Part 3
UMALIS na ang sinakyan kong bus kaya isinandal ko muna ang ulo ko sa may salamin para tumingin sa dinadaanan namin kase may ilang tao na nasa daanan kahit na medyo madilim pa. Mamimiss niya talaga ang lugar na 'to, maski si Buboy na ilang taon niya ng kaibigan. Ito ang mas matagal kase ang ilan sa mga kaibigan nila ay umalis na sa Mauban.
Lumipat na sila ng bahay kaya wala na silang balita dito nila Buboy saka kuntento na siya sa silang dalawa lang kaso ngayon mag-isa nalang si Buboy sa Mauban kase iniwanan ko na siya.
Sana naman hindi ito magdamdam sa biglaan kong pag-alis. At sana kapag bumalik ako dito ay kaibigan pa rin ang turing siya sa akin.
Hindi tuloy niyang maiwasan na maalala kung paano niya ito nakilala. Patpatin kase noon si Buboy kaya lagi siyang inaasar ng mga kalaro namin at dahil mabait akong bata noon ay ipinagtanggol ko siya kasi masama ang mambully ng kapuwa.
At ilang beses pa na nangyari 'yon hanggang sa naging matalik silang makaibigang dalawa. Hindi na laging nabubully si Buboy kase habang nadadagdagan ang taon ay mas nagiging maaliwalas ang itsura nito. Kung noon ay mas gwapo ako dito ngayon ay kaunti nalang ay mapapantayan na niya ako.
Pero sa usapang girlfriend mas lamang sa kanya si Buboy kase playboy ang isang 'yon. Akala mo maubusan ng babae kaya palit nang palit. Hindi naman siya tutol do'n kaso pinapangaral ko siya minsan kase mas matanda ako sa kanya ng isang taon.
"Pwedeng maupo dito sa tabi mo pogi." Nilingon ko ang taong nagsabi no'n at automatic na napangiti ako kase itong tatabi sa kanya ay magandang babae balingkinitan ang katawan nito at may straight na buhok. "Pwede ba?"
"O-opo. Sige, maupo ka na." Isang matamis na ngiti ang sinukli sa kanya ng babae kaya ngumiti rin siya pabalik dito at bumalik na sa pagtingin sa labas ng bintana.
Para siyang pinagpapawisan ng malamig dahil sa katabi niya. Hindi siya ganitong tao pero nakakaintimida ang kagandahan ng katabi.
"Saan ang punta mo pogi?" Nanlaki ang mata niya ng humawak sa hita niya ang babae, gulay oh! Kailangan ba talagang humawak sa hita ko, hindi niya ba alam na may kiliti ako do'n. Malakas para kilabutan siya, tumingin na siya dito ng pisilin nito ang hita niya. "Ang gwapo mo talaga kaya hindi nakakapanghinayang kung ipapaubaya ko sa'yo katawan ko."
Oh jusko! Tama na ateng maganda, hindi ka dapat ganyan lalo na't lalaki din ako. Mahina ako sa ganyan, huwag kang manukso.
Pinigilan niya ang nararamdaman kaya inalis niya ang kamay ng babae sa hita niya at nginitian ito. Matinong lalaki ako at kailangan ko munang magtrabaho bago ako magpadala sa tukso.
"Sa trabaho ang punta ko, miss. At saka huwag po kayong ganyan, mabait po ako." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon pero totoo naman ang sinabi niya. Tila naoffend naman sa kanya ang babae kase hindi na ito sumagot kaya hinayaan niya nalang at nagpatuloy nalang sa pagtingin sa labas.
Papikit-pikit na ang kanyang mata kaya tuluyan na talaga niyang ipinikit ang mata, malayo pa naman ang tatahakin niya kaya iidlip muna siya ngayon. Pinagsisihan niyang hindi siya natulog kanina, ito tuloy ay hindi niya maeenjoy ang spot na madadaanan niya.
Gigising nalang siguro ako ng maaga at mga tatlong oras lang ako matutulog. Hindi naman siguro ako lalampas sa pupuntahan ko saka nasabihan niya rin kanina ang conductor nung nagbayad siya na ibaba siya mismo sa pupuntahan niya.
Tuluyan na nga siyang nagpaubaya sa kadiliman at hindi na nag-isip ng kung ano-ano.
[ Someone's Point of View ]
Ang gwapo pa naman ang batang ito kaso mukhang hindi tumalab sa pagpisil ko sa hita niya. Gusto ko pa naman sanang tikman ito kapag nakababa na kami sa pupuntahan niya kaso malabo atang mangyari 'yon.
Alam kong nagandahan siya sa akin pero bakit ayaw niya akong tikman. I'm so masarap naman at may ibubuga sa kama.
Sayang talaga si pogi, mukha pa naman na malaki ang bagay na nasa loob ng suot nitong jogger. Nakakapanghinayang talaga!
Hindi niya muna inintindi ang kalandian niya para maisakatuparan niya na talaga ang pakay niya dito. Gusto ko sanang hindi nalang siya kaso kailangan ko ang pera ngayon kaya pasensyahan na sa gwapong lalaki na 'to.
Inantay ko munang makatulog ito at ng sumandal ito sa bintanang salamin ay alam kong matutulog ito lalo na't halata itong walang tulog.
Matulog ka lang ng mahaba baby pogi para maangkin ko na ang bagay dyan sa jogger mo.
Ay! Sinuway niya ang sarili kase hindi naman talaga 'yon ang plano niya. Kukunin niya ang pera nito para bongga ang buhay at para masupalpal niya ng pera sa mukha ang babaeng masama ang ugali na 'yon. Tinutukoy ko 'yong caretaker sa tinutukoy kong kwarto. Akala mo kase napakaganda ng apartment nila, nakapangut namam no'n parang yung caretaker.
Malapit ko na nga talagang maisip na inggit 'yon sa freshness at kagandahan ko kaya lagi akong pinang-iinitan. But anyways, tulog na si pogi kaya luminga-linga siya para tignan kung may makakahuli sa kanya pero wala lahat sila tulog pa.
Mga pagod! Dumikit siya sa gwapong batang 'to at ng magdikit ang braso nila ay kinilabutan siya. Akalain mo 'yon, braso palang 'yon malakas na ang impact paano pa kaya kapag nakasiping na niya ito sa kama. Oh yummy handsome boy!
Nakuha ko na ang pakay ko pero pipitsugin lang ang cellphone nito kaya imbes na hindi kuhain ay kinuha ko nalang din para maibenta ko. Bahagyang gumalaw si pogi kaya napaayos ako ng upo. Hindi ko pa naisasara ang bag nito na yakap-yakap. I need to close it.
Ilang segundo ay tumigil na sa paggalaw ang lalaki kaya isinara ko na agad 'yon at naghintay ng tamang oras para makababa. At ng makita na nasa Lucena na siya ay agad na siyang bumaba.
Bahagya pa siyang napataas ng kamay. Darna lang ang peg niya. Sorry pogi, mas kailangan ko ng pera kasya sa sperm mo.
[ Tao Meridian POV ]
NAGISING siya ng may lalaking tumapik sa kanya kaya napabalikwas siya. Inayos niya ang sarili at hinawakan ang bag na nasa paanan niya. At tumingin siya sa labas ng bintana.
"Nasa Manila na po ba ako?"
"Lumampas ka na sa paroroonan mo, sa katunayan ay nasa Cavite ka na. Pasensya kase hindi kita napansin kase akala ko bumaba ka na kanina." Parang alam ko na ang nangyayari kaya tumingin ako sa relong pambisig. Shit, ano ba ang ginawa ko, bakit hindi ko man lang na lumampas sa tatlong oras ang tulog ko.
"P-po, bababa nalang ako dito." Tumayo ako at sumigaw na bababa na ako. Napakamot sa ulo ang kundoktor, wala siyang isang salita. Hindi man lang ako sinabihan o gisingin man lang, ginising nga kung kailan nakalampas na.
Wala pa naman akong ideya kung ano itong lugar na 'to pero sabi ng konduktor ay nasa Cavite na kami. Ibig sabihin malayo na 'to, nakakainis talaga!
"Bata, pasensya ka na talaga ah. Sakay ka nalang ng bus ulit pagtawid mo, at huwag ka na matulog." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng lalaki, wala na siyang ideya na tagaibang lugar ako at hindi napapadpad sa mga ganitong lugar.
Nakabusangot siyang bumaba kase nanghihinayang siyang lumampas. Hindi nalang niya 'yon inintindi kase walang mangyayari kapag nagmaktol pa siya. Kinapa niya sa bag ang cellphone pero wala siyang nakapa kaya kumunot ang noo niya.
Dito ko lang nilagay 'yon, eh. Napakamot ako ng ulo, pasaway naman talaga o! Minamalas ka rin naman. Humanap siya ng mapapatungan para maayos na matignan ang cellphone niya.
Mabuti nalang talaga may halamanan dito na may espasyo para upuan. Inilapag niya do'n ang bag at naupo siya. Napasinghap nalang siya na walang nakitang cellphone at maski wallet at perang ibinigay sa kanya ng papa niya ay wala.
Dapat pala nilagay niya agad 'yon sa ilalim ng damit niya para hindi siya problemado ngayon. Nagpaliga-linga ako para tignan ang mga dumadaan. Nasa isang mall ata ako, may malaki kaseng nakalagay na Lumina.
"Bakla ka talagang bruha ka, ang hilig mo sa fafa!"
Nilingon ko ang nagsalita at 'yon ay isang babae na may maputing balat. May kasama din ito na matabang lalaki na sinabihan nitong matanda, at may babae rin na nasa likod nila maliit.
"Bruha ka. Sinabi ko ba sayo na pansinin mo kabaklaan ko, kabogera kita lagi. Duuh!" sagot nito sa babaeng sexy. At hindi naman nagpatalo itong sexy at nakipagsagutan din siya sa kaibigan niya.
"Buwiset kang bading ka. Walang papatol sa'yo, hindi ka magugustuhan ng gusto mo. Hindi ka magkakaboyfriend kase baboy ka!" aray! Grabe naman itong babae, realtalk kung realtalk sa kasama niya. Sana lahat ay maraming kaibigan, namiss ko tuloy bigla ang kaibigan kong si Buboy.
Pero hindi ko na pinansin ang nagsasagutan pa din hanggang ngayon na babae at lalaki. Ang problema ko dapat ang isipin ko, gusto kong magtanong tanong pero hindi 'yon ang problema. Wala akong pera, kasama sa tinangay at isa lang ang naiisip ko ngayon na matetengga ako sa lugar na 'to. Ni wala akong magiging communication sa mama't papa ko.
Imbes na trabaho na naging bato pa. Malalaman nalang 'yon nila mama kapag tumawag sila sa pagtratrabahuan ko. Lintik talaga ang konduktor na 'yon pero kasalanan ko din naman pati yung babaeng maganda.
Sandali. Magandang babae. Hindi kaya? Baka siya ang kumuha ng pera't cellphone ko. Aba, modus pala ang magandang babaeng 'yon. Hindi ko na nga siya sinabayan sa kalokohan niya ganito naman ang ginawa sa akin.
Nakakainis. Paano nalang ako nito?
Tumayo ako at naglakad sa dinaanan ng tatlong magkakaibigan kanina. Bitbit ang bag ko ay nag palinga-linga lang ako. Hindi dapat ako kabahan, tama. Hindi dapat.
Wala pa naman akong facebook. At dapat noon palang ay gumawa na ako kung magiging ganito lang ang kapalaran ko sa pagtrabaho sa malayo. Hindi na talaga ako aalis sa Mauban kapag makabalik ako. "Ate, pwede ba magtanong?"
"Nagtatanong ka na." Sabe ko nga na nagtatanong na ako, ganito ba mga tao dito at ganito sila umasta. "Pakibilisan ang pagtatanong at mahalaga ang oras ko."
"A-ah, anong lugar po iito?" tanong niya dahilan para tignan siya nito ng head to middle sa ibaba ng tiyan ko, ehem! Not in my jogger. Tinakpan ko 'yon gamit ang bag na hawak ko kaya umangat na ang tingin nito sa akin. Bahagya pa akong napaatras kase nagkagat labi ito.
"Cavite." May bayad ba ang sagot nitong babae at katipid niyang sumagot. Pero akala ko lang 'yon kase bigla siyang nagsalita ulit.
"Fiesta ngayon kaya nakikita mo na maraming tao, at kung ako sa'yo pumunta ka na sa pupuntahan mo."
What the hell. Tinalikuran na siya nito kaya siya naiwan namang nakatayo sa maraming tao na naglalakad. Bigla siyang nahilo sa dami ng tao pero hindi 'yon, hindi ang maraming tao ang problema niya kundi ang katotohanan na..
"....I lost."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro