Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 - Flashback

10 years ago

Makikita si Kathryn na nagbubuklat ng songhits magazine. Nasa bahay siya ng kaniyang bestfriend na si Clarissa.

Bata pa lamang ay mahilig na siya sa musika. Ang pagmememorya ng song lyrics ay nakasanayan na niya.

Ilang songhits na ang napapasadahan niya ng buklat nang may isang pumukaw ng kaniyang atensiyon. Isang songhits magazine na may cover na larawan ng limang binata na mukhang parte ng isang boyband.

"Ang guwapo naman nila! Bet na bet ko talaga 'yung mga boy-next-door ang pormahan. 'Yung white ang complexion, blonde ang hair, at blue ang mga mata!"

Binuklat pa ni Kathryn ang magazine. Sa kalagitnaan ay nandoon ang article tungkol sa bagong tuklas na boyband.

"Ah, Westlife pala ang pangalan ng banda n'yo. Sige, idadagdag ko na kayong lahat sa crush list ko." Napokus ang tingin niya sa dalawang miyembro. "Sino kaya itong may blue eyes at blonde hair? Ang cute naman." Binigyan niya muna ang dalawa ng code names na Mr. Blue Eyes #1 at Mr. Blue Eyes #2.

Walang panahon para hanapin ni Kathryn ang pangalan ng dalawang crush niyang 'yun dahil limitado lang ang paggamit niya ng internet. Nanatiling gano'n lamang ang tawag niya sa dalawa mula noon.

Nakahiligan na rin niya ang pakikinig ng mga kanta ng Westlife. Dahil wala pa siyang pambili ng merch ay nakuntento na muna siya sa pagiging silent fan.

Lumipas ang ilang taon ay hindi pa rin niya alam ang mga pangalan ng miyembro ng Westlife. College na siya nang ma-curious siya sa pangalan ng mga binata kaya sinimulan na niya ang pagri-research.

Si Nicky Byrne pala si Mr. Blue Eyes #1.

Ah, eto pala si Shane Filan. Then eto naman si Brian Mcfadden at Mark Feehily.

At eto naman si Kian Egan, ang Mr. Blue Eyes #2 ko.

Si Nicky talaga ang unang naging crush ni Kathryn sa Westlife, pangalawa lang si Kian kaya siya ang Mr. Blue Eyes #2.

***

Isang araw, may nakita siyang isang Facebook post. May tanong itong "Sino ang bias mo sa Westlife?"

Tiningnan niya ang mga komento ng naturang post at nakita niya na panay Shane, Mark, at Brian ang sagot. May mangilan-ngilang sumagot ng Nicky. Ang sumagot ng Kian ay iilan lamang.

Bakit kaya kokonti lang ang sumagot ng name ni Kian?

S-in-earch niya ang pictures ni Kian sa Google.


Pogi naman si Kian, ah. Siya nga 'yung ikalawang pumukaw ng atensiyon ko nang una kong makita ang Westlife. Bakit ayaw ng fans sa kaniya?

Hindi niya namalayan na ang saglit sanang pagtingin-tingin niya sa solo pictures ni Kian ay naging kalahating oras... isang oras.. hanggang sa naging limang oras. Panay download na rin niya ng pictures nito hanggang sa halos mapuno na ang gallery niya.

Noon niya na-realize na unti-unti na pala siyang nahuhulog kay Kian. Ang ngiti nitong nakapanghihina ay nagdudulot ng mahinang kuryente na dumadaloy patungo sa puso niya. Nang dahil sa mga asul nitong mata na kasing asul ng dagat, mga titig na nangungusap, sa mga labi nitong nagsasabing 'dampian mo ng mga labi mo ang mga labi ko' ay nalaman niyang si Kian ang ideal man niya. At habang tumatagal ay lalo pang lumalala ang nararamdaman niyang iyon.

Mula noon ay araw-araw na si Kian ang laging laman ng kaniyang isipan. 'Yung tipong iisipin ng mga tao na nababaliw na siya dahil ngumingiti siya nang mag-isa. Sa tuwing manonood siya ng Westlife videos, nakatutok lang ang mga mata niya kay Kian. Bawat focus ng camera rito ay hindi niya mapigilang tumili at kiligin.

Hanggang isang araw, napasali siya sa isang Facebook group ng Westlife fans o Lifers kung tawagin. Nakakilala siya ng maraming tao na nakaiintindi sa nararamdaman niyang kabaliwan. Doon nga niya nakilala sina Analisa, Mae, at Jem na tulad niyang fan na fan ng lads. Lahat sila ay may kani-kaniyang bias sa Westlife kaya sila ay madali niyang nakapalagayan ng loob. Tinawag nila ang isa't isa na Westlife Wives dahil sila raw ang wives ng lads sa sarili nilang mundo.

Ang kabaliwan ni Kathryn kay Kian ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagbo-boyfriend. Kasi nga gusto niya, si Kian lang. Si Kian lang kasi ang bukambibig ng puso at isip niya. Kung ang mga tao e nagsasawa na sa kaki-Kian niya, siya ay wala talagang kasawaan.

Isang araw, nabalitaan niyang nagde-date sina Kian Egan at Jodi Albert hanggang sa maging sila na nga. Halos gumuho ang mundo ni Kathryn at mahigit isang linggo rin siyang nagmukmok sa kuwarto.

Natauhan na lang siya isang araw. Sinabi niya sa sarili na hindi siya dapat makaramdam ng pagkasawi dahil kung mahal niya si Kian ay dapat din niyang mahalin ang mga taong mahal nito.

Mahalin mo lang nang totoo si Kian Egan, magiging okay na ako, Jodi. I cannot hate the woman that is special to my love. Please take care of him. ani Kathryn habang nakatingin sa larawan nina Kian at Jodi.

***

Kasalukuyan

Nagsimula na ang European leg ng world tour. Kahit mga taga-Pilipinas ay nakatutok sa bawat concert sa pamamagitan ng live stream.

"Ibang-iba 'yung pagkanta nila ngayong magkakasama na sila, 'no? Halatang na-miss nila ang isa't isa," wika ni Mae.

Nasa condo sila ni Kathryn ngayon habang nanonood ng concert ng Westlife sa London Stadium.

"I agree," pagsang-ayon ni Jem. "Parang naging mas alive sila sa pagpe-perform."

Nang si Nicky na ang ipakita sa camera ay nagpakawala sila ng nakabibinging tili. Pagdating sa binata ay magkasundong-magkakasundo sila.

"Ang guwapo mo talaga, Nicky!" sigaw ni Jem na niyugyog nang malakas ang mga balikat ni Mae. Parang 'di naman iyon alintana ng dalaga dahil nakikipalirit din siya.

"Anakan mo 'ko, Nicky!" Napahagikhik si Analisa pagkasabi niya noon.

Kunwa'y tumayo si Kathryn. "Teka, ima-max level ko na 'yung aircon. Biglang uminit 'yung paligid, eh." Nagtawanan silang lima.

"Mark!" Napuno ng pamumula ang pisngi ni Jem nang ipakita sa camera ang pinipintuho niya sa grupo.

"Ang fresh naman ng asawa ko!" Halos mabutas na ang throw pillow na may mukha ni Shane kayayapos ni Mae.

Muling napatili si Kathryn nang i-focus si Kian sa camera. "Hala, ang pogi!" Tumakbo siya palapit sa TV para kintalan ng halik sa pisngi ang crush.

Ngunit nang siya ay makalapit ay mukha na ni Brian ang naka-focus kaya imbes na si Kian ang mahalikan niya ay si Brian ang nagawaran niya noon.

Labis na panunukso naman ng mga kaibigan ang napala niya. Mula kasi nang mag-concert si Brian dito sa Pinas ay bukambibig na rin niya ito lalo pa nga at makailang beses siyang pinansin ng binata noong solo concert nito.

Sinaway niya ang mga kaibigan.

"Tumigil nga kayo. Kay Kian lang ako kakalampag!" Humalukipkip siya sabay upo sa sofa.

"Kakalampag talaga?" tawang-tawa naman si Jem nang marinig niya ang sinabi ni Kathryn.

****

One year ago

"Brian, notice me please!" Halos mapatid ang litid ni Kathryn sa pagsigaw. Nasa producer's seat siya o pinakaunahang upuan sa concert venue.

Kahit man lang dito sa concert, eh, may pumansin sa aking Westlife member, ayos na ako roon. Parang nakatabi ko na rin si Kian 'pag nahawakan ko si Brian.

Inipon ni Kathryn ang lahat ng hangin sa dibdib sabay sumigaw ng "Brian, I love you!"

Hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.

"I love you too!" mabilis na tugon ni Brian habang nakatuon ang tingin sa puwesto ng mga dalaga.

"S-Sinabihan niya ako ng 'I love you too'? Totoo ba 'to?" Bumaling si Kathryn kay Jem na katabi niya. "Pakisampal nga ako, bakla!"

Wala pang tatlong segundo ay dumapo na ang isang kamay ni Jem sa pinsgi niya.

"Aw. Ba't mo ako sinapak?" Hinaplos ni Kathryn ang pisnging dinampian ng kamay ng kaibigan.

Pinagtaasan siya ni Jem ng kilay. "Loka-loka! Sabi mo sapakin kita?"

Napakamot na lang ang dalaga sa ulo.

Pagkatapos ng concert ay meet & greet naman. Now, it is her turn.

"Hi, crazy!" bati ni Brian kay Kathryn.

At mula noon ay bukambibig na rin ni Kathryn si Brian. Pero alam pa rin niya sa sarili niya na si Kian pa rin talaga ang isinisigaw ng puso niya.

Kian, sana ma-meet din kita soon tulad nito!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro