Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 15

KANINA pa ko nag-aantay sa street kung saan kami magkikita ni Kirei, nangangati na ang kamay ko na sampalin siya. Hindi ko gusto ang angas niya kagabi, kahit na kaibigan niya ako wala siyang karapatan na maging maangas.

Ako lang dapat. Ako lang.

Akala niya siguro na kapag nakasama niya si Tao ay magugustuhan na siya nito. Hindi, alam ko 'yon kase 'di pa naman sila lubos na magkakilala.

Echoserang bakla iyon! May kalandian na't lahat-lahat hindi pa nakuntento.

"Finally!" bulong ko ng makita ko na ito pero kasama niya si Taho. As if naman kampihan siya ng baklang kasama niya. Cockroaches lang iharap mo dyan luluhod na agad 'yan.

Bilisan niyo naman.

Tumayo na ako sa pagkaupo ko ng makalapit na sila sa akin. Pinagpagan ko ang pwetan ko bago sila salubungin.

"Baks, bakit kailangan dito pa kayo mag-usap!" bungad tanong agad sa akin ni Taho pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi sa babaeng nasa tabi niya. Masama itong nakatingin sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko. "Hey, may problema ba kayong dalawa sa isa't-isa?"

"Woooy! Shit, ginagawa niyo!"

Hindi ko pinansin ang ingay ni Taho at itinuloy ko lang ang pagkasabunot ko sa bruhildang babaeng talipandas na ito. Akala niya ba hindi ko siya aatrasan, nagkakamali siya. Gigil na gigil akong hinablot ang likurang buhok nito.

"Malandi kang babae ka! Matagal na akong nagtitimpi sayong babaita ka, buwiseet!"

Hinila nito ng malakas ang buhok kaya mas lalo akong nainis sa kanya kaya pinasubsob ko siya para hindi niya maabot ng kamay ang buhok.

"B-bakit ka nagagalit sa a-akin, eh wala naman kayo ni Tao!" sigaw nito. Nawawala na ba siya sa sarili niya, pati ba naman 'yon ay kukunin pa nito sa akin. Sa tagal ng pinagsamahan namin mas inintindi ko siya tapos ngayon sasaksakin niya ako sa likod. Oo, aminado ako na maliit na bagay lang ito pero ayaw ko ng trinatraydod ako!

"U-uy! M-mga bruha kayo. Tigil-tigilan niyo na 'yan, pasaway naman talaga kayo oh!"

Hinihila ako ni Taho pero binatukan ko ito para mabitawan ako. Bakit hindi ang bruhilda na ito ang awatin niya, palihim kung lumandi.

"Tandaan mo kung ano ka sa buhay ni Tao, Lucky! Masasaktan lang siya sa'yo, naiintindihan mo ba kaya ipaubaya mo nalang siya sa akin!" sigaw nito. Sino nagsabi na magpapaubaya ako ngayon, tama na ang pagpapaubaya.

"Wala kang pakialam sa amin kaya huwag ka magmarunong babaita ka!" sagot ko pero this time ako na mismo ang humiwalay pero itinulak ko siya dahilan para mapasalampak ito sa batuhan. Mabilis itong inalalayan ni Taho kaya napairap ako sa kawalan.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Magkakaibigan tayo dito kaya hindi ko kayo maintindihan na umabot pa sa ganito ang lahat."

"Ask her. Sinadya niya na hindi ako sabihan para may rason siyang masolo si Tao. Nanaginip siya ng gising, alam naman natin kung sino ang gusto niya." Nginisian ko silang dalawa bago sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay bago lumapit sa dalawa na nasa batuhan. At ng magkapantay na kami saka ko inilapit ang bibig ko sa taenga nito.

"Kahit maghubad ka pa sa harapan niya, hindi siya mapapasaiyo kase malandi ka at wala kang respeto sa sarili mo. Tama nga si lolo mo na malandi ka." Tumawa ako ng mahina bago tumayo, nakita ko ang pamumula ng mukha nito dahil sa inis. Subukan niyang sumugod ulit baka pati maliit niyang dibdib ay idamay ko.

Inirapan ko na silang dalawa bago naglakad paalis, mabuti nalang ito ang napili kong spot, walang tao at malayo sa kabahayan.

"Hindi magiging kayo, tandaan mo 'yan!"

Edi hindi. Wala naman kaseng forever, lahat nagsasawa pero kung mangyayari man 'yon mas susulitin ko nalang ang bawat sandali. Saka, hindi pa naman ako sure sa nararamdaman ko para kay Tao. Gusto ko lang siyang ilayo sa babaitang 'yon, paano kaya kapag nalaman 'to ni Tao ano ang magiging reaksyon niya.

Aayawan na ba niya ako? At kakampihan si Kirei. buwiset, nakakabaliw. Wala naman kaming label tapos ganito pa ako kumilos, ano ba kase ang status ng nararamdaman ko para sa kanya.

Gulong-gulo, litong-lito ang buhay ng bakla.

"Lucky me, bakit ganyan itsura mo?"

Nagulat ako ng makita ko si Tao, anong ginagawa ng nilalang na ito dito. Sinabihan ba siya ng bruhildanf babae na 'yon. "May ginawa lang ako, ikaw ano gagawin mo dine?"

"Inutusan lang ako na kumuha ng bayad para sa plan, at ikaw mukha kang hahabulin ng suklay sa itsura mo..halika nga dito, ayusin natin 'yan." Tulad ng sinabi nito ay inayos niya ang ang buhok, sinuklay niya ito gamit ang kamay niya kaya napangiti ako ng palihim. Sweet naman siya sa akin kahit na palagi ko siyang sinusungitan.

Siya pa nga lang ata ang nag-iisang lalaki na gumawa sa akin nito. Never ko kase naramdaman na may tatay ako, lumaki ako na may sama ng loob sa tatay ko kaya maski sa lalaki na makikilala ko ay sinusungitan ko agad sila para malaman nilang hindi ako interesado pero iba ito si Tao, siguro dahil magkasama kami sa iisang bahay pero kahit estranghero kami sa isa't Isa at sapat na para makilala namin ang isa't-isa.

"Ang dungis mo ngayon, iisipin ko talaga na binabalikan mo pagkabata mo. You're so cute, bagay talaga tayo." Hinampas ko tuloy ito sa balikat pero nagpatuloy lang ito sa pag-aayos ng buhok ko. Ang bango talaga nito kahit walang pabango.

"May nangyari lang kaya mukhang madungis akong tignan." Hindi ko sinabi ang totoo lalo na't nasa lugar ding ito si Kirei. Humarap ito sa akin ng maayos ng matapos niya akong ayusan kaya niyaya ko na itong umalis.

"Hindi ka naman siguro pagod ngayon 'no, mukhang maganda ang mood mo eh." Maaliwalas kase ang mukha nito na parang may may nangyaring maganda kaya siya ganyan.

"Ikaw ba naman may nahalikan kaga–" Tinakpan ko na agad ang bibig nito para manahimik. Hindi niya na dapat pinaalala 'yon, past is past dapat kahit na kagabi lang 'yon.

"Baliw ka talaga. Huwag mo na ulit sasabihin 'yon sa harapan ko. Nakakainis ka!" imbes na manahimik ay tumawa pa ang loko kaya tinakpan ko na ang bibig nito para tumahimik. Kahit naman na walang makakarinig sa kanila ay kailangan niyang patigilin ito.

Nahihiya ako kase nagpadala ako sa halik na 'yon. "Pwede bang ulitin natin 'yon ngayon para maturuan kita paano humalik?"

The hell. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Anong maturuan, hindi ba ako marunong humalik?

"Ano ibig mong sabihin na kailangan mo akong turuan!"

Inirapan ko siya ng ngumiti ito. Nakakaasar na 'yang pagngiti niya pero sino niloko ko, ang gwapo niya kaya pag natawa.

"Hindi ka kaya marunong humalik para kang tuod," sagot agad nito. Hindi ba niya alam na nakakainis 'yang sinasabi niya sa akin ngayon. Naoffend tuloy ako sa bagay na iyon malay ko ba na kailangan kong matutunan 'yon. "Pero huwag kang mag-alala dahil tuturuan kita kapag naging tayo na sa ngayon sa liligawan muna kita."

"Kalokohan mo!"

Nauna na akong maglakad sa kanya, nakakahiya talaga mga pinagsasabi niya mabuti nalang talaga wala na silang ibang kasama.

Pinanuod niya muna ako papasok dito sa street namin bago siya ito umalis para bumalik sa trabaho. Ang loko-lokong 'yon, nakakainis.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad para tignan kung sino natawag – si Taho. Magkasama lang sila kanina tapos ngayon tatawagan siya nito, hindi niya iyon sinagot at hinayaan lang na tumunog.

Magsasama din ang baklang 'yon.

"Oh Lucky, himala ata at wala kang gala ngayon. Maguti 'yan para may kasama ang kapatid mo. Huwag mong papalabasin si Pempen at baka makuha 'yan ng nangunguha ng bata." Ito agad ang sinabi sa akin ni mama ng makita niya ako. May lakad siya siguro, kung saan man ay hindi ko na alam at wala akong balak alamin.

Siguro nga dapat nasa bahay muna ako para makabawe man lang sa gawaing bahay.

"Sige. Mag-iingat sa pupuntahan." Tinanguhan lang ako ni mama kaya pumasok na ako sa loob at nadatnan sila tita na nasa kasama ang tatlo nitong anak na bihira ko lang din makita.

"Saan ka galing ate Lucky?" tanong ng bunsong anak ni tito, ngumiti ako dito at sinabi na dyan lang sa labas ako galing tapos nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa loob.

Abala ang Pempen sa pagbabasa, ang hilig niya talagang magbasa bigla tuloy akong nahiya kase napakatamad kong tao. Pero kahit ganoon proud ako sa sarili ko kase kaya kong dalhin ang sarili sa kung saan. "Ate, may niluto na d'yan si mama. Samahan mo na raw ako dito at huwag ka aalis."

"Oo na. Nagkasalubong ko si mama sa labas, eh ikaw kumain ka na? Sabayan mo na ako." Umiling ito kaya hinayaan ko nalang, pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng damit at lumabas para maghugas ng kamay para kumain.

"Ano ba 'yang binabasa mo, Pem!" tanong ko dito ng makaupo ako sa harapang lamesa. Tumingin ito sa akin at ipinakita ang librong hawak, Message in the bottle sana talaga masipag din ako magbasa para masaya.

"Naintindihan mo ba 'yan?"

Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain, paunti-unti lang ang pagnguya ko kaya para may magawa ako habang nakain ay kinuha ko sipi ko para tignan kung may nagtext sa akin.

May limang text message pero iba't-ibang tao ang pinanggalingan. Hindi ko pinansin ang 8888 na text ng TM at yung update sa Facebook.

Itong tatlong text nalang ni Taho ang binuksan ko, napakunot naman ang noo ko sa nabasa, kung ako sa kanya kung ayaw niyang madamay huwag na siyang makialam. At huwag na balaking pumagitna kase maiipit siya.

Hindi ako nagreply at nagpatugtog nalang sa mahinang volume baka kase madistract ang kapatid ko na ito.

Tinapos ko na agad ang pagkain kaya hinugasan ko na ito para walang nakalagay na kalat. Mukhang bago umalis si mama ay nakapaglinis na, ano nalang lilinisin ko dito.

Matutulog nalang siguro ako para may magawa naman ako, paalalanan ko nalang ang kapatid na huwag tatakas at kapag siya tumakas ay kokonyatan niya ito at mukha namang effective kaya naglakad na ako sa kwarto.

Pagkaupong-pagkaupo ay tumunog nanaman ang sipi ko kaya tinignan ko iyon, at ng makilala ko kung sino tinignan ko na agad.

"Hindi pa tayo tapos, Lucky! Literal kong aagawin sa'yo si Tao. Mapapasaakin siya soon, abangan mo lang!"

Nakadroga ata ang bruha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro