Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 12

SA MAY kanto ako ibinaba ng driver kase kailangan na raw nitong umuwe at hindi na makakahatid hanggang sa dulo, okay lang naman 'yon sa kanya kase makakapag-isip siya kahit papaano.

Nakayuko lang ako habang naglalakad, sinusundan ko ang guhit sa kalsada. Sabi nila itong guhit daw na ganito ay maghihiwalay kapag lumindol, siguro nga ay ganoon 'yon.

Bata pa kase kami no'n nung sinabi sa amin ng kalaro namin ni Buboy, at kung anong sitwasyon namin no'n ay hindi ko na alam.

"Tao!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at si Kirei 'yon kaya ngumiti ako dito kase baka isipin nito na suplado ako. "Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras, at ano 'yan?"

Ipinakita ko sa kanya ang bitbit ko, "bumili ako nito kase parang gusto kong kumain ng ganito. Eh, ikaw bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras, hindi mo na kasama sila Lucky?"

"Wait, ano ba 'yang nasa labi mo. May umaway ba sayo?" nag-aalalang tanong nito sa akin, hinawakan pa nito ang gilid ng labi ko kaya umiwas ako at natawa nalang. Maliit kaseng babae si Kirei kaya kailangan pa niyang tumingkayad para magawa 'yon, saka ayaw ko na magkaroon sila ng rason para mag-alala.

Maliit na bagay lang naman itong nasa labi niya.

"Okay lang ako. Sige, mauna na ako sa'yo at baka hinahanap na ako nila tita." Paalam ko sa kanya, nakita ko na lumungkot ang mukha nito pero hindi ko nalang inintindi at baka inaantok lang.

"Pwede bang samahan mo muna akong bumili ng gamot."

"Sige."

Sa Generika raw kami bibili ng gamot kaya naglakad na kami papunta do'n, at may sinasabi pa siya tungkol sa buhay niya. "Alam mo lagi akong napapagalita ni lolo kase late na akong umuuwe sa bahay, kesyo baka nanladi na raw ako at nakipag-inuman sa mga barkada ko."

"Naiintindihan ko naman sila pero yung pagsabihan ka na hindi mo naman ginagawa ay masakit tanggapin."

"Hindi ba't sila Lucky lang naman ang kasama mo," tumango ito, "ibig sabihin ay ang tingin ng lolo mo sa kanila ay distraction o bad influence sa'yo. Na hindi naman totoo kase mahilig lang naman kayong gumimik." Pinilit kong maging kalmado at makisama sa nararamdaman niya kase hindi ko pa nararanasan na mapagalitan ng dahil doon. Hindi naman kase masamang magliwaliw pero tama si Kirei na masakit para sa katulad nila lalo na't babae na masabihan na lumalandi lang.

"Gumimik talaga, hindi ba pwedeng nagsasaya lang kami at gustong ienjoy ang buhay."

"Nasa katwiran ka pero itatanong ko lang bago ba kayo lumabas ng bahay ay gumagawa ba kayo ng gawaing bahay, hindi pa tayo masyadong malapit sa isa't-isa kaya hindi kita hinuhusgahan sa tanong ko." Akala ko maiinis siya sa sinabi ko, pero kailangan niyang sagutin 'yon para sa sarili niya. Hindi ko na inasahan na sumagot siya lalo na't nakarating na kami sa Generika at bumili na siya ng gamot.

Sa labas lang ako nag-antay, mabuti nalang na sarado na ng ganitong oras ang karinderya na pinapasukan kaya kahit maglagalag siya ay hindi na siya mahuhuli ng kung sino.

"Tara na at baka hinahanap ka na nila tita." Sinang-ayunan ko 'yon kase ilang oras na akong wala sa bahay at baka sobra na silang nag-aalala sa gwapo kong mukha. Hindi. Nagbibiro lang naman ako sa part na gwapo ako.

"Malapit ka lang naman diba, gusto mo ihatid na kita para naman safe ka makarating sa bahay niyo." Suhensyon ko dahil babae pa rin siya at baka may kung anong masamang tao pa ang lumapit sa kanya para guluhin. Baka masise pa ako ni Lucky kapag may masamang nangyari sa kaibigan niya.

"Okay lang ba?" tumango ako. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay sa kanya nito kaya niyaya niya na itong tumuloy sa paglalakad. Maganda si Kirei kahit na may kaliitan ito ay kayumanggi ang balat, siya yung tipikal na magugustuhan ng isang lalaki kase malakas ang dating niya.  "May tanong ako sa'yo sana sagutin mo ng maayos, Tao."

Natawa ako ng mahina, "bigla naman akong kinabahan dyan sa itatanong mo sa akin, ano ba 'yan at mukhang seryoso." Sumeryoso kase ang mukha nito kaya habang naglalakad ay tumingin na ako sa unahan at inaantay na ilahad ang katanungan niya sa akin.

"May gusto ka ba kay Lucky?" napahinto ako sa tanong niyang 'yon, hindi ko alam kung bakit niya naitanong sa akin iyon. Masyado ba akong halata na may gusto ako kay Lucky. "Kase alam mo, nung kinagabihan nanaginip ka ata at ang sabi mo na huwag kang iwanan ni Lucky at dito lang siya sa tabi mo."

Oh. May nangyari ba na ganoon? Hindi ko maalala, ang alam ko lang na nakasama ko si Lucky panaginip at nagtatakbuhan kaming dalawa. "Seryoso ka dyan?"

"Mukha ba akong 'di seryoso!"

Napabuntong hininga ako sa sagot niya, galit ba siya, kailangan ba talagang malaman niya ang sagot ko. Sige na nga, kung saan siya sasaya at liligaya baka gusto niya lang protektahan si Lucky. Ang swerte naman nito sa kaibigan, kunin ko na kay si Buboy sa Mauban at dalhin dito.

Pwede. Pwede na mangyari 'yon kung gugustuhin ko na manatili dito ng matagal.

"Gusto ko siyang maging girlfriend pero hindi ko pa alam kung ready na siya." Ni hindi ko nga alam ang nararamdaman nito tapos ang malaman pa kaya na may gusto din ito sa akin. Malabo talaga, sobrang labo kaya ginagawa ko nalang best ko para hindi na siya magalit at uminit ng dahil sa akin. Baka kase tumanda akong binata, edi nawalan pa ako ng karanasan.

Ehem. Off topic.

"Hindi pa nga siya ready kase ayaw no'n na masaktan pero bukod sa kanya may iba ka pa bang nagugustuhan aside sa kanya? May nakita ka na mas maganda at cool sa personality niya."

"Sino naman ang tinutukoy mo?" tanong ko. Bukod kay Lucky wala na akong ibang nakita pa a mas attractive para saakin, lahat ng nakikita ko ay natural lang kase I know how to respect girls pero iba lang kay Lucky kase I found her cute.

"I-ibang babae na nakakasalamuha mo sa trabaho mo, mga customers, you know kahit sinong babae na nakikita mo."

"You mean, ikaw." Siya lang naman ang kausap ko ngayon at hindi ako nakikipag-usap sa iba ng matagal lalo na kung walang kinalaman sa trabaho ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanya pero pinalitan niya 'yon ng isang ngiti.

"Maganda ka pero kaibigan lang ang tingin ko sa'yo, sorry," hindi ko gusto na maoffend siya sa sinabi ko pero wala talagang rason para magustuhan ko siya at talagang kaibigan lang turing ko dito lalo na't kagabi ko lang sila nakasama.

"Malapit na ba bahay niyo kailangan ko na kasing bumalik sa bahay," dugtong ko pa.

"H-ha, oo 'yang may pulang gate. H-hindi ka ba papasok." Umiling ako. Baka ano pa ang isipin ng mga taong nasa loob, saka kailangan ko na talagang umuwe at hinatid ko lang siya dito para safe siya.

"Hindi na. Mauna na ako, salamat sa oras mo!"

Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis, tumungo ako at nagnilay-nilay tungkol sa intensyon sa gustong iparating nitong kaibigan ni Lucky.

"Buwiset ka! Saan ka ba nanggaling at masyado ng malalim gabi na umuwe ka! Hindi mo ba alam na nag-alala kami este sila sayo." I found her cute, hindi ko tuloy maiwasan na hindi ngumiti. Nakita ko na 'yan noong nakaraan kaya alam ko na ganyan ang itsura niya kapag nag-aalala.

"Tignan mo, pangiti-ngiti ka pa d'yan. Pumasok ka na nga sa loob at kumain ka na at talagang naunahan pa kitang umuwe, ah...oh sandali, ano 'yang nasa labi mo, napaaway ka ba? Ang malas mo talaga kahit kailan." Nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin para hawakan ang putok kong labi. Seryoso itong nakatingin sa sugat ko, masyado siyang malapit kaya talagang hindi ko mapigilan na mapangiti.

Sa ginawa kong yun ay lumayo ito sa akin kaya mas lumapad ang ngiti ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan, mas lalo siyang nagiging maganda sa paningin ko. Mahal ko na nga talaga siya, "malayo ito sa bituka kaya huwag ka na mag-alala sa akin pero kung masyado kang concern sa akin pwede mo namang halikan nalang ang sugar ko para gumaling a-araaay!"

Hinimas ko ang braso ko na sinuntok nito, grabe talaga ang isang 'to. Wala talagang pinalampas, nagbibiro lang naman ako.

"Makapasok na nga, buwiset!"

Napangiti ako bago sumunod sa kanya pumasok, nadatnan ko siya sa loob na nakaupo sa sofa ko. Mukhang gusto niya akong makatabi sa upuan nakalimutan ba nito na kapag umuuwe ako sofa na agad ang pwesto ko.

Pero hindi ko muna siya pinuna at sumilip muna ako sa tulugan nila tita. "Good evening tita, sorry kung ginabi ako umuwe. Effective po kase yung gamot na binili niyo. Saka po may pasalubong ako sa inyong lugar, hindi na nga lang po mainit."

"Sige, magpahinga ka na dyan. Salamat sa lugaw, kabait mo talagang bata."

"Opo."

Humarap na ako kay Lucky na nakasimangot, gusto ko siyang halikan sa ginagawa niyang 'yan kaya lumapit ako dito at naupo sa tabi niya. Inilagay ko pa sa may likod ang kamay ko kaya parang nakaakbay ako sa kanya. "Salamat sa concern mo pero hindi ata mahina itong soon to be boyfriend mo."

"Ha ha ha, dream on." Tatayo na sana ito para pumasok sa kwarto niya pero hinawakan ko ang pulsuhan nito kaya lumingon ito sa akin.

"What?"

"Thank you for everything, sabihin mo lang na ayaw mo akong umalis dito hindi talaga kita iiwan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro