Last Chapter
"MERRY CHRISTMAS, lucky me!" masaya kong bungad kay Lucky na kakalabas lang ng kwarto, natawa naman ako sa naging reaksyon niya. She's cute! malakas na bulalas ko sa isipan ko, honestly siya na ata ang pangalawang babae sa buhay ko na mahal ko.
"Pasaway ka! Hindi pa ako nakaayos, sa sofa ka muna." Kahit naman wala itong ayos ay maganda pa rin pero para hindi siya mainis sa akin ay tumabi ako pero nanatiling nakangiti.
"Magbibihis muna ako, Tao! Mamaya mo na ako chikahin kapag nakabihis na ako."
Naglakad na ito papunta sa banyo kaya naupo ako sofa at tinanaw ang pintong pinasukan ni Lucky. Kami lang dalawa ang nandito kase sina Tita sinamahan si Pempen na mamasko sa mga ninong at ninang nito, isinasama nga ako pero ayaw ko namang iwanan ang lucky me ko kase baka mag-alburoto siya kapag ginawa ko 'yon.
Nagpapagood-shot pa man din ako sa kanya.
"Lucky, pahiram ako cellphone mo tatawagan ko lang si mama at babati ako ng maligayang pasko." Baka kase isipin nila na nakalimutan ko silang batiin, dapat kagabi kaso out of coverage na ang cellphone kaya ngayon nalang saka pinadalhan ko din sila ng pera nung bente tres para may pangluto sila para sa pagsalubong ng pasko. Ayaw pa nga sana ni mama kaso wala na siyang magawa kundi ang kunin ito kase magtatampo ako kaya nga ako nandito sa lugar na ito dahil sa gusto kong tumulong sa financial.
Pero akalain mo 'yon ilang buwan na ako dito, at talaga namang may malaki-laki na akong pera para ipang-uwe syempre isasama ko si Lucky para makilala siya nina papa. Mga ilang araw lang siguro kami do'n parang bakasyon lang ng two to three days, baka kase bugbugin ako ng dalawa naming kaibigan dahil tinakas ko kaibigan nila.
"Kunin mo sa loob ng kwarto nakacharge kase 'yon, ang password ay ikawayparasakin walang space at small letter," sigaw nito kaya tumayo ako at pumasok sa kwarto ni Lucky, tulad nga ng sinabi nito ay nakacharge nga kaya hinugot ko muna ito at naupo sa kama niya. Gamit ang password ay nabuksan ko ang cellphone pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang stolen picture ko na nakawallpaper. Ang pagkagulat ko ay napalitan ng isang ngiti, atlis kahit papaano ay sweet siya sa paraan na ito kahit na ayaw like pa lang ang nararamdaman niya sa akin ay malaki na itong pursyento para mas lalo akong maging masaya na any moment time ay magiging akin siya.
At ang password nito ay ikawayparasakin parang gusto niyang iparating do'n na para lang ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti, ang babaeng 'yon talaga masyadong malihim.
"Ano nakita mo na ba," sigaw nito na nasa banyo pa kaya kahit 'di niya nakikita ang mukha ni Lucky ay alam niyang nakakunot nanaman ang noo nito.
"Hawak ko na, tatawagan ko na sina mama!" sigaw ko pabalik at inalis na ang tingin sa wallpaper at pumunta na agad sa call at tinipa ang number ni mama at ilang tunog palang nito ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
"Iho, maligayang pasko sa inyo dyan!" bungad sa kanya ng kanyang nanay kaya napangiti siya.
"Maligayang pasko sa inyo dyan 'nak, miss ka na ni papa. Bumisita ka rin dito para itong nanay mo ko makita na umiiyak kada siya ay madadatnan ko galing sa trabaho." Pangalawa ni papa kaya paunti-unting napawi ang ngiti ko. Miss ko na kayo mama't papa pero kaunting tiis nalang ay magkakasama na ulit tayo.
"Manahimik ka nga dyan! Hindi ikaw ang tinawagan kaya manahimik ka, aru! Papansin ka talaga, kailangan mo ako nakita aber!" buwelta naman ni mama kay papa kaya bago pa sila mauwe sa pagtatalo ay inawat ko na agad sila.
Miss ko na sila, "Ma, kamusta kayo dyan? Okay naman ba ang kalusugan niyo?"
"Ikaw naman iho, kakamusta mo lang sa amin saka huwag ka mag-alala sa amin ng papa mo kase okay na okay lang kami dito. Ang sarili mo ang asikasuhin mo dyan, sandali nga wala ba kayong paroroonan?"
Suminghap ako, tungkol sa bagay na 'yan ay baka bukas kami matuloy kasama ang kaibigan ni Lucky. Sila nagset no'n kase wala naman akong alam na lugar dito sa kabite.
"Bukas pa ang alis namin 'ma saka huwag po kayong mag-alala kase malapit lapir na po tayong magkita." Nakangiti na ako ng sabihin ko 'yon, hindi ko pala kailangan maging malungkot ngayong araw kase Christmas ngayon kailangan masaya lang at always think positive.
"Talaga tutoy? Hala! Kailan ka uuwe?" bakas sa boses ni mama ang exciting kaya sinagot ko na wala pang araw kung kailan kami magkikita ulir basta malapit na.
"Oo nga po pala 'ma, Merry Christmas! Sa pag-uwe ko na ang pasalubong niyo."
Marami pa silang pinag-usapan bago niya ibaba ang tawag kaya ngayon ay nakatingin ako sa cellphone ni Lucky. Ang cute ko sa picture, sana sinabihan niya ako noon para maging maayos naman ang itsura ko dito.
"Ano tinitignan mo," tanong ni Lucky sa kanya ng makita siyang nakaharap sa cellphone kaya tumayo siya at lumapit dito para iabot ang cellphone. "Alam kong nakita mo kaya hindi na ako magtatanong, cute mo kase dito kaya kinuhaan kita ng litrato, anyways anong sabi nila tita, okay lang ba sila do'n?"
Ngumiti ako tapos pinisil ang pisnge nito. She's really cute talaga, mas lalo siyang nagiging maganda sa paningin ko.
"Maayos naman sila at sinabi lang na namiss nila ako." Umalis ito sa harapan ko at may kinuha sa ibabaw ng cabinet nito bago humarap sa akin.
"Hindi mo ba sila balak dalawin." Sinuklay nito ang buhok at ipinuyod.
"Tungkol dyan may balak ako na dalawin sila pero gusto ko sana na kasama ka para maipakilala kita sa kanya, gusto mo ba?"
Pagkatapos nitong mag-ipit ay lumapit ito sa akin at hindi ko inaasahan na ilalapit nito sa mukha ko ang mukha niya kaya hindi agad ako nakagalaw.
Masyadong malapit. Gusto ko siyang halikan pero umalis na ito sa harapan ko, may kinuha lang pala itong earphone na nasa likuran ko.
"Oh, bakit parang natuod ka na dyan?"
"Dapat hinalikan mo nalang ako para naman may free kiss ako sayo." Ngumiti siya ng marealize ang sinabi nito. Pwede naman nilang gawain 'yon ngayon lalo na't walang ibang tao dito kase lahat sila ay abala na mamasko.
Ang kanilang ngiti ay napalitan ng isang nakakalokong ngiti habang nalapit dito. Si Lucky naman ay masama na akong tinignan pero wala akong planong pakawalan siya ngayon.
"Anong gagawin mo! Huwag ka ngang lumapit, Isa. Kapag ako nainis sisipain ko 'yang birdie mo. Sige! Lapit!"
Natakot naman sa bagay na 'yon kaya agad na akong lumapit dito at siniil ito ng halik. Ilang segundo ang tinagal no'n bago umatras para umiwas sa maari nitong gawain.
"Nakakainis ka talaga kung hindi lang talaga kita mahal baka pinalayas na kita dito."
Wait. Tama ba ang pagkarinig ko. "Pakiulit nga ng sinabi mo."
"Ang alin? Na nakakainis ka at baka pinalayas na kita?" umiling ako hindi naman 'yon, eh. Gusto ko maklaro ang narinig ko, na mahal na niya na ako kailangan kong masigurado kase ito talaga ang magandang regalo na matatanggap niya ngayong pasko.
"Na kung hindi lang kita mahal –
Tumango at mabilis siya hinila palapit sa akin. Tama nga ako ng narinig, mahal na niya ang isang tulad ko at sobrang saya ko sa bagay na ito, "I love you, Lucky me!"
"I love you too," sagot din nito kaya mas lalo akong ngumiti at mas niyakap ito. "E-eh, hindi na ako m-makahinga!"
Binitawan ko na siya sa pagkakayakap ko at hinawakan ito sa magkabilang balikat, "edi pinapayagan mo na akong maging boyfriend mo, so tayo na? Legit na legit na ba 'yan! Wah, salamat salamat talaga Lucky ko simula ngayon akin ka na at sayong-sayo lang ako."
"Kahit na hindi ako tagarito at lumampas lang sa byahe pero kahit ganoon ay pinayagan mo akong pumasok dyan sa puso, maraming salamat!"
"Hey, don't say salamat. Hindi mo naman hininging pabor na mahalin ka kaya huwag kang magpasalamat bagkus ay maging masaya ka lang."
Ganoon ba 'yon o kahit ganoon nga 'yon ay wala ng kaso 'yon sa akin basta ang alam ko mahal ko siya at mahal niya na ako. Hindi lang pala trabaho ang makukuha ko dito pati rin pala ang anak ni tita.
Tita, salamat dahil ipinanganak mo si Lucky.
Tita, salamat tita.
"Anong nakakatawa," tanong nito pero imbes na sagutin ay hinalikan ko ito sa pisnge. "Woy! Baliw ka talaga, dito pa sa kabila char!"
Hindi ko mapigilan hindi matawa sa sinabi nitong sa kabila pa kaya hinalikan ko na siya agad kaysa para pantay. At hindi pa ako nakuntento kase hinalikan ko pa ito sa labi.
"Araw-araw kang may kiss sa akin, Lucky!"
"Sige ba," masiglang sambit nito kaya niyakap ko ito bago ko yayain na lumabas na at baka umuwe na sila tita at isipin nilang may ginawa kaming himala ni Lucky pero totoo naman 'yon kase hinalikan ko ang anak ni tita.
PAALIS na kami ngayon at papunta na sa Salitran kung saan kami magswimming, dalawang tricycle ang kinuha namin kaya by pair ang nangyari. Ito kase si Taho ay daig pang magoovernight sa Saniya na halos dalawang malaki ang bag na dala nito.
Mabilis naman na kaming nakarating doon at medyo masakit pa ang ulo ko kase nauntog ako dahil sa bato-batong dinaanan namin.
Bumaba na ako at kinuha ang bag na bitbit ni Lucky, nagpasalamat ito sa akin kaya ngumiti lang ako.
Alam niyo ba na simula nung umamin siya sa akin kahapon, nadagdagan na ang pagiging sweet niya sa akin. Hindi naman sa hindi ito sweet pero mas gusto niya ito ngayon.
"Tao, nakatulala ka nanaman sa akin gusto mo bang masagasaan ni kuyang driver?"
"H-ha?"
Bumalik ako sa reyalidad ng tumunog ang tricycle kaya napailing nalang ako at tumabi, hinila naman ako ni Lucky papasok na sa loob.
"Pasaway ka talaga,
"Oo pasalamat ako dahil mahal mo ako kaya hindi mo ako sasaktan, alam ko na 'yan." Ako na ang dumugsong sa sasabihin niya kase kabisado ko na ang lines niya para sa akin. Tignan niyo natawa siya sa sinabi ko.
"I love you talaga, Lucky me!"
Kung wala lang akong hawak na bag baka hinalikan ko na siya dahil sa kilig.
"Kayo bang dalawa hanggang ganyan nalang at hindi kayo susunod sa amin." Kapuwa sabay kaming tumingin ni Lucky sa mga kaibigan niya at sabay na nagsalita.
"Susunod na po."
Sumunod na nga kami sa dalawa sa entrance at inayos na ang babayaran para wala na kaming aalahanin pa kapag uuwe kami. May discount pa naman sila lalo na't pasko kahapon kaya tuloy ang swimming.
Papasok na kami sa loob at hindi ko maiwasang mamangha may mga statue dito ng ilang heroes at cartoons, nakakamangha.
"Ano ba ga 'yan! Hindi ka natingin sa dinadaanan mo!"
Napadako tingin ko sa pwesto nila Kirei at may kasama silang lalaki, siguro nagkabanggaan sila kaya ganyan nalang kung magreact si Kirei.
"Hindi ako ang hindi natingin sa dinadaanan kundi ikaw Miss who you are."
Patay tayo dyan.
"Tignan mo ang ugali ng lalaking 'yan siya na nga ang nakabunggo at hindi natingin sa nilalakaran siya pa itong ulupong na makapal ang mukha. Hoy lalaki! Ikaw ang may kasalanan at hindi ako!"
Hindi papatalo ang kaibigan namin pero bago a ako makalapit ay nauna na sa akong lumapit si Lucky para awatin ang kaibigan kaya sumunod na din ako sa kanya.
"Sorry miss who you are, aalis nalang ako at nakakahiya 'yang bunganga mo kababae mong tao ang ingay mo." Kalmado ang lalaki pero alam kong may gigil ang pagkasabi niya.
"Duwag ka. Hindi ka marunong humingi sorry bago umalis, akala mo pogi. Damuho ka!"
Hindi na pinansin ng lalaki si Kirei at nagpatuloy na sa pupuntahan nitong pwesto kaya humarap na ako kay Kirei na pinapakalma ni Lucky.
"Buwiset talaga. Ang laki kaya ng katawan niya, masakit."
"Gaga ka! Daig mo pa navirginan sa inaasta mo, manahimik ka nga!"
"Bastos!" sabay-sabay naming sambit nila Lucky kay Taho. Kung ano-ano nalabas sa bibig, baka mamaya may dumaan at marinig ang sinabi niya.
"Sorry naman na po."
THE END.
Pinutol ko na itong part na 'to para sa next story sa Cavite Series.
Abangan niyo nalang po at sana nagustuhan niyo ito.
Enjoy Reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro