Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 13

TATLONG araw na ang lumipas pero may improvement sa samahan naming dalawa ni Lucky, oo at lagi niya pa rin akong sinusungitan pero wala na 'yong talab no'n para sa akin kase nakikita ko na mas makakasundo ko siya kapag mas kinukulit ko siya.

Hindi nga lang niya ako sinagot sa tanong ko noong nakaraan, but it's okay hindi naman ako mainipin. Handa akong maghintay kahit na gustuhin ulit nito na paalisin ako para hindi na makita.

"Half day lang tayo ngayon kase aalis kami ng ser niyo, at ang si Eke ay hindi papasok kase tinatamad." Oh, himala 'yon. Hindi sa ayaw ko na maghalf day pero sa ilang linggo na pananatili dito ay never ko 'yon narinig sa kanila at maski ang nauna sa akin ay nagtaka din.

"Anong meron ma'am?" tanong ni ate kay ma'am kaya itinuloy ko nalang ang ginagawa kong paghuhugas. Maisama nga mamaya si Lucky sa robinson gusto ko siyang ilibre para naman may maibigay ako sa kanya at baka magtampo na ang isang 'yon. Ano kaya ang gusto niya?

Hindi ko pa pala alam ang hilig ng babaeng 'yon, nakakahiya sa kanya na ang lakas ko siyang landiin tapos hindi ko pa alam ang mga hilig niya.

Maitanong nga mamaya sa kanya pero sana naman hindi siya magsungit ngayon. Lagi kase 'yong may regla kaya kailangan talaga makiramdam ako sa kanya pero kahit ganoon wala siyang kawala sa akin ngayon.

"Tao, wala ka nanaman sa sarili mo. Iisipin ko na talaga na may iba kang babae nagugustuhan bukod sa akin." Oh mamon, hindi ko nalang siya pinansin baka kung ano pa isipin sa kanila ng iba nilang katrabaho. Lagi kase siya nitong inaaasar kapag sila lang magkasamang dalawa.

"Tignan mo siya, oh. Hindi namamansin, ang ganda ko talaga." Bahala ka dyan ate. Masyado ka atang nasobrahan sa pag-inom ng pinagpigaan ng ampalaya. Tinapos ko na ang ginagawa ko at mabuti nalang talaga na hindi na nang-asar si ate kase kung magsunod-sunod 'yan aabutin nanaman sila na kung anong oras.

Si Lucky lang ang gusto ko at wala ng iba. Loyal 'to sa iisang babae. At proud ako do'n kase ang tunay na lalaki iisa lang ang babae at walang iba kundi si Lucky.

Nasa bahay na ako at inaantay na matapos si Lucky na makapagbihis. Ayaw niya raw na umalis na hindi nakakaligo at nakapagpalit ng damit.

"Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa ni Lucky, iho."

"O-opo, mabait naman po siya sa akin minsan." Natawa si tita sa sinagot ko, totoo naman kase 'yon na minsanan lang kung maging mabait si Lucky, kung gagawa lang siya ng graph baka mas mataas ang percentage ng pagiging masungit nito. At wala pa sa kalahati ang pagiging mabait.

Kahit ganoon pa siya, tanggap ko siya ng buo.

Siya ang binibini na ninanais ko, binibining pinaglihi sa sama ng loob. "Mainam 'yan para naman hindi puro ang dalawa ang kasama niya. Mas gusto ko pa nga na ikaw ang kasama no'n para matuto naman siyang magmahal."

"Mama! Ano ba 'yang sinasabi mo sa kanya at baka mamaya magkaroon pa ng dahilan 'yan para mas kulitin ako!" bulalas ni Lucky na kakalabas ng banyo at nakapulupot pa sa ulo nito ang tuwalya. Nakakunot nanaman ang noo niya, hindi ba siya makatiis na hindi maging masungit.

"Manahimik ka d'yan bruha ka. Sinasabi ko sa'yo, tatanda ka talaga ng dalaga sa ginagawa mo!" pagkasabi no'n ni tita ay naglakad na ito palabas at nilampasan lang ang anak nito. Napailing nalang si Lucky ng lumapit sa gawi ko.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan at naaasiwa ako sa'yo," galit nanaman siya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanya, ah! Hindi ba siya nadadala sa kapogian ko para kahit papaano ay mabawasan ang pagsusungit niya sa akin. Kung buntis lang siya baka isipin ko na pinaglilihan niya ako pero wala naman atang balak magtangka sa kanya o may nagtangka pero hindi nakatagal sa ugali ni Lucky.

"Maganda ka."

Inirapan ako nito pagkatapos naglakad papasok sa kwarto. "Patuyuin ko lang ang buhok ko."

"Ikaw ang bahala kahit anong oras ka pa matapos." Waiting ako mag-antay kahit abutin ka pa ng bagong taon. Hindi ako magsasawa na mag-antay sa'yo.

"Siraulo ka."

Lumabas na ito kaya napangiti ako. Isang pulang dress ang suot nito kaya talaga namang bumagay sa kutis ng kanyang balak. Humubog din ito sa katawan nito na parang coca cola, may suot din itong necklase na hello kitty.

"Masyado kang maganda para sa gabing ito." Nabulalas ko nalang sa pagkatulala ko sa kanya, hindi siya nagbibiro kase totoo ang bagay na 'yon. Maganda na siya sa mga nagdaang araw na pananatili niya dito pero mas gumaganda ito sa paningin siya sa araw-araw.

"Alam kong maganda ako pero huwag mo namang ipahalata sa mga titig na ganiyan." Pumikit-pikit ang mata ko sa sinabi nito kaya ng makalapit ito sa akin ay walang paalam akong humalik sa noo nito.

Alam ko na nagulat siya pero wala na akong pakialam do'n kaya tumakbo na ako palabas. Susunod din naman 'yon kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng sobra.

"Lintik kang lalaki ka. Hindi ka na marunong mahiya! Patay ka sa akin, buwiset ka!"

Nagtago siya sa likod ng sasakyan ng marinig ang sigaw ni Lucky, baka batukan siya nito kapag nakita siya kaya mas safe na magtago nalang, lalabas din naman ako pero mamaya na kapag kalmado na siya at baka hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na halikan siya.

"Huwag mo akong taguan, Tao! Patay ka talaga sa akin." Sumilip ako sa gilid at nakita ko itong nagpalinga-linga pero nang dumako ito sa pinagtataguan ko ay umurong ako para hindi makita.

So close.

"Lumabas ka na para makaalis na tayo. Ayaw ko ng hanapin ka, dali na at baka gabihin pa tayo sa pag-uwe mamaya."

Tama nga siya sa bagay na 'yon, alas sais pa naman ng hapon kaya kailangan na nilang kumilos para sila ay makaabot. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at lumapit na sa kanya, nakangiti ito sa akin kaya kampante ako na makalapit dito. "Tara na, alis na ta-araaay!"

"Bakit mo naman ako binatukan laham, masakit kaya 'yon!" daing niya. Masakit kaya ang ginawa pagbatok niya at syempre nilagyan ko pa 'yon ng arte para convincing sa kanya.

"Anong laham na pinagsasabi mo, hindi naman kita boyfriend. Saka huwag ka umarte dyan, hindi bagay sa katulad mo." Ouch! Hindi ba talaga effective ang ginawa ko. Wala ba akong talent sa pag-arte, akala ko talaga na makukuha ko siya sa ganoon. Umayos na ako ng tayo at humarap nalang sa kanya.

"Nagiging boyfriend mo na rin naman ako sa susunod kaya anong pinagkaiba no'n."

"Duh! Magkaibang-magkaiba, akala mo naman talaga na magugustuhan ko siya. Nanaginip ng gising naglalakad sa hangin," kumakanta ba siya para kaseng pamilyar na iniba lang ang lyrics. Saka anong pinagkaiba no'n kung siya lang din naman ang magiging girlfriend ko.

"Basta mahal kita, tapos ang usapan." Sinamaan lang siya ng tingin nito pero hindi nagreklamo. Mainam ang ganoong bagay kaysa naman na magsalita ba ito ng salungat at mas nagustuhan ko ang ganitong siya.

Simple pero suplada, mabait naman siya kaso parang may kung ano lang na pumipigil dito kaya hindi niya mailabas-labas ang totoo nitong nararamdaman. Siguro malalaman niya din 'yon one of this days.

"Sa may tribal tayo! Gusto ko ang hoodies nila do'n, gusto ko no'n!" Hinila ako nito papunta sa tribal shop kaya nagpadala nalang ako sa paghihilo nito. Mukha tuloy akong tanga na nakangiti habang hinihila niya.

Pinagbigyan niya nalang ito kaysa naman na magmaktol pa at ngayon niya lang naman na nakita ito na ganito kakulit.

"Hindi ba maganda 'to, sumagot ka!" tanong nito. Tumango nalang ako kase maganda naman ang napili nitong hood, kulay pink ito at may logo ng tribal. May ganito si Buboy kaya pamilyar ako sa damit na 'yan.

"Lahat naman ng suotin mo ay bagay sa iyo maski nga ako ay bagay sa'yo."

Humarap ito sa akin at mahina akong hinampas ng hawak na hood kaya mahina akong napaaray pero tinalikuran lang siya nito para humanap ng ibang gusto. Iniwan ko muna siya sa trival shop para tumingin-tingin sa ibang stole.

Pero wala akong makita kaya bumalik nalang ako kung saan naroon si Lucky para samahan na ito pero pagpasok ko sa loob ay halos malula ako sa dami nitong hawak na paper bag. Seriously, saan siya kumuha ng pera para makabili ito ng limang paper bag. Hindi naman siguro niya hilig ang damit na tribal.

"Okay ka na dyan sa pinamili mo? Grabe, saan ka kumuha pera." Curious talaga ako. Isang malaking sana all talaga na makabili ka ng limang items. Eh halos ginto ang presyo dito mabuti afford niya pero kung siya bibili ng ganyan kamahal hindi nalang siguro.

Isang linggong sahuran ko iyan kung nagkataon.

"Is none of your business. Hindi mo kailangan malaman ang strategy ko at baka gayahin ko ako, anyways. May nabili ka na ba para sa'yo?"

"Wala pa nga," napakamot ako ng ulo kase wala akong mahanap na ibibigay para sa kanya. Gusto ko sana yung magugustuhan niya talaga at papahalagahan niya talaga. "Ikaw baka may gusto ka pang bilhin..at ako na magdala nitong mga pinagshopping mo." 

"Ako nalang magbubuhat nakakahiya sa iyo."

Natawa ako, "hindi mo kailangang mahiya sa akin kase kung pagpipilian ako baka ikaw pa ang buhatin ko kaysa sa mga paper bag na 'yan!"

Pinaubaya na nito sa akin ang limang paper bag, "Ingatan mo ang mga iyan." Opo.

"Pati ikaw iingatan ko para hindi ka mawala sa paningin ko."

Umirap ito, "Letse!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro