Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 72 - You're My Blood

Nang mawala sa paningin ni Jodi ang cab na sinasakyan ni Kathryn ay nilingon naman niya ang direksiyon ng Lenox Hill Hospital.

Kailangan mo nang malaman ang lahat, Kian bago pa mahuli ang lahat.

Mahal kita at ayokong masayang ang pagsasakripisyo ko kung mapupunta ka lang sa maling tao.

Hindi ko maitatangging mayroon pa akong nadaramdaman sa 'yo ngunit alam ko sa sarili ko na it is a kind of feeling that is not worth fighting for.

I will not fight for you anymore. Makita ko lang na masaya ka sa tamang tao para sa iyo, mapapanatag na ako.

At hindi ako iyon.

O si Sonia.

Kundi ang babaeng simpleng fan mo noon

Na ina ng mga anak mo ngayon.

Si Kathryn.

Tumalilis si Jodi sa restaurant na kanina ay kanilang kinainan. Nagmadali niyang tinungo ang parking lot kung nasaan ang kaniyang sasakyan.

Binuksan niya ang compartment ng kotse at isa-isa niyang inalis ang mga gamit doon. May kailangan siyang kuhanin na napakaimportanteng bagay.

Nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita niya ang isang brown na envelope na naglalaman ng ilang dokumento. Sandali niya itong binuksan para kumpirmahin kung naroon nga ang kailangan.

Tumango-tango siya at muling isinilid ang mga papeles sa loob at saka niya pinatakbo ang sasakyan patungo sa Lenox Hill Hospital.

***

Naimpit na ang pagdurugo ni Sonia ngunit hindi pa nagtatapos ang lahat. Kanina ay isinailalim siya sa isang ultrasound. Napapailing ang ulo ng kaniyang doktor habang tinitingnan ang loob ng kaniyang sinapupunan.

"Doc, what's happening?"

"We still need to verify what it is, Ms. Williams. For now, we can transfer you in a private room while waiting for the results," sagot ng kaniyang attending gynecologist na si Dr. Morgan. Kaagad itong lumisan para pumunta naman sa ibang pasyente.

Itinulak ni Kian sa Room 201 ang wheel chair ng dating kasintahan at inalalayan pa niya ito sa paghiga sa hospital bed.

"S-Salamat, hon."

"Sonia, ang lahat ng ito ay ginagawa ko lang para sa bata, tandaan mo 'yan."

"Alam ko. Ang mahalaga, nandito ka lang. Sa akin ka lang. Bubuo tayo ng pamilya. Ikaw, ako, at ang bata sa sinapupunan ko." Sinapo ni Sonia ang dalawang kamay ni Kian at dinala ang mga ito sa kaniyang tiyan.

Kian smirked. Inalis niya ang mga kamay sa tiyan ng dalaga. Tumayo siya at nagpalakad-lakad. Halata sa kaniya na 'di mapakali.

Sa tuwing naaalala niya ang bata ay bumabalik sa kaniyang balintataw ang larawan ng babaeng tangi niyang minamahal, ang larawan ng babaeng gusto niyang magluwal ng kaniyang mga supling, ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay, ang babae na pinaasa at pinaghintay niya sa Dublin Airport.

Umupo muna siya sa isang upuan na nakatalikod kay Sonia. Nakaramdam siya ng pag-init sa paligid ng kaniyang mata habang nakasapo ang mga kamay niya sa mukha.

Mahal na mahal kita, Kathy. Sorry... sobrang hirap, mahal. Kung alam mo lang. Kung puwede lang piliin ko kayo parehas ng bata, sana ay nagawa ko na!

Naikuyumos niya ang mga palad sa kaniyang mukha. Naiinis siya. Naiinis siya kay Sonia, sa sitwasyon, lalo at higit sa sarili niya.

Kung hindi lang sana siya pumayag sa set up nila ni Sonia sa pagiging magkasintahan noong una pa lang at kung mas nag-focus na lang siya sa paghahanap kay Kathryn na bigla na lang nawala, hindi sana magiging ganito kakumplikado ang lahat.

Lugmok na lugmok siya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyayari sa kanila ngayon. Wala siyang nagawa kung hindi ang masabunot na lamang ang sariling buhok sa labis na frustration.

Nasa ganoon siyang ayos nang bulabugin sila ng pagbukas ng pinto. Kaagad siyang nag-angat ng tingin at laking gulat niya nang makita niya si Jodi, ang dati niyang kasintahan. Mayroon itong kasama na isang lalaking black American na noon pa lang niya nakita.

Napakunot ang noo ni Kian.

"S-Sino ang nagbigay ng permiso sa inyo na pumasok sa kuwarto ko?"

Napalingon sila sa nagsalita.

Si Sonia.

Bakas sa mukha nito ang nerbiyos dahil sa bahagya nitong panginginig.

"Ù-Umalis na kayo!"

"Enough with your lies, Sonia. I'm here to spill the truth." Jodi smirked as she playfully looks at her antagonist.

Nakipagtitigan si Jodi kay Sonia. Hindi kinaya ng huli ang ibig pakahulugan ng mga titig ni Jodi kaya siya na ang unang umiwas.

Dahan-dahang lumapit si Jodi sa hospital bed ni Sonia. Idinantay niya ang kamay sa buhok ng dalaga. Dagli naman iyong iwinaksi ni Sonia.

"Keep your hands off of me!"

"As you wish dear." Pagak na tumawa si Jodi. Hinarap niya si Kian.

"Do you really believe that you're the father of her child?"

"Yes, he is the father of my child. Our child!" pakli ni Sonia.

"Hindi kita tinatanong, Sonia. Manahimik ka!"

Lumapit si Jodi sa noo'y naguguluhan na si Kian. "Oh, ngayon hindi ka makasagot? Hindi ka rin sigurado 'di ba?"

"I am the father of Sonia's child. We've been dating for quite a while while both of you are still together," saad ni Brandon.

"No, you're not. It's Kian's!" asik ni Sonia.

"Yes I am, babe," paggiit ni Brandon.

"Patunay? Heto, Kian. Nasa brown na envelope na 'yan ang mga larawan nina Sonia at Brandon habang iniiputan ka niyang babaeng 'yan sa ulo. It came directly from Brandon's Instagram account," wika ni Jodi. Kaagad namang kinuha iyon ni Kian at isa-isang tiningnan ang mga larawan.

Tahimik lamang niyang binabasa ang mga iyon hanggang sa maliwanagan na siya.

Walang emosyon ang mababakas sa mukha niya. Malamang, kung ibang lalaki ang nasa sitwasyon niya ay baka nagwawala na siya ngayon.

Pero iba siya.

Bahagyang nalukot ni Kian ang huling dokumento na hawak niya na naglalaman ng paternity test ni Brandon sa dinadala ni Sonia. The document states that Brandon's DNA has 99.71% accuracy to what Sonia is currently bearing.

Inilapag ni Kian ang envelope sa may paanan ni Sonia. Nakatungo lang siya at mayamaya pa ay nakakuyom na ang kaniyang mga palad. Pulang-pula na ang kaniyang mukha at matalim niyang tinitigan si Sonia.

"Totoo ba ito?"

"H-Hon."

"Wag mo akong matawag-tawag na hon. Sagutin mo ang tanong ko. Totoo ba ang mga nakalagay rito?"

Yumuko lang si Sonia at humikbi.

"Hindi ko akalain na pinapapaikot mo lang pala ang ulo ko." He sighed heavily. "Alam mo bang iniwan ko 'yung girlfriend ko sa Dublin Airport sa buong pag-aakala na akin 'yang dinadala mo? Na mas pinili ko ang batang iyan dahil sabi mo, kapag hindi ko kayo pinili ng bata ay ipalalaglag mo ito?"

Nagulat sina Jodi at Brandon sa narinig.

"What the fvck, bro? Did Sonia really say that?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Brandon.

"Dude, I guess you have to talk to her privately regarding this matter. I'mma head out before I lose my patience with this woman." Binalingan ni Kian ng tingin ang dating nobyang si Sonia na noo'y nagugulumihanan.

"Kian? Hon? Please don't leave me. I need you!" pagmamakaawa ni Sonia.

Tila walang narinig si Kian dahil dire-diretso pa rin siya sa pinto na kasunod si Jodi.

Akma siyang lalabas nang biglang pumihit ang seradura ng pinto at pumasok doon si Dr. Morgan.

"The result has been released." Bumaling siya ng tingin sa mga tao sa loob na hudyat na kompidensyal na impormasyon ang kaniyang dala-dala. Tumingin ito kay Jodi. Nakaramdam ang dalaga kaya nauna na itong lumabas. Naiwan sina Kian at Brandon sa loob.

"Ms. Williams, I regretfully inform you that your pregnancy cannot continue." Napatingin si Sonia sa doktora.

"W-What do you mean, doc?"

"We found out that you are having extrauterine pregnancy or most commonly known as ectopic pregnancy. With that circumstance, the egg is fertilized outside the uterus. In your case, the baby is hatched in your left fallopian tube so it has no chance to survive." Tumitig ang doktor kay Sonia. "You need to undergo laparoscopic as soon as possible to avoid further complications."

"B-But, doc? I want to save my baby!"

"I'm sorry, Ms. Williams. There is nothing that we can do," saad ni Dr. Morgan at lumabas na rin siya agad ng kuwarto ni Sonia.

Halo ang awa at poot ni Kian sa kaniyang mukha. Bumaling siya sa lalaking kakikilala lamang. "I am sorry for your loss, dude."

Tumango-tango lang ang kausap.

Ipinihit na ni Kian ang seradura ng pinto at tuluyan nang lumabas.

"Kian!" Panay hagulgol at panlulumo ni Sonia ang tanging bumalot sa loob ng kuwarto niya sa sandaling lumisan si Kian.

Hindi pa tayo tapos. Akin ka lang, Kian. Akin ka lang!

Saint Luke's Medical Center
Quezon City

Hangos sina Jem, Analisa, at Mae sa ospital kung saan isinugod ang kanilang inaanak. Kasunod din nila ang lads na noo'y alalang-alala rin sa kalagayan ng anak ng kanilang kaibigan.

"Tita Adel!"

"Jem!" Sinalubong ni Adel ng yakap ang kaibigan ng anak. Ganoon din ang ginawa niya kina Analisa at Mae na kasama ng dalaga.

"Tita, kumusta na po ang inaanak namin?"

Bumuntong-hininga muna si Aling Adel bago sumagot. "Heto, buong maghapong nilagnat. Akala namin ay simpleng sinat lang hanggang sa hindi na siya hinihignawan. Nabahala rin kami sa pamamantal niya kaya hindi na kami nagdalawang-isip na isugod siya sa ospital." Tiningnan ni Aling Adel ang apong natutulog sa hospital bed. "Dengue ang findings ng doktor at pababa nang pababa ang platelet count niya kaya kinailangan ng blood transfusion." May pag-alala sa mukha ng ginang nang sabihin niya iyon.

"Tita, willing po kaming mag-donate ng dugo," saad ni Analisa.

"Salamat."

"Kami rin po," sabi ni Nicky at tinukoy ang mga kasama niyang lads.

"Oh, may mga kasama pala kayo," pagtukoy ni Aling Adel sa Westlife lads.

Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa ginang.

"Kaawaan kayo ng Diyos. Kilalang-kilala ko na kayo. Ay paano e tadtad ng larawan ninyo ang kuwarto ng anak ko." Napatawa ang ginang. "Teka, parang kulang kayo?"

Nagkatinginan ang magkakaibigang dalaga pati na rin ang lads.

Tumango-tango si Aling Adel nang matanto kung sino ang kulang. Nagkaroon ng kabigatan ang atmospera sa kapaligiran.

"Nanay."

Napukaw ang pansin nila nang may marinig silang matinis na boses.

"Kian John!"

Nilapitan nila ang bata.

"Nanay, gusto ko kita si Mommy," ani ng bata na namumungay ang mga mata.

"Malapit na si Mommy mo, apo. Hintayin mo lang ha? Parating na 'yon." Hinagkan ni Aling Adel ang ulo ng kaniyang apo. "Si daddy, gusto ko rin kita si daddy."

"A-Apo," tanging nasabi ni Aling Adel. May bumara sa kaniyang lalamunan nang sabihin niya iyon.

Lumapit si Brian at umupo malapit sa kinaroroonan ng bata. "Baby Kian John, eto si daddy oh." Ipinakita ng binata ang dalawang minutong clip na ipinapakita si Kian habang naggigitara.

Nagliwanag ang mukha ng bata nang magisnan ang nasa video. "Daddy! Daddy!"

Tuwang-tuwa ang lads sa naging reaksiyon ng bata.

Nakiupo na rin ang ibang lads para libangin si Kian John habang ipinapakita ang ibang video clips ng kanilang kaibigan.

"Parating na po si Kathryn, tita."

"Mabuti kung gano'n." Nakagat nito ang ibabang labi. "Mabuti at may supply ng dugo sa blood bank. Ang ikinakabahala ko ay hindi ganoon kadali na makakuha lalo pa at rare ang blood type ng apo ko. Paano na lamang 'pag kailangang muli niya ng dugo?" Lumaglag ang mga balikat ng ginang pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Huwag po kayong mag-alala, tita. Gagawin namin ang lahat para makatulong."

"Salamat."

***

Akmang sasakay si Kian sa kotse nang may matanaw siya sa 'di-kalayuan. Si Jodi iyon.

Nang mapansin ng dalaga na nakita na siya ni Kian ay lumapit na siya sa binata. "Coffee?"

Tango lamang ang isinagot ni Kian at mayamaya nga ay nasa Starbucks Cafe na sila malapit sa Lenox Hill Hospital.

Tahimik lamang na umiinom ng in-order na kape nina Kian at Jodi.

Tumikhim si Kian para basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanila.

"So nandito ka na pala sa New York?"

Jodi nodded. "Pinursigi ko na 'yung pangarap kong maging model and guess what? Nakatrabaho ko pa si Sonia." Tumawa siya nang mahina. "What a small world."

"Oh, really?"

Tumango si Jodi. "Mukhang hindi masyadong makuwento ang babaeng iyon sa 'yo ah."

Tiinitigan lang siya ni Kian sabay higop sa tangan nitong kape.

"Let us forget about that crazy ex of yours. Hindi ako nandito para makipag-ayos sa 'yo o muling ibalik ang dati nating pagtitinginan. Tapos na kung ano man ang meron tayo, Kian." Bahagya niyang inayos ang kaniyang buhok bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I am here to clear my conscience. I want peace of mind."

Ibinaba ni Kian ang tasa ng kapeng hawak. "What do you mean?"

May kinuha si Jodi sa handbag niya. Isa na naman itong brown envelope.

Napakunot ang noo ni Kian. Kinuha na lamang niya iyon.

Bumungad sa kaniya ang ilang larawan nila ni Kathryn na kinuhanan sa Amanpulo.

"Nang sunduin kita sa Pilipinas apat na taon na ang nakaraan, hindi nalingid sa aking kaalaman ang namagitan sa inyo ng fan na nasa picture." Umayos ng upo si Jodi. "Selos na selos ako ng mga panahong iyan kaya I hired a private detective para alamin ang katauhan niya."

"Y-You did that?"

Tumango lamang si Jodi. "Alam mo bang alam ko kung bakit hindi ka niya sinipot sa cafe noong gusto mong makipagkita sa kaniya?"

Ibinaling ni Kian ang mukha sa kausap. Halatang interesado siya sa sasabihin nito.

"Nilayuan ka niya para sa akin. She wanted herself to be out of the picture in our relationship so she kept her distance from us. Remember, I have cancer that time."

Napalunok ng laway si Kian nang marinig niya iyon.

"She stow away without knowing na nagdadalantao pala siya." Sinalikop muna ni Jodi ang kaniyang mga kamay bago ituloy ang sasabihin. "Sa mga anak ninyong dalawa."

"A-Ano? Anak? Naming dalawa?" Napahawak si Kian sa kaniyang sentido at minasahe iyon. Para bang may sumabog na anong litid sa puso niya nang marinig ang sinabi ng dating kasintahan.

May kinuhang muli si Jodi na tatlong larawan mula sa handbag. Kinuha agad iyon ni Kian at pinagmasdan. Sa unang larawan ay kita ang dalawang sanggol na katabi ni Kathryn. Ang isa pang larawan ay nang ipagdiwang ng mga bata ang ikaunang taong gulang ng mga ito habang may banner sa likod na nakasulat ang 'Happy birthday Kian John & Keanna'.

"Their names are Kian John France and Keanna Joann Franchs." May ibinigay na copy ng birth certificate si Jodi. "Here." Inabot ni Kian ang dokumentong iyon. Tiningnan niya ang birthday ng kambal. February 08. Saktong siyam na buwan matapos ang naganap sa kanila ni Kathryn sa Vivere Hotel. Sa lugar kung saan nila unang pinagsaluhan ang kanilang pagmamahalan.

"Malaki ang alas niya laban sa akin noon. Both of you have kids, tayo wala. Pero hindi niya ginamit ang mga bata para kuhanin ka sa akin. Bagkus, mas pinili niyang magparaya... para sa kaligayahan ko." Napatungo si Jodi nang muli niyang maalala ang pangyayari ilang taon na ang nakalilipas. "Pinili niyang magparaya dahil sa tingin niya, nasira niya ang relasyon nating dalawa nang pumasok siya sa eksena kaya para makabawi, nagpakalayo-layo na lang siya kahit ang kapalit noon ay lumaking walang ama ang kaniyang mga anak."

Napakuyom ng palad si Kian. Ngayon, nauunawaan na niya na ang tinutukoy ni Kathryn sa phone call nila kamakailan lamang. Malinaw na ang tinutukoy ni Kathryn ay ang sitwasyon nila mismong dalawa.

Tiningnan niya ang larawan ng dalawang bata at pinagmasdan.

"Hawig na hawig mo sila, Kian. Kuhang-kuha nila lalo na ang kulay ng mga mata at buhok mo."

Hindi namalayan ni Kian na napapangiti siya habang pinagmamasdan ang larawan ng dalawang bata na anak niya. Instant daddy na siya.

"And I haven't told you yet. Nagkita kami ni Kathy kani-kanina lamang."

"A-Ano?"

Sinundan ako ni Kathy?

Humigop muna si Jodi ng kape bago sumagot.

Tumango-tango siya. "Sinundan ka niya rito sa New York para hanapin ka. Kaso lang, nang makita ka niya, e kasama mo naman si Sonia. That is the exact time when I saw her down on her knees. I witnessed the pain she's feeling that time."

"But.. it's okay now. Mas nauna pang malaman ni Kathy na hindi ninyo anak ni Sonia ang ipinagbubuntis ng huli kaya wala ka nang dapat ipag-alala."

Lumiwanag ang mukha ni Kian at unti-unting nawala ang pangungunot ng noo niya.

"Pero..."

"Pero ano?" takang tanong ni Kian.

"You have to be in a hurry. As we were having a chitchat earlier, she received a phone call. Your son's life is in danger kaya nagmamadali siyang umalis kanina."

"Ano?"

"Kailangan mo nang sumunod sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Huwag ka nang magsayang ng oras, Kian."

Gulong-gulo ang utak ni Kian. Hindi pa niya lubos na mapaniwalaan ang mga katotohanang nalaman niya. Pero ang tangi niyang alam, kailangan na niyang pumunta sa Pilipinas ngayon din.

Nanatili lamang siyang nakatulala nang kuhanin ni Jodi ang pansin niya.

"You have to go now. Kian John needs you."

In a snap of a finger ay bumalik na sa wisyo si Kian.

"T-Tama ka. Jodi, I really have to go." Lumapit si Kian at binigyan ng mabilis na beso ang dalaga. "I couldn't thank you enough. Basta, maraming-maraming salamat." Kita sa mukha ng binata ang sinseridad.

"Sige na, umalis ka na. Baka maabutan mo pa siya sa airport. Mag-iingat ka."

Tumango si Kian. "Salamat, Jodi. Maraming salamat sa lahat." Tuluyan nang nilisan ng binata ang Starbuck's para umalis.

Tinanaw ni Jodi si Kian hanggang sa makalayo na ito. Nagisnan na lamang niya ang sarili niya na unti-unting napapalis ang ngiti sa mga labi.

Hinawakan niya ang pisnging nadampian ng halik ni Kian at hindi niya namalayang nadadaluyan na pala ito ng patak ng mga luha.

Genuine love is when you love someone so much, all you want for them is to be happy even if that happiness means that you have to watch them love someone else.

Paalam Kian, sana maging masaya ka na.

Saint Luke's Medical Center
Quezon City

Kararating lang ni Kathryn mula sa biyahe at dumiretso na siya sa ospital. Kinakausap ng doktor ang kaniyang ina nang madatnan niya ito.

"Mama."

"Anak!"

Nagmano si Kathryn sa kaniyang ina at pagkatapos ay hinarap na niya ang doktor.

"Kumusta po ang lagay ng anak ko?"

"Tatapatin ko na kayo, Ms. Rodriguez. Kailangang mag-undergo ng anak n'yo sa Prophylactic platelet transfusion. He is bleeding at para mapigilan natin ang hemorrhagic complications ay kailangan na siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon."

"Doc, gawin ninyo ang lahat sa abot ng iyong makakaya. Kailangan po ng dugo? Puwede po ako mag-donate. Parang awa n'yo na, doc."

"Miss, O- ang blood type ng anak ninyo. Sa taong may O- lang siya puwedeng makahingi ng dugo," pahayag ng doktor.

"B- ang dugo ko, doc. Paano kaya ito?"

"Wala na tayong oras, miss. Coordinating with the blood bank may take some time lalo pa at may mga nakapila na nanghihingi rin ng dugo." Ibinulsa ng doktor ang dalawa nitong kamay. "Nasaan ang ama ni Kian John? Posible na magka-match ang dugo nila. Pwedeng siya na lang ang donor ng anak ninyo."

"Pero, doc. Wala po ka—"

Hindi na naituloy ni Kathryn ang sasabihin niya dahil may nagsalita.

"Ako. Ako ang ama ng pasyente, doc. Parehas kami ng blood type. O- ako."

Sabay-sabay na napalingon ang doktor, si Aling Adel, at si Kathryn sa nagsalita.

"K-Kian?"

•••

Author's notes:

Wala akong masabi. Napapakanta na lang ako ng "And now, the end is near..." 😭🎵🎶

FYI, 'yung birthday nina Kian John at Keanna na ginamit ko rito sa story ay 'yung araw na sinimulan ko itong isulat which is February 08, 2020. 😄😅

So ayun, haha. Paabangan na lang po ang mga susunod na kabanata. 😍🥰 Thank you sa pagsubaybay! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro