Chapter 80 - Epilogo
"Marriage license, done. Seminar sa kasal, done. Kasal na lang ang kulang, bakla!" ani Analisa matapos nitong tsekan ang checklist na hawak. Siya kasi ang boluntaryong nag-aasikaso ng kasal nina Kian at Kathryn.
"Gagi, marami pang kulang, oh. Wala pang pre-nuptial shoot. Hindi pa rin namin napag-uusapan ni Kian 'yung itsura ng gown, location ng reception, give-aways, invitation.."
"Naku, bakla. Wag kang ma-stress masyado. Kayang-kaya ko na 'to. Baka mamaya e lumabas na stress 'yang inaanak namin, eh. Sige ka."
Napangiti si Kathryn at humimas sa tiyan niyang bahagya nang umuumbok.
"Sige na nga. Basta, go with the flow na lang ako. Tiwala naman ako sa 'yo." Kinindatan niya si Analisa.
Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang alukin siya ng kasal ni Kian at dalawang buwan na lang din ang hihintayin nila bago sila ikasal.
Nasa sala sina Kathryn at Analisa nang dumating sina Mae at Jem.
"Bakla!"
"Uy, Mae? Jem?" Yumakap si Kathryn sa dalawang kaibigan. "Nandito na kayo? Akala ko nasa Ireland kayo?"
"Ay hindi, hindi. Nasa Ireland pa rin kami. Hologram lang itong kausap mo," papilosopong sabi ni Jem.
Inasikan ni Kathryn si Jem. "Napakatino mo talagang kausap kahit kailan." Nagtawanan sila. "Ano ba kasing meron at nandito kayo?"
"Dito namin napagdesisyunang mag-prenup shoot ni Mark. Of course, kasama kayong maids-of-honor ko."
"Wow, bago 'yun ha? Kasama na pala ngayon ang maids-of-honor sa pre-nup?" takang tanong ni Kathryn.
"Oo, binago ko na kanina lang." Muli ay napahagikhik silang magkakaibigan.
Nasa ganoon silang akto nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Kian na para bang pagod na pagod.
Humingal muna ang binata bago dumiretso sa kinaroroonan ng magkakaibigan.
"Mahal." Kinintalan niya ng halik sa mga labi ang nobyang si Kathryn. "Heto na ang tsiko na nire-request mo. Sa Cebu ko 'yan binili."
Lumiwanag ang mukha ni Kathryn. "Thank you so much, mahal!" Tinungo niya ang lamesa at sabik na binalatan ang isang tsiko. Mayamaya ay nilalantakan na niya ito. Wala pa sa kalahati ang nakakain niya ay inilapag na niya iyon.
"Okay na ako!" Hinimas niya ang sariling tiyan at tinungo si Kian para lumambitin sa leeg nito. "Thank you, mahal." Pinupog niya ng halik ang pisngi ni Kian.
"Always for you, my queen."
Napanganga ang mga kaibigan ni Kathryn.
"Wow, bakla. Pinapunta mo pa si Kian sa Cebu para bumili ng tsiko tapos kalahati lang ang kakainin mo? Grabeng paglilihi 'yan." Napailing-iling si Mae habang nakatingin sa kaibigan.
Napasandal si Analisa sa inuupang sofa. "Sana all may ganiyan ka-effort na jowa."
"Inggit ka? Ligawan mo na kasi si Nicky," biro ni Jem.
"Tse! Magpapakatandang dalaga na lang ako kaysa mapunta kay Nicky na babaero."
Sumabad si Kian. "Malay mo naman, magbago dahil sa 'yo."
"Ay naku, Kian. Tigilan n'yo ako. Maghahanap na lang kami ni Mae ng Irish boyfriend sa Tinder." Umabriseyete si Analisa kina Jem at Mae. "Oh sige na, aalis na kami. Kitakits na lang bukas sa pre-nup shoot nina Jem."
Umalis na ang tatlo kaya ang naiwan na lang sa sala ay sina Kian at Kathryn.
Niyakap ni Kian ang nobya habang tinatanaw nila ang tatlo na pasakay na ng sasakyan.
***
Tatlong kotse ang pumarada sa harap ng bahay nina Kathryn. Lulan ng isang sasakyan sina Kian at ang magulang niyang sina Patricia at Kevin. Sa dalawa namang kotse ay ang mga kapatid niya.
Mamamanhikan sila.
"Uy, balae. Pasok kayo!" Masiglang binati ni Mang Zander ang kararating lang. Nakipagkamay naman sina Patricia at Kevin sa tatay ni Kathryn gayundin kay Aling Adel.
Naging masaya ang kanilang pagdating dahil sa mainit na pagtanggap ng pamilya ni Kathryn. Mas sumaya pa sila nang makita ang kambal na sina Kian John at Keanna.
"Halikayo mga apo," pagyakag ni Patricia sa dalawang kambal. Walang alinlangan na sumalubong ang dalawa sa lolo at lola nila. "Grabe, kuhang-kuha ninyo ang mukha ng Daddy Kian n'yo!"
Mayamaya ay pinagpasa-pasahan na ng mga kapatid ni Kian ang dalawa.
"Halika, little Kian. Come to Aunt Nyssa." Kinarga ni Nyssa si Kian John.
"Tita Nyssa, Mommy said you like blueberry cheesecake. I like that too!"
"Awww. So cute!" Pinanggigilan ni Nyssa ang pisngi ng pamangkin. "Pamangkin nga kita!"
"Ahm, Nyssa." May blueberry cheesecake sa ref. Do you want some?"
"Sure, ate!"
"Pumunta na lang kayo sa kusina." Bumaling si Kathryn sa katabi ng dalagita. "Carlos, pakisamahan naman sina Nyssa."
"Okay, ate." Hawak sa magkabilang kamay nina Nyssa at Carlos ang kambal habang tinutungo ang kusina.
Mayamaya pa ay magkakaharap na ang dalawang pamilya sa mahabang lamesa.
Napuno ng tawanan at saya ang hapag-kainan. Kumustahan, nagkakilanlan, at nagkapalagayan ng loob. Mayamaya ay nagpaalam na rin ang pamilya ni Kian upang bumalik na sa hotel na pansamantalang tutuluyan ng mga ito bago lumipad pabalik ng Ireland.
Nakaalis na ang sasakyan pero nasa labas pa rin ng bahay sina Kian at Kathryn. Nakahilig ang dalaga sa dibdib ni Kian habang nakaakbay sa kaniya ang nobyo.
"May basbas na tayo mula sa ating pamilya. Basbas na lang Niya ang kulang," saad ni Kian sabay tingin sa mabituing kalangitan.
Mas ipinagsiksikan ni Kathryn ang sarili sa dibdib ng nobyo. "Darating din tayo r'yan, mahal."
Hinagkan ni Kian ang bumbunan ng nobya. "I can't wait anymore."
Hinampas nang marahan ni Kathryn ang braso ni Kian. "Konting tiis na lang naman. Pasasaan ba at malapit na tayong pagbukludin. Ikaw at ako ay magiging iisa, habambuhay." Buong tamis siyang ngumiti.
Kinabig ni Kian ang nobya. "Habambuhay." Muli siyang humalik sa bumbunan nito. "Tara, pumasok na tayo. Kailangan mo nang magpahinga. May pre-nup shoot pa tayong pupuntahan bukas."
"Ay, kasama ka?"
Tumango si Kian. "Oo. Kasama raw ang mga best man."
Nagkibit-balikat si Kathryn. Pumasok na silang dalawa sa loob.
***
Kinabukasan ay maagang sinundo ng isang puting Bentley Mulsanne car si Kathryn. Lulan din noon sina Mae at Analisa.
"Oy, nasaan si Jem?" usisa ni Kathryn na kapapasok lang ng sasakyan.
"Susunod 'yun. Nasa bahay niya, nagpapa-make up."
Tumango-tango si Kathryn.
Mayamaya pa ay nakarating na sila sa isang salon. Dalawang oras pa ang lumipas ay lahat sila na-make upan na at nalinisan ng kuko.
Naisuot na nina Analisa at Mae ang kani-kanilang one shoulder red mesh dress with lace inset na pinartner-an pa ng red pouch.
"Uy, nasaan 'yung ganiyan ko?" tanong ni Kathryn na inaayusan na lamang ng buhok.
"Sandali." Bumaling si Mae sa make up artist nila. "Ate Shirley, nasaan na po ba 'yung damit ni Kathryn?"
"Teka." Pumasok sa isang kuwarto si Shirley at mayamaya ay may dala na itong short halter white dress with keyhole cut out.
Napangiwi si Kathryn sa nakitang dala-dala ni Shirley. "Bakit white?"
Sumabad si Analisa. "Hello? Red and white ang theme ng wedding nina Jem."
"Whatever."
Tinungo na ni Kathryn ang isang kuwarto para bihisin ang damit. Limang minuto lang ang ginugol niya at mayamaya ay nakabihis na siya.
"Wow, ang ganda mo, bakla!"
"I know right!" saad ni Kathryn na humarap pa sa malaking salamin habang umikot-ikot.
"Hindi halata ang baby bump mo. Maliit ka talagang magbuntis 'no?"
"Buti nga. Dahil kung hindi, baka ang pre-nup shoot ni Jem ay maging pre-natal photoshoot ko." Marahan siyang napatawa.
Tinungo na nila ang simbahan kung saan gaganapin ang pre-nup shoot.
Pagbaba nila ng kotse ay may sumalubong sa kanilang dalawang beki. Ang walang kamalay-malay na si Kathryn ay sinakluban ng mga ito ng isang puting tela.
"O-Oy.. T-Teka. Ano 'to?" Banaag sa mukha ni Kathryn ang pagtataka.
Habang iniisip pa niya kung ano ba iyong tela na nakasaklob ngayon sa mukha niya ay mayroon namang nagkabit ng isang puti at mahabang palda sa kaniyang baywang.
Lumingon siya at tumambad sa kaniya ang isang mahabang puting tela na parang Cathedral Train sa damit ng isang babaeng ikakasal.
Ikakasal?
At hindi ito parang Cathedral Train dahil Cathedral Train na mismo ang ikinakabit sa beywang niya.
Sumikdo ang puso ni Kathryn. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dulot ng isang kongklusyon na iniisip niya.
Isa-isa niyang inalala ang maliliit na detalye na hindi niya binigyang pansin kanina.
Sina Analisa at Mae, naka-red dress.
Siya lang ang bukod-tanging naka-white dress.
Ang pagpunta ng buong pamilya ni Kian sa Pilipinas
Ang puting Bentley Mulsanne Car na sumundo sa kanila
Ang belo..
Ang Cathedral Train na ikinabit sa palda niya.
"A-Am I.."
"Yes, Kathryn. You're getting married."
Napalingon si Kathryn. Nakita niya si Jem na noo'y nakasuot din ng damit na tulad ng kina Analisa at Mae.
Hindi naiwasan ni Kathryn na maitakip ang mga kamay sa kaniyang bibig.
"A-Akala ko ba... pre-nup ninyo?"
Umiling-iling si Jem. Ipinakita niya ang kaliwang kamay na mayroong singsing.
Naglipat ang tingin ni Kathryn kina Mark at Jem. "A-Are you two..."
Hindi na naituloy ni Kathryn ang pagtatanong dahil sinagot na siya ni Jem.
"We already married each other at the Cliffs of Moher. Sorry, wala na kaming naimbita. Eto kasing si Mark, excited nang bumuo ng basketball team." Napahagikhik si Jem. Kinabig siya ni Mark sabay kinintalan siya nito ng malalim na halik sa mga labi.
"I have to go, love. Naghihintay na si Kian sa altar. Mamaya, ituloy ulit natin 'yung honeymoon natin." Muling hinalikan ni Mark si Jem. Noon di'y tumungo na ito sa gilid ng simbahan para doon dumaan. Hindi pa kasi bukas ang main door ng simbahan.
Naghagikhikan ang ang magkakaibigan maliban kay Kathryn.
Yung 'di pa nga siya nakaka-move on na ikakasal na pala siya, dumagdag pa sina Jem at Mark na biglaang nagpakasal.
That escalated quickly.
Nasa ganoon siyang pagbubulay-bulay nang may lumapit sa kaniya at nag-abot ng isang pumpon ng pulang rosas.
"Jodi..."
Matamis siyang nginitian ng dalaga na binigyan siya ng magkabilang beso.
Pinisil ni Jodi ang palad ni Kathryn. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako tututol." Hindi nila napigilan ang matinis na bungisngisan nang sinabi iyon ng dalaga.
***
Nagsimula nang tumugtog ang wedding march. Hindi niya namalayan na wala na pala ang iba niyang kasama. Palagay niya ay dumaan rin ang mga ito sa daang tinahak ni Mark kanina.
Ngayon ay nakita niya ang kaniyang mga magulang na nakapostura. Sa puntong iyon ay napayakap siya sa mga ito.
"Ma, Pa..." Nagpalit-palit ang pagtingin niya sa dalawa.
Kumuha ng panyo ang kaniyang ama na hindi na napigilan ang emosyon.
"Anak.." Halata ang garalgal sa boses nito.
"Papa.."
"Mayamaya lang ay ipapamigay ka na namin ng mama mo. Bagong-buhay na ang tatahakin mo mula mamaya." Pinunas nito ang luha na kumawala sa mga mata.
"Papa naman.."
"Oh, wag kang sumambakol d'yan. Araw ng kasal mo, oh."
Pinilit ngumiti ni Kathryn at bumaling naman siya sa kaniyang ina.
"Mama.."
"Kinakabahan ka, anak?"
Napakagat-labi si Kathryn bilang sagot sa kaniyang ina.
Tinapik lang ni Aling Adel ang likod ng anak.
"Wedding jitters." Nagkatinginan sila. "Tara na?"
Tango lamang ang isinagot ni Kathryn.
Mayamaya pa ay narinig na nila ang langitngit ng pinto ng simbahan na unti-unting bumubukas at nahahati sa gitna.
Sa puntong iyon ay napalitan na ang tunog ng kantang sa unang tatlong segundo pa lang ay alam na alam na ni Kathryn kung ano iyon.
I'll Be.
Tanging tunog ng biyolin at ng cello ang umaalingawngaw sa buong simbahan. Tunog ng dalawang instrumento na noong pinagsama ay napakagandang pakinggan. Na para kang nakikinig sa pagtugtog ng anghel sa kalangitan.
Inilibot ni Kathryn ang paningin sa loob ng simbahan. Sa isang banda ay naroon ang ilang miyembro ng Westlife PH fan group. Bakas sa mukha ng mga ito ang halo-halong emosyon ngunit mas nangingibabaw sa kanila ang kasiyahan.
Inilibot pa niya ang kaniyang mga mata. Natuon ang kaniyang pansin sa pamilya ni Kian na ngayo'y magiging pamilya na rin niya.
Sa mga kapatid niya.
Kina Kian John at Keanna na buhat-buhat nina Analisa at Mae.
Sa BFFs niya
Sa Westlife lads
At higit sa lahat...
Sa lalaking nag-aabang sa kaniya sa altar..
Walang iba kung hindi ang lalaking makakaisang-dibdib niya sa araw na ito..
Ang pinakamamahal niyang si Kian.
Nanatiling nakapako ang kaniyang tingin sa binata, na mayamaya ay magiging asawa na niya.
Gusto na niyang takbuhin ang nobyo ngunit para bang nagkaroon ng bigat sa kaniyang mga binti kaya nanatili siya sa mabagal na paglalakad.
Panay ang pagtambol ng kaniyang dibdib. Muli niyang naramdaman ang paglipad ng mga paruparo sa kaniyang tiyan na mas dumami pa sa pagkakataong iyon.
Ilang hakbang pa ang ginawa niya at ngayo'y kaharap na niya ang lalaking tangi niyang gusto makasama habambuhay. Ang lalaking gusto niyang pagsilbihan sa hirap at ginhawa. Ang lalaking mahal na mahal niya.
Si Kian.
He looks dashing in his charcoal gray notch lapel tuxedo na mas lalong nagpaangat sa charm niya.
Hindi na maipinta ang labis na saya sa mukha nina Kathryn at Kian nang magtama ang kanilang mga mata.
"Mahal, you are the most beautiful bride I've ever seen in my life."
"And you're the most gorgeous groom that I've ever laid my eyes upon, mahal."
Pumungay ang mga mata ni Kian nang marinig iyon mula sa kaniyang nobya.
Inalalayan na niya si Kathryn hanggang sa makapuwesto sa upuang itinalaga para sa kanilang dalawa.
Sumulyap si Kathryn sa puwesto kung nasaan ang kaniyang mga magulang, gayundin sa kinauupuan ng kaniyang mga magiging biyenan. Pare-parehas nag-thumbs up ang mga ito, na nagpagaan sa kaniyang kalooban.
Sa kabilang banda naman ay bumaling siya sa dalawang pares ng ninong at ninang nila. Ang isang pares ay sina Louis Walsh at si Mrs. O'Brien.
Lihim naman siyang napangiti nang makita ang isang pares ng kanilang ninong at ninang. Sina Mang Edriel na naging Grab driver nila at ang kapares nito ay si Chinkee na presidente ng fan group nila.
Kian held her hand, na pumukaw sa atensiyon niya.
"Wala nang atrasan ito, mahal ha?"
Umangat ang sulok ng labi ni Kathryn. "Oo naman." Pinisil niya ang kamay ng lalaki.
***
"By the power vested in me by the Almighty God and the State of the Philippines.. Kian and Kathryn, I hereby pronounce you, husband and wife." saad ng pari. "Kian, you may now kiss the bride."
Sa puntong iyon ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Kian. Unti-unti na niyang itinaas ang belong naghaharang sa mukha ng kaniyang sinta. Ilang saglit pa, sa wakas ay malaya na niyang napagmamasdan ang mukha ng asawa.
Maugong na palakpakan ang pumuno sa loob ng simbahan nang saksihan nila ang unang halik ng dalawa bilang mag-asawa.
Sa wakas, opisyal nang pinagtali ang puso nilang nagmamahalan.
New Bilibid Prison
Muntinlupa
"Sonia, kumain ka na."
Nakahalukipkip lamang ang dalaga na hindi pinapansin ang kumakausap sa kaniya.
"Dali na."
"Wala akong gana."
Ibinaba ng kausap ang hawak na bowl ng lugaw at hinarap ang dalaga. Hinawakan nito ang kamay ni Sonia at marahang pinisil.
"Look, Sonia. Alam kong kasal ni Kian ngayon. Believe me, I totally understand where you're coming from kasi pinagdaanan ko na 'yan. I started to move on kasi nakikita kong masaya na si Mark kay Jem ngayon. Pinalalaya ko na siya. Sana ikaw rin, para tunay ka nang maging masaya."
Tiningnan ni Sonia si Cailean na kausap niya ngayon. He's doing volunteer work in NBP at dito nga niya nakilala si Sonia. I mean, kilala na talaga niya dati pa sa pangalan pero dito lang sila nagkalapit.
Bumuntong-hininga si Sonia. "Kakayanin. Kahit masakit."
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Cailean. Muli siyang sumalok ng isang kutsara ng lugaw mula sa bowl at wala naman iyong pagtutol na sinubo ni Sonia.
Westlife Building
Banquet Hall
"Bilang kaibigan ni Kathryn, kami ang buhay na saksi kung ano ang mga pinagdaanan niya bilang isang fan." Tumingin si Analisa kina Kathryn. "Bakla, gusto ko nang sumaya ka finally. Please lang, 'wag mo nang pagtaguan ng anak si Kian."
Nagtawanan ang mga dumalo sa kasal.
Marahang napatawa sina Kathryn at Kian na noo'y nagkatinginan.
"Parang kailan lang, sumisigaw ka pa sa concert ng 'Kian, anakan mo ako.' Ayan, binigyan ka tuloy ng tatlo." Mas lalo pang lumakas ang hagikhikan sa loob ng banquet hall.
Lumapit si Kian sa tainga ni Kathryn.
"Be careful what you wish for 'cause you just might get it." He let out a seductive laugh.
Tumulis ang nguso ni Kathryn at mahinay na hinampas sa braso ang asawa.
Mayamaya ay ang apat na lads naman ang nagbigay ng kanilang mensahe kaya sama-sama silang pumunta sa may mikropono.
"Bro," saad ni Shane na tumingin kay Kian. "Buhay akong saksi kung gaano mo kamahal si Kathryn. Kaya masayang-masaya ako na nakatuluyan mo na siya. I'm happy for both of you."
Nag-fist bump sina Shane at Kian.
Si Nicky naman ang nagsalita. Pinukulan niya ng tingin si Kathryn. "Pag nambabae itong si Kian, magsumbong ka lang sa aming apat. Kaming bahala sa tropa naming ito."
"Wow, huwag mambabae. Coming from you, bro?" tanong ni Mark.
"Seryoso kaya ako pagdating sa relasyon baka 'di n'yo alam." Tumingin si Nicky sa gawi ni Analisa. "Ayaw kasi akong bigyan ng chance ng isa d'yan." Napuno ng pambubuyo ang bulwagan. Kinindatan ni Nicky si Analisa na noo'y namumula na.
Natapos na sa pagbibigay ng speech ang lads at ngayon ay mama naman ni Kathryn ang nagsalita sa mikropono.
"May mga bagay na mahirap paniwalaan katulad noong umamin si Kathryn na nagdadalantao siya sa mga apo naming sina Kian John at Keanna. Sino bang maniniwala? Akala namin ay inabot na ng pagkapihang itong anak ko kasi teenager pa lang 'yan e fan na fan na ng Westlife. Sabi ko pa noon e baka naihipan na ng masamang hangin si Kathryn kawe-Westlife at kung ano-ano na ang ini-imagine. Malaman-laman ko'y totoo pala talagang dinadala niya ang anak ni Kian."
Muling naghagalpakan ang mga bisita kabilang ang bagong kasal.
Tumingin siya kay Kathryn. "Anak, masaya ako para sa 'yo kasi natupad na ang pangarap mo. Ngayon, hindi ka na magtatiyaga sa pagyakap sa unan na may mukha ni Kian dahil siya na mismo ang bubungad sa iyo paggising mo sa araw-araw."
Nagkatinginan sina Kian at Kathryn nang buong pagmamahalan. Sumandig si Kathryn sa dibdib ng kaniyang asawa.
Sumunod na nagsalita ang papa ni Kathryn.
"Dati, napagagalitan ko pa 'yang anak kong 'yan. Imbes kasi na ibili ng pagkain ang baon ay poster ng Westlife ang laging bitbit tuwing uwian. Hayun, hindi ko naman akalain na mamanugangin ko pala balang-araw ang isa sa mga nando'n sa poster." Tumingin siya sa parte ni Kian. Nang magtama ang tingin nila ay nakaramdam ng hiya ang huli. Napakamot si Kian sa batok niya.
Itinuloy ni Mang Zander ang pagsasalita. "Kian, anak. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Nag-iisang dalaga ko 'yan. Sana huwag mong saktan."
Umahon sa pagkakaupo si Kian at nilapitan si Mang Zander para yakapin.
"Gagawin ko po ang lahat wag lang siyang masaktan, Tit—"
"Papa. Papa Zander," pagtatama ni Mang Zander kay Kian.
Ngumiti si Kian. "Opo, Papa Zander." Muli silang nagyakapan.
***
Nang matapos ang pagbibigay ng speech ay dumako na sa pagsasayaw.
Naunang isinayaw ni Kian ang kaniyang inang si Patricia para sa Mother-Son dance.
Nang makapangalahati ang tugtog ay pinalitan naman sila nina Mang Zander at ni Kathryn para sa Father-Daughter dance.
Daddy, Dance With Me by Krystal Keith
Daddy dance with me.
I want you to see the woman I've become.
"Papa, natatakot ako."
Hinaplos ni Mang Zander ang buhok ni Kathryn.
"Natatakot saan, anak?"
Tumingin si Kathryn sa kaniyang ama. "Natatakot ako, Papa. Nasanay na po akong kasama kayo nina Mama buong buhay ko... pero simula ngayon kailangan ko nang mawalay sa inyo. Natatakot akong mag-fail as a wife and as a person kasi nasanay akong nakadepende sa inyo."
Daddy don't let go
I want you to know I'll always need your love.
Today, I became his wife
But I'll be your baby girl...
You gave me faith, you gave me life.
You trusted me to live it right.
And now you give your blessing on his love and mine.
Daddy dance with me.
Nginitian siya ng kaniyang ama.
"Anak, ito lang ang maipapayo ko sa iyo. As long as you do everything with love, everything will follow. You can never be a perfect mother, wife, and daughter dahil walang taong perpekto. Kung gagawin mo ang lahat nang may kasamang pag-ibig, hindi mo mamamalayan na magiging madali na pala sa 'yo para ang lahat."
Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Kathryn. "Salamat po, Papa."
"Matatapos na ang kanta, anak. Oras na para ibigay ko na ang kamay mo sa kaniya."
Sinundan ni Kathryn ang tingin ng kaniyang ama.
I want you to know I'll always need your love.
Today, I became his wife,
But I'll be your baby girl...
For Life.
Nasa likuran na nila si Kian na ngiting-ngiti sa kanilang mag-ama.
Napangiti na rin si Kathryn at sa puntong iyon ay natigil na sila ni Mang Zander sa pagsasayaw.
"Kian, opisyal ko nang ibinibigay ang kamay ng anak ko sa 'yo." Tinapik ni Mang Zander ang balikat ni Kian. "Ikaw na ang bahala sa kaniya mula ngayon."
Sumagot si Kian. "Opo, Papa."
Iniwan na sila ni Mang Zander at sa puntong iyon ay sila na lang dalawa ang nasa dance floor.
Napalitan ang tugtog sa oras na nagsimula nang magsayaw ang mag-asawa.
The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Kumunot ang noo ni Kathryn at nag-obserba.
"Live?"
Lumingon siya sa maliit na bulwagan. Hindi maipinta ang kaniyang mukha nang makita niya kung sino ang kumakanta.
"E-Edwin McCain?"
Tumango-tango si Kian, kita sa mukha niya ang galak dahil sa reaksiyon ng asawa. Nakuha pa kasi ni Kian na imbitahin ang orihinal na kumanta ng I'll Be.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Kathryn sa kaniyang kabiyak.
Nang bandang matatapos na ang kanta ay bumaba si Edwin sa stage at tinungo ang mag-asawa.
"Buddy, I'm gonna give you the chance to sing the last part for her." Iniabot ni Edwin ang mic kay Kian.
Sandali munang kumalas sa pagkakayakap ang dalawa upang bigyan ng pagkakataon si Kian na makakanta.
And I've dropped out, burned up, fought my way back from the dead
Tuned in, turned on, remembered the thing you said
Hinawakan ni Kian ang kamay ni Kathryn at marahang pinisil iyon.
Muli na namang naramdaman ni Kathryn ang pagrarambulan ng kung ano sa kaniyang sikmura.
Tiningnan siya ni Kian sa mga mata na wala namang pag-alinlangan niyang sinalubong.
I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life
I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life
The greatest fan of your life
The greatest fan of your life
Pumalakpak ang mga bisita dahil sa nasaksihan nilang pag-aalay ni Kian ng awit sa kaniyang asawa.
"I love you, my greatest fan."
Naghiyawan sa kilig ang mga tao dahil sa sinabi ni Kian.
"Ihhhh. Enebe!" Hinampas ni Kathryn ang braso ng kabiyak dahilan para mapatawang muli ang mga tao. "I love you more.. Mr. Kian Egan of Westlife."
Kinintalan ni Kian ng halik ang asawa, mabilis lang ngunit punum-puno ng pag-ibig.
***
Matapos ang kainan ay dumako naman sa hagisan ng bulaklak.
Si Mae ang mapalad na nakasalo.
Ang mga lalaki naman ang nagpasahan ng garter.
Akalain mo nga namang si Shane ang napili sa garter?
Panay ang kantyawan nila sa dalawa. Pulang-pula si Mae na noo'y 'di maitsurahan.
***
Natatawang-naiiling lang si Brian habang nakatanaw sa kaibigang si Shane.
Napagdesisyunan niya munang lumabas para magpahangin.
Hindi niya kasi maabala si Nicky na busy na kulitin si Analisa kaya naisipan niyang magsolo na lang sa paghahanap ng chix.
"Ouch!"
Napatingin siya sa harap. May bumangga sa kaniya.
"I-I'm sorry."
Napa-second look si Brian sa dalaga na nakabangga niya.
"Hey, miss?"
Hindi man lang lumingon ito sa tawag niya, bagay na mas nagpapursigi sa kaniya na habulin ang babae.
Ngunit nakaalis na ito at nakalayo na nang konti.
Akma siyang hahakbang para habulin ang babae nang makita niya ang isang cellphone sa sahig. Pinulot niya ito. Mukhang pagmamay-ari ng babae.
May nakaukit sa cellphone case nito.
Christine Joy.
Hindi na nagdalawang-isip pa ay hinabol ni Brian ang dalaga habang dala ang hawak niyang cellphone.
***
Anim na buwan ang nakalipas
"Ma'am, isang malakas na ire pa. Kita ko na ang ulo!"
Hinugot ni Kathryn ang lahat ng hininga niya at ibinigay ang isang malakas na iri.
Mayamaya pa ay isang iyak ng bata ang umalingawngaw sa buong kuwarto.
"Time of birth, 12:34 AM," ani ng doktor.
"Lalaki ang anak ninyo, sir. Ano'ng gusto n'yong ipangalan sa kaniya?"
"Keanu. Keanu Egan." Tumingin si Kian kay Kathryn. "Ayos lang ba, mahal?"
Isang ngiti ang pinakawalan ni Kathryn. "Keanu... napakagandang pangalan."
Hinagkan ni Kian ang noo ng kaniyang kabiyak. Masaya nilang hinaplos ang bagong panganak nilang anak na nakataob sa dibdib ng kaniyang ina.
***
Two years later
Inilibot ni Kathryn ang tingin sa lugar na buhay na saksi sa pag-iibigan nila ni Kian.
Ang Horse Island.
"Nyssa, pasuyo muna ang mga pamangkin mo. Pakidala na sa main house. Maglilibot lang kami ng ate mo."
"Sige, kuya." Bumaling si Nyssa sa kasama. "Bhie, pakisuyo naman si Kian John. Ako na ang aakay kina Keanna at Keanu."
Walang pag-aalinlangang sumagot ang kausap.
"Ikaw pa ba? Lakas mo kaya sa akin, Bhie!" sagot ni Carlos na kasintahan na ni Nyssa. Mag-iisang taon na sila.
Nangingiti lang sina Kian at Kathryn habang tinatanaw sina Nyssa kasama ang kanilang mga anak.
"Bro."
Napalingon sina Kian at Kathryn sa tumawag.
"Uy, uy. Dahan-dahan. Baka madulas ang buntis!" paalala ni Kathryn.
Sa wakas ay nakababa na ng yacht sina Mark at Jem.
Anim na buwan nang buntis si Jem sa panganay nila ni Mark. Lalaki.
"Medyo nahilo ako. Parang anim na oras 'yung labinlimang minutong biyahe!" reklamo ni Jem na noo'y nagpapahid ng butil-butil na pawis sa mukha.
"Ganiyan talaga kapag buntis, love. Masyadong sensitive." Pinahiran ni Mark ng white flower ang ilong ng asawa.
"Oh sige na, pumunta na kayo sa main house nang makapagpahinga na rin si Jem," pagtataboy ni Kathy sa dalawa. Dumiretso na ang mag-asawa sa Main House pagkapaalam sa kanila.
***
Mayamaya pa ay magkahawak-kamay nang nilalakad nina Kian at Kathryn ang sandy beach na noo'y nilakaran nila.
"Mahal, remember the heart-shaped rocks that we've found here?" tanong ni Kathryn.
"Oo naman, why would I forget?"
Umiling-iling si Kathryn at umupo para tumingin sa mabatong kinaroroonan nila.
"I found two heart-shaped rocks again." Pinulot ni Kathryn ang dalawang batong tinutukoy. Ibinulsa niya ang isa at ang isa ay iniabot niya kay Kian.
"Maybe these two stones were there for a reason." Naglalakad na ang dalawa sa lugar kung saan naroon ang guest houses.
"Maybe, this place is really meant to join our hearts again."
"I would agree with you, mahal." Hinawi ni Kian ang buhok na humaharang sa mukha ng asawa.
Nasa tapat na sila ngayon ng isa sa guest house.
"Kaya nga napakaimportante nitong lugar na ito para sa akin.. sa atin." May kinuhang nakarolyong papel si Kian sa loob ng jacket na suot. Iniabot niya iyon kay Kathryn na noo'y puno ng pagtataka.
"K-Kian?"
"This place has a lot of memories. Dito rin natin binuo si Keanu." Napahagikhik si Kathryn dahil sa sinabi ng asawa.
Tiningnan ni Kian ang kaniyang kabiyak. "That is why I decided to buy the whole island for us."
Nagningning ang mga mata ni Kathryn na noo'y dinaluhong ng yakap ang asawa.
"Mahal ko, I'm lost for words!" Pinupog ni Kathryn ng halik ang asawa sa noo, leeg, mga labi, at ilong. "Thank you!"
Labis ang ngiti ni Kian dahil sa panlalambing ng kaniyang asawa.
"Do you like my surprise?"
"So much!"
Umikot si Kian para libutin ng tingin ang buong isla. "We'll create more memories here. Ikaw at ako, kasama sina Keanna, Kian John, at Keannu." Umakbay siya sa asawa.
Ipinulupot ni Kathryn ang kamay sa tiyan ng asawa. "I will surely love that."
Ilang saglit silang nanatili sa ganoong puwesto habang nakatanaw sa asul na dagat sa di-kalayuan.
"Tara, bumalik na tayo sa main house," yakag ni Kian sa asawa.
"Ayoko pa." Nag-pout ng mga labi si Kathryn.
Kumunot ang noo ni Kian. "Ha? Bakit naman, mahal?"
"Maraming tao doon, eh." Kinuha ni Kathryn ang kanang kamay ni Kian. Hinila niya ang asawa papasok sa pinakamalapit na guest house. "Dito muna tayo. Simulan na nating gumawa ng memories." Kinindatan ni Kathryn ang kaniyang asawa.
"Hindi ako tatanggi, mahal!" Pumasok na ang dalawa sabay sara ng pinto ng guest house.
•••
Aminin natin, lahat naman tayo dumaan sa isang punto na katulad din tayo nina Jem at Kathy na minsan ding nangarap na mapansin ng mga iniidolo natin. Itanggi mo man, alam kong naisip mo rin na 'Sana mapasaakin siya', 'Sana maging kami'.
Mahirap. Pero hindi imposible.
Law of attraction lang 'yan, bes.
Tingnan mo sina Jem at Kathryn
Hindi sila nawalan ng pag-asa na mapapansin din sila ng iniidolo nila balang-araw
At nangyari nga! :)
Higit pa nga sa pagpansin, eh.
See?
Ikaw rin?
Malay mo, ikaw naman ang sunod na mapansin ng iniidolo mo.
Don't worry, just like Kathryn and Jem, mangyayari 'yan sa tamang panahon.
Malay mo, totoong kuwento na pala ng buhay mo ang susunod na isulat ko? :))
oOo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro