Part 20
SAMPUNG ARAW na ang lumipas simula ng pormal kong ligawan si Lucky, at sa bawat araw na 'yon ay mas ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya siya at hindi naman ako napahiya do'n kase sa bawat gala namin ay ramdam ko ang sayang nararamdaman niya.
Masaya din ako na kasama ko siya sa bawat araw na nagdaan, sulit ang saya kapag kasama ko siya lalo na't parehas kaming legal sa mga magulang namin. Ang cute nga ng reaksyon nila mama kase finally daw ay may kasintahan na ako at binigyan nila kami ng paalala na kapag may anumang problema kaming kaharapin ay huwag kaming magpaepekto, pag-usapan at ipaintindi namin sa isa't-isa kung ano ang mga bagay na napapansin namin sa isa't-isa.
At ang pinakamahigit do'n ay isentro raw namin sa aming relasyon ang panginoon para mas maging matatag kaming dalawa at ganoon nga ang ginawa namin at masaya ako.
"Mukhang malalim 'yang iniisip mo, ah," tinignan ko si Lucky na tumabi sa akin sa inuupuan ko. Andito kase ako sa taniman nila para magpahangin, simula kase noong sinabi niya sa akin na gusto niya ako ay lagi na akong pumupunta dito para magpahangin o 'di kaya ay masaya ako.
"Kapag napagod ka na ibig sabihin no'n kanina ka pa natakbo sa isip ko.".
"Hindi ko gets, nakadrugs ka ba?" tanong nito.
"Ikaw ang sistema ko kaya ako ganito ako ngayon, Lucky." Kumunot ang noo nito kaya dumikit ako dito at inakbayan siya, idinikit ang labi ko sa taenga niya. "I love you, Lucky me!"
Pagkasabi ko no'n ay hinalikan ko siya sa pisnge bago ako umayos ng upo. Walang imik si Lucky kaya tinignan ko siya, nakatingin lang ito sa puno habang nakahawak sa pisnge nito.
"Okay ka lang ba," tumingin ito sa gawi ko bago tumango, muli na itong humarap sa may puno kaya tumingin ito ako do'n. Muli kung inilagay ang kamay ko sa balikat niya at tinulak ang ulo nito palapit sa balikat ko. Hindi naman ito kumontra kaya ilang minuto rin kaming nasa ganoong sitwasyon.
"Kuya, ate may naghahanap sa inyo!"
Umayos kami ng pagkaupo ng marinig ang boses ni Pempen, may ngiti sa labi nito kaya tumayo ako at inilahad ang kamay para kay Lucky, tinanggap niya ito kaya napangiti ako ng sobra.
Kapuwa sabay kaming naglakad na dalawa, at ng malapit na kami sa liwasan ay doon namin nakita ang taong sinasabi ni Pempen na naghahanap sa amin. Huminto kaming dalawa ni Lucky, at nagpaalam na rin ang kapatid nito na babalik na sa loob kaya nagpasalamat kami dito.
"Why are you here, gagawa ka nanaman ba ng kalokohan?" tanong ni Lucky dito. Namumula ang mukha ang mukha ng kaharap namin, akala ko nga ay hindi nito sasagutin ang tanong ni Lucky pero nagulat ako ng bigla itong umiyak.
"G-gusto kong humingi ng sorry sa inyong dalawa, hindi ko dapat ginawa 'yon at aaminin ko na naiinggit ako kase kahit na sinusungitan mo ang ilan ikaw pa din ang nagugustuhan maski si papa, ang papa mo ay ikaw ang laging nakikita."
"Naiinis ako sa sarili ko kase hinayaan ko na magkasira tayong dalawa, hinayaan ko na magpadala ako sa nararamdaman ko na makuha si Tao sa'yo." Yumuko ito kaya tumingin ako sa katabi ko, namumula ang mata nito at parang anytime ay babagsak na rin ang luha nito.
"I'm sorry," sabe ni Kirei na nakayuko pa rin ngayon, wala naman akong problema sa kanya at hindi rin naman nagtagal ang pagkainis ko sa kanya noon nung sabihin sa akin ni Lucky ang tungkol sa kanilang dalawa.
Inisip ko nalang na dahil sa kagustuhan natin na makuha ang isang bagay ay nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naman kailangan. "Hindi ko kayo mamadaliin na patawarin ako, karapatan niyo naman 'yon at naiintindihan ko kayo."
"Pinatatawad na kita," ani ng katabi ko, "gusto ko din na humingi ng sorry sa'yo. Sa pagsabunot sa'yo at sa pagsasabi ko na malandi ka, alam ko na may mali ako sa part na 'yon kaya sana mapatawad mo din ako."
Palihim akong napangiti. Siguro oras na talaga para humingi sila ng kapatawaran sa isa't-isa at ganoon na rin siguro ang gagawin ko.
"Gusto ko rin na humingi ng tawad sa inyong dalawa ng dahil sa akin ay nag-away pa kayo, pasensya talaga."
"Kasalanan mo talaga!" kapuwa sabay pa nilang sabe kaya nagkatinginan sila at kalaunan ay ngumiti. Hindi naman siguro 100% na kasalanan ko diba pero para kay Lucky at sa kaibigan, sige ako na ang may kasalanan.
Nagkayapan ang dalawa at nagkapatawaran na kaya wala ng samaan ng loob lalo na't magpapasko na sa susunod na araw kaya kailangan wala ng alitan o mangyayaring agawan para sa ikakatahimik ng lahat.
Pumasok na kami sa loob para kumain, ako na ang nagpresinta na magluto samantalang ang dalawa ay maingay na nagkwekwentuhan sa sofa kaya hindi ko maiwasang hindi mapailing.
"SAAN ba kase tayo pupunta," kanina niya pa ako tinatanong kung saan ba ang punta naming dalawa simula ng lumabas kami ng bahay pero tanging pagngiti lang ang sinasagot ko.
"Para ka kamong ulupong, ay 'de ulupong ka na nga pala talaga. Malalaman ko din naman kung saan pupunta, inililihim pa!"
Para hindi ito mainis sa akin at binigyan ko nalang siya ng isang halik sa pisnge. Akala ko mapapawi no'n ang inis niya pero pinalo lang ako nito kaya natawa ako.
Mahal kita kahit mapanakit ka Lucky!
Tatalian na talaga kita sa kamay para maging keychain ko, "I love you na nga Lucky me ko!"
"Tse. Saan nga kase tayo pupunta?"
"Sa pulang building," sagot ko sa kanya pero nakatanggap lang ulit ako ng isang palo na may kasamang kurot sa tagiliran, tignan mo masyadong mapanakit talaga. "Ito hindi mabiro, huwag ka kase maingay dyan at isipin mo nalang ako para naman masabi mo na sa akin na mahal mo ako tapos bonus pa na sinasagot mo naako."
"Ang dami mong alam."
Boom! Burado talaga ako pagdating sa kanya, akala ko hindi na niya ako susungitan pero ganoon pa din pala. "Ang alam ko ay mahalin ka ng walang pag-aalinlangan."
"Ikaw tigil-tigilan mo ako dyan sa mga lines na ganaan, naiinis ako kay don't talk me, kapag ikaw usap sa akin ikaw tapon malayo. Oke?"
Eh, parang baliw sa akin. Kailangan pa ba sa malayo ako itapon kung pwede naman sa puso niya nalang para doon na ako forever.
"I love you, Lucky me!" bulong ko sa kanya. Sa katunayan kase wala pa talaga kaming pupuntahan, gusto ko lang na makasama siya ng matagal sa paglalakad. Sariwain namin ang pagkakakilala sa isa't-isa at magkaroon ng matibay na samahan. Ang gulo ko lang kase kanina pa kami naglalakad pero wala pa rin kaming destinasyon pero ang alam ko naman ay sa puso ng bawat isa ang patungo namin.
"Balik tayo do'n!" aniya ko, sa Lumina Mall nalang pala kami tatambay para naman marelax kami. Hinawakan ko ang kamay ni Lucky na nakabusangot pa rin hanggang ngayon.
"Masakit na paa ko, buwiset ka! Tapos babalik pa tayo sa Lumina, seryoso ka? Malapit na tayo sa Robinson oh! Saan mo ba talaga ako balak dalhin?"
Inalis nito ang pagkahawak ko sa kamay niya at nagmartsa na pabalik. Napakamot ako ng ulo, gusto ko lang naman siya makasama sa paglalakad, eh! Walktrip tawag namin dito, gawain kaya namin ito ni Buboy kaso katulad ni Lucky mabilis na nasuko ang dalawa.
"Hala, sandali!" sigaw habol ko kay Lucky! At ng maabutan ko ito ay prumesto ako sa unahan niya para patigilan siya paglalakad bago tumalikod at lumuhod. "Piggy back nalang kita, Lucky! Sorry dahil wala tayong lugar na pupuntahan, gusto lang naman kita makasama sa paglalakad at lumanghap ng sariwang hangin."
Hindi ito umimik bagkus ay sumakay na ito sa likod ko, hindi naman mabigat si Lucky kase nga sexy ito saka kayang-kaya ko siya. Hinawakan ko ng maayos ang bandang paa nito para may gabay nakapulupot naman sa leeg ko ang braso nito kaya napangiti ako.
Sinimulan ko ng maglakad at hindi inintindi ang paligid. Madilim na rin sa gawing ito pabalik sa Lumina kaya kailangan maingat lalo na't sa tapat ng southern ay may bukas na hole kaya baka mamaya mamali ang hakbang namin at mahulog pa kami ngayon.
"Hindi ka ba nabibigatan sa akin," tanong nito sa kanya.
"Para sa akin ay magaan ka, Lucky me."
Totoo naman 'yon!
Nakarating kami ni Lucky sa tapat ng Lumina kaya ibinaba ko na siya at naglakad na kami paakyat. Gabi na kaya maingay na sa itaas may maliit kaseng stage do'n para sa mga band or soloist para magmini-concert, may mga stole din na parang food court type, katabi no'n ang maliit na arcade tapos sa bandang dulo may malaking space para sa mga couples, barkadahan o nag-eemo. Ito ang maganda dito kase kapag madilim kitang-kitang mo ambiance ng paligid.
Salamat kay ate na katrabaho ko na nagsuggest sa akin sa lugar na 'to.
"Lucky me, gusto mo ba ng icecream?"
Pagkatango nito ay naglakad na ako sa may gilid para bumili ng icecream, mabilis lang kaya bumalik na ako sa may pwesto namin at nadatnan ko roon si Lucky na nakatangnaw pa rin sa ibaba ng Lumina. Tumabi ako dito at iniabot ang icecream, lumingon siya sa akin bago kunin ang icecream sa kamay ko.
"Ang ganda 'no," tumango ito. Mas maganda siguro na gabi-gabi na kami pumunta dito kase talagang nakakawala ng pagod ang lugar na 'to lalo na't naghalo ang ingay ng mga tao ang saliw ng musika. "Mas maganda ka."
Humarap ito sa akin at umirap, "alam ko na 'yon kaya nga mahal mo ako 'e!" anang nito kaya napahagikgik ako dahil totoo, mahal ko siya sa lahat ng aspeto na meron siya.
Tumigil ako sa paghagikgik at tumingin dito ng seryoso.
"Eh ikaw kailan mo ako mamahalin," tanong ko dahilan para mapatingin ito sa akin. Sinabi ako na maghihintay ako sa sagot niya pero mukhang kating-kati na ako na maging girlfriend siya kahit na para na rin kaming magnobyo-nobya sa loob ng sampung araw.
"Malalaman mo rin ang sagot ko pero sa ngayon, ienjoy muna natin ang moment na'to"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro