Gusto niya raw na ulam na gulay kase diabetic daw siya kaya kami lang daw tatlo ang kakain kaya tumulong na ako maghiwa ng ilang kailangan at inilagay 'yon sa malinis na lagayan.

Si Pempen naman ay abala lang sa panunuod ng TV at kung makahalakhak ito ay parang walang bukas. Mas mainam na din 'yon kaysa sa alisan siya ng karapatan maging masaya, lalo na't bata pa ito.

"Alam mo 'yang anak ko. Masasabunutan ko talaga 'yan, sinabi ko sa kanya na huwag magpapagabi tapos hanggang ngayon ay wala pa din. Malilintikan talaga siya sa akin!" Hindi ako umimik at hinayaan lang si tita na magsalita baka kase madamay ako kapag nakisali pa ako. Saka hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya kaya hindi dapat ako mangialam.

"Pempen, itext mo na nga ang ate mo at nanggigil na talaga ako dyan. Manang-manang talaga siya sa pinagmanahan niya." Sumunod naman agad si Pempen at kinuha ang cellphone para itext na ang ate nito. Siya naman ay dinala na sa malapit sa lutuan ang mga rekado kase magsisimula na magluto si tita.

"Anong ingay nanaman 'yang naririnig ko sa labas. Masyadong nakakabulahaw." Isang babae ang pumasok sa loob ng bahay, may nginunguya pa itong bubble gum at walang kagatuy-gatuy na lumapit sa mama niya para magmano.

"Sino naman ang lalaking 'yan at bakit nandito?"

Siya yung babae kanina na may kasagutang lalaki. Anak pala siya ni tita pero hindi niya inaasahan na dito niya makikita ulit ang babae.

"Huwag mong intindihin ang bisita natin. Ikaw, saan ka nanaman ba nakarating at late ka nanamang umuwe at kaba-"

"At kababae kong tao ay kung saang lupalop ako napadpad, hindi ka na natuto at napakatigas ng ulo mong bata ka," dugtong ng anak ni tita. Nagulat naman ako kase parang kabisado na nito ang sinasabi ng mama niya kapag sinesermonan siya. Palihim naman siyang napangiti kase napakatikas ng ugali ng anak ni tita.

"Aba't..mas marunong ka na sa akin, ah. Osha, magluto ka. Magpatulong ka dito sa bisita natin! Mamamatay ako ng maaga ng dahil sa'yo."

Nagpunas noo si tita bago umakyat ito sa higaan nila at nagtutok ng electric fan. Siya naman ay nahihiyang tumingin sa babae na masama pa din ang tingin sa kanya kaya hindi nalang siya umimik at nilampasan nalang ang dalaga.

"Igisa mo 'yan, Lucky! Nariyan na ang mga rekado, huwag mong alatan at 'yan ang kakainin ko." Paalala pa ni tita sa anak nito.

"Oo na." Naramdaman niya ang paglapit nito sa akin kaya hindi ako lumingon. "At ikaw, bakit ka nasa bahay namin. Sino ka at saang lugar ka galing?"

"A-ah, ako si Tao at taga -"

"Tigilan mo ang bisita natin, Lucky! Sasabunutan talaga kita dyan, huwag mo akong simulan at napapagod na ako." Narinig niya ang pagsinghap ng anak ni tita. At walang anu-ano na sinanggi siya kaya wala siyang imik na bumalik nalang sa sofa. Palihim niya naman sinusulyapan ang babae na seryoso lang na nagluluto.

"Stop staring at me, dude. At baka matunaw ako." Umiwas ako ng tingin ng mapansin nito ang pagtingin ko sa kanya. Ang ganda niya kaso mukhang suplada at masungit.

May boyfriend na kaya siya?

Baka mayroon na kase maganda ang anak ni tita kaya imposible na wala itong boyfriend. Hindi na siya muling tumingin at nanahimik nalang sa tabi.

"Tao!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro