Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 17

"HINDI ka ba makatulog at panay ang kislot mo dyan sa sofa." Umiling lang ako kase hindi naman talaga ako inaantok at wala pa akong balak matulog kase kailangan ko malaman kung ano ang sagot ni Tao kay Kirei. Saka ilang minuto pang wala ang lalaki, saan naman kaya 'yon naglusot at baka mamaya kung ano nanaman ang nangyari do'n.

"Sa labas lang ako ma," paalam ko pagkatapos naglakad na agad palabas. Mas maigi na sa labas ko nalang siya antayin at kapag nagtanong ito sasabihin ko nalang na kailangan ko magpahangin, baka lumaki pa ang ulo nung bruho na 'yon.

Tumingin ako sa daanan at nakita ko nga si Tao na naglalakad ng nakayuko. Problema ng lalaking ito, may pagyuko pang nalalaman.

Umalis na agad siya sa makikita siya nito at naglakad na papunta sa may puno at doon tahimik na naupo. Itinungo ko pa ang ulo para hindi halatang inaantay ko siya.

Tagal naman no'n. Ano ba kase iniisip niya? Baka mamaya pumayag na 'yon sa kalandian ni Kirei, hindi ko nanaman talaga siya papansinin para galit-galit ulit kami.

"Lucky, ginagawa mo dyan sa madilim?"

Nag-angat tingin ako para makita ang lalaking ito, at nagkakamot nanaman siya ng ulo. May balakubak ba siya at panay ang kamot niya dito.

Iwinaksi ko lang naisip ko na imposible namang mangyari kase naliligo naman ang lalaking ito at malinis sa katawan kaya diba nasabi ko noon na masarap siya.

Masarap siyang kasama ibig kong sabihin. At baka ano pa ang maisip at mapagtsismisan pa.

"Hindi ka ba makatulog kaya ka nagpapahangin o inaantay mo akong makauwe?" Umawang ang bibig ko sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Bakit ko naman siya aantayin dito sa labas, e nagpapahangin lang naman siya.

"Ang kapal naman ng mukha nito!"

"Aminin mo na kase na may gusto ka na sa akin para naman maging nobyo mo na ako at magkaroon na tayo ng pamilyang ma--araaay ko naman, bakit ka ba nambabatok," pag-angal nito na ikinatawa ko nalang kase mukha siyang ewan sa itsura niya habang hinihimas ang noong binatukan ko.

"Tignan mo pinagtatawanan mo pa ako, ayaw ko na nga hindi na tayo bati." Inirapan ko ito sa pag-arte nitong parang bata, mukha siyang tanga. May nalalaman pang pagpadyak na animo'y toro na sasabak sa takbuhan.

"Umayos ka nga, pero sandali maiba ako saan ka nanggaling at ang tagal mong nakauwe?"

Tignan mo kumamot nanaman ng ulo, alam ko na ireregalo ko sa kanya sa pasko. Bibigyan ko siya ng limang suyod para naman hindi na siya mangamot ng ulo. Pero aaminin ko kapag ginagawa niya 'yon mas lalo siyang nagwapo.

"Ano kase itong kaibigan mo inantay ako sa kanto tinanong ako kung ano sagot ko sa invitation niya pero diba may sagot na ako, hindi mo ba nasabi sa kanya," umiling ako, sinadya ko talaga na hindi ipaalam dito para masaya.

Saka ano pa ang rason para sabihin niya 'yon, hindi sila okay at mas gusto ko na magmukha itong tanga sa pag-aantay ng sagot ni Tao.

"Sinabi mo naman ata sa kanya na hindi ka makakasama kase may birthday ka din na pupuntahan." Kampante ako sa isasagot niya sa akin kase alam ko na may isa siyang salita na hindi siya sasama sa babaitang iyon.

"Pinilit niya ako na sumama kaya napa–"

"Stop. It's your choice naman kaya no need to explain to me." Nawalan ako ng gana, akala ko nakapili na siya ng sasamahan, yun pala ay wala siyang isang sagot dahil napilit pa siya ng malanding babae na iyon. At nakakairita talaga na nagpadala siya dito.

Tinalikuran ko na siya para pumasok, dapat natulog nalang agad ako at hindi na siya inantay pa. Umasa talaga ako sa bagay na 'yon at nakakawalang gana.

"Hindi mo ba ako papatapusin magsalita,"

"Hindi na at baka masira ko pa ang plano mo, anyways good luck sa swimming niyo." Hindi ko maiwasang magtunog bitter kase nakakainis naman kase na akala ko finale na ang sagot niya 'yon pala may other choice pa, ibig sabihin no'n marupok ang lalaking ito kase madali siyang mabilog.

Tinuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating sa kwarto at doon pasalampak na nahiga. Tumulo ang luha ko na hindi naman dapat, hindi naman kami kaya hindi ko kailangan masaktan sa naging desisyon niya pero bakit ang sikip sa dibdib. Buwiset kase, dapat talaga hindi na ako umasa.

Pinunasan ko ang luha at umayos ng higa. Wala dapat akong nararamdaman na ganito kase hindi ko naman siya pag-aari at walang label sa relasyon namin. Ni hindi ko nga masabi kung ano ang nararamdaman ko sa kanya tapos kung umasta ako akala mo niloko ako.

Stop it, Lucky! Hindi ka na dapat makaramdam ng ganyan, tigilan mo na hanggat hindi pa malalim ang nararamdaman mo sa kanya.

Hindi mo siya kailangan sa buhay mo.

Kaya mong mabuhay na walang lalaki!

Hindi ako matutulad kay mama na iniwanan dahil sa ibang babae.

Pare-pareho lang ang mga lalaki.

[ Tao's Pov ]

Hindi niya man lang ako pinatapos sa pagsasalita, ayaw niya ba marinig ang karugtong no'n. Baka nawalan siya ng gana dahil sa akin, ipapaliwanag ko nalang sa kanya bukas kung ano talaga ang naging sagot ko.

Magpapahinga muna ako at bukas maaga akong aalis para pumunta sa birthday, first time ko lang mararanasan 'yon kaya sobrang excited na ako pero sinabihan ko na sila na hindi ako mag-iinom  para bukas ay hindi na sila mangulit.

Naglinis muna ako ng katawan para maayos ang pagtulog ko at nang matapos ay humiga na ako sa sofa pero bago pumikit ay pinakimdaman ko muna ang kwarto ni Lucky pero mukhang tulog na ang nasa loob kaya pumikit na ako at nagpatangay sa kadiliman.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako, mabilisan lang ang ginawa kong pagkilos kase ayaw kong malate sa work. Hapon pa kase ang alis namin pero kailangan magtinda raw muna kami para may pera. Kasama kase namin ang may-ari ng karinderya at kaya maaga akong papasok dahil ako ang opening kase malalate pumasok si Ate, okay lang naman 'yon sa akin kase sanay na ako sa gawain na 'yon.

Mabilis lang din naman makakarating si Ate kaya pagdating nito ay matutulungan niya pa din ako.

Isinuot ko na ang damit ko at naglakad na palabas ng bahay, marahan ang bawat kilos ko at baka magising ko sila. Nakalabas na ako ng bahay kaya nagmadali na akong maglakad para makarating sa trabaho, pero bago 'yon dumaan muna ako sa bilihan ng iluluto ko.

Hotdog at tuyo lang naman 'yon at panglahok sa pansit. Agad din naman akong natapos kaya tinungo ko na ang karinderya at binuksan ito.

Sinimulan ko ng ilabas ang mga upuan pagkalapag ko ng pinamili ko. Binuksan ko na rin ito kaya naghugas na ako ng kamay para makapagsimula ng magluto.

Maya-maya ay dumating na si ate, magkasabay silang dumating ni Sir na tagabantay tuwing umaga. Nagsimula na ang mga mabibigat na gawain kaya paunti-unti ay nagligpit na kami ng nga hindi ginagamit.

Ilang putahe lang naman ang niluto namin at lahat heavy 'yon kaya nang tumuntong ang ala-una ay nagsunod-sunod na ang pagkaubos ng mga ulam kaya nagsabi na sa amin si boss na magligpit na. Nagtext na rin kase ang anak nito na papunta na sila dito.

[ Kirei'POV ]

"KIREI, wala ka bang balak na maupo at nahihilo ako sa'yo, pwede ba?"

Walang gana akong naupo sa katabi nito at humalukipkip. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Tao kay Lucky, hindi naman ito espesyal at wala nga 'yon kagana-gana na makipaglandian.

Kung sa ganda lang din naman ang pag-uusapan, mas lamang ako ng tatlong paligo kaysa do'n. Maputi lang siya kaya akala mo maganda pero hindi naman talaga kase kapag nangitim 'yon hindi na 'yon maganda pero ako maganda na ako in and out at walang duda sa bagay na 'yon.

"Hindi kase sumama si Tao, akala ko pa naman madadala ito paghawak ko sa dibdib niya pero nagkamali ako, mygosh! Hindi man lang niya ako tinignan ng tuwid." Pagrereklamo mo dito pero tumawa lang ang bakla kaya siniko ko ito. Dumaing ito pero sinamaan ko lang siya ng tingin, para kaseng siraulo kung hindi ko lang ito kaibigan baka ililublob ko na siya sa pambatang pool.

"Alam mo bakla, may kalandian ka naman na pero kung makapanghangad ka pa kay Tao parang walang bukas. Aminin mo nga, malandi ka tala-aray naman! Loka-loka ka na. Chaka mo teh!"

"Buwiset kang bakla ka, makasabe ka sa akin ng malandi parang hindi ka rin malandi!" sigaw ganti ko sa kanya, akala niya ba hindi ko malalaman na palihim niyang chinachat si Elfren tapos ngayon sasabihin niya saakin na malandi ako, ang kapal ng mukha ng baklang 'to!

"Saka manahimik ka walang nahingi ng opinyon mo, nakakainis." Iniwan ko na siya do'n at tumalon sa pool, magbabad muna siya para kahit papaano ay mawala ang init ng ulo niya.

Hindi mawala ang inis na naramdaman ko kahit na nakababad ako sa tubig, gusto kong ilabas ang inis ko na 'to, to the point na may masasabunutan ako at speaking of that nadagdagan lang ang inis ko dahil sa pagkasabunot sa akin ni Lucky.

Napuruhan ako ng babaitang 'yon. Pasalamat talaga siya hindi ko siya sinumbong kay mama kung nagkataon talaga baka magrambulan na sila tita. Ayaw ko namang mangyari 'yon, labas na sila sa away naming dalawa ni Lucky.

"Hanggang ngayon nag-iisip ka pa din. Hindi ba uso sa'yo na magmove on at magsaya nalang para hindi ka pumangit, duuh!"

"At kagabi ka pa nang-iinis." Iluloblob ko na talaga siya dito sa tubig para mawala na siya sa mundo at mamatay siyang walang nakinabang sa katawan niya. As if din naman na may pumatol dito, ni malabo nga na magkaroon siya ng boyfriend na lalaki. Ayaw pa kase nito na magkaroon ng girlfriend para naman hindi masayang genes ni Tito. "Saka pwede bang layuan mo muna ako at baka mailublob na talaga kita dito sa pool."

"Gawain mo para mawalan ka ng kaibigang maganda, duuh! Bibihira nalang ang may ganitong face kaya huwag mong sasayangin."

"Magbuhat ka pa ng sarili mong bangko!"

Parehas silang umirap sa isa't-isa.

Kailangan ko mag-isip ng plano, akitin ko kaya siya, gumawa kaya ako ng gayuma para hindi na niya isipin si Lucky o ipaubaya ko sa kanya ang katawan ko.

I have a good idea talaga, masubukan nga mamaya kapag uwe. Alam ko na makukuha ko na siya this time lalo na't katawan ko na ang usapan at kapag kumontra pa siya ay iisipin ko na talagang wala siyang taste at bakla siya.

Ulam na ang nalapit sa kanya kaya huwag na siyang magdalawang -isip na tuhugin ako.

Hmm.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro