Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 10

[ Lucky's POV ]

"Jusko! T-tao!"

SIGAW ko ng makita si Tao na tumumba kaya mabilis akong lumapit dito at sinipat ang ulo nito, suck! Ano ba ang probema ng lalaking 'to at kanina pa siya inaalat, wala naman siyang lagnat o sakit pero bakit siya nawalan ng malay.

"Lucky, ano nangyari?" tanong ni mama. At sunod-sunod na silang nakitanong kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kase hindi ko naman nakita kung bakit bigla nalang itong natumba. Si Tito ang bumuhat kay Tao papasok sa loob ng bahay kaya para siyang natatae sa pag-aalala.

Pipigilan niya lang naman itong umalis pero ganoon pa ang madadatnan niya, aminado ako na sumobra ako sa sinabi ko na sampid siya kase katunayan ito pa ang may silbe sa bahay na 'to. May trabaho ito at walang pag-aalinlangan na mag-abot ng pera kay mama lalo na may pinag-iipunan ang loko.

"Look what you did, Lucky! Kawawa naman si fafa Tao."  Inirapan ko nalang itong si Taho. Hinalalayan naman ako ni Kirei, samantalang sila mama ay inaasikaso si Tao na wala pa ding malay.

Ano ba ang nagawa ko?

Ito ba ang dahilan ng pagkatahimik niya kanina tapos nung kumakain na kami. Masama ba ang pakiramdam niya?

Malakas ba masyado ang pagbunggo sa kanya ng motor, nauntog ba siya? Buwiset! Nakakabaliw naman ang lalaking 'to hindi kase nagsasabi.

"Tumabi ka nga dyan! Ikaw ang may kasalanan nito." Nagulat ako ng sanggiin ako ng kapatid ko kaya nakakunot noo ko itong tinignan. Alam ko na may pagkamaldita din itong bata 'to pero ang tratuhin ako nito sa harapan ng mga kaibigan ko ay ibang usapan.

"Umayos ka, Pempen!" singhal niya dito. Nakipaglaban sa kanya ng tinginan ang kapatid hanggang sa suwayin silang dalawa ni mama kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.

"Kayong dalawa wala na talaga kayong pinagkasunduan, palagi nalang kayong nagtatalo na dalawa. At walang maitutulong 'yan sa sitwasyon ng batang ito."

Ito kaseng anak mo 'ma, bastos! Humarap sa akin si mama at inutusan ako na gumawa ng maligamgam na tubig kaya padabog akong kumilos.

"Magiging maayos naman po si kuya diba po?"

Hindi ko alam kung totoo itong pag-iyak na ginagawa ng kapatid niya, para kaseng tanga nahimatay lang naman si Tao at hindi comatose pero kung makaiyak akala mo wala ng bukas.

Plastic! Iniabot ko na kay mama ang maligamgam na tubig pero tinitigan lang ako nito kaya napataas ang isa kong kilay. "Huwag mo sabihin 'ma na ako ang pagpupunas sa lalaking 'yan."

Oh grab.

Umalis sila mama sa pwesto nila at sa akin na pinaubaya ang pagpupunas kay Tao. Wala naman kaseng sakit pero bakit kailangan pa ng ganito.

"Kumilos ka na nga ate, hindi bagay sa'yo na maging mahinhin kase masama ang ugali mo." Inambaan niya ang kapatid pero nakita siya ng nanay niya kaya siya ang napalo nito. Hindi naman mahina pero bakit siya namamalo, dapat nga itong anak na maliit ang paluin kase bata pa lang maldita na. "Buti nga sa'yo."

Narinig ko pa na sinabi nitong bruha kong kapatid, pasalamat talaga siya at may hawak ako kung wala lang nasabunutan ko na siya.

"Asikasuhin mo na kase si Tao, Lucky!" utos ni Kirei na gagawin ko naman talaga. Hindi ba sila marunong maghintay, buwiset! Humarap na ako sa walang malay na si Tao at muli ko nanaman siyang natitigan ng malapitan.

Kahit natutulog ito o gising ay wala pa ding pinagbago, gwapo pa din. Ano ba itong tumatakbo sa isip ko, hindi dapat ganito kaya sinuway ko ang sarili at sinimulan ng punasan si Tao ng marahan.

"Ano bang klaseng punas 'yan, bakla! Para ka namang naglilinis ng ratbu niyan." Sinamaan ko ng tingin si Taho, kabastos talaga ng bibig nito alam na may bata silang kasama dito. Siniko naman ito ni Kirei kaya napadaing ang bakla, mabuti nga sa kanya wala kase siyang preno at maski dito ay dinala niya ang kabastusan ng bibig. Hindi ko na sila pinansin at tinuon nalang ang pagpupunas sa braso ni Tao.

"Mistiso talaga siya 'no, sana lahat ganyan ang kulay ng balat."

"Ay gaga ka, inggit ka nanaman. Sinabi ko naman kase sa'yo na gumamit ka ng gluta." 

At nagsimula na rin na magsagutan ang dalawang bakla, wala naman ng bago sa ganoon kase talagang natural na sa kanila na magbatuhan ng mga trashtalk words sa isa't-isa.

Sa kabilang braso naman na ang pinunasan ko pero this time ay marahan kase may galos kaya maski sa binte nito ay maingat na pinunasan.

"Sana ako nalang nagpunas sa kanya."

Managinip ka nalang bakla. Hindi ka papatulan ni Tao kase straight siya hindi tulad mo balikuku na mukhang kuko. "Manahimik ka nga bakla baka mamaya niyan hindi na magising si Tao kapag ginawa mo 'yon."

"Grabe naman ang bakla."

Tinawanan lang namin si Taho dahil sa pagdradrama nito. Bagay sa kanya, bakit hindi nalang siya nag-artista para naman may sense ang ginagawa niya ngayon.

Biglang gumalaw si Tao kaya bigla akong napatayo muntik pa akong mawalan ng balanse. Hindi ba siya marunong magsalita at sabihin na gagalaw siya para naman aware ako.

At bakit niya naman gagawin 'yon, anong aasahan mo sa walang malay na magsalita kahit tulog. Baliw ka na talaga!

Tinignan ko kung magmumulat mata si Tao pero hindi niya ginawa 'yon kaya bumalik na ako sa pagkaupo at tinulak pa ang paa nito.

"Bruha ka talaga, dahan-dahan naman at baka magising si fafa at maudlot ang pagnanasa ko sa kanya!"

"Bastos!" sabay tono naming sigaw ni Kirei kay Taho. Umuwe nalang kaya siya sa kanila at doon manuod ng porn tutal doon naman siya magaling. Inirapan niya lang naman kami kaya tinapos ko na ang pagpupunas ko kay Tao at tumayo na ako para ibalik sa lagayan ang ginamit ko pero napahinto ako ng hawakan nito ang kamay ko kaya natuod ako.

Nanaginip nanaman ba siya? The hell.

"Huwag mo akong iwanan, dito ka lang sa tabi ko." Nagdidiliryo na ata ang isang 'to, anong huwag iwanan alangan naman na hindi ako matulog tapos bantayan ko lang siya magdamag.

"Dito ka lang sa tabi ko... Lucky." Napatakip ako ng bibig gamit ang isang kamay ko at pailing-iling na tumingin sa dalawang kaibigan ko na nakarinig. Nakangiti sa akin si Taho pero si Kirei ay nakita kong nalungkot pero agad ding ngumiti.

Hinawi ko na ang kamay ko at naglakad palabas ng bahay. Sumunod sa akin ang dalawa, tukneneng talaga ang lalaking 'yon. Akala ko biro-biro niya lang na sabihan ako ng I love you tapos ngayon pati sa panaginip ay kasama ako.

Nababaliw ka na talaga Tao, bakit kase siya ganiyan? Hindi dapat siya ganoon, kase naman imbes na makaalis na ay nahimatay pa.

"Bakla kang babae ka! Ang haba ng hairlaluu mo, may lihim pala na pagtingin sa'yo si Tao. Enebe, kinikilig ako sa inyo!"

"Shut up!" sigaw ko sa kanya.

Kung totoo talaga 'yon, ano nalang ang mukha na ihaharap ko sa kanya. Iiwasan ko nalang siya, tama katulad lang ng dati pero hanggang kailan ako iiwas sa kanya?

Hindi naman pwedeng palagi nalang ganoon pero wala akong nararamdaman dito na espesyal bukod sa gusto siya ng kapatid ko na maging kuya ay wala ng iba. Pero nung gabing 'yon, noong nanaginip siya tungkol sa magulang niya hindi lang kirot sa dibdib ang naramdaman ko kase alam ko na may kung anong gumalaw sa loob ng tiyan.

The hell. May gusto ba ako sa kanya? Wala.

"Lucky, may gusto ka  ba kay Tao?"

Ikinalingon ko ang tanong na 'yon, gusto kong sumigaw na wala pero hindi magawang bumuka ng bibig ko para sabihin ang katagang 'yon.

What's wrong with me?

"I guess you are. Hindi ka mawawalan ng imik ng ganyan kung wala." Pinagsasabi naman ng babaeng 'to, mas marunong pa siya sa nakakaramdam.

Totoo ba na mas nakikita ng ibang tao kung ano ang nararamdaman mo kaysa sa sarili mo. Kung totoo, the hell hindi dapat ganoon.

"Umuwe na kayo. Gusto ko ng magpahinga."

Hindi ko na inantay na sumagot sila at pumasok na agad sa loob ng bahay, nakita ko pa na tulog si Tao pero lumampas lang ako at pumasok sa kwarto at doon padapang nahiga.

Ayaw ko mag-isip, ayaw ko ng isipin ang ganoong bagay kase alam ko na wala pero bakit kanina ay hindi ako nakaimik kay Kirei. Gusto kong sumigaw dahil sa inis, hindi naman ako ganito.

Hindi ko naisip na pumasok sa isang relasyon na alam kong ako lang din ang matatalo sa huli. Ayaw kong matulad kay mama na iniwan at pinagpalit sa iba, hindi 'yon mangyayari sa akin.

Kailan man ay hindi ko mararanasan na masaktan at iwanan para sa ibang babae. Mga rason na wala namang kwenta, pagkatapos kang pangakuan iiwanan ka pa din sa huli kase may nahanap na ng iba.

Dahil sa inis na nararamdaman ko ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, umayos ako ng pwesto at doon umiyak nang umiyak.

Ayaw kong matulad kay mama.

Hindi.

Hindi.

Kahit kailan. Hindi. Kaya hanggat maaari, kailangan ko suwayin ang sarili ko kung sakaling mangyari 'yon. Takot akong masaktan at maiwanan.

Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko 'yon pinansin, hinayaan ko lang na tumunog ito hanggang sa ito na mismo ang kusang tumigil.

I hate this fucking situation. Wala dapat ganito, hindi dapat ako nasasaktan at naging bato kung hindi lang kami iniwanan ng taong noon ay iniidolo ko. I hate you 'pa, you gave me a reason to be like this.

Dahil sayo naging ganito ako! Natakot na magmahal dahil sa takot na baka gawain din ng mamahalin ko ang ginawa mo kay mama.

Ang duwag mo 'pa, sana naging matatag ka para man lang sa amin ng kapatid ko. Pinatunayan mo lang na wala kang kwentang tao.

"I hate you, 'pa!" bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro