Part 19
PAGKAGISING ko palang ay sinabihan ko na agad si tita na may gusto akong sabihin, tulog pa si Lucky kaya ako nalang muna ang haharap kay tita. Gusto ko na pormal akong magpapaalam dito lalo na't ngayong araw ko balak ligawan ang anak niya.
"Ano ba ang sasabihin mo at kailangan pa na nandito sa labas ng bahay?"
Sandali tita, hihinga lang muna ako para masabi ko ang dapat kong sabihin. Kailangan maging maayos ako sa harapan ni tita kaya inayos ko ang suot kong puting damit bago humarap na dito ng maayos.
Pero parang dinadaga na ako ngayon palang, paano ko ba sisimulan ito kailangan bang sabihin ko ng direkta o hinay-hinayin ko at baka mabigla si tita. Siguro yung una nalang para hindi na magpaliguy-ligoy.
"Tita may gusto po akong sabihin," panimula ko pero tinaasan lang ako ni tita ng kilay, sorry na tita ito na nga po sasabihin na huwag lang kayong tumingin sa akin ng ganyan mas lalo lang akong kinakabahan sa magiging reaction nito.
"Iiwanan talaga kita dito sa labas sinasabi ko sa'yo, iho. Makikita mo talaga ang bagsik ko." Alam ko naman na biro lang ni tita 'yon kaya humugot ako ng hangin para masabi na dito ang pakay ko.
"Gusto ko lang pong sabihin na balak ko pong ligawan ang anak niyo tita, sana payagan niyo po ako para maging pormal ang panliligaw ko ngayon." Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon ni tita pero nanatiling nakataas ang kilay nito kaya mas lalo lang talaga akong kinakabahan baka isipin nito na sinamantala ko ang kabutihan niya para masungkit ang puso ng panganay niya pero malinis naman ang intensyon ko, hindi ko naman sinadya na magkagusto sa anak niya kasalanan ko ba kung labis akong humanga kay Lucky.
"Kung hindi po kayo papayag, pwede naman po na mag-antay ako kahit gaano pa katagal." Seryoso talaga ako sa bagay na ito, hindi sa pagmamadali pero ayaw ko ng mag-aksaya ng oras lalo na't may gusto na ito sa akin.
Madaya nga e', ako gusto ko na siya samantalang siya nagugustuhan pa lang ako but it's okay, ganoon naman talaga kase hindi lahat nakukuha ng madalian.
"Ano ang nagustuhan mo kay Lucky?"
Honestly, hindi ko din alam nagising nalang ako na gusto ko na siyang maging girlfriend tapos naging mahal ko na siya. "Siguro po yung pagiging masungit niya sa akin kase kahit na ganoon ang pakikitungo niya sa akin nakikita ko na mabuti siyang tao, at para sa akin isa siyang espesyal na babae na kailangan kong pangalagaan
"At mahalin na walang hinihinging kapalit, umamin na ako sa kanya tita at sagot mo nalang po ang inaantay ko para masabi ko na magiging akin na talaga ng buong-buo ang babaeng mahal ko."
Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni tita. "Tita mahal ko po ang anak niyo."
"Alam ko na alam mo na ang rason niya kung bakit naging sarado ang puso niya pagdating sa pag-ibig. Hindi ko masisise ang anak ko na 'yon pero nanay ako at alam ko ang nararamdaman niya kahit hindi nito sabihin, takot siyang matulad sa akin na iniwanan kaya kahit maraming lalaki ang nagbabalak na manligaw sa kanya ay hindi niya pinapansin kaya sana kung payagan man kita o hindi sana alagaan mo pa rin ang anak ko." Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat, seryoso pa din ito at hindi ngumingiti kaya naroon pa din ang kaba pero hindi na katulad ng kanina kase pakiramdam ko na hindi tutol sa amin si tita.
"Mahal ko ang batang 'yon kahit na bastos minsan niya akong kausapin kaya hinangad ko na makatagpo siya ng isang lalaki na magpapamulat sa kanya na hindi lahat ng lalaki ay balak siyang iwanan kaya nagpapasalamat ako sa'yo kase nagawa mong mahalin ang anak ko," huminto ito sa pagsasalita bago tumungo, kinuha nito ang kanang kamay ko at hinimas-himas.
"Gusto ko na maging masaya si Lucky kaya pumapayag ako na ligawan mo siya."
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi dahil sa aking narinig, finally. Akala ko talaga hindi papayag si tita pero nagkamali ako kase ngayon pumayag na siya at wala ng bawian 'yon. Ipapangako ko sa sarili ko maski sa mama ni Lucky na hindi ako gagawa ng ikakasira naming dalawa, iiwasan ko ang tukso na maaaring maging hadlang sa pagsasama naming dalawa.
"Maraming salamat po tita. I love you na po mga sagad sa lima." Niyakap ko si tita dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon, kailangan maging maganda ang araw namin para mas maging memorable ang unang panliligaw ko sa kanya kung yayain ko kaya siya Imus Plaza?
Pwede lalo na't malapit na ang christmas at maganda na ang view doon. Ang last time na punta ko roon ay napaaway ako pero ngayon, sisiguraduhin ko na magiging magandang ala-ala ito sa aming dalawa.
Bumitaw na ako kay tita at nanakbo papasok ng bahay, tatawagan ko sila mama para balitaan sila sa bagay na ito pero ng tumawag ako sa kanila ay walang sumasagot kaya imbes na manghinayang ay hinayaan ko nalang kase may ibang oras pa naman para masabi ko 'yon sa kanila ni papa.
Naupo ako sa sofa at inaantay na lumabas si Lucky sa kwarto niya, gusto ko na sabay kaming mag-almusal para matuwa siya na ang sweet kong manliligaw.
Sandali, kailangan ko pa ng bulaklak kaya tumayo ako para lumabas ulit para pumitas ng halaman sa malaking bahay. Kumuha ako ng mga tatlong piraso at pinagdikit-dikit 'yon bago bumalik ng bahay na may malawak na ngiti.
"Ay mahal ko." Nagitla ako ng biglang bumungad sa pinto si Lucky kaya napaatras pa ako at muntik pang maout of balance, mabuti nalang talaga na nakakapit agad ako. At ng mahimasmasan ako, "ang ganda mo, Lucky me."
"Tse. Ang aga-aga mong mambola, excuse me mag-aayos muna ako ng sarili." Hindi naman na niya kailangan mag-ayos kase maganda na siya sa paningin ko at masaya ako kase hindi ito bad mood ngayon. Malakas na siguro ang epekto ko dito, malaki ang tyansa na hindi na siya magsungit.
"Sandali, para sa'yo." Iniabot ko sa kanya ang tatlong bulaklak na inamoy pa nito, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti lalo na nung may ngiti ito sa labi ng tumingin sa akin. "Tatlo 'yan para ibig sabin ay, mahal kita sobra! Nagustuhan mo ba, oo dapat ang sagot mo kase mag-uumpisa na akong ligawan ka."
Kumunot ang noo nito, huwag niyang sabihin na nakalimutan niya ang usapan namin kagabi. Madaya talaga siya dapat may isa din siyang salita. "Araaay!"
"Hindi ko nakalimutan kaya huwag kang lumabi dyan na parang isang pato. Maglinis muna ako katawan at salamat dito sa bulaklak nagustuhan ko siya kahit pinitas mo lang ito sa tanim ni kapitan."
"Pinitas ko nga 'yan sa labas pero may kasama namang pagmamahal kaya mahal kita." Mahina ako nitong tinulak bago ako talikuran papunta sa banyo, dala-dala niya ang bulaklak hindi ba 'yon malaglag sa inidoro.
Napakamot siya sa ulo. Pasaway talaga ang Lucky me ko na 'yon, bahala na nga siya kung ano ang trip niya basta ako masaya ngayon kase malapit na siyang maging akin.
Inihanda ko na ang kakainan naming dalawa ni Lucky, tulog pa kase si Pempen kaya mamaya nalang siguro siya kakain. Ito na nga naglakad ako ng dalawang pinggan at sa gitnan nito ay ang ulam namin tapos mabilis akong gumawa ng sawsawan kase may tuyong niluto si tita.
Naglagay na rin ako ng tubig sa pitsel at inayos ang uupuan naming dalawa. Simpleng agahan pero kapag kasama ang taong minamahal mo mas lalong nagiging espesyal.
Lumabas na si Lucky sa banyo at bahagya pa akong napangiti ng makita ang isang bulaklak sa kaliwang taenga nito. Bagay sa kanya maging dyosa tapos ako ang magiging asawa niya tapos magkakaroon kami ng magaganda't gwapong anak.
"Nakatulala ka dyan may muta pa ba ako sa mata," otimatiko nitong kinapa ang sarili para tignan kung may muta nga siya pero sa totoo lang wala naman talaga siyang ganoon, sadya lang talaga na nabighani ako sa kagandahan niya kaya ang swerte ko para maging unang boyfriend niya. Isa 'yong karangalan para sa akin kaya kailangan talaga hindi ko painitin ang ulo niya para hindi siya magsusungit.
"Ang ganda mo," mahinang bulong ko dito sapat na para marinig niya. Kahit lumipas ang buwan hindi ako magsasawa na sabihin sa kanya ang salitang 'yon.
"Ilang beses mo ng sinasabi sa akin 'yan at baka lumaki na ang ulo ko."
"Ayaw mo no'n may tagapagpaalala sa'yo na maganda ka," umiling ito at natawa. Napangiwi nalang siya dahil do'n, ayaw niya ba no'n edi babawasan ko nalang para hindi lumaki ulo niya.
"Hindi ko kailangan ng tagapag-alala kase alam ko na kaya mo ako nagustuhan kase maganda ako, oh huwag ka na magsalita kumain nalang tayo."
Grabe.
Ito na nga kakain na, ipinagtulak ko muna siya ng upuan bago ako naupo. Tahimik lang kaming dalawa na kumain at nag-usap din kami sa iilang bagay tungkol sa buhay buhay.
Hindi ko din maiwasang hindi matawa kase ang kalat ngayong kumain ni Lucky para tuloy siyang bata. Partida parehas na kaming nakakamay niyan, siya yung babae na maganda pero walang arte sa katawan.
"Alam mo nung nadatnan kita dito uminit agad ang ulo ko sa'yo kase hindi kita kilala tapos nasa loob ka ng pamamahay namin," pagkwekwento nito na siyang ikinangiti ko.
"May kasabihan nga na the more you hate the more you love kaya tignan mo tayong dalawa nauwe na sa pagmamahal at sobrang saya no'n."
"Correction sa part ko, gusto palang 'yon wala pang love." Kung hindi ko lang talaga siya mahal baka hinagis ko na ito palabas ng earth pero Wala kase mahal ko, imbes na mag-isip pa ng ikakalungkot ko ay naging positibo nalang ako saka may punto naman kase si Lucky me.
"Kahit na doon pa din naman ang punta no'n."
"Ewan ko sa'yo." Tumayo na siya kase tapos ng kumain kaya tinapos ko na din ang kinakain para makaligpit na. At kapuwa kaming dalawa na magkatabi habang hinuhugasan ang kinainan namin, ako sana ang gagawa no'n kaso sinabihan niya lang ako na hindi naman daw putot ang kamay niya para hindi niya mahugasan ang sariling pinagkainan.
"Saka hindi pa naman tayo mag-asawa," hala! Tignan mo siya, akala niya ah! Gusto niya siguro na maging mag-asawa kami at hindi na humakbang sa panliligaw at pagiging nobyo't nobya.
"Ano nga ulit 'yon," paglilinaw ko.
"Sabe ko tapos na ako maghugas at bilisan mo dyan!" aigo! Madaya talaga hindi man lang inulit, gusto ko pa naman sanang ulitin para lagi kong maisip. Umalis na ito sa tabi ko kaya tinapos ko na din ang hinuhugasan ko, nagpunas ako ng kamay bago ako lumapit sa kanya na nakaupo sa sofa. "Oo nga pala hindi ka ba papasok?"
"Hindi kase ikaw ang gusto kong pasuka--aray ko po! Ano nanaman ba 'yon!"
Nambabatok nalang bigla, nakakabano talaga siya. Paano nalang kapag nagkaroon ng damage utak ko, edi nawala siya sa isip ko.
Ah ayaw ko!
"Ayusin mo 'yang sinasabi mo at baka may makarinig sayong ulupong ka."
H-ha?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro