Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 4

HINDI ko na alam kung nasaan na ako, nagpatuloy lang ako maglakad hanggang sa may nakita akong palengke. Tama nasa palengke na ako, marami din ang tao dito. Malamang tutoy, marami talaga 'yan kase palengke nga, eh.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa may matanaw siyang Croissy kaya lumapit siya do'n kase may libreng inumin at pineapple juice ang flavor. Humingi siya kaya binigyan siya ng babaeng mukhang masungit, ininom niya muna ang isa tapos kumuha ulit tapos binigyan din siya ng biscuit kaya tinanggap niya nalang.

"Maraming salamat po."

Tinuloy na niya ang paglalakad hanggang sa makaramdam siya ng pagod kaya naglakad muna siya sa street na Doña Andeng batay sa nakalagay sa kanto.

Inilapag niya ang bag do'n at naupo. Iilan ang tao na dumadaan dito, nakakatuwa rin dahil may banderistas sa bawat paligid nitong street. Wala kase no'n sa palengke.

Inubos na niya ang juice at biscuit at itinapon sa malapit na basurahan. Tahimik lang siyang pinapanuod ang nasa paligid, may mga batang masayang naghahabulan at may matatandang naghahanda para mag-inuman.

May isang bata na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Kuya pogi, sali ka sa laro namin." Napakamot siya ng ulo kaya bago siya makipaglaro sa mga bata ay inayos niya ang bag. Siguro naman wala ng kukuha ng bag niya kase wala ng laman. Sana naman ay tinanung siya nung magnanakaw sa balak nito kuhain ang pera't cellphone niya para naman aware siya.

"Bata, malayo ba itong Doña Andeng sa Manila?" tanong niya sa bata na kinunutan lang siya ng tingin. Mukhang mali ako ng tinanungan kaya binawi ko nalang ang tanong kase maski itong bata ay walang ideya katulad niya.

"Ito nalang pala siguro may cellphone ka. Pwedeng makigamit para maitext ko lang mama ko."

"Malaki ka na pero wala ka pang cellphone, ako kase seven years old may cellphone na binili ako ni mama noong birthday ko." Sana lahat may cellphone sa gayang edad kase ako noon ay simpleng buhay lang ang kinagisnan. Makapaglaro ka lang sa labas ng bahay ay masama na ako pero itong batang ito mukha naman siyang mabait kaya sigurado siyang mapapahiram siya nito. "Ang problema nga lang kuya, nasa bahay. Dulo pa po kase kami eh. Gusto mo po sumama do'n at huwag na tayong maglaro."

Jusko. Hindi naman niya pwedeng hatakin agad ang bata papunta sa bahay nito lalo na't kaya nga siya dumayo dito para makapaglaro tapos dahil lang sa kanya mauudlot 'to.

"Hindi na muna bata. Tapusin muna natin ang paglalaro mo bago ako sumama sa'yo, pero hindi na ako makikipaglaro sa'yo kase big boy na si kuya." Nagulat siya ng inirapan siya ng bata at patakbong pumunta sa kalaro pa nitong bata. Napakamot nalang siya ng ulo, mukhang may attitude problem ang babae.

Muli ulit siyang naupo at pinagmasdan nalang ang mga batang na naglalaro. Paano na siya ngayon, saan ako matutulog ngayong gabi.

Hindi naman pwedeng sa lansangan siya matulog mamaya. Hindi siya sanay pero kung isang araw lang ay kakayanin niya pero kung tumagal pa ng dalawang araw ay hindi na niya alam ang gagawin.

Gusto kong sumigaw ngayon para magreklamo pero hindi pwede sa lugar na 'to. Hindi naman kase 'to tulad sa Mauban na may space para maglabas ng sama ng loob.

[ Angel's POV ]

"Hindi pa ba nasagot ang batang 'yon. Alas tres na ng hapon kaya dapat ay nakarating na siya sa Manila. Sinasabi ko na hindi na dapat siya pumunta sa lugar na 'yon e." Hindi ko pinansin ang kadakdakan ng asawa niya. Walang maitutulong 'yon sa sitwasyon at mas kinakabahan lang siya sa kutob niya.

"Manahimik ka nga munang lalaki ka at sumasakit ang taenga ko sa'yo. Dapat kase pumasok ka nalang sa trabaho mo may nalalaman ka pa kaseng dayoff!"

Nagbuga lang ng hangin ang asawa ko kaya imbes na makipagsagutan sa kanya ay tinawagan kong ulit si Tutoy. Sinabi ko naman kase sa kanya na tumawag siya kapag nakarating siya do'n.

Ang kakilala nalang ng kumare niya ang tinawagan at agad naman itong sumagot.

"Nanay ako ni Tao, nariyan na ba siya? Hindi kase siya tumawag sa akin, eh. Pwede ko ba siyang makausap?"

"Wala pa dito ang anak mo at kanina pa nga ako nag-aantay pero ni isang anino niya wala. Tinanong ko na rin ang tauhan ko pero walang anak mo na nagpakita dito. Ibaba ko na ang tawag at marami pa akong gagawin." Natulala siya sa sagot ng nasa kabilang linya. Ibig sabihin hindi nakarating ng maayos ang anak ko sa pagtratrabahuan niya. Ito na ang kanina niya pa nararamdaman. Saan naman naglusot ang batang 'yon.

"Ano ire 'yang itsura mo, Angel. Nakausap mo na ba ang anak natin ay, nakarating ba raw siya ng ligtas doon?"

"Hindi nga, ako'y kinakabahan at baka naligaw na ang batang 'yon." Nagitla siya ng hampasin ng asawa niya ang lamesa kaya napalingon siya dito. "Haru jusko, magdahan-dahan ka nga at hindi ka nakakatulong."

"Sinabi ko na sayo kagabi na hindi ako payag dyan sa gusto niyo pero masyado kang mapilit. Hindi talaga kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa anak natin. Tandaan mo 'yan, Angel!"

Wala naman siyang alam na ganito ang mangyayari sa anak nila. Gusto ko lang naman na magkaroon ang batang 'yon ng maayos ng buhay lalo na hindi sila mayaman. Isa pa ay hindi nakapagtapos si Tutoy kaya maski dito man lang ay matulungan ko siya.

Masyado kaseng pihikan sa trabaho si Tutoy, madali lang naman magtrabaho pero ayaw ng trabaho na sa tingin niya mahirap. Alam ko naman gusto nitong makatulong sa amin ng papa niya pero isa sa gusto nito ay sa malayo magtrabaho.

Muli ko nalang tinawagan ulit ang cellphone ni Tutoy pero nakapatay na ito kaya napabagsak nalang ang kamay ko sa papag. "Saan ka na ba napuntang bata ka."

Paano nalang kung may mangyaring masama talaga do'n tulad ng sabi ni Popoy. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon at sana nga na huwag mangyari. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko ang Tutoy namin.

[ Tao's Point of View ]

KASAMA ko na ngayon ang batang babae papunta sa bahay nila. Pawis na pawis ang bata kaya kinuha ko ang extra bimpo ko sa bag at iniabot dito. Sa una ay tinitigan lang 'yon ng bata kaya inilapit niya pa dito para kunin.

"Gamitin mo na 'yan nini at baka matuyuan ka pa ng pawis saka parang bayad ko na 'yan sa paghirap ng sipi."

"Ang pagtulong ko po sa'yo ay libre kaya salamat po sa bimpo at sa concern mo kuya." Mabait naman pala ang bata at siguro kaya umalis ito kanina ay gusto na ulit maglaro. Nginitian ko ito at hinawakan ito sa ulo.

Sumusunod lang ako sa nilalakaran niya. Hindi naman malayo ang bahay ng bata pero dahil sa bitbit niya at pagkainip kanina ay pakiramdam niya naubusan na siya ng lakas. Sana talaga ay makontak niya talaga ang kanyang mama o si Buboy.

Hindi ako nakaiwas sa mga matang nakatingin sa amin, I mean sa akin nakatingin. Siguro nagtataka ang mga ito kung sino at bakit kasama ko ang bata. "Don't mind them, kuya. Mga tsismosa tao dito kaya mag-iingat ka po sa kanila. At kahit nasa bahay ka lang po may masasabi sila sa'yo."

Wala naman atang lugar na walang tsismosa pero sa bagay na ito masyado pang bata si Nini. Masyado na siyang mulat sa ilang bagay na mayroon ang mundo. "Nakita mo kuya yung babaeng maputi kanina, salbahe 'yon. Bibili kalang po sa kanila susungitan ka pa."

"Hayaan mo nalang siguro siya Nini."

"P-pero kuya.."

Naiintindihan naman niya ang bata kahit naman siya na astahan ng ganoon ay magagalit din siya lalo na't gusto mo lang naman bumili.

"..nandito na pala tayo kuya. Halika po pasok kayo sa loob." Simple lang ang bahay na tinutuluyan ng bata. Iba siya sa bahay na nadaanan nilang mga bagay kanina. Sa kanila kase ay yari sa kahoy kaya siguro na nasa dulong parte sila ng street na 'to. Sumunod na siya sa bata at hindi lang pala isa ang bahay na nandito kundi tatlo. Ang akala ko ay bahay na nila itong nasa bungad yun pala ay nasa likod pa.

"Pempen! Pumanhik ka na sa itaas at magbasa ka, napakalayas mo talagang bata ka. Papaluin talaga kita ngayon, sige ka."

Napaatras ako ng bahagya kase biglang sumigaw ang babaeng maputi na may kalusugan ang katawan. Siguro ito na ang nanay ng bata.

"Mama naman may bisita po ako, oh. Nakita mo na siguro siya, saka hindi niyo ako papaluin kase mabait akong bata. Mabuti nga po at umuwe pa ako hindi kagaya ni ate na nasa galaan." 

"Sumasagot ka pa...hala siya! Pumasok ka na sa loob at sundin mo ang inuutos ko. Magpunas ka muna ng likod mo!"

Kinalabit siya ng bata kaya tumingin siya dito. Nakangiti ito sa kanya pero nagulat ako sa sinabi nito bago pumasok sa bahay nila.

"Pasok sa kabila..labas din po sa kabila. Mabait 'yan si mama bungangera nga lang kuya."

Ang mama naman nito ang humarap sa akin at tinaasan pa ako ng kilay nito kaya natakot ako na baka sigawan din ako nito pero hindi bagkus ay ngumiti ito sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Pumasok ka muna sa loob, iho. Ano pangalan mo?" tanong nito sa kanya kaya sumagot agad siya na may paggalang.

"Tao po."

"Ha? Tao. Oo, alam ko na tao ka pero ano kako pangalan mo para matawag kita ng maayos." Hala, hindi niya siguro nakuha ng maayos ang pangalan ko. Kung tutoy nalang kaya ang sabihin niya pero huwag nalang.

"Tao nga po."

"Hindi ko alam kung niloloko mo ako o ano, osha! itatawag ko nalang sa'yo ay pogi. Ano ba ang kailangan mo dito at mukhang galing ka pa sa pinanggalingan mo."

"Mama, hihiramin niya phone ko. Tatawagan niya mama niya naligaw ata siya."

Halata ba na naliligaw ako? Hindi naman masyado, ah. Lumampas lang ako pero naligaw talaga. Tinanggap naman siya ng maayos ng mama ng bata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro