Part 16
[ Kirei's POV ]
EIGHT na ngayon ng desyembre at kailangan maisama ko si Tao sa swimming bukas, hindi pwedeng hindi Kung kailangan kong umarte gagawin ko makasama lang siya.
Love at first sight ata itong tumatama sa akin. Ang gwapo kase nito at mukhang may malaki ring hinaharap at bukod pa do'n gusto ko siyang maging kaibigan.
Akala siguro nung Lucky na 'yon na hahayaan ko siyang maging sila ni Tao. Oo at siya ang unang nakilala pero ako pa din ang nararapat para kay Tao. Sa akin lang siya, hindi ko siya sasaktan hindi kagaya ng babaeng iyon na hindi marunong humalik at walang kwentang tao.
Kung may choice lang ako hindi ko na siya kinaibigan pa, akalain mo 'yon kahit na masungit si Lucky may mga lalaki pa din na nagkakagusto sa kanya. Mga bulag ata ang mga ulupong, maling babae ang nagugustuhan. Andito naman kase ako, mas maganda pa nga ako sa babae dahil maputi lang naman iyon, samantalang ako kayumanggi ang balat mas makatotohanan.
Basta pigilan man niya ang gagawin ko ay hindi ako susuko. Sa akin mapupunta si Tao at makakasama siya bukas, mamaya ko siya aantayin sa kanto para masabihan.
"Ang creepy mo kapag tahimik pumunta na kase tayo sa bahay nila Lucky para makahingi ka ng sorry at sabihin mo na nagbibiro ka lang sa text mo." Sinamaan ko ng tingin si Taho, sino ba ang kinakampihan niya ako ba o si Lucky. Lahat nalang talaga siya ang gusto, maski sila lolo si Lucky lagi ang bukambibig.
Hindi naman nila iyon apo. Ako ang apo pero ibang tao ang gustong pinupuri.
"Hindi ko kailangan humingi ng sorry sa babaeng 'yon, sino ba siya? At ikaw tanga ka ba nagsabunutan na nga kami tapos gusto mo pang magkaayos kami, nakadrugs ka ba," sambit ko.
Wala namang imik ako nitong iniwasan. Taho is a good friend of mine kaya alam ko na kahit magkaaway kaming dalawa ni Lucky ay sa akin ang bagsak niya, ako minsan ang nanlilibre sa kanya ng pagkain maski couple shirt ay binigyan ko siya kase alam ko na wala siyang ganoong damit saka mas trip ko siyang bigyan kaysa kay Lucky. Napipilitan nga lang akong pakisamahan 'yon, sa ngayon okay na ako sa set-up na ganito.
"Hindi na ba talaga kayo magkakaayos na dalawa," tanong ni Taho na nakatingin na sa akin, pumiksi ako at umiling. Hindi na ayaw ko na makisama sa babaeng iyon, si Tao ang gusto kong makuha at magiging masaya ako kapag naging akin siya.
"Kumain nalang tayong dalawa para naman matigil 'yang iniisip mo. Gutom lang 'yan, halika nagluto sila dito ng adobo alam ko na favorite mo 'yon...tumayo ka na bakla." Tumayo na ako para kumuha ng kakainin, at sumunod na din naman si Taho na parang lantang gulay. Kulang ba siya sa dilig, gusto niya ba na diligan ko siya?
"Bukas pala agawan mo pumunta dito, ah! Mga 10 ng umaga para matulungan mo kami na mag-ayos ng mga dadalhin." Tumango lang ito kaya naupo na ako at nagsimula ng kumain, sa harapan ko naupo si Taho at tahimik lang itong kumain.
Kahit na chubby pala itong si Taho ay may karisma din siya hindi ko lang talaga siya maintindihan kung bakit mas pinili niyang maging bakla kaysa ang maging lalaki. May kakilala kase ako na may gusto dito, hindi nga lang pinapansin ni Taho kase wala siyang balak na lumandi sa babae pero kung ako ang tatanungin bagay silang dalawa.
"Taho, wala ka bang balak na magpakalalaki." Bumagsak ang balikat nito kaya natawa ako, ayaw niya talagang napag-uusapan ang ganoong bagay. Sayang talaga siya pero wala naman akong magagawa kase choice niyang maging ganiyan.
"Samahan mo pala ako mamaya sa kanto ng Doña andeng para mahintay natin si Tao para mapilit natin." Sa totoo lang wala pa naman itong sagot pero dahil nagkaaway sila ni Lucky ay sigurado na hindi na sasama si Tao kase haharangin niya ang desisyon nito. Gawain niya iyon, palihim kase kung gumanti si Lucky kaya nakakainis talaga kapag naiisip niya na ayaw nitong pasamahin si Tao.
Takot maagawan. Duh! Akala mo naman talaga may experience sa love, ni hindi nga marunong lumandi at magmahal.
[ Taho's POV ]
HINDI ko na maintindihan ang dalawang bakla, bakit kailangan nilang mag-ayaw dahil sa iisang lalaki. Sa totoo lang hindi naman bigdeal 'to. E, kailangan lang ng maayos na usapan.
Ito naman kase si Kirei parang buang, alam na magkakasama sila ng nakaraan hindi pa sinabihan si Lucky, edi pinagsimulan pa ng away nilang dalawa at idinamay pa nila si Tao na walang ideya sa nangyayari.
Naiinis ako sa kanilang dalawa, parang mga bata. Mga bulbulin na pero kung mag-away pa pero naloka talaga ang beauty ko ng magsubunutan ang dalawang iyon. Oo, likas na kay Lucky ang magsungit pero yung ginawa niya kay Kirei, nakakagulat 'yon dahil hindi naman nito ugali na makipag-away. Lagi lang itong gumagamit ng mga below the belt na salita pero mabait talaga siya.
Pero itong si Kirei, hindi ko maintindihan ang gaga parang sinapian na ewan. Tahimik lang kase na babae itong si Kirei pero maraming fafabols.
Sa pagkakaalam ko kase may kalandian na itong si Kirei at nililigawan na siya pero hindi ko lang talaga alam kung sino ba talaga ang gusto niya pero sino ba niloko ko bakla, malamang sa alamang na si Tao ang target ng bruha.
Hindi naman ito makikinig kung sakaling pigilan ko siya, wala ata itong balak na makipag-ayos kay Lucky lalo na't gusto nitong kausapin si Tao para makasama sa swimming bukas, honestly ayaw ko sumama bukas kase alam ko na magiging kakambal ng saya ang hirap.
Lalo na't kasama ako tiyak na ang kapalaran ni bakla, ayaw niya lang magsalita tungkol dito kase baka sila pa ang mag-away na dalawa. Hindi ko alam kung kailangan niya ng kaibigan ko o ng utusan, mabuti pa si Lucky kahit hindi pa ako no'n nilibre hindi naman siya ganito sa akin.
Para tuloy utang na loob ko pa na tumanggap ako ng kahit ano kay Kirei. Ako tuloy ang naiipit.
"Tara na sa kanto. Bilisan mo kumilos!"
"O-oo, ito na nga."
Lumabas na silang dalawa at naglakad patungo sa kabilang kanto. Gusto ko na kayang umuwe, baka sa akin naman magalit si mother dear, bakla na nga ang anak nila tapos pasaway pa para tuloy double kick sa mga laro. Gosh!
Hagardo Versosa na ang peslak ko sa nangyayari ngayon. Bahala na nga, kare-kare ko lang ito dahil I do believe na magiging maayos din ang lahat kase nasa huli ang pagsisise.
Isang oras kalahati na kami nag-aantay dito at suko na ang pwet ko kakaupo kaya naglakas loob na ako magsabi na gusto ko ng umuwe.
"Uuwe na ako, Kire! Hindi ko na keri na mag-antay kay Tao. Bukas nalang tayo magkita, babush!" hindi ko na siya inantay na sumagot at tumakbo na ako paalis. Sa Doña Donisia pa ako nakatira. E, si Kirei sa Sareal dyan lang nakatira. Saka inaantok na ako, isasama pa niya ako sa kalandian niya para kay Tao alam naman niyang si Lucky ang gusto no'n.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa at tinignan kung sino at kung mapasino ay sinagot ko na agad ang tawag. "Magkasama lang tayo kanina tapos ngayon natawag ka na."
"Gaga ka, iniwanan mo ako! Bumalik ka dito at parating na 'yon." La. Buwang na gait, hindi ba niya iniisip na may pamilya ako na nagagalit sa akin. Palibhasa sanay na siyang masermonan, paano naman ako? Psh.
"Hindi na. Malapit na ako sa bahay, saka ikaw ang umuwe wala ka namang pag-asa kay Tao. Alam natin pareho na si Lucky ang gusto no'n at hindi ikaw." Aware naman siguro siya pero tanga na siya kapag nagpumilit pa siya.
"Nakakainis ka talaga! Magsama kayo ni Lucky!"
"Gaga ka! Wala namang kami," sagot ko. Hindi kami talo ni Lucky parehas lalaki gusto namin kaya ekis sa babae. Ibinaba ko ang tawag ng makarating ako sa tapat ng bahay, pumasok ako at nagmano kina mama.
Pumasok na ako sa kwarto at nahiga.
[ Lucky's POV ]
Hindi naman siguro siya desperada sa pag-aantay kay Tao na makauwe, kating-kati na siguro ang bruha na piliting sumama si Tao sa swimming kahit na hindi ito makakasama.
Sa katunayan nga n'yan na pinapasabi sa akin ni Tao na hindi siya makakasama kasi birthday din ng katrabaho niya pero hindi ko sinabi 'yon kay Kirei. Bahala siya sa buhay niya.
"Sino tinitignan mo dyan, ate Lucky?" tanong ni Mary, anak siya ng manggugulay sa Doña Andeng at hindi kami masyadong close pero kilala namin ang isa't-isa.
Dumungaw din ito ng tingin sa tinitignan ko kaya hinila ko na siya para hindi siya mapansin ni Kirei at baka isipin no'n na pinapanuod ko ang katangahan niya at mapahiya pa siya ng malala.
"Hindi po ba si ate Kirei 'yon, bakit hindi niyo siya lapitan?"
"May gusto lang kasi akong makita, saka may inaantay 'yon na iba." Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa batang 'to, tsismosa kase nakakainis baka mamaya sabihin pa nito kay Kirei na pinapanuod ko siya, edi nasira ang movie marathon ko. "Hayaan mo nalang siya, gusto ko kase na suportahan siya sa ginagawa niya."
Hell no. Kalandian lang ang alam ng babaeng 'yan kaya dapat hindi siya tularan.
Dumaan na si Tao kaya nilapitan ito ni Kirei, may pinag-uusapan na sila pero mukhang sumagot na ito na hindi siya sasama. Pero nanliit ang mata ko ng hawakan ni Kirei ang dibdib ni Tao kaya nahampas ko ang table na nasa harapan ko.
"Ate, anong problema mo?"
"Wala."
Mukhang ginagamit na nung babae na 'yon ang estratehiya niya para makuha si Tao at ewan nalang kung anong isasagot nito kay Kirei. Buwiset talaga, bahala na nga.
May tiwala naman ako sa salita ni Tao na kahit wala pa kaming label at lagi ko siyang sinusungitan ay alam ko na ako pa din ang pipiliin niya.
Halos patakbo kong nilisan ang bahay nila Mary para makauwe na sa bahay. Siguro doon ko nalang aantayin ang pag-uwe ni Tao at baka magkwento din ito sa kanya.
Sana nga talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro