Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 77 - Starting Over Again

Hinugot ni Kathryn ang lahat ng kaniyang lakas para lang makalabas nang mabilis sa CR ng mall.

Matagumpay siyang nakarating sa kaniyang mag-aama na noo'y kumakain ng ice cream na binili sa katabing Dairy Queen stall.

"Umalis na tayo. Bilisan natin."

"Bakit?" Natataranta na rin si Kian dahil sa ikinikilos ni Kathryn.

"B-Basta."

"Ma'am! Ma'am!"

Napalingon sila sa tumatawag. Kunot-noo itong hinarap ni Kathryn.

"Nahulog n'yo po itong wallet sa CR."

Tiningnan ni Kathryn ang maintenance staff na humabol sa kaniya. Dumiretso ang tingin niya sa suot nitong sapatos na black laced shoes. "S-Salamat."

Ito lang pala ang nakita niya kanina. Akala niya ay kung sino na.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya.

Maayos na nagpaalam ang maintenance staff. Ngayon ay sina Kian, Kathryn, Kian John, at Keanna na lamang ang natira.

"Ano ba ang nangyayari?" usisa ni Kian.

"W-Wala. Pagod lang ako."

"Ipagpabukas na lang natin ang pagbalik sa inyo. Mag-check in muna tayo sa isang hotel."

Agad na pumayag si Kathryn lalo pa at nakikita niya na namumungay na rin ang mga mata ng kanilang mga anak.

Sinimulan na nila ang paglalakad palabas ng mall.

Samantala, lumitaw mula sa isang fastfood chain ang isang tao. Mataman nitong sinundan ng tingin ang pamilya ni Kian habang palayo.

Bilang na ang maliligayang araw ninyo.

***

"Saan tayo?" tanong ni Kian. Napatingin si Kathryn sa isang building na malapit lamang sa Festival Mall.

VIVERE

Nagkatinginan ang dalawa pagkabasa ng naglalakihang letrang iyon. Tila ba parehas sila ng naiisip.

Isang ngiting nakaloloko ang pinakawalan ni Kian.

Agad namang umiwas ng tingin si Kathryn. Dinig pa niya ang mahinang pagtawa ng binata.

Binuksan niya ang cellphone para maghanap ng nearby hotels.

Kahit saan, 'wag lang sa Vivere.

"Bellevue Hotel."

Tumango si Kian. Pinasibad na niya ang sasakyan patungo sa hotel na sinabi ni Kathryn.

***

Maayos nang naihiga nina Kathryn ang dalawang kambal sa isang king-size bed. Himbing na himbing ang mga bata, wari nila ay napagod ang mga ito sa maghapon nilang pagliliwaliw sa mall.

Sandali munang lumabas si Kian para um-order ng makakain sa baba. Si Kathryn naman ay pumasok sa banyo para mag-shower.

Sampung minuto ang itinagal niya sa paliligo. Nang makatapos ay nagbihis na siya ng extrang damit na dala.

Katatapos lang niyang ipagtimpla ng gatas ang mga bata. Nilagyan niya ng unan sa magkabilang side ang mga ito para hindi malaglag.

Matapos siguruhing mahimbing na ang tulog ng dalawa ay umakyat muna siya sa rooftop. Magpapahangin lang.

Nasa pinakataas ng building 'yung room na nakuha nila. Mayroong hagdan na direktang nagkokonekta sa balcony patungo sa rooftop kaya kung magising man ang kaniyang mga anak ay maririnig pa rin niya.

Nilibang ni Kathryn ang sarili sa pagtingin sa view sa baba. Medyo marami pang sasakyan ang nasa kalsada dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi.

Tumingala siya sa kalangitan. Kitang-kita niya ang mga bituing nagniningning at ang bilog na buwan na napakaliwanag.

Biglang umihip ang malamig na hanging panggabi. Dahil manipis lamang ang kaniyang damit ay sumusuot ang lamig na iyon sa kaniyang kalamnan at buto. Hindi niya naiwasang mapahalukipkip para kahit papaano ay mabawasan ang lamig na bumalot sa kaniyang katawan.

"Here, wear my jacket."

Napalingon si Kathryn sa nagsalita.

"Kian..."

"Malamig na ngayon, dapat hindi ka na nagpapahamog."

Hinayaan lamang niya si Kian na isuot sa kaniya ang jacket.

May iniabot ang binata sa kaniya na isang lata ng Heineken Beer. Walang alinlangan niya iyong kinuha at binuksan.

"Cheers," alok ni Kian sabay kampay sa beer na hawak.

Walang pagtutol iyong tinugunan ni Kathryn.

Sabay silang tumingin sa Vivere Hotel sa 'di kalayuan. Walang ibang namagitan sa kanila kung hindi ang katahimikan.

Mula sa kanilang kinatatayuan ay tinatanaw nila ang Nest Dining in the Sky sa hotel na iyon. Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila ay bahagya pa nilang naririnig ang pagtugtog ng biyolin na nagmumula roon.

Tinungga ni Kathryn ang beer. Naubos niya iyon ng isang tunggaan lang.

Without hesitation, Kian handed her another can of beer.

Akma iyong bubuksan ni Kathryn nang mapatigil siya. Pinaningkitan niya ng mga mata ang katabi.

"Kung inaakala mo na malalasing mo ako, puwes nagkakamali ka. Kung may binabalak ka man, huwag mo nang ituloy."

Kian chuckled a bit. He slowly leans towards her and looked her straight in the eyes. With a husky voice, he told her,

"Gaano ka kasiguro na may binabalak nga ako?" His eyes crinkled at the corner.

She gave him a scornful look as she grabbed the can from Kian's hands.

Sa puntong iyon ay naalala niya ang lahat ng mga nangyari mula umpisa. In just few moments e nai-summarize niya ang lahat ng nangyari sa loob ng apat na taon.

She engulped the remaining beer from the can na para bang makapapawi ito ng lahat ng hindi magandang alaala at pangit na nangyari sa buhay niya.

As she was about to intake the last drops of the beer, she felt that she's about to throw up.

Nabitiwan niya ang hawak na lata ng beer. Hinawakan niya ang leeg bilang paghahanda sa kaniyang pagsuka.

Kathryn can't take it anymore so she leans forward to spew. Halos lahat ng beer na nainom niya ay naisuka niya.

Tarantang hinagod ni Kian ang likod ng kasama. "A-Are you okay?"

Napatigil si Kathryn at napatitig sa sahig. Mayamaya ay pinahid niya ang bibig gamit ang likod ng kaniyang palad.

Dahan-dahan niyang hinarap si Kian. Binigyan niya ng mahihinang suntok ang dibdib nito.

"Mukha ba akong okay ha? Mukha ba akong okay?"

Hinayaan lang ni Kian si Kathy. Gusto man niyang aluin ito ay hindi niya magawa. Natuod lang siya sa kaniyang kinatatayuan.

Muling nagpatuloy ang dalaga. "Itinago ko ang mga bata sa 'yo sa loob ng ilang taon at sa ibang tao mo pa nalaman. Tapos magkikita tayo pero wala man lang akong narinig mula sa 'yo." Sa pagkakataong iyon ay tiningala niya ang lalaki. "Kian, ilang araw akong binabagabag ng konsensya ko."

Pansamantala munang tumigil ang dalaga para bumiwelo. Sunod-sunod ang paghinga niya.

"Nang malaman mong may anak tayo, I was expecting you to shout at me, hurt me but you chose to shrug your shoulders. Kian, bakit? Bakit nagagawa mong umakto ng normal kahit napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa 'yo?"

Nagsimula nang lumabo ang paningin ni Kathryn, tanda ng nagbabadyang mga luha.

Kinuha niya ang kamay ni Kian para aktong isampal sa mukha niya.

"Hurt me, Kian. Hurt me!"

"Tama na!" Hinawakan ni Kian ang mga kamay ni Kathryn. Nagpumilit pa ring kumawala ang dalaga na kaniya namang napagtagumpayan.

"Hurt m—"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Kathy dahil naramdaman na lang niya ang malambot na mga labi ni Kian na sumakop sa kaniyang mga labi.

Nanlambot ang katawan ng dalaga. Ang mga luhang nagbabadya sa mga mata niya ay tuluyan nang dumaloy sa kaniyang pisngi. Sunod-sunod iyon na tila ba naipon iyon sa loob ng matagal na panahon.

Para bang nabingi siya ng mga oras na iyon. Ang tunog ng biyolin na nanggagaling sa karatig na hotel ay nawala. Ang ugong ng sasakyan sa kalsada ay 'di na niya marinig pa.

Ang tangi lang niyang naririnig sa mga oras na iyon ay ang malakas na pintig ng kanilang mga puso. Mga pusong sabik na sabik sa isa't isa.

"The only time that I will hurt you again is when we'll have another sex on the bed." He beamed a naughty smile.

"Fuck you, Kian. I'm serious!" She's torn between smirking and frowning.

"Tahan na." Kian pulled a hanky from his pocket. It's the same hanky with the same design that he's been using for ages. He used that to dry Kathy's tears.

"Oo na." He heaved a deep sigh then faced her again.

"Aaminin ko, nagalit talaga ako noong una. I want to confront you right away. Gusto kong sumuntok ng pader sa oras na nalaman ko iyon. Sino ba namang matutuwa na malaman na nagkaanak ka pala nang wala kang kaalam-alam? Though I'm fully aware na wala akong sinayang ni isang... ano... alam mo na when we did it there..." Lumingon si Kian sa Vivere Hotel.

Iniiwas ni Kathryn ang tingin sa hiya. Kian held up her chin again para muli silang magkaharap.

"But Jodi already explained everything. You have a justifiable reason why you opted to hide our children despite of us, knowing the fact that we already love each other."

"You thought na ikaw ang sumira sa amin ni Jodi, which in fact hindi naman. My relationship with her is already on the rocks bago pa tayo magkatagpo." Kian held her hand and pressed her palms.

"Kung meron mang dapat sisihin dito, ako 'yun. Kasi, I took advantage of your feelings. Na dahil alam kong gusto mo ako kaya madali na kitang mapapaibig."

"But I want you to know, that my feelings for you is true. I really love you and I became aware of that mula noong nasa Amanpulo tayo." He sighed. "But I didn't act up as a man. Para akong namamangka sa dalawang ilog. Hindi ko kasi muna tinapos kung ano ang namagitan sa amin ni Jodi bago simulan ang bagong kabanata kasama ka. Kaya ang naging resulta, dalawa kayo na nasaktan ko at sa huli, ikaw ang nagparaya."

A tear came out from Kian's right eye.

"Kaya hindi ko rin magawang magalit sa 'yo 'cause between the two of us, it's you who did a lot of sacrifices. It's you who took up the burden of being hurt habang ako... habang ako nagpapakasaya sa piling ng iba."

"As you know, hindi rin kami nagkatuluyan ni Jodi. I tried to fix our relationship pero wala na talaga, eh. Then Sonia came. Hindi na kita hinanap. Akala ko kasi, masaya ka na rin kaya nag-move on na ako. Pero ang totoo pala ay araw-araw kang nagdurusa."

He grabbed Kathryn and hugged her. He can't take it anymore so he sobbed on her shoulders.

"I'm so sorry."

"Shh... It's okay, it's okay." Kathryn faces Kian and wipes the tears running down his face using her thumb.

"Patawarin mo rin ako, Kian. Marami rin akong pagkukulang at maling desisyon na ginawa sa buhay. I should've fought for you a long time ago para masaya na sana tayo pero wala akong ginawa. B-But, let us forget the past. Let's start again. Kasama ka, kasama sina Kian John at Keanna."

"Yes, we should." He gave her a forehead kiss and a hug. "From the day I laid my eyes on you, walang araw na hindi kita inisip at inalala. I'm willing to lower down my ego just to not let you go."

"Thank you, mahal."

They hug for a minute as if they never hugged like that before.

"Halika na sa loob, mahal. I will hurt you just like what you requested earlier." Lumapit si Kian sa tainga ng nobya. "I will hurt you so bad until you scream in pain and pleasure."

"Sira ka! May mga bata, oh."

They laughed as they went back inside their hotel room.

***

Everything went well mula nang araw na iyon sa pagitan nina Kathryn at Kian. Ang dating kulay itim at kulay-abong mundo nila ay napintahan na ng iba't ibang kulay.

Kian and the lads spent another week  in the Philippines. Matapos noon ay lumipad silang muli pabalik sa Ireland para tumugon sa engagements na naka-line up sa kanila. Isinabay na nila sa paglipad si Mae na tapos na rin ang pagbabakasyon sa Pilipinas.

***

Two weeks later

Nasa garden si Kathryn habang pinanonood ang kaniyang mga anak na naghahabulan.

Habang nakaupo siya ay kausap niya through video call ang nobyo.

"Mahal, miss ko na kayo ng mga bata."

"Miss na miss ka na rin nila, mahal."

"Nila lang?" He pouted his lips from the other line.

"Syempre ako rin. Two weeks na tayong hindi nagkikita 'no?"

"Wag kang mag-alala, malapit na naming matapos ang commitments namin. Agad-agad akong lilipad papunta riyan pagkatapos. Can't wait to cuddle you on the bed."

Pinangmulagatan siya ni Kathryn ng mga mata.

"Napakaano mo talaga!" Inismiran niya ang nobyo.

Tawa lang nang tawa si Kian sa kabilang linya. Gustong-gusto niya kasing asarin ang nobya. Aaminin niya, miss na rin niya 'yung ginawa nila sa Vivere Hotel at Horse Island pero for some reasons e ayaw pang pumayag muli ni Kathy. Malungkot man siya pero he highly respects his girlfriend's decision. Ayaw pa sigurong masundan ng nobya ang mga anak lalo pa at nagsisimula pa lang silang bumawi sa kambal.

Isang tawag mula sa gate ang umagaw sa atensiyon ni Kathy.

"Miss Kathryn Alexandria Rodriguez, may delivery po kayo."

"Huh? Delivery?" Bumaling si Kathryn sa nobyo. "Sandali lang, mahal." Tumayo siya sa upuan pagkakuha ng permiso mula sa nobyo.

"Kanino po galing?"

"Kay Miss Chinkee Hernandez po."

Lumiwanag ang mukha ni Kathryn nang mapagtanto kung sino ang nagpadala noon. Bumalik na muli siya para ituloy ang pakikipag-video call kay Kian.

'What's that, mahal?"

"Invitation para sa nalalapit na anniversary ng Westlife PH Fan group." Inalis niya ang balot na may nakatatak na pangalan ng courier. "Galing sa president ng fan group namin."

Marahang tumango si Kian. "Kailan 'yun?"

"Next Saturday, mahal."

He arched his eyebrows and put his thumb and index finger under his chin, as if he is thinking about something.

Lumiwanag ang mukha ni Kathryn. May naisip siyang isang napakagandang ideya.

"Mahal, puwede ko ba kayong mahingan ng message para sa anniversary ng fan group namin? I'm sure, my co-lifers will be happy about it!"

Isang malaking ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Kian.

"Sure! I'll tell the lads about this. Ikaw pa ba, malakas ka sa akin, eh." Kinindatan niya ang nobya.

She giggled. "Oh, sige na. Maghanda ka na. May rehearsal pa kayo 'di ba? I love you."

"I love you more."

"Kian John, Keanna! Say bye to Daddy. He's going to work na."

"Bye bye, Daddy!"

"Bye bye, mga anak!"

Matapos ang video call ay pumasok na si Kathryn at ang kaniyang kambal sa loob ng bahay.

Hindi pa niya lubusang naisasara ang pinto nang may muling tumawag mula sa gate ng kanilang bahay.

Sina Analisa at Jem.

"Bakla!"

Labis ang tuwa ni Kathryn habang sinasalubong ang mga kaibigan.

"Mga bakla ng dekada!" Nagyakapan silang tatlo na para bang ilang taong 'di nagkita. Naging busy rin kasi ang dalawa nitong mga nakaraang linggo. Si Analisa ay sa kaniyang grocery store na pagmamay-ari at si Jem naman ay abala sa another guesting sa ASAP. Naging matunog ang pangalan ng huli lalo pa nang isapubliko nila ni Mark ang kanilang relasyon.

Tanging si Kathryn at ang kambal lang ang tao sa bahay dahil nasa labas ang ibang kasama niya.

"Siguro alam mo na rin 'yung tungkol sa upcoming anniversary 'no?" tanong ni Jem.

"Yup. I just received a letter from Ms. Chinkee a while ago." Naglagay si Kathryn ng ilang piraso ng ube-cheese pandesal sa pinggan at nagtimpla siya ng isang pitsel ng malamig na pineapple juice. "Pupunta tayo ha?"

"Of course!"

"Si Veniece kaya?"

Kumibit-balikat si Kathryn. "I'm not sure. But don't you worry. Kung pupunta man siya, paniguradong behave na 'yun. Malaki na ang pinagbago ni Veniece. And possibly, she'll be an Egan soon."

Nagkatinginan sina Jem at Analisa.

"What do you mean?"

"Nagkakamabutihan sila ni Colm. Nakakatuwa nga, eh." Inilapag niya ang pinggan at pitsel sa center table. "Pero 'wag n'yo munang seryosohin 'yung she'll be an Egan soon. Advance lang akong mag-isip. But I know, anytime soon e doon din ang tuloy noon." Napahagikhik siya.

"Akalain mo nga naman. Dati mong karibal e magiging agom pa ng tugang ng nobyo mo," saad ni Analisa.

"Nagsasalitang-alien ka na naman. Ano'ng tugang? Ano'ng agom?" tanong ni Jem.

"Gaga! Salitang Bikol 'yan. Tugang means kapatid. Agom means asawa." paliwanag ni Analisa.

"Ang lutong naman no'ng gaga. Ouch!" Humawak si Jem sa dibdib na kunwaring nasasaktan.

"Di ka na nasanay. Hahaha."

Itinuloy na nila ang pagkain habang nagkukuwentuhan.

Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na sina Aling Adel at Mang Zander na kagagaling lang sa mall. Sinalubong agad sila ng kanilang mga apo na agad nagmano sa kanila.

"Magandang hapon po," magkasabay na bati nina Jem at Analisa.

"Oh Jem, Analisa. Nand'yan pala kayo. Tamang-tama, may dala kaming pizza," wika ni Mang Zander. Pepperoni Pizza iyon na agad namang binuksan ng dalawa. Sumamyo ang amoy nito sa paligid. Hindi iyon nakaligtas kay Kathryn.

Nakaramdam ng pagkahilo si Kathryn. Para bang umikot ang kaniyang tiyan sa naamoy. Ilang saglit pa ay tumakbo siya patungong sink para dumuwal.

Inilabas niya ang lahat ng kinain mula umaga pero patuloy pa rin siya sa pagsuka hanggang sa mapait na ang lumalabas sa kaniyang bibig.

Sinundan siya ng mga nag-aalalang kaibigan at mga magulang.

Nang mahimasmasan ay pinahid niya ang bibig gamit ang laylayan ng damit.

Nagkatinginan sina Analisa at Jem. Matapos noon ay bumaling ang dalawa sa mga magulang ni Kathryn na may malalim ding iniisip. Sabay-sabay silang tumingin kay Kathryn.

"Naulit na ito dati, ah?" ani Analisa

Wala nang nagawa si Kathryn kung hindi kagatin lamang ang ibabang labi at mapatingin sa mga magulang na kakamot-kamot lang ng ulo.

Makalipas ang isang oras ay nasa sala sila ng lahat. Hawak ni Kathryn ang isang pregnancy kit.

Kabado ang lahat habang naghihintay ng resulta. Napasigaw sila nang makita nila ang dalawang pulang gumuhit mula roon.

'It'a confirmed. Baby number three is on the way!" bulalas ni Jem.

Nagpalakpakan ang lahat pati na rin ang mga magulang ni Kathryn na botong-boto kay Kian.

"Ma, Pa." Tumingin si Kathryn sa kaniyang mga magulang. Matapos no'n ay bumaling naman siya sa mga kaibigan. "Jem, Analisa."

Napatigil ang pagbubunyi nila nang tawagin sila ni Kathryn. Ramdam nila ang lungkot at pag-aalala sa boses nito. Mataman siyang tinitigan ng kaniyang mga tinawag. Lahat sila ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.

"Kung maaari, huwag ninyong ipaalam kay Kian ang tungkol dito." Yumuko si Kathryn at hinimas pa ang tiyan.

Napatayo si Analisa na nakatikom pa ang kamao.

"Bakit? Ano? Itatago mo ulit ang mga bata at lalayuan mo ulit si Kian? Hahanapin ka niya at hihintayin sa cafe pero 'di ka magpapakita? Tapos lilipad siya pabalik sa Ireland? Matatauhan ka lang kung kailan may girlfriend na siya tapo— aray!"

Hinimas ni Analisa ang brasong pinukpok ni Kathryn ng magazine na nakarolyo. "Aray! Ang sakit naman, bakla!"

"Sira ka talaga. Hindi ako lalayo 'no? Kaya ayokong ipasabi kay Kian ang tungkol dito e sosorpresahin ko siya. Baby reveal ganoon. Masyado kang advance mag-isip." She rolled her eyes towards Analisa.

"Ay, ganoon ba?" Nag-peace sign ang dalaga. Pagkatapos noon ay napatawa ang lahat.

Hindi rin naman masisisi ni Kathryn si Analisa dahil isa ito sa mga nakasaksi sa mga nangyari sa buhay niya, sa buhay nila ni Kian at ng kaniyang mga kambal.

***

Maggagabi na nang magpaalam sina Jem at Analisa. Gusto pa man nilang mag-usap pa nang mas matagal ay hindi puwede kasi may tatapusin pa silang gawa. Ilang araw na lang din naman ang hihintayin nila at magkikita-kita silang muli sa anniversary ng kanilang fan group.

Inihatid pa nina Kathryn at ng mga kambal ang dalawa hanggang sa gate. Dagli rin naman silang pumasok dahil mahamog na.

***

Isang misteryosong tao ang nakamasid mula sa likod ng puno malapit sa bahay ni Kathryn. Dahan-dahan nitong ibinaba ang binoculars na gamit para magmanman.

Kaawa-awang mga bata, maagang mawawalan ng ina.

Umiling-iling ito at saka isinuot na ang tinted shades. Unti-unti na siyang naglakad papalayo. Tumutunog ang mga dahong naaapakan ng suot niyang black laced shoes. Patawa-tawa pa ito na tila ba nawawala sa katinuan.

Sino kaya ang misteryosong taong ito?

Abangan ang nalalapit na wakas ng...

I'll Be (The Greatest Fan of Your Life)

•••

Author's Notes:

Iniaalay ko po ito sa lahat ng readers ko na nag-suhestiyon ng pagkakaroon ng baby number 3 nina Kathy at Kian. Sa pagkakatanda ko, tatlo silang nag-suggest noon so here it is guys. Para sa inyo itong chapter na ito. :)

Kilig na kilig ako sa rooftop scene nina Kathy at Kian. 🙈 Sana all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro