Part 14
"TAO, gusto mo sumama sa swimming?" bungad tanong agad sa akin ni Kirei ng makasalubong ko ito kaya napakamot ako ng ulo kase hindi ako sigurado sa isasagot ko. Si Lucky sasama, sabagay wala namang pinapalampas ang isa iyon at kung magkaroon lang ng award sa pinakamost adventurous person isa na doon si Lucky.
"Pwede ba na pag-isipan ko muna kase may pasok din ako, eh."
"Sa December 9 pa naman 'yon kase birthday ni papa. Inantay talaga kita dito para sabihan ka, sana sumama ka para masaya." Ilang araw pa naman bago mangyari 'yon kaya makakapag-isip pa ako kung sasama o hindi. Sa ngayon gusto ko muna umuwe at magpahinga.
"Sabihan ko nalang si Lucky kung ano ang sagot ko, sa ngayon uuwe muna ako at medyo napagod ako sa trabaho." Nagpaalam na ako dito bago siya talikuran, ihahatid ko pa sana siya kaso hindi na kaya ng paa ko. Ikaw ba naman maghapon na nakatayo, sino ang hindi mangangalay.
Nakarating agad ako sa bahay at hindi na ako nag-abalang maglinis ng katawan kase gustong-gusto ko na matulog. Sinalampak ko na ang sarili sa sofa at ipinikit na ang mata.
Pero hindi naman ako makatulog kase panay ang galaw ko sa sofa. Hindi naman nasira ang tiyan ko o naiihi pero hindi talaga ako makatulog kaya napagdesisyunan ko na bumangon nalang at magpahangin sa labas.
Nagtimpla ako ng kape bago lumabas. Isang malamig na ihip ng hangin ang bumalot sa aking sistema kaya naupo ako sa labas ng gate na gawa sa yero. Sumimsim ako ng kape bago tumingin sa kalangitan, sobrang payapa ng gabing ito pero ang mata ko naman ay ayaw makisama.
"Hindi ka makatulog?" tanong sa akin ni Lucky na tumabi pa sa inupuan ko. Tumingin ako dito at halatang kakagising lang nito, nagising ko ba siya sa pagkilos ko sa loob.
"Gusto na matulog ng katawan ko pero ayaw makisama ng mata ko." Maaga pa ang pasok ko bukas pero buhay na buhay pa din ang aking mata ayaw niyang makisama sa katawan ko.
"Ikaw, nagising ba kita kaya ka lumabas," tumango ito kaya humingi ako ng pasensya sa kanya, hindi naman ito umimik kaya nanaig sa aming pagitan ang katahimikan.
Ni walang gustong dugtungan ang usapan na nagsimula kanina kaya siya na ang bumasag no'n. "Sinasama ako ni Kirei sa swimming, sasama ka ba sa kanila?"
Kumunot ang noo nito, "wala siyang nabanggit sa akin na may swimming sina na gaganapin." Ako naman ang napakunot ang noo, paanong hindi siya nasabihan kung kaibigan niya si Kirei.
"Baka nakalimutan niya lang akong sabihan, may pagkakalimutin kase ang babaeng 'yon." Baka nga nakalimutan lang nito sabihan si Lucky kase imposible na hindi kase alam niyang magtatampo ito kung sakali.
"Sumama ka na para naman makaranas kang magswimming sa pool dito sa Cavite." May pasok ako no'n saka ayaw kong umalis na may ibang kasama gusto ko siya lang ang kasama ko, para masolo ko siya at mas maging malapit kami sa isa't-isa.
"Pwede bang hindi nalang sumama kase mas gusto ko na makasama ka kaysa sa pumunta sa ibang lugar na may ibang tao." Nagkatinginan kaming dalawa ni Lucky, maganda siya sa paningin ko at malakas ang dating niya para sa akin. Mabilis kumilos ang katawan ko at marahan na lumapit sa kanya hanggang sa parehas kaming napapikit ng maglapat ang mga labi namin.
Malambot ang kanyang labi at sa wakas natikman ko na rin ito, hindi ito gumalaw at hinayaan lang ako na kumilos. Ilang segundo kaming ganoon hanggang sa ako na mismo ang huminto at tinignan nalang ang kanyang mukha.
Iminulat nito ang kanyang mata kaya nagtagpo 'yon kaya isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko. Masaya ako dahil sa wakas natikman ko din ang labi nito. "I love you, Lucky!"
"Baliw ka! Bakit mo ako hinalikan!" sigaw nito. Napatayo tuloy ako sa pagkilos na ginawa nito kaya napakamot ako ng ulo. Akala ko gusto niya rin ang halik na 'yon pero mukhang mageevolve nanaman siya into a dragon.
Bago pa ito sumabog ay sinuyo ko na ito at humingi ng sorry, pinagdaop ko ang dalawang palad ko ng maibaba ko sa gilid ang hawak na kopita. "Please, huwag ka na magalit masarap naman ang halik k-araaaay!"
"Hindi mo ba nagustuhan." Sasapukin ulit sana ako nito pero dinampot ko na ang kopita at nanakbo na papasok ng bahay. Nadatnan ako nito na nakaupo kaya ng lumapit ito sa tabi ko ay alam ko na may binabalak siyang masama sa akin at nangyari nga iyon ng bigla niya akong kagatin sa braso kaya natikom ko ang bibig para hindi makagawa ng ingay.
"Grabe ka mangagat, sagad-sagaran!" bulong ko dito pero inirapan lang siya nito.
"Naiinis kase ako sa'yo! Nanghahalik ka!" mahina pero may diin nitong atungal sa akin. Ang hilig talaga niyang manakit, dapat matuto naman siyang mahalin ako para may mutual understanding na kaming dalawa.
"Gusto mo rin naman 'yon kase pumikit ka...eh, nagustuhan mo naman talaga, hindi ba?"
Oo na, hindi na nga magsasalita! At baka sakalin nalang ako nito bigla at hindi nanaman ako pansinin. Malapit na niya akong mahalin, nararamdaman ko 'yon.
"Matutulog ka na ulit, Lucky me!" tanong ko.
"Oo. Ikaw, gusto mo matutog na hindi masikatan ng araw." Tumaas-taas ang kilay nito kaya napangiti ako, she's so cute talaga. Pwede bang itali ko nalang siya dito sa puso ko para hindi na siya makawala. Pwede kaya 'yon?
"No way!" kumunot ang noo ko, narinig niya ba yung nasa isip ko. Masyado bang napalakas, hindi naman siguro pero bakit narinig niya.
Mind reader ba siya? "Hindi, baliw ka!"
Hala. Natatawa itong pumasok sa kwarto at ako naman naiwan dito sa sofa na nakatilig sa pinasukan nitong kwarto. That was so cool, sana marinig niya rin na mahal ko siya at siya lang ang babaeng pipiliing makasama.
Napapikit ako habang maupong nahiga, alam ko makakatulog na ako ng maayos nito kase lahat ng pagod ko ay nawala dahil sa halik na iyon.
[ Lucky's POV ]
PAGKAPASOK niya palang sa loob ng kwarto napahawak na siya sa kanyang labi. Hindi niya masuway ang sarili kase kahit anong kumbinse niya dito na hindi niya nagustuhan ang halik na 'yon. Sa tanang buhay ko, sa edad kong bente anyos ngayon lang ako nakaranas ng isang halik.
At sa lalaki pa talagang 'yon napunta ang first kiss. Para naman kaseng timang ka Lucky, tinitigan ka lang nagpadala ka na agad kaya ayan tuloy nahalikan ka ng lalaking 'yon.
Hindi na mahalaga ang halik na pinagsaluhan nila ang kailangan niyang isipin kung bakit hindi siya sinabihan ni Kirei na may pupuntahan silang swimming at bakit wala siyang natanggap na imbitasyon, at talagang si Tao pa ang sinabihan nito. Umiiral nanaman ang palihim niyang paglandi, sandali nga may gusto ba siya kay Tao.
Damn it. Anong nakain ng bruha na 'yon para magustuhan si Tao. May balak ba itong agawin sa kanya ang Tao. Buwiset talaga ang bruha, kailangan niyang makausap si Taho ngayon para tanungin ito kung pati ba siya ay sinabihan ni Kirei. Gusto niyang malaman muna sa isa bago niya tawagan ang babaita.
"Hello baks! Bakit napatawag ka, may gora ba tayo?" bungad agad sa kanya ni Taho. Bakla talaga ang mokong na ito.
"May tatanungin ako sayo kaya sumagot ka ng may katotohanan"
"Kung ayaw mong mapahamak!" dugtong ni Bakla kaya namura ko ito ng malutong sa mahinang tono. Parang timang, ano siya pulis!
"Okay ka na ba, ako na? Ako na magsasalita, ah!"
"Yes bakla."
Bumuntong hininga ako, "may ganap ang bruha may swimming na gaganapin, nasabihan ka ba?" narinig ko ang pagsinghap ng nasa kabilang linya, alam ko na agad sa ginawa niya. So, ako na nga lang talaga ang hindi nasabihan na may swimming na nagaganap.
Ano ang problema ng bitch na 'yon.
"Hindi ka ba niya nasabihan bakla, kase nung pauwe na kami saka niya lang sinabi sa akin tapos nagpaiwan pa nga siya sa kanto niyo. Wala nga lang akong ideya kung bakit siya nagpaiwan. Bakla, baka nakaligtaan niya lang?"
Oo, at may ugali siyang makalimot pero huwag naman masyadong halata na may hidden agenda siya sa ginagawa niya. Hindi naman ako tanga para hindi pumasok sa isip ko na gusto niyang masolo si Tao. Ang kalandian ng baklang 'yon!
"Baka nga lang siguro nakalimutan, osha bukas nalang tayo magkita at inaantok na ako. Bye." Hindi ko na inantay na magsalita ang nasa kabilang linya.
Sinunod kong tawagan si Kirei. Mabilis naman itong sumagot kaya sinabi na niya agad kung ano ang sadya niya dito. "May swimming palang magaganap pero hindi mo man ako sinabihan."
Ayaw niya magtunog maldita pero parang ganoon ang inilabas ng bibig niya. Gusto niya lang naman magtanong pero kung ano na ang maging reaksyon nito ay wala na siyang pakialam. "Hindi kita nasabihan kanina kase akala ko gusto mo ng umuwe."
Pinagsasabi niyang gusto ko ng umuwe, eh. Sa may pogi building nga sila tumambay bago magkayayaan ng umuwe.
"Sa December 9 pa naman 'yon kaya hindi agad kita nasabihan, mabuti nalang sinabi sa'yo ni Tao." Malamang sasabihin niya kase may gusto 'yon sa akin alangan naman na paglihiman niya ako.
"December 9 pa pero ako nalang hindi mo nasabihan, ano ba ang gusto mong mangyari? Oh, baka gusto mo na masolo si Tao."
"H-ha. What do you mean?"
Napairap ako sa hangin, playing safe nanaman ang isang ito. Akala mo naman hindi ko pa kabisado ang bawat baho ng katawan niya.
"Na may gusto ka kay Tao. Aminin mo man o hindi, ganoon ang nararamdaman ko." Ang liit niya pero ang laki ng utak niya kapag sa kalandian. Hindi pa siya nakuntento sa kalandian na nakilala namin sa MCI.
Sa kanya na nga rin nagtext yung nangungulit sa akin pero hindi nalang ako umimik kase naisip ko na baka trip niya lang na maraming lalaki, sinuportahan ko pa siya sa ginagawa tapos pati man ang nag-iisang meron ako may balak pa siyang angkinin. Oo, hindi pa sa ngayon pero dadating din naman 'yon at mangyayari ang nasa isip ko.
"Hindi mo naman siya gusto diba, so bakit parang apektado ka kung hindi kita nasabihan na si Tao lang inimbida ko." Here we go. Lumabas na ang tunay na kulay ng babaeng ito kaya tumawa ako ng tumawa. Seryoso talaga siya sa bagay na 'yon, oh well hindi ko na problema kung ayaw niya akong isama kase sa simula pa lang naman ay pinakisamahan ko lang siya.
"Saka, hindi naman kayo bagay na dalawa. Ni hindi mo nga siya pinapansin tapos ngayon para kang timang na nagagalit dyan kase nalaman mo na hindi kita sinabihan kase mas gusto ko na masolo si Tao. Kung anong kinaswerte mo ay siya namang kinasama ng ugali mo."
Naikuyom ko ang kamao dahil sa inis pero pinili ko na kumalma ngayon at bukas nalang ito kausapin ng harapan.
Bumuntong hininga ako.
"Magkita tayong dalawa bukas. Itetext ko ang oras at kung saan tayo magkikita."
"Copy!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro