Part 1
"Pwede bang maupo ka at nahihilo ako sa kaiikot-ikot mo. Ano ba kase ang problema? nag-away nanaman ba ang magulang mo, kailangan mo ba ng pera para may maibigay ka sa kanila? Just say it, bro." Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan ko, hindi naman kase ganoon ang problema pero kasama na nga 'yon.
Magulo ba? Oo, siguro. Kasing gulo ng buhay ko ngayon lalo na sa hirap ng buhay. Kailangan niya ng trabaho ngayon para naman hindi siya tengga dito sa probinsiya. Ilang taon na kasi siyang walang mahanap na trabaho hindi kase siya nakapagtapos ng kolehiyo kaya ganito nalang kabigat para sa kanya na makahanap ulit.
Sinabayan pa ng nanay niya na tinutulak siya papunta sa Manila para doon magtrabaho pero ano naman ang magiging buhay niya sa lugar na 'yon. Sumasakit na talaga ang ulo niya sa pag-iisip, siguro maghahanap na talaga siya ng trabaho online. At baka kahit doon ay makakuha siya para may source of income siya, para may maiabot sa magulang niya.
"Gusto ko na magtrabaho para naman may saysay ang buhay ko. Hindi yung panay ako nasa bahay. Alam ko na stress na sa akin si mama kaya dapat na maghanap na ako." Umupo ako katabi ni Buboy na nakatanaw sa malawak na karagatan, isang bato ang inuupuan nila ngayon na humaharang sa dagat na kanilang tinitignan. Mataas ito kaya hindi umaabot dito ang agos ng dagat pero pwede ka rin na bumaba para mangisda.
Pwede sanang gawaing trabaho ito pero ayaw niya dahil takot siya sa tubig. I mean, takot akong malunod. Hindi niya makayanan na manatili ng magtagal sa dagat.
"Maraming trabaho dito sa Mauban kaya bakit ayaw mong maghanap dito. Subukan mong magtrabaho sa ninong mo, diba may barbershop 'yon." Umiling ako. Hindi kami close ng ninong kong 'yon lalo na't lagi kong nakakaaway ang anak nitong lalaki.
"Alam mo kung bakit wala ka pang trabaho," tumaas ang kilay ko kaya inantay ko ang kasunod nitong sasabihin. "Pihikan ka kase sa trabaho, lagi mo kasing sinasabi na hindi mo kaya ang isang bagay kaya kahit anong gawain mong paghahanap ay wala kang mapili."
"Bro, hindi sa nirerealtalk kita pero pihikan ka talaga. Naalala mo yung offer sayo ni Aling Rose na magtrabaho sa tindahan niya sa palengke, inayawan mo at sinabi mo lang na pag-iisipan mo."
Totoo nga siguro na masyadong akong pihikan sa trabaho kaya hanggang ngayon ay tengga pa rin siya sa bahay nila. Kapag kase hindi ko feel ang trabaho o sa tingin kong hindi ko kaya ay tinatanggihan ko nalang at sinasabi na pag-iisipan kahit hindi naman.
"Ano ba kase ang gusto mo?"
Napaisip ako sa tanong ni Buboy, ano nga ba talaga ang gusto ko. Ano ba talaga ang nais ko na trabaho, iilang alok na ang tinanggihan niya. At malapit na siyang masiraan sa katotohanang pihikin siya. "I want to go somewhere. Nararamdaman ko na nasa ibang lugar ang kapalaran ko at wala dito sa probinsiya."
"Ambot sa imo dong, dili kita maintindihan. May trabaho naman dine pero gusto mo pa ding kumaron sa ibang lugar para magtrabaho." Tila nainis ang kaibigan niya kaya tumayo ito at iniwan siyang nakaupo. Siya naman ay napaisip, wala namang masama kung magtrabaho ako sa ibang lugar mas magiging komportable siyang humarap sa tao kapag ganoon at tumayo sa sarili niyang mga mata.
Pagkatapos niyang mag-isip ay tumayo na siya at tinanaw pa ang palayong kaibigan. Alam niyang may tampo na ito sa kanya kaya ito nagwalk-out, gawain na talaga ito ni Budoy kaya hinayaan niya nalang kase mamaya ay magiging okay na din sila.
Bumaba na ako at naglakad na papunta sa bahay kung saan nadatnan ko si mama na naglilinis ng bahay. Simple lang ang buhay nila dito, nakakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw pero sa ibang pinasyan na gastusin ay nagkukulang sila lalo na't si papa ay mababa lang sinasahado samantalang si mama naman ay naglalaba lang.
Madalas pa ngang magtalo ang magulang niya dahil sa kakulangan ng pera kaya siya ang tinutulak ng mama niya na magtrabaho.
"Oh, saan ka nanaman galing at mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Ano? May nahanap ka na bang trabaho, aba kumilos-kilos ka naman 'nak para hindi lang sa sahod ng papa mo tayo umaasa."
"Gamitin mo naman 'yang katawan mo para naman may saysay. Kung bakit kase hindi mo tinanggap ang inaalok sayo ni Aling Rose, malaki naman ang bigayan no'n at libre pa pakain."
Napabuntong hininga ako.
Nagsimula nanaman ang mama niya na paghinayangan ang mga trabahong tinanggihan ko. Minsan pa nga ay ito ang dahilan ng pagtatalo nila pero umaalis nalang siya para hindi lumala ang panenermon.
"Hindi kita maintindihang bata ka. Trabaho na ang nalapit sa'yo tapos ikaw pa natanggi. Aba, minsan lang may dumating na opurtunidad sa atin anak kaya sana huwag mong sayangin."
Hindi ko na kayang makinig pa kaya walang gana akong pumasok sa kwarto ko at naupo dahil sa mga sinasabi ni mama. Lumalabas tuloy na palamunin lang siya dito sa bahay.
"Tamo kang bata ka, kinakausap pa kita tapos tumalikod ka na. Ewan ko sayong bata ka, ihahanap kita ng trabaho mamaya kaya kung ako sa'yo huwag mo ng tanggihan. Sayang ang perang dapat ay nahahawakan mo na."
Sa susunod po na offer mama, hindi ko na tatanggihan. Dapat siyang maging malakas at tanggapin ang mga opurtunidad na dumadating sa kanya, bihira lamang sa isang tao na matapatan nito kaya dapat walang pag-iimbot niya itong tanggapin lalo na't kung gusto niyang makatulong sa mama't papa niya.
Humiga ako para magpahinga, maaga din kase siyang nagising para bumili ng iuulam nila ngayong tanghali at imbes na magpahinga at bumalik sa paghiga kanina ay pinili niyang makipagkwentuhan sa kaibigan hanggang sa mag-isip niya na magtrabaho.
Sigurado siyang mamaya ay tatawagan na siya ni Budoy para humingi ng pasensya. Sanay na siya dito kaya wala ng kaso 'yon para sa kanya. Ito pa nga ang nagbibigay ng peace offering sa kanya.
Hindi ako bakla. Okay. Sadyang masyadong malalim lang ang pinagsamahan namin ni Buboy. Simula bata kase sila ay lagi silang magkasama, palagi pa silang sabay na nagigising noon para manungkit ng pogs at text sa tindahan ni manong Erik. Kahit kailan ay hindi naman sila nahuli kaya wala ng nakakaalam ng lihim na 'yon bukod sa kanila.
Ipinikit nalang niya ang kanyang mata. Gusto na niyang matulog at baka mamaya ay simulan nanaman siya ng kanyang mahal na nanay. Kahit kase ganoon 'yon ay mahal ko pero masyado lang talagang paulit-ulit ang senaryo kaya napapagod siyang pakinggan ito.
"Tao, anak...lalabas muna ako para hanapan ka ng trabaho kaya ayusin mo na yung binili mong ulam kanina at baka mangamoy ang isda. Malalagot pa tayo sa ama mong lasenggo!"
Napalabi ako. Hindi pa nga ako nakakaidlip man lang ay may utos nanaman si nanay kaya walang kalatuy-latuy siyang naupo.
"Lumabas ka na r'yan, ah. Ang isda kapag nangamoy wala tayong uulamin mamaya. Bilisan mo at mukhang 'di fresh ang nakuha. Nako ka talagang bata ka, pasalamat ka talaga na kahit pasaway kang bata ay mahal kita."
Napangiti siya sa sinabi ng nanay niya kaya tumayo na siya para lumabas. At doon ko nga nakita si mama na nakataas ang kilay. "Oh, anong nginingiti-ngiti mo...hindi ko talaga alam kung saan ka nagmana. Osha, maiwanan na kita at sarapan mo ang luto."
"Ingat ka po mama." Tinaas lang siya ng kilay ng mama niya bago nagpatuloy na sa paglalakad kaya isinigaw ko nalang ang gusto kong sabihin dito. "Mahal din po kita, mama. I love you, ingat!"
Hindi na ito sumagot kaya pailing-iling akong naglakad papunta sa maliit na kusina namin. Maliit lang kase ang kanilang bahay at sapat para sa kanilang tatlo. Pagkalabas mo sa kwarto ay kusina na agad at may espasyo lang para sa banyo nila. At ang hinihigaan ng magulang niya ay ang papag na malapit sa pinto.
Gusto raw kase nila na mas nakakatulog ako ng maayos kaysa sa kanila na kaya namang matulog sa ganoong posisyon. Pinilit ko naman sila na sa kwarto ko na matulog kase katya naman kami pero hindi sila pumayag.
Imbes na mag-inis pa ng kung ano-ano ay sinimulan ko ng mag-asikaso para magluto. Ang isdang nabili ko kanina ay bangus at isa sa paborito niya kaya hinati niya nalang ito kase pinalinis na niya sa palengke para madali nalang mailuto. Hiniwa nga niya ito sa lima na tamang-tama lang sa kanilang tatlo, itinabi niya muna ang isda at inasikaso na ang ilang kailangan niya.
Mabilis ko namang natapos 'yon kaya isahan ko na siyang nilagay sa malaking kaserola at isinalang na para maluto. Mabilis namang natapos ang pagluto niya at sobrang sarap ng luto niya. Hindi sa pagyayabang.
Isinunod na niya ang sinaing at nag-antay lang ng ilang minuto bago maluto ito pero habang naghihintay ako ay tumunog ang cellphone kong de-pindot.
Si mama itong nagtext sa kanya. Pinindot ko ito para mabasa at halos kabahan na ako kung mangyayari 'yon. Normal na pakiramdam na itong nararamdaman ko kaya iwinaksi niya ito at naging matatag. Hindi dapat umiral ang pagiging pihikan niya.
"Tutoy! Ayusin mo na ang gamit mo at bukas na bukas ay lalarga ka sa Manila para doon magtrabaho."
Kaya ko ito. Kayang-kaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro