Chapter 75 - Ang Panunuyo
Kathryn's POV
Nakasakay na kami nina mama sa kotse. Halong excitement at kaba ang nararamdaman ko dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama-sama kaming... pamilya?
Pamilya?
Pamilya na nga ba kaming matatawag gayong wala pa kaming pormal na usapan?
Ngunit hindi iyon imposible lalo pa at malaya na kaming dalawa ni Kian.
Pero bakit parang may kulang?
Bakit may kailangan kaming linawin muna at dapat pag-usapan?
He sounds like he's okay.
He never brings up the topic of me, hiding our kids for a couple of years.
Bakit parang wala lang sa kaniya?
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang matunghayan kong nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay. Nakita ko si papa na binuksan ito para maigarahe ko na ang kotse.
Mayamaya pa ay itinigil ko na ang sasakyan at bumaba na kami. Iniluwa ng pinto ng bahay si Kian habang buhat-buhat niya si Keanna.
Bumitiw sa pagkakahawak ko si Kian John para sumalubong sa dalawa. Walang alinlangan na binuhat siya ni Kian nang walang kahirap-hirap.
Kitang-kita ko ang labis na saya sa mukha ni Kian gayundin sa mukha ng mga bata.
Ang sarap nilang titigan.
Hindi ko namalayan na may luha na palang bumabagtas sa aking pisngi sa sobrang galak.
"Kathy, come here," narinig ko na lang na sinabi ni Kian. Hindi ako nagdalawang-isip. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila para yumakap.
Iniangat ko ang mukha ko at nakita ko na pati si Kian ay umiiyak na rin na mas lalong nagpakislot ng aking puso. Magkahalong saya at guilt ang aking nararamdaman. Guilt sapagkat kinakain na naman ako ng aking konsensya. Na ang ama ng aking mga anak na handa namang magpakaama ay aking pinagdamutan at pinagkaitan ng karapatan na tugunan ang kaniyang obligasyon.
"Mommy, Daddy, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Kian John na nakabusangot na.
"Did you fight, Mommy? Daddy?" May nagbabadya ng luha sa mga matang sabi ni Keanna.
Nagkatinginan kami ni Kian at napatawa nang medyo alanganin. Bumaling kami sa dalawa at kinausap sila.
"No, baby. These are tears of joy. M-Masaya kami ng daddy n'yo..." Napasulyap muli ako kay Kian bago ko ituloy ang sasabihin ko. "...kasi kumpleto at buo na tayo."
May bikig sa lalamunan ko nang nasabi ko iyon.
"Tama si mommy. Mula ngayon, hindi na tayo magkakawalay pa," segunda ni Kian.
Pumintig nang malakas ang puso ko nang sabihin niya iyon.
"At 'yan nga po, guys. Nasaksihan natin ngayon ang pagtatagpo muli ng pamilya ng ate ko. Akala n'yo, sa teleserye lang nangyayari ang taguan ng anak? Mali kayo dahil nangyari rin 'yan sa pamilya ni ate. So hanggang sa muli guys, subaybayan ninyo ako sa next vlog ko. This is your favorite vlogger, Kristoffer Rodriguez, signing o— aray!"
Binato ko ng sapatos na may takong ang kapatid ko at saka pinamaywangan.
"Hoy, sino ang nagsabi sa 'yong mag-vlog ka ha?"
"Naman si ate, eh. Ang KJ." Napakamot si Kristoffer sa kaniyang batok. "Tanungin mo si Kuya Kian."
Bumaling ako kay Kian na noo'y nakangirit tanda na may kinalaman ito sa pakana ng kapatid ko.
Humugot na lang ako ng malalim na paghinga. "Pumasok na tayo. Baka mabinat pa si Kian John."
Pumasok na kaming apat habang akay namin ni Kian ang dalawang kambal.
***
Jem's POV
Gulong-gulo na ang isip ko. Wala akong maisip na ibang puntahan kung hindi ang bahay ng aking mga magulang sa Aklan.
Nasabi ko na sa mga magulang ko na mayroon akong malaking hinampo kay Mark pero hindi ko na idinetalye pa ang nangyari. Inirespeto naman nila 'yun.
Kanina pa akong madaling-araw nakarating. Alas dos na ng hapon pero hindi pa ako kumakain. Gusto ko lang magtalukbong ng kumot buong maghapon.
Sa tingin ko ay tuyot na ang aking mga mata at wala na akong mailuluha pa. Paulit-ulit sa utak ko ang senaryo na aking nasaksihan kagabi.
Ang sakit. Napakasakit.
Sa puntong ito ay kinuwestiyon ko na ang sarili ko kung totoo ba talaga akong minahal ni Mark.
Ni minsan hindi ko siya pinagdudahan.
Dahil sa tuwing kasama ko siya ay kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata.
Mark, bakit?
May mga luha na namang nagbabadya sa aking mga mata.
Medyo napatawa ako kasi akala ko ubos na ubos na ang luha ko.
Meron pa palang natitira.
"Ate..."
Napalingon ako sa pinto. Ang kapatid kong si Josie ang naroon.
Pumasok siya agad habang may dala-dalang tray ng pagkain.
"Kumain ka na raw sabi nina nanay. Kagabi pa walang laman ang sikmura mo."
"Sige. Kakain ako. Pakipatong na lang d'yan. Hayaan mo muna akong mapag-isa."
"Sige, ate."
Lumabas naman kaagad ang kapatid ko pagkapaalam niya sa akin.
Wala talaga akong kagana-ganang kumain.
Tumungo pa rin ako sa may table at tiningnan ang pagkain.
Half rice, menudo, at saka chopsuey na may pugo.
Napatuon ang pansin ko sa pugo. Nag-flashback sa akin 'yung time na unang beses kong isinama si Mark sa sidewalk. Pinakain ko siya ng little eggs coated with orange flour, in short 'kwek kwek' na kaniyang nagustuhan.
Napangiti ako ngunit agad din iyong nawala nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Bumalik ako sa kama at humiga in a fetal position.
Nasa ganoon akong kalagayan nang marinig kong muli ang kapatid kong si Josie.
"Ate! Si Kuya Mark, nasa labas ng bahay!"
"H-Ha?"
"Ayaw pumasok hangga't hindi raw ikaw ang nagpapapasok."
Tinungo ko ang bintana ng aking kuwarto na nakapinid. Bahagya ko iyong binuksan para silipin si Mark. Totoo nga ang sinabi ng aking kapatid. Nandoon nga siya habang may hawak na chocolates at isang bouquet ng blue hyacinth. Hyacinth flowers are often given to someone you've wronged to – to ask forgiveness.
He's here to say sorry?
Gustong-gusto ko na siyang labasin sa puntong iyon ngunit mas nangingibabaw ang hinampo ko.
Masakit man sa akin na tiisin siya pero ginawa ko.
Nasasaktan pa rin ako.
Bumaba si Josie pero umakyat din siya dala-dala na ang chocolates at bulaklak na kanina ay hawak ni Mark.
"Ate, silipin mo si Kuya Mark."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Josie. Nakita ko si Mark na nakaluhod at nakayuko sa kalsada. Sa puntong iyon ay mayroong cartolina paper na nakabalandra sa kalsada na may nakasulat na "JEM, I'M SORRY. PLEASE FORGIVE ME."
My heart crumpled into pieces nang makita siyang ganoon.
Mayamaya pa ay may mga pumapatak sa cartolina na noong una ay napagkamalan kong mga luha niya. Ngunit ilang saglit pa ay sunod-sunod na ang pagpatak noon na nagpabasa sa buong cartolina.
Umuulan na pala.
Sa puntong iyon ay nagtatalo ang puso at isipan ko kung pupuntahan ko na ba siya.
Mayamaya pa ay nakita kong may lumabas na nakapayong mula sa bahay. Si tatay pala iyon at sinundo si Mark.
Sa una ay ayaw pa ring magpatinag ni Mark. Pansin kong medyo nagagalit na si tatay at hiningi na ang tulong ng kapatid kong si Raymond. Mayamaya pa ay pinagtulungan na nilang ipinasok si Mark na nakaaktong nakaluhod pa rin at ayaw talagang tumayo.
Bumagsak na naman ang luha sa mga mata ko. Halong awa kay Mark at sa sarili ko ang namamayagpag sa dibdib ko. Bumalik na lang ako sa kama at humagulgol nang humagulgol doon.
Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko sa pinto. Mabibigat ang pagkatok na iyon na sinabayan pa ng pagalit na boses ng aking tatay.
"Jemelyn, buksan mo ang pinto!"
Matagal na rin mula nang marinig ko ang pagalit na boses na ni tatay. Ngayon na lang ulit. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto.
Bumungad siya sa akin na salubong ang kilay.
"Wala ka bang balak kausapin iyong tao?"
Umiling ako. Nakita ko sa mukha ni tatay na medyo gumaan ang kaniyang aura.
"Sige, anak. Kausapin mo na lang siya 'pag handa ka na." Ginulo ni tatay ang buhok ko at ako ay kaniyang iniwan.
Sumapit ang gabi at nanatili pa rin akong nakakulong sa kuwarto. Sumubo na rin ako ng kaunting kanin at ulam dahil medyo nakaramdam na rin ako ng gutom kanina.
Mayamaya ang narinig ko ang mahihinang pagkatok sa pinto. Alam kong si Josie iyon kaya hindi ko na nilingon.
"Pasok."
Narinig ko ang langitngit ng pinto at ang pag-lock noon.
"Love."
Agad akong lumingon nang mapagtanto kong hindi si Josie ang nasa loob ng kuwarto ko.
Si Mark.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Napaupo na ako at sumandal sa may headrest ng kama.
"Hinahatiran ka ng pagkain. Kanina ka pa raw hindi kumakain, eh."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ipinatong niya ang tray ng pagkain sa side table.
"Love."
"Wag mo akong lapitan, Mark." Binigyan ko siya ng matalim na titig.
"Let me explain."
"Nakita ko na ang dapat kong makita. There's no need for you to explain." Nagtagis ang aking bagang pagkasabi ko noon.
"Mali ka ng iniisi—"
"Mali? Mali ba ang nakita ko na naghahalikan kayo ni Cailean?" Bahagyang tumaas ang boses ko pero sinisigurado ko na hindi ito maririnig sa labas.
"Mark, tanggap naman kita kung bakla ka pa rin, eh. Ang gusto ko lang, umamin ka. Handa naman akong pakawalan ka... kahit masakit! Kahit masakit na gusto mo siyang balikan, gagawin ko para sa kaligayahan mo!" Namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Pero ikaw ang kaligayahan ko. Hindi na rin ako bakla. Lalaking-lalaki na ako at dahil 'yun sa 'yo." Nakatitig si Mark sa akin habang sinasabi niya iyon.
"Then prove it." Hindi ko alam ang naisip ko at bigla ko na lang siyang sinunggaban ng halik.
Umuulan pa rin sa labas na sinasabayan ng kulog at kidlat. Malamig ang paligid dahil sa hangin na kasabay nito.
I never did this before pero gusto kong patunayan kay Mark na mas higit ako kay Cailean. That I am a better kisser than his ex.
"Jem.. please.. don't."
"Just let me, Mark. I'm better than Cailean. I can kiss you better than him."
Itinulak ko si Mark at napahiga na siya sa kama. My insistent mouth is trying to part his shaking lips. And my hands? I just found those travelling down his chest.
"Stop it, Jem."
Napaupo si Mark habang nakahawak sa dalawa kong braso. Ngayon ay nakatitig na siya nang seryoso sa akin.
I smirked at him.
"Hindi mo magawa 'no? Bakit? Dahil totoong bakla ka pa rin?"
Mark clenched his jaw then shook his head. "No, Jem."
"Tama ako, ’di ba? Bakla ka pa rin kaya ayaw mong ituloy it—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siniil na ako ni Mark ng isang halik. In an instant, I found myself underneath him habang binibigyan niya ako ng mapupusok na halik.
Nakita ko na lang ang sarili ko na sumasagot sa mga halik na iyon.
Willing akong ibigay sa 'yo, Mark ang aking iningatan huwag ka lang mawala. Akin ka lang.
Naglakbay ang halik niya sa leeg ko, sa tainga, at bumalik muli sa aking bibig. Ang kaniyang mga kamay na may panginginig ay nagsisimula nang maglakbay sa ilalim ng aking suot na t-shirt ngunit bago pa niya marating ang aking pinakatago-tago roon ay naramdaman ko na lang na binawi ni Mark ang kamay niya. Sa puntong iyon ay itinigil na rin namin ang pagpapalitan namin ng halik. Parehas naming hinahabol ang aming paghinga.
"This should stop." Nakayuko si Mark nang sabihin niya iyon.
"W-Why?"
"I vowed to myself that I have to protect and preserve you 'til marriage." He looked at me with sincerity. "I can't do this, love."
He gave me a peck of kiss on my forehead.
"If I can't get your forgiveness now, it is okay. I am willing to wait for that day that you'll completely forgive me."
Tumayo na si Mark sa kama matapos noon.
"I can prove to you that I am straight but not by this way. I respect you too much to go beyond that."
Pumunta siya sa pinto at bago isara iyon ay nilingon niya ako.
"Don't forget to finish your dinner. I prepared that. Good night. I love you." Matapos iyon ay isinara na ni Mark ang pinto at naiwan akong nakatulala.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyong bagay na iyon.
Dahil sa desperasyon na mapatunayan kung lalaki na nga ba talaga si Mark ay muntik ko nang maibigay ang bagay na matagal ko nang iningatan.
Napasapo ako sa aking noo.
Bumalik sa aking gunita ang bawat katagang sinabi ni Mark kanina. Lahat ay tumimo sa akin lalo na nang sabihin niya na nirerespeto niya ako.
Napangiti ako dahil doon.
Tumayo na ako sa kama at mayamaya ay magana kong in-enjoy na kainin ang pagkaing inihatid ni Mark.
Tapos na akong kumain nang napansin ko na may flashdrive sa ilalim ng tray. Nagtataka man ay isinaksak ko iyon sa laptop. Bumungad sa akin ang isang CCTV footage.
Kuha iyon kagabi at alam kong sa Vivere Hotel iyon.
Mataman ko iyong pinanood. Pinakikita roon ang pag-uusap nina Cailean at Mark.
Bagaman hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan ay kita ko ang pagtataka at gulat sa mukha ng boyfriend ko. Na naaalibadbaran siya sa presensiya ni Cailean.
Halata rin sa kaniya na hindi niya inaasahan ang paghalik sa kaniya ni Cailean. Sakto naman noon ay ang pagdating ko.
Kitang-kita ko pa ang mukha ko. Natawa pa ako kasi para akong nanonood ng teleserye. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa footage.
Nang mawala ako sa eksena ay nakita ko kung paano sinuntok ni Mark si Cailean. Halata sa kilos niya ang galit dahil mayamaya ay binugbog na niya ang ex niya.
Napatakip ako sa aking bibig dahil ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Mark.
Doon ko napatunayan na hindi talaga ginusto ni Mark ang nangyari kaya lalong luminaw sa akin ang lahat.
Nagpakalalaki na talaga si Mark. Walang duda.
Sa puntong iyon ay 'di ko na napigilan ang kiligin. Parang malapit na akong mag-enroll sa Marupok Society.
Magpapabebe muna ako nang kaunti.
Pagkatunaw ng kinain ko ay humimlay na ako sa kama nang may ngiti sa aking mga labi.
***
Kathryn's POV
Mabilis na lumipas ang maghapon.
Alas otso na ng gabi pero hyper na hyper pa rin sina Kian John at Keanna. Nalinisan ko na sila at nakasuot na sila ngayon ng pantulog.
"Tulog na kayo, mga anak. Bukas ng umaga, pupunta tayo sa mall," pangako ko sa mga bata.
"Mall? Yehey!" Nagtitinalon ang mga anak ko dahil sa narinig.
Binuhat ko na si Keanna at binuhat naman ni Kian si Kian John. Bubuksan na sana namin ang kuwarto nila nang pigilan ako ni Kian John.
"Mommy, tatabi ako sa 'yo."
"Mommy, ako rin po," paglalambing naman ni Keanna.
"Makakatanggi ba naman ako sa mga anak ko?" Pinuntahan namin ang kuwarto ko instead. Malaki naman ang kama ko at kasyang-kasya kami rito.
Naihiga na namin ang mga bata. Akmang aalis si Kian nang magsalita si Kian John.
"Daddy, tabi rin ikaw sa 'min."
Bumaling si Kian sa puwesto namin sabay tingin sa akin.
"Yan ay kung okay lang sa mommy n'yo."
"Mommy? Tabi natin si Daddy please?" may lambing sa tinig na sabi ng kambal namin.
"Kung 'di ko lang kayo love, eh." Sumenyas ako kay Kian na lumapit sa kama.
Magkakatabi na kaming apat. Mula sa kanang dulo ay si Kian, Kian John, Keanna, at ako.
Hinalikan namin ang pisngi ng mga bata bilang goodnight kiss. Akma kong papatayin ang ilaw nang magsalita si Keanna.
"Mommy, walang kiss si daddy?"
Napatingin ako kay Kian na noo'y nakangiti nang nakaloloko.
"Oh, kiss daw, mahal?"
Mahal. Kay sarap pakinggan.
Bahagya akong tumuon para lumapit kay Kian. Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa pisngi. Ikinatuwa iyon ng labis nina Kian John at Keanna.
"Yieeeh. Love love sina mommy at daddy!" bulalas ni Kian John.
"Good night, mga anak."
"Good night, Mommy. Good night, Daddy."
Pinatay ko na ang ilaw para makatulog na kami. Maaga pa kaming gigising para mamasyal.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang magsalita si Kian.
"Good night, Kathy."
"Good night, Kian."
Isang katahimikan ang lumukob sa aming kuwarto at tuluyan na kaming natulog.
***
Bahagya pa ring umuulan sa labas at namatay na nga ang ilaw sa kuwarto ni Kathryn.
Samantala, mayroong isang anino sa kabilang kalsada na nakamasid. Halata sa mga mata nito ang pagpupuyos at galit habang nakatingin sa bahay ni Kathryn.
Hindi pa ako tapos. Maghihiganti ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro