Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 - Asian Leg Tour

Isang buwan ang mabilis na lumipas. Matatapos na ang European leg tour ng Westlife. Ang susunod naman nilang destinasyon ay ang pinakahihintay ng lahat... ang Asia!

"Wala pa rin bang announcement kung kailan ang dates ng ticket selling?" may pag-aalalang pahayag ni Analisa.

Isang ngisi ang lumarawan sa mukha ni Jem, bagay na ikinataka ng mga kaibigan niya. May kinuha siya sa bag. Parang mga papel. Kunwa'y ipinaypay niya iyon sa ere para ipakita sa mga kaibigan.

"Ano 'yan?" tanong ni Mae.

Itinigil ni Jem ang ginagawa. Ipinakita niya sa mga kaibigan ang hawak.

"Westlife comeback tour: Araneta Coliseum' SVIP tick—" Hindi naituloy ni Kathryn ang sasabihin dahil naitutop niya ang mga kamay sa bibig. Tumingin siya sa kaibigan nang nanlalaki ang mga mata. "Shuta ka, bakla! Legit 'yan?"

Proud na tumango si Jem sabay tiningnan isa-isa ang mga kaibigan. "May naka-chika-han kasi akong staff ng Wilbros. Nabanggit niya sa akin na malapit na nga raw i-announce ang surprise ticket selling ng concert tickets. So ayun, I grabbed the opportunity to buy the best seats para sa ating lima— Carlos is included."

Nagtinginan sina Analisa, Mae, at Kathryn.

"Hindi rin aware diyan ang Westlife PH Fan group. Ang alam lang nila e kung kailan 'yung concert dates but not the ticket selling dates. For sure, mabibigla rin ang mga 'yun kapag nag-announce na ang Wilbros."

Isa-isa nang ipinamahagi ni Jem ang tickets sa mga kaibigan. Tigtatatlo bawat isa. Ang natitirang tatlo ay para kay Carlos. Napalapit na rin kasi ang batang iyon sa kanila kaya naisipan na rin nilang itabi ang binatilyo sa concert.

"Eh, bakit daw ba kasi may pa-surprise keme pang nalalaman?" tanong ni Mae na sinisipat ang hawak na tickets.

"Nafo-forecast kasi nilang maso-sold out daw agad 'yung ticket in fifteen minutes. So to give chance to everyone, ginawa na lang biglaan. Buti na lang talaga nagkataon na may connection ako sa producers."

Siniko ni Kathryn nang mahina si Jem sa tagiliran. "Iba talaga kapag may friend kang may kapit sa industriya."

Jem flipped her hair to the back. "Ano ka ba, ako lang 'to!"

Muli silang nagtawanan.

Hindi lumipas ang isang oras matapos ipamigay ni Jem ang ticket sa lima ay naisapubliko na rin ang tungkol sa ticket selling. Maraming lifers ang nataranta dahil sa biglaang anunsiyo. May ibang nag-alala kasi hindi agad sila nakapag-withdraw dahil sarado na ang mga bangko. Ang iba naman ay dali-daling naghagilap ng mauutangang kakilala para lang makabili ng ticket.

Habang abala ang lahat ay naka-receive ang bawat isa ng notification na may bagong post ang Westlife.

Are you a Filipina and a fan of Westlife? If yes, this announcement is for you!

Be the lucky fangirl. Win a one-day date plus romantic dinner with your favorite Westlife lad by joining this contest.

Mechanics:
1. Create a music video showing yourself while singing your favorite Westlife song. The more creative your content is, the higher chance of being chosen by your favorite lad.
2. Candidate must purchase a concert ticket, any date.
3. Five lucky fans will be chosen. Deadline of submission of entries is on Sunday, 6pm.

Good luck!

***

Napatalon sa kinatatayuan ang magkakaibigang dalaga. Napayakap sila sa isa't isa.

Unang kumawala sa yakap si Mae. "This is our time to shine, mga bakla!"

Jem snapped her fingers. "I have an idea!"

Hindi na niya inintay pang makapagtanong ang mga kaibigan. "Humingi tayo ng tulong sa friend kong director. Sa kanila tayo magpapa-shoot ng pangmalakasang music video!"

"Oo nga 'no?" Kathryn crossed her arms while looking at her friend with amusement. "Ang talino mo talaga, bakla!"

***


"Good morning, Efren!" bati ni Jem sa kakilalang free-lance director. Nasa studio sila ngayon ng ABS-CBN.

Gumanti ng pagbeso ang lalaki. "I haven't seen you in a while, Jem. Lalo kang gumanda." Napatingin ang direktor sa tatlong kasama ng dalaga. "At may kasama ka pang tatlong magaganda."

Pa-humble na inipit nina Kathryn, Mae, at Analisa ang buhok sa kanilang tainga habang pinipigil ang pagngiti.

"They're my best of friends." Ipinakilala ni Jem ang mga kaibigan sa direktor. "I met them in a fan group."

"Let me guess..." Napahawak ang lalaki sa baba. "Fan group ng Westlife?"

Excited na sumagot ng Yes ang apat.

"I knew it." Tumango-tango si Efren sabay tingin kay Jem. May ideya na kasi ito dahil noong magkasama sila sa isang project ay puro Westlife ang pinagtutuunan ng dalaga ng pansin t'wing breaktime.

***

Inimbita sila ng lalaki sa opisina nito. Nang makaupo ay nagsalita si Jem. "Efren, didiretsahin na kita. Kailangan namin ng tulong mo para gumawa ng creative music video." Ipinaliwanag niya ang mechanics sa contest.

"That's a piece of cake. I'm in!"

Sumilay ang ngiti sa mukha ng apat.

"So when is your preferred date to shoot?"

"Ngayon," sagot ni Jem.

Mayamaya pa ay nakasakay na sila sa van patungo sa unang shooting nila para sa music video ni Analisa. She picked the song Obvious at sa tabing-dagat ang napili niyang lugar. Everything went well at isang oras lang ay natapos na sila.. Ang sumunod naman ay si Mae na ang napiling awitin ay I Will Reach You. Sa SM North naman ang napili niyang lokasyon.

Pagkatapos ni Mae ay si Jem naman at ang napili niyang kanta ay Written in the Stars. Tagaytay naman ang napili niya.

Ang huli ay si Kathryn na ang napiling kanta ay Every Little Thing You Do at sa condo lang niya napiling mag-shooting. Gusto raw kasi niyang i-flex 'yung kuwarto niyang punong-puno ng mukha ni Kian.

Halos maghahatinggabi na nang matapos at magawa ang music video ng bawat isa na SDE o Same Day Edit lang din. Manghang-mangha ang magkakaibigan sa resulta kasi puwedeng-puwede ang mga ito na ipangtapat sa music videos sa MYX.

Matapos ang nakakapagod na araw ay nagpaalam na ang direktor, camera man, at editor pagkatapos nilang magsalo-salo ng pancit canton sa condo unit ni Kathryn. Binigyan nila ang mga ito ng konsiderableng halaga. Ayaw nga sanang tanggapin nina Efren pero pinilit sila ng apat. Anila ay malaki ang respeto nila sa mga taong mula sa ganitong industriya. Ang panahong ginugol nila sa pagiging eksperto sa ganitong field ay dapat tumbasan ng karampatang halaga.

"Sa Sabado na tayo magpasa para pasabog," suhestiyon ni Kathryn. Tinapunan niya ng tingin ang mga kaibigan.

"Pasabog talaga, eh," natatawang sabi ni Mae. "Sige, sa Sabado na nga para walang gumaya ng concept natin. Hindi naman paramihan ng likes 'yun, hindi ba?"

"Hindi naman," sagot ni Jem.

Siniguro nilang may back-up copy sila ng music video. Inihanda nila iyon para sa takdang araw ng pag-a-upload ng kanilang entries.

***


Sumapit ang Sabado - ang takdang araw ng pagpapasa ng mga dalaga ng entries. Ipinost nila sa kani-kanilang Facebook timeline ang entry at gumamit sila ng hashtag na #WestlifeBeMyDate. Wala pang isang oras ay humakot na ng libong likes ang bawat entry ng magkakaibigan sa sobrang bilib ng mga tao sa pagkaka-edit ng bawat video.

Ang isa pang pumukaw ng atensiyon ng magkakaibigan ay ang entry ni Veniece na talaga namang hindi rin magpapakabog. Mahigit sampung life-size na Kian Egan standees ang ipinagawa niya bilang props sa kaniyang video. Kahit si Kathryn ay humanga rin sa content ng video ni dalaga.

Matinding kakompetensiya si Veniece. I'm impressed with her creativity.

Samantala, sa condo unit ni Veniece ay makikitang nagbubunyi siya habang may hawak na isang wine glass.

"I will make sure that I will be your date, Kian." Nagpakawala siya ng isang tusong ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro