Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 2

ALAS KWATRO pa ang alis ko pero hindi pa din ako makatulog. Hindi kase ako mapakali sa pwesto na gagawin ko at kapag napikit siya ay naiisip niya agad ang pag-alis niya kaya hindi siya nakakatulog.

Excitement ang nararamdaman niya ngayon at kasabay no'n ang kaba sa didbib. Wala siyang ideya sa buhay na nag-aabang sa kanya sa Manila kaya dapat ay maging matatag siya. Lalo na ito ang unang beses niyang mapapalayo sa magulang. Ginusto ko naman ito pero nahihiya ako, bakit kase hindi sinabi ni mama kung anong trabaho ang papasukin ko sa lugar na 'yon.

Siguro ay ayaw lang nito na tanggihan ko ang trabaho kung sasabihin nito kung ano pero wala naman sinabi ni mama para kahit papaano ay may ideya ako.

Nakakainis din itong mata ko. Ayaw makisama, ayaw matulog masyado pa namang mahaba ang oras. Bumangon ako para magpahangin sa labas, marahan lang akong naglakad para hindi magising sila mama.

Sa may labas ng bahay lang siya naupo at malayo ang tingin. Siguro magkakaroon na ang saysay ang buhay niya kapag narating na niya ang lugar na 'yon.

"Oh, tutoy! Bakit gising ka pa dyan, hindi ka ba makatulog kaya lumabas ka." Nilingon niya ang nagsalita sa likuran niya kaya tumayo siya para makaharap ito.

"Pa, nagising ko po ba kayo?" Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa baliktat. Nginitian niya lang ito kase hindi naman sila madalas na nag-uusap na dalawa. Kumbaga hindi talaga silang close kase hindi talaga sila nagkakasalubong.

Kanina nga ay nagkasagutan sila ni mama kase ayaw ako nitong paalisin sa Mauban. Tinanong pa siya nito kung gusto niya ba talaga na magtrabaho sa malayo. Sinagot niya ito ng maayos kase gusto niya talagang magtrabaho sa malayo para maging independent siya.

"Hindi ka ba makatulog kase nagdadalawang isip ka kung tutuloy ka sa pag-alis o hindi.."

Umupo ito sa inupuan ko kanina kaya naupo na din ako doon. Umakbay ito sa akin pero nakatingin lang ako sa malayo. "Marami namang trabaho dito sa atin...dito ka nalang anak."

"Gusto ko na ditong magtrabaho 'pa pero mas tinatawag ako na magtrabaho sa ibang lugar para siguro mas maging independent ako. 'pa, bente dos na ako pero wala pa rin akong trabaho kaya kahit po sana hindi niyo gusto ay payagan niyo akong subukan 'to." Hindi talaga pumayag si papa sa pag-alis ko pero mas nanaig ang bungang ni mama kaya kahit ayaw ng papa niya ay tinulungan na siya ng mama niya na mag-asikaso.

"Alam mo 'nak, nakikita ko ang sarili mo sa'yo. Mapili ako sa trabaho na kukunin ko kaya ang lolo't lola mo lagi along sinesermonan. Nabago lang 'yon ng nakita ko ang mama mo lalo na nung nabuntis ko siya, doon ako nagpursige magtrabaho kahit na sa tingin ko ay hindi ko kaya...kinaya ko para sa sarili ko at sa mama mo."

Lumingon siya dito at seryoso itong pinakinggan sa kwinekwento nito. Ilang detalye lang ang alam ko sa love story nila ni mama pero sigurado ako na mahal talaga nila ang isa't-isa kahit na palagi silang nagtatalo sa mga maliliit na bagay.

"Kase alam mo anak, ang kapalaran natin ay nasa kamay natin. Ikaw mismo ang gagawa no'n para umangat ka sa buhay o hayaang manatili ka sa mababa...ako kase kuntento na sa buhay ko kasama ang mama mo at sayo kaya kahit mahirap nalaban ako sa buhay."

Si papa parang lumalayo na ang sinasabi. Hindi ko nalang siya pinuna at hinayaan nalang ito, baka gusto lang magbukas ng topic nito at bigyan ako ng ideya para maging mabuting tao.

"Iba na talaga mga kabataan ngayon kaya kung ano ang gusto mo ay susuportahan ka namin at kahit na malayo ka sa amin ng mama mo ay kakayanin ko..namin." Ito talagang papa niya minsan na nga lang sila mag-usap ay balak pa siyang paiyakin. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang trabaho ko do'n para kukunin ko kayo papa. Titira tayo sa batong bahay, hindi ko ipapangako 'yan kase isasapuso ko para maisakatuparan.

Niyaya na siya ng tatay niya na pumasok sa loob para makatulog man lang daw siya ng kaunti. Sumunod naman siya dito at isang ngiti ang sumilay sa kanya.

"Pumasok ka na sa loob, tutoy!"

"Opo."

Pumasok na siya sa kwarto niya at tinignan ang oras. Hindi man lang niya namalayan na ala-una na agad, ilang oras nalang bago siya aalis. Hindi nalang siguro siya matutulog at sa bus nalang niya gagawin ang pagtulog kase ilang oras naman ang byahe bago makarating siya sa Manila.

Kinuha ko ang cellphone para padalahan ng message ang kaibigan kong si Buboy, at baka magtampo ito kapag hindi niya sinabihan. Hindi pa naman niya makontak ito kanina kaya ngayon niya palang itetext.

Hindi ko na inantay na magreply pa ito sa kanya kase sa mga oras na ito naghihilik na ang loko-lokong 'yon. Aalis tuloy siya na hindi alam kung may tampo ito sa kanya o wala.

Saktong alas tres na kaya naglakad na siya papunta sa banyo para maligo. Sinilip niya din ang mama niyang kung gising na pero tulog pa kaya hinayaan niya nalang. Malapit lang naman ang terminal ng bus papunta sa Manila kaya kahit late na niyang gisingin ito ay okay lang.

Mabilis lang siyang matapos maligo at nakapagbihis na rin siya. Isang simpleng puting damit ang isinuot niya na may nakasulat na tatlong word, Make me happy! At tinernohan niya ito ng isang jogger pants na kulay itim, sinuot niya na din ang regalo sa kanya ng kanyang mama noong bente uno siya.

At ng makitang maayos na ang sa katawan niya at buhok naman niya ang inayos, bagsak ang kanyang buhok kaya hinawi niya lang ito pakaliwa. Tapos ay inayos na niya ang dadalhin niya, mula sa wallet hanggang sa bag niya ay lahat nasa ayos na siya nalang ang kulang.

Around 3:30 siya natapos kaya bitbit ang bag ay lumabas na siya, ginising niya ang mama niya at mabilis naman itong magising at maski ang papa niya ay nagising na din.

"Oh, nakabihis ka na 'nak. Sandali at magsusuot lang ako ng bra kase itong tatay mo hindi ako ginising mukha nasira pa ang orasan dyan sa dingding!" Napakamot siya ng ulo ng makitang nagmamadali ang mama niyang pumasok sa banyo para magsuot ng isusuot nito.

"Tutoy! Sa labas mo na ako antayin at sumasakit pa ata ang tiyan ko!" sigaw ng nanay niya sa loob ng banyo kaya pailing-iling nalang siyang lumabas. Kasunod ko si papa na balak din atang sumama sa kanila ni mama.

"Tutoy, tanggapin mo itong pera. Pocket money mo 'yan at itago mo sa ilalim ng bag mo incase na madukutan ka. Mag-iingat ka do'n, ah! Magtext ka agad sa amin ng mama mo para alam namin na nakarating ka do'n ng ligtas."

"Opo 'pa. Huwag po kayong mag-alala at kaya ko ang sarili ko, suntukin ko lang sa mukha mga magloloko-loko sa akin." Kapuwa silang natawa ng papa niya kaya niyakap siya nito. At yumakap din siya ng pabalik dito. Mamimiss ko ng sobra si papa at mama, magpapakabait talaga ako sa pupuntahan ko.

"Aalis na ba tayo..mukhang may dramang nagaganap sa pagitan niyo, ah." Siya na mismo ang umalis sa pagkayakap sa kanya ng ama at humarap na sa mama niya na sinasaraduhan ang pinto.

"Ako na ang magbubuhat nito 'nak." Kinuha ni papa ang dala kong bag kaya nagpaubaya nalang ako. Ngayon lang naman niya 'yon gagawin at saka malalayo ako sa kanila kaya siguro ganito nalang siya kumilos.

"Tara na."

Naglakad na nga sila papunta sa terminal, actually dalawang kanto lang 'yon simula dito sa kanila. Sa likod lang kase 'yon ng dating basketball court pero ngayon ay wala na.

Hanggang palapit sila ng palapit, may kung ano siyang nararamdaman sa bandang kaliwang dibdib kung saan nakasentro ang puso ng tao.

"Alagaan mo ang sarili mo sa Manila 'nak at huwag mong kakalimutan na balitaan kami sa mga nangyayari sa'yo." Nilingon niya ang kanyang nanay na nakabusangot. Aalagaan ko ang sarili ko 'ma at 'pa. Hindi po ako magpapabaya doon at lagi akong magpapadala ng text message sa inyo.

Ginusto niyang magtrabaho sa ibang lugar pero hindi ibig sabihin no'n ay ginusto niyang mapahiwalay sa kanyang magulang. Para sa ninanais na pangarap at para makatulong sa kanila ay gagawin ko ito. I need to work hard for them, para kahit papaano ay masuklian ko ang sakripisyo na ibinigay nila sa pagpapalaki sa akin.

"Hindi ko po kakalimutan na balitaan kayong dalawa ni papa."

Huminto sila ng marating nila ang terminal ng mga bus kaya humarap na siya sa dalawa at sabay itong niyakap. "Mamimiss ko po kayo, at alagaan niyo din po ang sarili ninyo saka huwag na rin kayong mag-aaway na dalawa kase matanda na kayo hindi na kayo bata."

Sinamaan ni mama ng tingin si papa kaya napangiti siya, "kakasabi ko lang po 'ma, kayo talaga napakapasaway. Mabuti nalang talaga na solo niyo kong anak at kung hindi baka ma-stress din sila sa inyong dalawa."

"Aray ko naman 'ma!" daing niya. Kurutin ba naman siya sa tagiliran, eh ang pino-pino kaya niya mangurot lalo na nung bata pa ako kase lagi akong nangungulit na maglaro sa likod bahay.

Lumungkot lalo ang atmosphere ng makita niyang naluluha ang kanyang Ina maski ang kanyang papa. "Hala sila, oh. Huwag naman po kayong ganyan para namang hindi na tayo magkikita pa, eh."

Pinipilit kong huwag malungkot sa harapan nila kase hindi naman sila magtatagal dito kase kapag naging maayos ang trabaho ko do'n ay kukunin ko din sila. At doon na kami maninirahan.

"Sasakay na po ako." Kinuha ko ang bag kay papa at humalik muna sa kanilang dalawa bago ako maglakad palapit sa sakayang bus pero sabay nila akong tinawag kaya lumingon ako ng nakangiti. "Okay lang po ako, huwag niyo po akong alahanin."

"Mag-iingat ka do'n, tutoy!" kapuwang sabay nitong sambit kaya marahan siyang tumango bago umakyat sa bus at naupo sa bandang gitna. Sumilip ako sa bintana at kumaway sa magulang ko. Nakaakbay si papa kay mama at si mama naman ay naluha na ngayon. Huwag kang ganyan 'ma at baka bumaba ako dito at maging pihikan nanaman ako.

Kaya ko 'to. Andito na ako kaya kakayanin ko hanggang sa makarating ako do'n.

Tumunog na ang makina ng bus kaya kumaway ulit siya sa magulang niya at ganoon din ang ginawa nila.

Magkakasamang ulit tayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro